KAHIT na nahihilo ay sinubukan ni Zoe na pigilan ang dalawa sa pagsusuntukan."Tinutulungan o sinasamantala mo ang kahinaan ni Zoe? Hindi ako tanga at pinanganak kahapon lang, Hayden. Huwag mo akong paikuting gago ka!" galit na sigaw ni Dylan at susubukan na naman nitong suntukin ang binate nang hilahin ni Zoe ang laylayan ng damit niya."Masiyadong marumi ang isip mo, Dylan! Wala akong plano sa kaibigan mo kung ganoon ang nasa isip mo!" sigaw pabalik ni Hayden kay Dylan na nanggagalaiti."Fuck you and shut up!" Dinuro ni Dylan si Hayden. Hindi naman makapagtimpi si Hayden at anytime ay gusto niya nang sapakin si Dylan.Hindi agad naka-react si Dylan nang yakapin siya ni Zoe nang mahigpit mula sa likuran. Nag-alala na siya para sa dalawa at ayaw niyang lalong mag-initan sina Hayden at Dylan dahil alam niyang magkaibigan din ang mga ito. Alam niyang may pinagsamahan ang dalawa at ayaw niya 'yon masira dahil lang sa kaniya."Dylan, please! Walang ginawa sa akin si Hayden. Huwag mainit a
ISANG buwang tulala at lumuluha si Zoe. Siguro sapat na iyon para naman magpakalayo-layo at ituloy ang buhay niya. Hindi man siya sanay na malayo sa mga taong mahal niya, pero kailangan niya nang sanayin ang sarili. Hindi ganoon kadali na mag-stay kung alam niyang walang taong gustong tumanggap sa kaniya."Hindi na ba kita mapipigilan, Zoe?" bungad na tanong ni Abby habang nakatingin sa kaniyang anak na nag-iimpake ng mga gamit. Napabuntong hininga naman ang dalaga at napatigil sa ginagawa. Hinarap niya ang kaniyang nanay at pilit na ngumiti."Sorry, Mom," mahinang sabi ni Zoe. Tumingala siya para pigilan ang muling pagtulo ng luha niya. Lumapit naman si Abby sa kaniya at hinaplos ang likuran nito. Nang ibalik ni Zoe ang tingin sa kaniyang nanay ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. "Sorry po kung iiwan kitang mag-isa. Kailangan ko lang pong umalis dahil naaawa na ako sa sarili ko.""Naiintindihan naman kita, Zoe. Mahirap talagang magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin pabal
LUMIPAS ang anim na taon."Mommy, I'm so excited to go to Mama Lola in Philippines!" masayang sabi ni Dykeil habang inaayos ni Zoe ang mga gamit nila. Nagtatalon naman ang bata sa tuwa habang hawak ang kaniyang laruan na sasakyan."Huwag makulit kay Mama Lola, okay?" payo ni Zoe kay Dykeil. Sobrang hyper nito at para bang hindi napapagod ang batang ito. Kahit papaano ay naturuan na ni Zoe si Dykeil na magsalita at makaintindi ng Tagalog."Yes, mommy. I will be a good boy to Mama Lola," may ngiting sabi ni Dykeil. Hindi mapigilan ni Zoe na mapangiti nang makita ang mukha ng kaniyang anak. Nasaktan man siya noon sa isang lalaki ay nagkaroon naman ng magandang resulta ang gabing 'yon.When she gave birth to Dykeil, she's not prepared to be a Mom. Alam niyang napakarami niyang pagkukulang at alam niyang masasagasaan ni Zoe ang future ng anak niya. Naalala niya five years ago noong ibigay sa kaniya ng doctor si Dykeil ay nagbago lahat ng pag-iisip niya. He is her life."Miss Madrigal, it's
NARAMDAMAN ni Zoe ang pagkatulala at gulat ni Dylan. Siguro ay kung ano-ano na ang tumatakbo sa utak ng binata sa isip ni Zoe."Mommy?" nagtatakang tanong ni Dylan at nilipat ang tingin kay Zoe. "May anak ka na?""You're right. I'm his mom, Dylan," diretsong sagot ni Zoe at para bang hindi nakakitaan ng kaba sa kaniyang mukha. Nilingon naman ni Zoe si Alfred at pinakilala rin ang binata. "And this is Alfred."Nag-aabang pa si Dylan sa sunod na sasabihin ni Zoe, pero mukhang nanahimik na ang dalaga. Wala siyang nagawa kung hindi ang makipagkamay sa lalaking itinuro ng kaniyang kaibigan. Mas matangkad ito ng kaunti sa kaniya at halata rin sa itsura nito na may lahi. Kulay asul ang mga mata ni Alfred at napakalalim tignan. Hindi mapigilan ni Dylan na magtaka kung ano ang relasyon na meron sila ni Zoe. Ngayon niya lang ito nakita kaya naman hindi niya mapigilang mapaisip."Hello, Tito Dylan!" bati ni Dykeil kay Dylan. Napatigil si Dylan sa kaniyang iniisip at napalingon sa bata. Nakita
DALAWANG linggo na ang nakararaan simula nang dumating sina Zoe rito sa Pilipinas. Hindi alam ni Dylan sa kaniyang sarili kung bakit sa tuwing matatapos na ang kaniyang trabaho ay sabik na sabik siya pumunta sa bahay nina Zoe at makipaglaro kay Dykiel. Kahit ilang beses nang komprontahin ni Dylan si Zoe na sabihin ang lahat tungkol sa bata ay lagi na lang itong umiiwas o kaya iniiba ang topic."Dykiel!" tawag ni Dylan sa bata nang makapasok siya sa bahay nina Zoe. Mabilis namang napalingon si Dykiel at lumapit sa kaniya."Tito Dylan!" tawag din nito at nagpakarga sa kaniya nang makalapit na ito."I have a gift for you," nakangiting sambit ni Dylan. Ipinakita niya naman ang dalang pasalubong at ibinigay kay Dykiel. Mabilis namang binuksan ni Dykiel ang regalo na iyon at napangiti nang makita ang isang toy car."Wow! You're the best tito po. I love you!" nakangiting sagot nito at 'saka hinalikan si Dylan sa pisngi. Napangiti naman si Dylan sa itinuran ng bata. Feeling niya kasi ay para
NAPAISIP si Zoe sa sinabi nito at alam niyang malaking gulo ang papasukin kapag pumayag ito sa kagustuhan ng binata. Pero ano pa nga bang magagawa niya? Matagal ng sira ang pagkatao niya. Matagal ng wasak ang pamilya niya. Ano pa ang kinakatakot niyang mawala?Hinarap niya ang binata at walang emosyon sa mukha na sinagot si Dylan."Bibigyan kita ng sariling anak, pero lahat ng atensyon mo na para kay Reighn ay dapat nasa akin."Nag-aalinlangan man si Dylan ay tumango pa rin siya. "Deal," sagot nito.Nagulat si Zoe nang sunggaban siya ng halik ni Dylan na para bang sabik na sabik. Nanlaki ang mga maliliit na mata ni Zoe at tinulak palayo si Dylan."What are you doing, Dylan? Baka may makakita sa atin dito!" may diing sabi ni Zoe at palinga-linga sa kaniyang paligid kahit alam niyang nasa kuwarto lang siya. Tinuro naman ni Dylan ang pintuan."Ni-lock ko ang pinto, Zoe," sagot ni Dylan na ikinalingon ng dalaga."W-What?" Namumula ang mga pisngi ni Zoe dahil sa hiya na naramdaman.
NAPATAKBO palapit si Dykeil nang makita ang kaniyang ama papasok sa kanilang bahay."Tito Dylan!" excited na tawag ng bata sa binata. Napangiti naman si Dylan sa reaksyon na nakita niya kay Dykeil."I have something for you." Pagkatapos sabihin 'yon ni Dylan ay inilabas niya ang dalang pasalubong mula sa likuran."Yehey! Another ice cream!" Nagtatalon naman sa tuwa si Dykeil nang makita ang garapon na hawak ni Dylan. "Is that a vanilla ice cream, Tito Dylan?"Kinuha niya naman mula sa binata ang hawak na ice cream at tinignan kung anong flavor ang nakalagay roon."Strawberry?" nakangusong sabi ni Dykeil at binalik ito kay Dylan."Ayaw mo ba sa dala kong ice cream?"Napakunot naman ang noo ni Dylan dahil alam niya namang gusto nito ni Dykeil o baka naman nagkamali lang siya. Napalingon naman si Dylan sa may pintuan nang marinig nito ang pagkabukas. Napaismid siya nang makita si Alfred doon."Hi, Dykeil! I brought your favorite," bungad na sabi ni Alfred at nang magtama ang mga mata nil
IT'S been a week noong malaman ni Dylan na buntis ang kaniyang kinakasama na si Reighn pagkatapos siyang puntahan nito sa may playground. Isang lingo na ang nakalipas, pero hindi pa rin siya nagpapakita kay Zoe after ng araw na confrontation nila ni Alfred. Kung sabagay ay hindi niya rin naman alam ang sasabihin sa dalaga. Gulong-gulo siya at walang pumapasok sa utak niya ngayon kung hindi ang iwasan muna ito. Yesterday she texted Dylan asking if he was fine, but Dylan didn't respond. Nakapatay na ang cellphone niya ngayon sa takot na baka tawagan na siya ni Zoe kapag hindi pa siya nag-reply. Kahit si Reighn ay hindi na maintindihan ang kinikilos ng kaniyang boyfriend. Dylan should be happy because finally Reighn's pregnant. Iyon naman ang matagal na gusto niya ang magkaroon ng anak, pero bakit hindi niya magawa?"Babe, are you okay?" tanong ni Reighn nang mapansin nito ang kinakasama na tulala. Muli niya itong tinawag, pero nanatiling nakatingin sa mga kamay niya si Dylan. "Babe, ok