LOGINSabado — 10:30 ng umaga
Glamour Queen Salon “Eugene, kung hindi mo aayusin ang kilay ko, baka pati sarili kong nanay hindi na ako makilala!” “Ramona, kilay ang inaayos ko, hindi ugali mo! Kahit anong ayos ko riyan, ikaw pa rin ang pinakamataray dito!” Napatawa si Arya habang hinihigop ang malamig niyang kape. “Hindi ba kayo napapagod sa kakasigaw? Ang aga-aga, parang may libreng paligsahan sa pinakamalakas na boses.” “Bestie, huwag mong baguhin ang usapan,” sabi ni Eugene habang lumalapit sa kaniya. “Bakit mukha kang hindi nakatulog nang maayos? Huwag mong sabihing dahil na naman sa boss mong si Matthew Imperial.” “Hindi dahil sa kaniya!” “Hindi ko pa nga sinasabing guwapo siya, pero nagmamadali ka nang magpaliwanag.” Napairap si Arya. “Ang kulit mo talaga.” “Pero seryoso, hindi ka ba naiinis sa lalaking iyon? Sabado ngayon. Dapat nagpapahinga ka, hindi iniisip ang tambak na trabaho.” “Hindi ko naman siya iniisip.” “Talaga? Eh, bakit pangalan niya agad ang lumabas sa bibig mo?” Napabuntong-hininga si Arya. “Dahil siya ang dahilan kung bakit hindi ko na alam kung paano magpahinga!” Nagtawanan ang mga nasa salon. “Pero aminin mo,” patuloy ni Eugene, “guwapo naman ang boss mo.” Natigilan si Arya. “Hindi naman maikakaila.” Biglang tumahimik ang lahat. Dahan-dahang napalingon sa kaniya si Eugene. “Ano raw?” “Wala akong sinabi!” “Ramona! Narinig mo ba iyon?” “Malinaw na malinaw! May gusto sa boss!” “Wala!” mabilis na pagtanggi ni Arya. “Puwedeng kilalanin ng isang tao na guwapo ang isang lalaki nang hindi siya nagkakagusto rito!” “Ah, ganoon ba?” nakangising tanong ni Eugene. “Sige, sabihin mo nga iyan habang nakatingin sa litrato niya.” “Eugene, ibabato ko sa iyo ang kape ko!” Muling nagtawanan ang lahat. Pero nang humina ang ingay, napansin ni Eugene ang pagod sa mukha ng kaibigan. “Bestie, seryoso. Ayos ka lang ba talaga?” Napayuko si Arya. “Marami lang akong iniisip. May mga problema akong kailangang ayusin, kaya hindi ko puwedeng basta bitawan ang trabaho ko.” Lumambot ang ekspresyon ni Eugene. “Hindi mo kailangang solohin lahat. Nandito naman kami.” Napangiti si Arya. “Alam ko. Kaya nga pumunta ako rito. Kayo lang ang kayang magpatawa sa akin kahit gusto ko nang manakal ng tao.” “Basta huwag ang boss mo,” sagot ni Eugene. “Sayang ang guwapo.” “Eugene!” Muli silang nagtawanan. Sa wakas, pakiramdam ni Arya ay nakakahinga siya nang maluwag. Isang araw lang ang hinihingi niya sa mundo. Isang araw na walang utos, walang dokumento, at walang Matthew Imperial. Ngunit tila hindi sang-ayon ang tadhana. Biglang umilaw ang cellphone niya. MATTHEW IMPERIAL CALLING Napatitig siya sa screen. “Hindi maaari.” Sumilip si Eugene sa cellphone niya. “Aba, parang may tumawag na maniningil ng utang.” “Mas malala. Boss ko.” “Sabado ngayon! Wala bang pahinga ang lalaking iyan?” Wala nang nagawa si Arya kundi sagutin ang tawag. “Magandang umaga po, Sir.” “Arya, nasaan ka?” “Nasa labas po ako ng opisina. Sabado po ngayon.” “Alam ko.” Napapikit siya. Siyempre. Alam mong Sabado, pero tatawag ka pa rin. “May problema po ba?” “May pagbabago sa iskedyul ng meeting natin sa mga Japanese investors. Sa Tokyo na ito gaganapin. Aalis tayo ngayong hapon.” Nanlaki ang mga mata ni Arya. “Ngayong hapon po?!” “Oo. Ihanda mo ang binagong kontrata ng machines, at ang passport mo. Kailangan kita sa opisina in 30 minutes.” “Opo, Sir.” “Arya.” “Po?” “Kumain ka na ba?” Napakurap siya. Sa dami ng puwedeng itanong ng kaniyang boss, iyon pa talaga? “Opo.” “Sigurado ka?” Napatingin siya sa halos hindi pa nababawasan niyang kape. “Opo naman, Sir.” “Magkita tayo sa opisina.” Naputol ang tawag. Napatitig si Arya sa cellphone. “Bestie, ano raw?” tanong ni Eugene. “Pupunta kami sa Tokyo ngayong hapon.” “Wow! International na ang pagiging alipin mo!” Napailing si Arya habang kinukuha ang bag. “Ang mas nakakainis, tinanong pa kung kumain na ako.” Nakangisi si Eugene. “Baka naman nag-aalala sa iyo.” “Baka ayaw lang niyang magkamali ako dahil sa gutom!” “Ah, siyempre. Trabaho lang.” “Eksakto!” Mabilis na niyakap ni Arya ang kaibigan bago nagpaalam. Habang naglalakad papunta sa sasakyan, muli niyang naalala ang tanong ni Matthew. Bakit kailangan pa niyang itanong iyon? At bakit parang may kakaibang saya siyang naramdaman? Umiling siya. “Tumigil ka, Arya. Boss mo lang siya.” --- Imperial Defense Systems — Pagdating sa opisina, agad na inayos ni Arya ang mga dokumento. Ayaw niyang magkaroon ng pagkakamali, lalo na't mahalaga ang meeting na dadaluhan nila. Matapos tiyaking kumpleto ang lahat, kumatok siya sa opisina ni Matthew. “Pasok.” Nakatayo ang lalaki sa tabi ng malaking bintana, suot ang puting polo at itim na pantalon. Nakataas nang bahagya ang manggas nito, at abala ito sa pagbabasa ng mga dokumento. Sandaling natigilan si Arya. Bakit naman kailangang maging ganoon kaguwapo ang lalaking kayang sirain ang weekend niya? “Arya?” Napabalik siya sa sarili. “Po? Narito na po ang mga dokumento.” Inilapag niya ang folder sa mesa. Tahimik na sinuri iyon ni Matthew. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita. “Maayos ang pagkakagawa mo.” Napakurap si Arya. “Salamat po.” “Bakit parang nagulat ka?” “Hindi lang po ako sanay na pinupuri ninyo.” Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Matthew. “Gusto mo bang bawiin ko?” “Hindi po!” Masyadong mabilis ang sagot niya. Napangiti si Matthew, at mabilis namang umiwas ng tingin si Arya. Diyos ko. Ngumiti lang, bakit parang may kung anong nangyari sa tiyan ko? “Arya.” “Po?” “Magdala ka ng makapal na damit. Malamig sa Tokyo.” “Opo. Kayo rin po. Huwag ninyong kalimutang kumain sa tamang oras.” Natigilan ang lalaki. “Pinag-aalala mo ba ako?” Mabilis na umiling si Arya. “Hindi po! Ayokong magkasakit kayo dahil baka ako ang sumalo sa lahat ng trabaho ninyo!” “Kung ganoon, hindi ka pala nag-aalala sa akin.” “Hindi po!” “Maganda.” Ngunit hindi nawala ang ngiti nito. Nagmamadaling lumabas si Arya. Pagkasara ng p***o, napahawak siya sa dibdib. “Napakayabang talaga,” bulong niya. Pero ang totoo, hindi niya maalis sa isip ang ngiti nito. Sa loob ng opisina, napatingin din si Matthew sa pintuan. Nakakainis ang babaeng iyon. Palaging may sagot. Palaging may dahilan para kontrahin siya. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi niya kayang magalit nang matagal dito. Umiling siya at bumalik sa mga dokumento. Trabaho lang. Personal niyang secretary si Arya. Wala nang iba. --- Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap si Arya ng mensahe mula kay Anton. ANTON: May inihandang pagkain para sa iyo bago tayo umalis. Utos ni Sir. Napatingin siya sa mensahe. May pagkain para sa kaniya? Hindi naman niya iyon hiningi. Habang iniisip kung dapat ba siyang magpasalamat, biglang lumabas si Matthew mula sa kaniyang opisina. “Bakit hindi mo pa kinakain?” “Sir, marami pa po akong kailangang tapusin.” Kinuha ni Matthew ang folder mula sa mesa niya at isinara iyon. “Hindi babagsak ang kompanya dahil lang kumain ka nang sampung minuto.” “Pero—” “Arya.” Napatingin siya rito. “Kumain ka.” Napatahimik siya. Hindi iyon sigaw. Hindi rin iyon karaniwang utos na may kasamang banta ng panibagong gawain. Sa halip, may kakaibang lambot sa boses nito na hindi niya madalas marinig. “Bakit po kayo naghanda ng pagkain para sa akin?” mahinang tanong niya. “Dahil kailangan mong kumain.” “Puwede ko naman pong bilhin ang sarili kong pagkain.” “Alam ko.” “Kung ganoon, bakit—” “Hindi lahat ng bagay kailangang ipaglaban mo.” Natahimik si Arya. Hindi niya alam kung bakit mas tumatak sa kaniya ang mga salitang iyon kaysa sa lahat ng utos na ibinigay ni Matthew. Matagal na siyang sanay na kailangan niyang kayanin ang lahat. Hindi siya dapat umasa sa tulong ng iba, at hindi siya dapat maging pabigat kaninuman. Kaya kahit simpleng pagkain lamang iyon, hindi niya alam kung paano tatanggapin ang kabutihang hindi niya hiningi. “Hindi po ako sanay,” mahina niyang sagot. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Matthew. “Sa alin?” “Sa may nag-aalala kung nakakain na ako.” Ilang segundo silang nagtitigan. Pagkatapos ay sumagot si Matthew. “Kung ganoon, mas mabuting masanay ka.” Napahinto ang paghinga ni Arya. Ngunit bago pa siya makapagsalita, inayos nito ang pagkakatayo at muling ibinalik ang malamig na ekspresyon. “Hindi ko kailangan ng secretary na magkakasakit dahil nakakalimutang kumain.” Ayun na naman. Trabaho. Iyon lang ang dahilan. “Kung ganoon, sisiguraduhin ko pong hindi ninyo kailangang mag-alala,” sagot ni Arya. “Hindi ako nag-aalala.” “Opo. Hindi rin naman po ako nag-aalala sa inyo.” Nagkatitigan sila. “Magaling,” sabi ni Matthew. “Magaling din po.” Sa pagkakataong iyon, hindi napigilan ni Matthew ang bahagyang pagngiti. At si Arya? Mabilis niyang ibinaba ang tingin sa pagkain upang hindi nito mapansin ang pamumula ng kaniyang mukha. “Trabaho lang,” bulong niya sa sarili. Ngunit nang umalis si Matthew, napangiti pa rin siya. Sa kabilang panig ng lobby, napailing din si Matthew habang bumabalik sa kaniyang opisina. Pareho nilang alam na walang dapat bigyan ng kahulugan sa simpleng pag-aalala. Pareho nilang gustong maniwala na wala itong ibig sabihin. Pero sa unang pagkakataon, hindi na ganoon kadaling kumbinsihin ang kanilang mga sarili. Dahil ngayong hapon, magkasama silang lilipad patungong Tokyo. At sa isang banyagang lugar, malayo sa karaniwang takbo ng kanilang buhay, baka mas mahirap nang itago ang mga damdaming pareho nilang itinatanggi. Dahil minsan, ang pinakamahirap aminin ay hindi ang pagkagusto sa isang tao—kundi ang katotohanang unti-unti ka nang nagmamalasakit sa kaniya.Maagang nagising si Arya Aragon sa bahay ng kaniyang ama. Ilang araw na siyang nananatili roon, malayo sa condo niyang posibleng binabantayan ng mga tauhan ni Damian Carriego.Tahimik ang paligid, ngunit hindi ibig sabihin niyon ay payapa na ang buhay niya.Sa bawat paggising niya, naaalala niya ang mga taong nanakit sa kaniya, ang utang na matagal niyang pinagsikapang bayaran, at ang lalaking nag-akala na maaari siyang kontrolin habambuhay.Pero ngayong wala na siya sa ilalim ng direktang kapangyarihan ni Damian, may pagkakataon na siyang kumilos.Hindi na siya magtatago habang buhay.Kailangan niyang tapusin ang lahat.Paglabas niya ng kuwarto, nadatnan niya ang kaniyang ama sa maliit nitong opisina. Nakalatag sa mesa ang mga dokumento at ilang lumang litrato. May hawak itong cellphone habang may binabasang mensahe.“Good morning, Dad.”Nag-angat ito ng tingin. “Maaga ka.”“Hindi ako makatulog.”“Dahil kay Damian o dahil kay Matthew?”Napahinto si Arya.“Dad naman. Kailangan ba tala
Hindi makatulog si Matthew Imperial.Alas-dos na ng madaling-araw, ngunit nakaupo pa rin siya sa kaniyang opisina, hawak ang resignation letter ni Arya Aragon.Paulit-ulit niyang binabasa ang maikling liham na para bang may makikita siyang ibang kahulugan sa bawat salita.Walang paliwanag.Walang mahabang pamamaalam.Walang kahit isang pang-aasar na karaniwang ginagawa ni Arya kapag gusto nitong inisin siya.Isang simpleng resignation letter lamang.At isang bakanteng mesa.“Sir, hindi pa po ba kayo uuwi?” tanong ni Anton, na bumalik sa opisina upang kunin ang naiwan nitong cellphone.Matthew didn't look up.“Do you know where she went?”“Hindi po. Tinawagan ko siya kanina, pero hindi sumasagot.”“Call her again.”“Sir, pang-ilang tawag na po natin ito.”Matthew finally looked at him.“Then call her one more time.”Tumango si Anton at inilabas ang cellphone. Ilang segundo silang nakinig sa ringing tone bago naputol ang tawag.“Still no answer.”Matthew clenched his jaw.“Find her addr
Nagsimula ang lahat sa isang tawag na natanggap ni Matthew Imperial alas-siyete ng umaga.Nasa loob siya ng kaniyang opisina sa Imperial Defense Systems nang biglang pumasok si Anton Reyes, hawak ang laptop at may seryosong ekspresyon sa mukha.“Sir, we have a problem.”Hindi nag-angat ng tingin si Matthew mula sa dokumentong binabasa niya.“What kind of problem?”“Someone leaked confidential information about the new defense equipment project.”Agad na ibinaba ni Matthew ang dokumento.“What?”“May lumabas na internal specifications, proposed pricing, at bahagi ng delivery schedule sa isang industry forum. Mayroon ding kopya ang isang competitor natin.”Tumayo si Matthew at lumapit sa laptop ni Anton.Ipinakita nito ang mga screenshot ng impormasyong kumakalat online. Hindi pa kumpleto ang lahat ng detalye, pero sapat na ang inilabas upang maapektuhan ang negosasyon nila sa isang malaking kliyente.“Who has access to these files?” malamig na tanong ni Matthew.“Limited lang, Sir. You
Dalawang linggo ang lumipas mula nang ma-discharge si Arya Aragon sa ospital. Unti-unti nang bumabalik ang lakas niya, at bagama't kailangan pa rin niyang mag-ingat, hindi na niya kayang manatili sa bahay buong araw.Masaya siyang nakakapagpahinga, pero nami-miss na rin niya ang trabaho, ang mga kasamahan niya, at maging ang lalaking palaging dahilan ng pagkayamot niya.Matthew Imperial.Ang CEO na kayang magpatigil ng buong conference room sa isang tingin, pero hindi kayang pigilan ang sariling magtanong kung kumain na ba siya.Hindi naman iyon nangangahulugang may espesyal na nararamdaman si Arya para sa lalaki.Siguro.“Mamsh, huwag mo nang sabihing pagod ka. Hindi pa nga tayo umaalis, pagod ka na agad!”Napatingin si Arya sa cellphone habang kausap si Barbara.“Hindi ako pagod. Nag-iisip lang ako kung bakit kailangan nating lumabas.”“Dahil dalawang linggo ka nang hindi nakikipag-socialize! At dahil gusto kitang makitang nakangiti, hindi iyong nakatingin ka lang sa kisame habang n
Isang linggo matapos ang gabing muntik nang maging huli sa buhay ni Arya Aragon, sa wakas ay pinayagan na siyang makalabas ng ospital.Hindi pa tuluyang nawawala ang mga pasa sa kaniyang katawan, at sumasakit pa rin ang kaniyang tagiliran kapag napapasobra ang galaw. Ngunit para sa kaniya, sapat na ang isang linggong pagkakakulong sa ospital.Gusto na niyang bumalik sa buhay niya.O, mas tamang sabihin, gusto na niyang bawiin ang buhay na muntik nang agawin sa kaniya.“Remember, Miss Aragon,” paalala ng doktor, “you still need sufficient rest. Iwasan muna ang mabibigat na gawain at strenuous exercise. Huwag mong piliting bumalik agad sa normal ang katawan mo.”“Opo, Doc. Behave na po ako.”Sa tabi niya, napailing si Matthew Imperial.“That's the least believable promise I've heard in my entire life.”Napalingon si Arya.“Excuse me? May pinagdaanan po akong trauma. Hindi ba puwedeng maging supportive ka naman?”“I'm supporting the doctor's instructions.”“Napakasipsip.”“Thank you.”“H
Hindi mapakali si Matthew Imperial mula nang maospital si Arya Aragon.Kahit abala siya sa pagpapatakbo ng Imperial Defense Systems, palagi niyang tinitingnan ang cellphone, umaasang may bagong mensahe mula sa kaniyang sekretarya.Samantala, si Anton ay may natuklasang hindi niya inaasahan.Nagsimula ang lahat sa paghahanap niya ng isang lumang meeting schedule sa computer ni Arya.Dahil wala ang sekretarya, humingi siya ng tulong sa IT department upang mahanap ang nawawalang file sa mga awtorisadong company records. Sa halip na schedule, may nakita silang mga email na naka-flag bilang posibleng security concern.“Sir Anton, may kailangan po kayong makita,” sabi ng IT specialist.Lumapit si Anton sa monitor.Sunod-sunod na email ang nakalista. Ang mga subject ay tungkol sa meetings, contracts, at business proposals ng IDS. May mga attachment ding ipinadala sa isang external email address na hindi matukoy ang tunay na may-ari.“Buksan natin ang mga file at ikumpara sa official records,







