Share

Episode 5

Author: Katie Alcos
last update publish date: 2026-10-20 20:19:22

NAIA INTERNATIONAL AIRPORT —

“Passport?”

Napatingin si Arya kay Matthew Imperial habang naglalakad sila papasok sa departure area.

“Here, Sir.”

“Meeting documents?”

“Already in your hand, Sir.”

Tumingin si Matthew sa folder na hawak niya. Pagkatapos, tumingin ulit siya kay Arya.

“Good. At least, may isang tao rito na marunong maghanda.”

Napataas ang kilay ni Arya.

“Excuse me? Ako po ang naghanda ng lahat ng kailangan ninyo. Kung may kulang man, baka sa inyo manggaling.”

Huminto si Matthew at humarap sa kanya.

“Are you saying I’m not prepared?”

“Hindi po. Sinasabi ko lang na huwag ninyong subukan ang pasensya ko. Weekend ngayon, Sir. Dapat nagpapahinga ako.”

Napangiti nang bahagya si Matthew.

“Then consider this a paid vacation.”

“Vacation? Nasa trabaho pa rin ako, Sir.”

“Tokyo. Five-star hotel. Free food. Business-class flight.”

“Work trip po ang tawag doon, hindi vacation.”

“Fine. Whatever makes you happy, Miss Secretary.”

Umiling si Arya at nagpatuloy sa paglalakad.

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito.

Pero kahit naiinis siya, hindi niya maitatangging may kakaibang excitement siyang nararamdaman. First time niyang makakapunta sa Tokyo, at kasama pa niya ang boss niyang halos araw-araw niyang gustong sakalin.

Well, hindi naman literal.

Siguro.

“Miss Secretary.”

Lumingon siya.

“What now, Sir?”

“Don't walk too fast. Hindi kita hahabulin kapag naiwan ka.”

“Then walk faster, Sir. Hindi naman ako ang CEO rito.”

Natawa nang mahina si Matthew.

At sa hindi maipaliwanag na dahilan, napangiti rin si Arya.

Agad niyang inayos ang mukha niya nang mapansing nakatingin sa kanya ang boss.

“What?” tanong niya.

“Nothing.” Nagpatuloy si Matthew sa paglalakad. “You look better when you smile.”

Natigilan si Arya.

Ha?

Bago pa siya makasagot, nakalayo na si Matthew.

Napahawak siya sa dibdib niya.

“Lord, please lang. Huwag Niyo akong subukan,” bulong niya. “Trabaho lang ito. Trabaho.”

Pero bakit parang biglang uminit ang pisngi niya?

ABOARD THE AIRPLANE — 3:15 PM

“Are you following?”

Napatingin si Arya sa dokumentong hawak ni Matthew.

“Yes, Sir. The Japanese company wants to finalize the machinery contract before the end of the month. They also requested changes in the delivery schedule.”

“And?”

“Kung papayag tayo sa requested schedule nila, kailangan nating siguraduhin na hindi maaapektuhan ang delivery ng existing clients natin. I already prepared two possible adjustments.”

Iniabot niya ang isang folder.

Matthew opened it and reviewed the pages. Tahimik siya habang binabasa ang report, kaya hindi maiwasan ni Arya na kabahan nang kaunti.

Hindi naman siya baguhan sa trabaho, pero iba pa rin kapag ang boss mo ay si Matthew Imperial. Kahit simpleng pagtaas lang ng kilay nito, pakiramdam mo kailangan mo nang magpaliwanag sa buong board of directors.

After a few minutes, ibinaba ni Matthew ang folder.

“This is good.”

Napakurap si Arya.

“Sorry?”

“I said, this is good.”

“Ah.” Bahagya siyang ngumiti. “Thank you, Sir.”

Matthew leaned back in his seat.

“You anticipated their concerns before they even raised them. That's useful.”

Hindi alam ni Arya kung ano ang mas ikagugulat niya—ang papuri ni Matthew o ang katotohanang hindi ito sinundan ng kahit anong reklamo.

“Are you feeling okay, Sir?”

Kumunot ang noo ni Matthew.

“Why?”

“Wala po. Hindi lang ako sanay na pinupuri ninyo ako nang hindi muna ako pinapagalitan.”

He stared at her for a second before letting out a short laugh.

“Should I criticize your work instead?”

“No, thank you. I'm good.”

“Then stop complaining.”

“Hindi po ako nagrereklamo. Nag-o-observe lang.”

“Of course.”

Nagpatuloy sila sa pag-review ng documents. Paminsan-minsan, may itinatanong si Matthew tungkol sa contract, at agad naman itong sinasagot ni Arya.

Maayos ang takbo ng trabaho nila hanggang sa mapansin ni Matthew na paulit-ulit nang napapapikit ang kanyang secretary.

“You're tired.”

“I'm fine, Sir.”

“That's the third time you've closed your eyes.”

“I'm thinking.”

“With your eyes closed?”

“It's a technique.”

Matthew shook his head, trying to hide his amusement.

“Get some sleep. I'll review the remaining documents.”

Napatingin si Arya sa kanya.

“Are you sure?”

“Do you want me to change my mind?”

“No, Sir.”

“Then sleep.”

“Thank you.”

Inayos ni Arya ang upuan niya at kinuha ang maliit na unan sa tabi niya. Sinubukan niyang manatiling gising, pero ilang minuto lang ang lumipas ay bumigat na ang kanyang mga talukap.

Pagod talaga siya.

Mula nang tawagan siya ni Matthew nang Sabado ng umaga, halos wala na siyang nagawa para sa sarili niya. Nag-empake siya, nag-review ng documents, nag-ayos ng schedule, at tiniyak na walang makakalimutan ang boss niya.

Hindi niya namalayang unti-unti nang sumasandal ang ulo niya sa gilid.

Hanggang sa tuluyan itong napunta sa balikat ni Matthew.

Natigil sa pagbabasa ang lalaki.

Dahan-dahan siyang lumingon.

Mahimbing nang natutulog si Arya.

Wala na ang mataray nitong ekspresyon. Wala na rin ang mabilis nitong sagot sa bawat biro niya. Sa unang pagkakataon mula nang maging secretary niya ito, tahimik lang si Arya, at mukhang wala itong balak makipagtalo sa kanya.

Matthew looked at her for a long moment.

“You talk too much when you're awake,” he murmured. “At ngayon naman, sa balikat ko ka pa talaga natulog.”

Hindi gumalaw si Arya.

Bahagyang umusog ang ulo nito, dahilan para mas sumandal siya sa balikat ni Matthew.

Napahinga nang malalim ang lalaki.

Dapat sana niyang gisingin ito.

Dapat sana niyang sabihin na hindi unan ang balikat niya.

Pero sa halip, kinuha niya ang maliit na kumot at maingat na inilagay iyon sa ibabaw ni Arya.

Then he returned to his documents.

Or at least, he tried to.

Dahil sa bawat galaw ni Arya, napapatingin siya rito.

At sa bawat pagkakataong nahuhuli niya ang sarili niyang nakangiti, agad niyang ibinabalik ang tingin sa mga papel.

She's my secretary. Nothing more.

Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.

Pero kung wala lang si Arya sa kanya, bakit hindi niya magawang gisingin ito?

TOKYO, JAPAN — 8:40 PM

Pagdating nila sa hotel, agad na inayos ni Arya ang check-in at ang schedule nila para sa susunod na araw.

Pagod na pagod na siya, pero hindi niya puwedeng ipakitang nahihirapan siya. Hindi sa harap ni Matthew.

“Sir, here are your room keys.”

Kinuha ni Matthew ang key card.

“And yours?”

“Already checked in, Sir. Nasa next floor lang ang room ko.”

“Good.”

Naghintay si Arya kung may iba pa itong sasabihin, pero sa halip ay napansin niyang nakatingin ito sa kanya.

“What is it, Sir?”

“When was the last time you ate?”

Napakunot ang noo niya.

“Lunch po.”

“What time?”

“Mga alas-dose siguro.”

Matthew checked his watch.

“It's almost nine.”

“I'm aware of that, Sir.”

“Then why haven't you eaten?”

“Because someone decided to move a business trip to Tokyo on a Saturday afternoon.”

Matthew stared at her.

Arya stared back.

For a moment, neither of them spoke.

Then Matthew shook his head.

“There's a restaurant downstairs. Eat something before going to your room.”

“Sir, I can order room service.”

“Then order room service.”

“That's what I was planning to do.”

“Good.”

“Good.”

Pareho silang natahimik.

Arya wanted to laugh at how ridiculous the conversation had become, but she held it in.

Matthew cleared his throat.

“Don't stay up too late reviewing the documents. We have an early meeting tomorrow.”

“Yes, Sir.”

“And bring a jacket. It's cold outside.”

Napatingin si Arya sa kanya.

“Sir, pupunta po ba tayo sa meeting o magpi-picnic?”

“I'm telling you to bring a jacket.”

“Okay, okay. I heard you.”

Matthew gave her a pointed look.

“Good night, Arya.”

Natigilan siya.

First name.

Hindi Miss Secretary. Hindi Miss Aragon. Arya.

“Good night, Sir.”

Pumasok si Matthew sa kanyang silid.

Naiwan si Arya sa hallway, hawak ang key card niya habang nakatitig sa saradong p***o nito.

“Bakit ba parang ang big deal kapag pangalan ko ang sinasabi niya?” bulong niya.

Umiling siya at pumasok na rin sa sarili niyang silid.

Pagod lang ako. That's it.

Pero habang nag-aayos siya ng gamit, hindi niya maiwasang maalala ang nangyari sa eroplano.

Ang balikat ni Matthew.

Ang kumot na inilagay nito sa kanya.

At ang paraan ng pagsasalita nito kanina.

Napahiga siya sa kama at tinakpan ang mukha ng unan.

“Hindi. Hindi puwede. Boss ko siya.”

Kinuha niya ang cellphone niya at sinubukang ituon ang atensyon sa ibang bagay.

Then her phone rang.

Unknown number.

Nawala agad ang ngiti niya.

Alam niya kung sino iyon.

Dahan-dahan niyang sinagot ang tawag.

“Hello?”

“Finally,” malamig na sabi ng lalaki sa kabilang linya. “Akala ko nakalimutan mo na kung sino ang may hawak ng utang mo.”

Napapikit si Arya.

“Damian.”

“Good. At least, naaalala mo pa ako.”

“I'm in Tokyo. Hindi ako puwedeng basta-basta tumawag o makipagkita sa iyo.”

“Wala akong pakialam kung nasaang bansa ka.”

Napahawak nang mahigpit si Arya sa cellphone.

“Ano bang kailangan mo?”

“Don't act like you don't know. I need information about Matthew Imperial's meeting with the Japanese partners.”

Nanlamig ang mga kamay niya.

“Damian, sinabi ko na sa iyo. Hindi ganoon kadali ang hinihingi mo.”

“Then make it easy.”

“Hindi ko puwedeng basta kunin ang confidential documents niya!”

“Then find another way. Listen to their conversations. Check his schedule. Find out what they're negotiating. I don't care how you do it.”

“Puwede akong mawalan ng trabaho dahil dito.”

“And I can make your life a lot worse than losing a job.”

Napapikit si Arya.

Labindalawang milyon.

Iyon ang halagang matagal na niyang pilit takasan. Isang utang na hindi niya kayang bayaran, kahit ilang taon pa siyang magtrabaho.

At si Damian ang taong hindi titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.

“Remember our agreement,” dagdag nito. “You owe me twelve million pesos, Arya. I expect something useful from you this time.”

“Give me more time.”

“Time is exactly what you don't have.”

Bago pa siya makasagot, ibinaba na ni Damian ang tawag.

Matagal na nakatitig si Arya sa cellphone niya.

Kanina lang, iniisip niya kung bakit tila nagiging mas maingat sa kanya si Matthew.

Ngayon, kailangan niyang alamin ang mga lihim nito.

Kailangan niyang kunin ang impormasyong ipinapahanap ni Damian.

At ang pinakamasakit sa lahat?

Sa unang pagkakataon, natatakot siyang masira ang tiwalang unti-unting ibinibigay sa kanya ni Matthew.

THE NEXT MORNING — 7:15 AM

“Miss Secretary.”

Napalingon si Arya mula sa coffee machine ng hotel restaurant.

Nakatayo si Matthew sa may entrance, maayos ang suot na dark suit at mukhang handang-handa na para sa meeting.

“Good morning, Sir.”

Matthew glanced at her cup.

“Have you eaten?”

“Yes, Sir.”

“Properly?”

Napakunot ang noo niya.

“Sir, breakfast po ito. Hindi dekorasyon.”

He gave her a look.

“I'm asking because you tend to forget meals when you're busy.”

Natigilan si Arya.

Hindi niya inaasahang mapapansin nito ang ganoong bagay.

“I'm fine, Sir. Promise.”

Matthew nodded, then placed a folder on the table beside her.

“Thank you for handling the arrangements yesterday. Everything went smoothly.”

Napatitig siya sa kanya.

“You're welcome, Sir.”

“And the report you prepared on the plane was helpful.”

“Thank you.”

“Stop thanking me every time I say something nice.”

Napangiti si Arya.

“Sorry, Sir. Hindi kasi ako sanay.”

Matthew raised an eyebrow.

“Are you saying I'm always unpleasant?”

“Hindi po ako ang nagsabi niyan.”

“But you were thinking it.”

“Wala po akong sinabi.”

“Your face did.”

Napatawa si Arya bago niya pa napigilan ang sarili.

Matthew watched her, and for a brief moment, the usual seriousness in his expression softened.

“Come on,” he said. “We don't want to be late.”

Tumayo si Arya at kinuha ang folder.

Habang naglalakad sila palabas, napansin niyang bahagyang bumagal ang hakbang ni Matthew para makasabay siya.

Maliit na bagay lang iyon.

Walang espesyal.

Walang ibig sabihin.

At least, iyon ang gusto niyang paniwalaan.

Dahil sa bulsa ng kanyang bag, naroon pa rin ang cellphone na nagdala ng tawag mula kay Damian.

At sa isip niya, paulit-ulit na bumabalik ang utos nito.

Kunin mo ang impormasyon tungkol sa kontrata ni Matthew Imperial.

Tumingin siya sa lalaking naglalakad sa tabi niya.

“Sir?”

Matthew glanced at her. “Yes?”

“About the meeting later… may possibility po bang magbago ang terms ng contract?”

“Why do you ask?”

Napatigil ang puso ni Arya.

Kailangan niyang mag-isip ng sagot. Mabilis.

“Para lang po makapaghanda ako ng additional documents, in case kailanganin.”

Matthew studied her for a moment.

Then he nodded.

“Good thinking. I'll brief you before the meeting.”

“Thank you, Sir.”

Nagpatuloy sila sa paglalakad.

Hindi na nagtanong si Matthew.

Pero hindi rin niya namalayang mas tumagal ang tingin nito kay Arya bago ito humarap sa direksiyon ng elevator.

May kung anong kakaiba sa paraan ng pagtatanong nito kanina.

Hindi niya alam kung ano iyon.

At hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pag-aalinlangan.

Samantala, si Arya naman ay tahimik na naglalakad sa tabi niya, pilit na itinatago ang bigat ng problemang dala niya.

Dahil sa Tokyo, hindi lang isang business deal ang nakataya.

Pati ang trabaho niya.

Ang tiwala ni Matthew.

At ang pusong unti-unti na niyang nahihirapang kontrolin.

Ang masama, hindi na niya alam kung alin ang mas kinatatakutan niya—ang malaman ni Matthew ang sikreto niya, o ang malaman nitong may nararamdaman na siya para rito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Secretary is a Gambler   Episode 35

    Maagang nagising si Arya Aragon sa bahay ng kaniyang ama. Ilang araw na siyang nananatili roon, malayo sa condo niyang posibleng binabantayan ng mga tauhan ni Damian Carriego.Tahimik ang paligid, ngunit hindi ibig sabihin niyon ay payapa na ang buhay niya.Sa bawat paggising niya, naaalala niya ang mga taong nanakit sa kaniya, ang utang na matagal niyang pinagsikapang bayaran, at ang lalaking nag-akala na maaari siyang kontrolin habambuhay.Pero ngayong wala na siya sa ilalim ng direktang kapangyarihan ni Damian, may pagkakataon na siyang kumilos.Hindi na siya magtatago habang buhay.Kailangan niyang tapusin ang lahat.Paglabas niya ng kuwarto, nadatnan niya ang kaniyang ama sa maliit nitong opisina. Nakalatag sa mesa ang mga dokumento at ilang lumang litrato. May hawak itong cellphone habang may binabasang mensahe.“Good morning, Dad.”Nag-angat ito ng tingin. “Maaga ka.”“Hindi ako makatulog.”“Dahil kay Damian o dahil kay Matthew?”Napahinto si Arya.“Dad naman. Kailangan ba tala

  • My Secretary is a Gambler   Episode 34

    Hindi makatulog si Matthew Imperial.Alas-dos na ng madaling-araw, ngunit nakaupo pa rin siya sa kaniyang opisina, hawak ang resignation letter ni Arya Aragon.Paulit-ulit niyang binabasa ang maikling liham na para bang may makikita siyang ibang kahulugan sa bawat salita.Walang paliwanag.Walang mahabang pamamaalam.Walang kahit isang pang-aasar na karaniwang ginagawa ni Arya kapag gusto nitong inisin siya.Isang simpleng resignation letter lamang.At isang bakanteng mesa.“Sir, hindi pa po ba kayo uuwi?” tanong ni Anton, na bumalik sa opisina upang kunin ang naiwan nitong cellphone.Matthew didn't look up.“Do you know where she went?”“Hindi po. Tinawagan ko siya kanina, pero hindi sumasagot.”“Call her again.”“Sir, pang-ilang tawag na po natin ito.”Matthew finally looked at him.“Then call her one more time.”Tumango si Anton at inilabas ang cellphone. Ilang segundo silang nakinig sa ringing tone bago naputol ang tawag.“Still no answer.”Matthew clenched his jaw.“Find her addr

  • My Secretary is a Gambler   Episode 33

    Nagsimula ang lahat sa isang tawag na natanggap ni Matthew Imperial alas-siyete ng umaga.Nasa loob siya ng kaniyang opisina sa Imperial Defense Systems nang biglang pumasok si Anton Reyes, hawak ang laptop at may seryosong ekspresyon sa mukha.“Sir, we have a problem.”Hindi nag-angat ng tingin si Matthew mula sa dokumentong binabasa niya.“What kind of problem?”“Someone leaked confidential information about the new defense equipment project.”Agad na ibinaba ni Matthew ang dokumento.“What?”“May lumabas na internal specifications, proposed pricing, at bahagi ng delivery schedule sa isang industry forum. Mayroon ding kopya ang isang competitor natin.”Tumayo si Matthew at lumapit sa laptop ni Anton.Ipinakita nito ang mga screenshot ng impormasyong kumakalat online. Hindi pa kumpleto ang lahat ng detalye, pero sapat na ang inilabas upang maapektuhan ang negosasyon nila sa isang malaking kliyente.“Who has access to these files?” malamig na tanong ni Matthew.“Limited lang, Sir. You

  • My Secretary is a Gambler   Episode 32

    Dalawang linggo ang lumipas mula nang ma-discharge si Arya Aragon sa ospital. Unti-unti nang bumabalik ang lakas niya, at bagama't kailangan pa rin niyang mag-ingat, hindi na niya kayang manatili sa bahay buong araw.Masaya siyang nakakapagpahinga, pero nami-miss na rin niya ang trabaho, ang mga kasamahan niya, at maging ang lalaking palaging dahilan ng pagkayamot niya.Matthew Imperial.Ang CEO na kayang magpatigil ng buong conference room sa isang tingin, pero hindi kayang pigilan ang sariling magtanong kung kumain na ba siya.Hindi naman iyon nangangahulugang may espesyal na nararamdaman si Arya para sa lalaki.Siguro.“Mamsh, huwag mo nang sabihing pagod ka. Hindi pa nga tayo umaalis, pagod ka na agad!”Napatingin si Arya sa cellphone habang kausap si Barbara.“Hindi ako pagod. Nag-iisip lang ako kung bakit kailangan nating lumabas.”“Dahil dalawang linggo ka nang hindi nakikipag-socialize! At dahil gusto kitang makitang nakangiti, hindi iyong nakatingin ka lang sa kisame habang n

  • My Secretary is a Gambler   Episode 31

    Isang linggo matapos ang gabing muntik nang maging huli sa buhay ni Arya Aragon, sa wakas ay pinayagan na siyang makalabas ng ospital.Hindi pa tuluyang nawawala ang mga pasa sa kaniyang katawan, at sumasakit pa rin ang kaniyang tagiliran kapag napapasobra ang galaw. Ngunit para sa kaniya, sapat na ang isang linggong pagkakakulong sa ospital.Gusto na niyang bumalik sa buhay niya.O, mas tamang sabihin, gusto na niyang bawiin ang buhay na muntik nang agawin sa kaniya.“Remember, Miss Aragon,” paalala ng doktor, “you still need sufficient rest. Iwasan muna ang mabibigat na gawain at strenuous exercise. Huwag mong piliting bumalik agad sa normal ang katawan mo.”“Opo, Doc. Behave na po ako.”Sa tabi niya, napailing si Matthew Imperial.“That's the least believable promise I've heard in my entire life.”Napalingon si Arya.“Excuse me? May pinagdaanan po akong trauma. Hindi ba puwedeng maging supportive ka naman?”“I'm supporting the doctor's instructions.”“Napakasipsip.”“Thank you.”“H

  • My Secretary is a Gambler   Episode 30

    Hindi mapakali si Matthew Imperial mula nang maospital si Arya Aragon.Kahit abala siya sa pagpapatakbo ng Imperial Defense Systems, palagi niyang tinitingnan ang cellphone, umaasang may bagong mensahe mula sa kaniyang sekretarya.Samantala, si Anton ay may natuklasang hindi niya inaasahan.Nagsimula ang lahat sa paghahanap niya ng isang lumang meeting schedule sa computer ni Arya.Dahil wala ang sekretarya, humingi siya ng tulong sa IT department upang mahanap ang nawawalang file sa mga awtorisadong company records. Sa halip na schedule, may nakita silang mga email na naka-flag bilang posibleng security concern.“Sir Anton, may kailangan po kayong makita,” sabi ng IT specialist.Lumapit si Anton sa monitor.Sunod-sunod na email ang nakalista. Ang mga subject ay tungkol sa meetings, contracts, at business proposals ng IDS. May mga attachment ding ipinadala sa isang external email address na hindi matukoy ang tunay na may-ari.“Buksan natin ang mga file at ikumpara sa official records,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status