Maaga akong pumasok sa office ngayon dahil ayoko malate. Dapat consistent ako sa pagiging on time char.
Pag-alis ko kanina ay tulog pa ang mga anak ko. Panibagong araw na naman para sa akin. Pagkadating ko sa 19th floor ay agad akong pumasok sa office ng boss ko bigla akong napatda sa kinatatayuan ko dahil nabungaran ko ang boss ko bagong ligo at nakatapis lang ng towel. Kaya agad akong nagtakip ng mukha ko."Sorry po Sir hindi ko po alam na dito po kayo, sabay takbo ko palabas ng office niya."Gusto ko na lang lamunin ako sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan, sobrang init din ng mukha ko ngayon. Yong parang ayoko ng pumasok sa trabaho sa sobrang hiya ko.Umagang umaga palang ito na kaagad ang pambungad ng araw ko.Dahil sa pagtataka ko bigla kong tiningnan ang relo ko. Natampal ko yong noo ko dahil quarter to 7am palang pala kaya pala wala pa halos mga empleyado akong naabutan dito.Ang pinagtataka ko kung bakit nandito na yong boss ko ng ganito kaaga wala ba siyang bahay o condo na matutulugan.bakit dito siya? Mayaman naman siya kaya imposibleng wala.Pagkatapos ng ilang minuto ay tinawag na ako ng boss kung hot, ano yong sinabi ko hot, tumigil ka saway ko sa sarili."Good morning Sir," bati ko sa kanya.Hindi man lang ako batiin pabalik o tapunan ng tingin kaya deadma ko nalang din ano ba dapat iniexpect ko eh masungit nga diba. Pumunta nalang ako sa table ko, pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko ay pumunta na ako sa pantry para ipaghanda siya ng kape. Dahil sabi ni Nathalie kasama na daw yon sa routine ng isang secretary ng nag-iisang CEO na ipagtimpla ito ng kape."Sir your coffee po," saad ko sa kanya.Nilapag ko nalang yong kape niya dahil hindi na naman ako sinagot. Bumalik nalang ako sa table po at nag aantay ng utos niya. Nakakabagot naman dahil isang oras na ang lumipas pero hindi parin niya ako inuutusan. Sayang naman yong ipapasahod niya sakin kong naka tunga-nga lang ako dito.Kaya no choice ako kundi lumapit sa kanya para magtanong. Hindi na kasi ako mpakali sa kinauupuan ko dahil parang may nakamasid sakin kapag titignan ko naman yong boss ko ay wala naman hindi naman siya nakatingin sa'kin."Sir ask ko lang po sana baka may gusto kayong iutos o ipagawa sa akin? "Iniangat niya ang ulo niya at tumingin sakin ng walang emosyon sabay sagot ng "Wala akong ipag uutos sayo, remember I told you tatawagin kita if I need you Miss Flores. "Sasagot pa sana ako kaya lang tumingin siya sa akin ng masama kaya no choice na naman ako kundi bumalik sa upuan ko. Dahil super boring na ng buhay ko dito sa working table ko at tumayo na ako at naghanap ng panlinis buti at nakakita naman ako ng vacuum kaya sisimulan ko nalang ang maglinis.Napatayo ako ng tuwid nng biglang may nagsalita sa likuran ko "Miss Flores what do you think your doing? Are you in cleaning department now? ""Sorry Sir naiinip lang po kasi ako dahil wala akong ginagawa," sabi ko sa kanya.Tinignan lang niya ako at biglang bumukas ang pinto at may pumasok na isang gwapong lalaki sabay tingin sa akin. " I'm calling you but you're not answering my calls now, I know the reason", sabay ngiti nito sa'kin kaya ako ngumiti din pabalik."Tsskk...I know what you're thinking Rafa .""Hi! I'm Rafael but you can call me Rafa ,Luke and I are cousins," pahayag nito sa akin."Caye Flores po Sir bagong Secretary ni Mr. CEO." sabay ngiti sa kanya ganoon din siya sa akin, naputol lang kami nag nagsalita ang Boss ko."Miss Flores give us coffee now," sabi niya na may tunog pagbabanta.Kaya mabilis pa sa alas kwatro ay pumunta na ako sa pantry para ipaghanda sila ng kape. Nadatnan ko doon si Nathalie na nagtitimpla din ng coffee ,bumalik na pala siya sa department nila sa accounting kasi doon talaga siya nag sub lang pala siya kasi pinatalsik yong dating secretary na lumalandi kay Sir eh kalandian lng pala pero feeling jowa na."Hi sissy," bati niya sa akin."Hi din sissy magtitimpla lang ako ng kape para kay boss at sa pinsan niya."Talaga sis nandito yong poging pinsan ni Sir, naku crush na crush ko pa naman yon, ,sayang at hindi na ako ang secretary. " sabi nito sabay simangot."Kung pwede ko lang gawin na ikaw ang utusan ginawa kuna para sana makita mu ung crush mo,"sabay tawa ko."Kaya lang ako naman ang mapapagalitan galit pa naman yon sa akin kanina,"sabi ko sa kanya."Okay sissy thank you tatanawin ko nalang siya sa malayo huhuhu"sabi niya na may kasamang kunwaring hikbi, kaya napangiti nalang ako."Sissy una na ako sayo baka mamaya hinahanap na yong kape, bye!" paalam ko sa kanya.Binilisan ko ang lakad ko at nakarating na ulit ako sa office. Inilapag ko yong coffee sa table nila. Sabay bumalik ulit ako sa paglilinis alam kong galit siya kanina pero need ko tapusin yong nasimulan ko na bahala na mamaya.Patuloy lang ako sa paglilinis. Patuloy din sa pag-uusap ang boss ko at ang pinsan niya minsan nahuhuli ko na nakatingin sa akin yong Rafa pero deadma ko nalang kahit naiilang ako sa tingin niya. Naiinis pa ako sa skirt ko ayoko talaga nito pero wala akong choice ganito daw yong required na damit dito.Natapos na sila sa pag-uusap at paalis na rin si Rafa pero bigla itong lumapit sa akin at ibinigay ang calling card niya, ako nakatingin lang sa kanya ng may pagtataka. "Call me when you need anything" sabi niya sa akin."Go now Rafael" sabi ng boss ko."Okay bro so possesive huh" sabay ngiti nito.Lumabas na si Rafa kaya kami nalang dalawa ulit ang natira patapos na din ako sa paglilinis ng bigla na naman siyang mag salita."Don't wear that skirt again ""Po? Pero Sir ito po yong sabi sa akin sa HR Department."gulat pa na sabi ko."Hindi na simula ngayon just wear pants ,leggings or slacks basta hindi skirt, ayoko na nadedistract ang mga kausap ko ng dahil sayo" galit na sabi niya sa akin. Maang naman akong nakatingin sa kanya at hindi makapaniwala sa narinig."You said you feel bored right? "Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya dahil wala pa ako sa sarili dahil sa mga sinabi niya."I see okay ! sabay smirk, Go to the storage room and get the files from year 2018-2021 and arrange it by number. " sabi niya sa akin."Okay Sir."Pumunta na ako sa storage room at hinanap ko yong mga files, 10am palang naman kaya matatapos ko naman siguro ito bago mag lunch para makasabay pa ako kila Nathalie.Medyo natagalan lang ako sa paghahanap pero nakita ko din naman at nagulat ako kasi ang dami pala apat na kahon ang nandito bigla akong napagod kahit hindi pa ako nagsisimula.Binuhat ko na isa isa ang mga box naka apat din akong balik pag pasok ko wala yong boss ko sa office kaya hinayaan ko nalang para makakilos din ako ng maayos habang wala siya nakaka intimidate kasi yong tingin niya malamig at laging galit.Bumalik na yong boss ko at umupo sa swivel chair niya.Ako naman busy sa kakaayos ng mga files hindi ko na namalayan ang oras 1pm na pala. Kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom.Tumingin ako sa boss ko at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin pero umiwas din kaagad.Tumayo ako papunta sa kanya para sana magpaalam na kakain lang ako dahil gutom na talaga ako. "Sir pwede na po ba akong mag-lunch?""Kanina pa ang lunch pero ngayon mo lang naisip na mag paalam" sabi niya sa akin. "Okay you can go now.""Thank you Sir" sagot ko sa kanya at lumabas na para pumunta sa canteen.LUKE POVNgayon ang araw ng proposal ko sa asawa ko. Nais ko siyang pormal na ayain magpakasal. Alam ko na pangarap rin nito na ikasal ulit kaya pinaghandaan ko talaga ito.Humingi ako ng tulong sa pamilya ko at sa mga empleyado sa Blake Company. Masasabi ko na deserve ng asawa ko ang mabigyan ng magandang proposal. Sinubukan kong kumanta para sa kanya. Ewan ko ba kahit alam ko na mahal niya ako ay hindi ko parin maiwasan na kabahan.I'm so happy cuz she said Yes. Pero ang perpektong gabi namin ay napalitan ng kaba at pagkataranta dahil bigla na siyang sumigaw dahil manganganak na siya.Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba ko. Naawa ako sa asawa ko tuwing dumadaing ito kaya kinakausap ko ang baby namin. Sobrang pasasalamat ko kay God dahil hindi niya kami pinabayaan.Hindi niya pinabayaan ang mag-ina ko at naipanganak ng mabilis at maayos si Clyden Blake. Isang malusog na sanggol na lalaki. Masaya ako sa pag-aalaga sa mga anak ko,. Ito ang pamilya na nais ko hangga
CAYE'S POVSimula nang malaman ko na buntis ako ay paiba iba na ang mood ko. Madalas kakaiba ang mga trip ko pero malaki ang pasalamat ko sa asawa ko dahil nandiyan siya lagi sa tabi ko para alagaan at intindihin ako.Sobrang laki ng pinagbago niya. Kung noon na bago pa lang kami magkakilala ay napaka suplado nito at palagi na lang galit. Ngayon naman ay ikinulit niya. Sa mga buwan na kasama ko siya ay masasabi ko na lalo ko siyang minahal ngayon ko narealized na hindi ko mapagkakaila na noong una ko siyang makita ay nakuha na niya agad ang atensyon ko, lalo na ang puso ko.Nakikita ko ang pagmamahal niya sa dalawang babae kong anak at sa kambal. Lagi siyang naglalaan ng oras para sa mga ito. Nakasanayan na rin namin na tuwing araw ng linggo ay family day namin. Namamasyal at nagsasaya kami kapag sunday.Panay takbo na rin ang kambal at matatas na talaga silang magsalita.Mabigat na ang tiyan ko dahil kabuwanan ko. Tungkol naman sa negosyo ko maayos naman ito at si tita Nene ang nama
LUKE'S POVSobra-sobra ang saya na nararamdaman ko nang malaman ko na buntis ang asawa ko. Mag two months na pala siyang buntis na hindi man lang namin nalaman.Ngayon babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya noong ipinagbubuntis niya ang kambal. Madalas ay nagrereklamo na ito sa akin dahil para ko daw siyang ginagawang baby. Dahil nagiging OA na daw ako.May mga pagkakataon kasi na nahihirapan ako na intindihin siya. Dahil narin sa paiba iba ang mood niya kada araw. Ang weird din ng mga kinakain niya minsan. Pagkatapos iiyak kapag hindi ko siya sinabayan sa trip niya.Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang ginagawa niya dati noong panahon ng paglilihi siya.Dito ako sa office ngayon madami akong tambak na trabaho. Tulog pa ang asawa ko nang umalis ako kaya nag iwan na lang ako ng note.Dito na rin kami nakatira sa Maynila. Uuwi na lang kami sa Iloilo kapag nanganak na siya. Maayos naman ang negosyo niya sa pamamahala ni tita Nene.Maghapon akong nasa opisina ko ng tumawag
Matapos kong kumain ng singkamas ay nagpasya kaming sunduin ang mga bata sa bahay nila mommy. Nagulat pa ako parang may fiesta sa kanila dahil sa dami ng pagkain na nakalagay sa mesa. Tumingin ako sa asawa ko pero nginitian lang niya ako. Pagpasok namin ay sinalubong ako ni mommy sabay yakap sa akin."Mabuti naman at maaga kayo anak tara na sa hapag at para makakain na tayo," masayang sabi nito sa akin."Sino po may birthday mommy?" Tanong ko dito."Wala anak gusto ko lang magluto ng marami," sagot nito sa akin."Parang may fiesta po," sabi ko dito."Masaya kasi kami anak kasi kumpleto tayo."Umupo na ako sa tabi ng asawa ko. Ang layo na ni mommy sa dating siya gano'n din si daddy. Simula nang naging lolo sila masasabi ko na hindi naman pala sila masamang tao.Sadyang mahal lang nila ang anak nila. Hinalikan ko muna ang lahat ng mga anak ko. Apat na sila at may paparating na naman. Oo buntis ako at kanina ko nalaman nang umalis kasi ang asawa ko ay nagising ako bumaba ako sa kusina.
Bumukas ang gate at ipinasok ko ang sasakyan ko. Bumaba na ako pero nagulat ako dahil bigla na lang may tumamang palaso sa harapan ko.Halos matumba ako sa gulat."F*cking Sh*t!" Bulalas ko bigla.Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at may sumunod pa ulit na palaso na tumama malapit sa paa ko.Hinanap ko kung saan galing ang palaso. Nang tumingin ako sa paligid ay nakita ko ang asawa ko sa terrace. At nakatutok sa akin ang pana niya.Ngayon ko lang ulit ito nakita ng ganu'n kaseryoso habang walang akong maaninag na awa sa mga mata niya."Baby let me explain please, 'wag mo naman itutok sa akin 'yan.""Tapos ano magsisinungaling ka. H'wag mo na akong paikotin pa!" Sigaw niya sa akin."Baby anak 'yon ng ninong ko ganu'n lang talaga siya tuwing nag-uusap kami minsan nanghahampas habang nagkukwento. Wala lang cyon sa akin dahil para ko na siyang kapatid. Please baby ibaba mo na 'yan," pakiusap ko sa kanya."Hampas ba 'yon? Hinihimas niya ang braso mo. Bakit hindi mo tinanggal 'yong kama
CAYE'S POVNagising ako nang gabi na. Nang dumating ang asawa ko ay hindi ko parin siya pinapansin kahit na nagbigay na siya ng napakaraming ice cream."How's your day baby?" Tanong niya sa akin.Nanatili akong tahimik. Hindi ko siya sinagot."May problema ba tayo?" Tanong niya ulit sa akin. Akmang lalapit ito sa akin pero mabilis akong tumayo at lumabas sa silid namin.Pinuntahan ko ang kambal at hindi ko pinansin ang asawa ko. Nakikita ko pa lang siya ay naiinis na ako kaagad sa kanya. Araw-araw ay gano'n ang nanyayari. Sa tingin ko ay nagtatampo rin siguro ito dahil hindi man lang ako kinukulit.Sa couch narin ito natutulog. Hindi siya nagtangkang tumabi sa akin.Isang linggo na kaming hindi masyadong nag-uusap ng asawa ko. Lagi akong tulog ewan ko ba pero antok na antok talaga ako. Ngayong araw ay hiniram ni mommy ang mga bata kaya wala akong kasama ngayon dito. Simula nang maging okay kami ay mommy na ang tawag ko sa kanya. Tanggap na rin niya ang dalawa kong anak.Dahil sa mag-