Share

Arrange marriage

Chapter 5

Isabelle Luca “Pening” Point of View

“Doc saan po tayo pupunta?” tanong ko kay Doctor Zane.

“Sa bahay may emergency kasi.”

“Bakit n’yo pa po ako isasama?”

“Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit nagawa ni lolo sa’yo ‘yon, kaya isasama nalang kita para na rin sa kaligtasan mo.”

Hindi na ako umimik pero laking pasasalamat ko sa kabaitang ipinapakita ni Dr. Zane sa akin.

Iniwanan ko na ang trabaho ko at agad na nagbihis.

Mabilis kaming nagtungo sa bahay nila ni Dr. Zane Cuanco. Bakas sa mukha n’ya ang pag-alala kung ano bang emergency ang tinutukoy ng kanyang ama.

Nang dumating na kami  namangha ako sa sobrang laki at lawak ng kanilang bahay.

“Halika na Isabelle pasok ka,” sumunod naman ako kaagad.

Third Person Point of View

Sinalubong sina Dr. Zane at Isabelle ni Zack Cuanco ang ama ni Dr. Zane Cuanco.

“Mabuti naman iho at nakarating ka,” saad ni Zack sa kanyang anak.

“Ano bang emergency ang nangyari dad?”

Hindi pa nakasagot ang ama nito pero biglang sumingit sa usapan si Mrs. Smith, “Mabuti at nakarating ka, ‘tsaka sino ba ‘yang kasama mo Zane?”

Sasagot na sana si Zane pero biglang nagsalita si Scarlette.

“Oh! You witch! Di ba ikaw ‘yong baliw na basurera sa daan? What are you doing here?”

“Magkakilala kayo?” tanong ni Zane. 

“Hell no! Look Zane stay away from her baliw ‘yan. Nakita namin s’ya ni Clarisse noon kinakausap n’ya ang kanyang sarili habang namumulot ng mga basura sa daan,” protesta ni Scarlette.

“Hindi ko naman kinakausap ang sarili ko no’n ma'am kumakanta lang naman ako,” hindi napigilang sagot ni Isabelle.

Biglang lumapit si Scarlette kay Isabelle.

“And you have guts to answer me like that? Garbage girl? Bumalik ka na nga kung saan ka na babagay!” sabay tulak ni Scarlette kay Isabelle.

Nadapa si Isabelle sa sahig dahiI sa lakas ng pagkakatulak.

“Stop it Scarlette!” galit na saad ni Zane.

Inalalayan ni Zane na makatayo si Isabelle.

“Are you okay?”

Tumango lang ito bilang sagot.

“Bakit ka ba nagdadala ng basura rito Zane?” saad naman ni Marga Smith, ina ni Scarlette.

“This is family meeting Zane. Palalabasin mo ba ang basurang ‘yan? O kakaladkarin ko s’ya palabas!” saad ulit ni Scarlette.

“Fine! Para matahimik kayong lahat! Let’s go Belle, I’m sorry.”

Sinamahan ni Zane si Belle palabas ng bahay.

Dr. Zane Pov

“Sorry talaga kanina Belle. Hindi ko alam kung bakit nandito ang buong pamilya ni Scarlette.”

“Okay lang doc. Totoo naman na basura ako at galing ako sa basura.”

“Shhh ‘wag mong sabihin ‘yan. Dito ka lang muna sa loob ng sasakyan okey? Babalik lang ako sa loob para harapin sila at para matapos na ang stupidong ideya nila.”

“Okay doc.”

“Babalik lang ako mamaya. Huwag kang aalis dito sa sasakyan ha?”

She nodded.

Sinara ko na ang pinto ng sasakyan at naglakad na pabalik sa loob ng bahay.

Pagpasok ko ng bahay, sinalubong ako ni Scarlette.

“Mabuti naman Zane at pinalabas mo na ang basurang ‘yon.”

Tiningnan ko lang s’ya ng masama. 

“Dad ano ba kasing emergency ang sinasabi mo kanina? About na naman ‘to sa arrange marriage right?”

“Umupo ka muna Zane,” saad ni daddy.

“Iho nandito kami ngayon para ma planohan na ang natatakdang kasal n’yo ng anak kong si Scarlette,” saad naman ni James Smith, ama ni Scarlette.

“With all do respect tito. Ayoko pong makasal sa anak n’yo.”

“Zane!” suway ni daddy.

“Dad napag-usapan na natin ‘to ‘di ba? I am not going to marry Scarlette. Hindi ko s’ya mahal!”

Biglang humagulhol ng iyak si Scarlette.  At biglang umalis.

“Follow her Zane!” dad commanded me, pero hindi ko s’ya pinakinggan.

“I said follow her!”

Hindi pa rin ako kumilos. Hinayaan ko s’yang lumabas.

Biglang tumayo ang mga magulang ni Scarlette at sinundan s’ya.

Na iwan kaming dalawa ni dad dito.

“Look Zane, alam mo na kailangan mong sundin ang tradition natin. No one can resist it. Gusto mo bang itakwil ka namin? Kunin ang mga mana na dapat mapupunta sa’yo? You know what your lolo can do if you don’t follow this tradition. Kukunin lahat ng mga pag-aari mo. Even your position, alam n’ya kung pa’no ka makukunan ng lisensya, sirain ang pangalan mo and the worst thing is makukulong ka pa. I know it sounds impossible to happen because you are one of the most outstanding doctor. Pero kayang-kaya ka namin pabagsakin hanggang sa magdusa ka at maghirap ka.”

“Then do it.”

“Okay, madali akong kausap, son.”

Bigla n’yang kinuha ang cellphone n’ya at akmang may tatawagan.

Bigla akong kinabahan. I don’t want to lose my profession. Kilalang-kilala ko silang dalawa ni lolo they always get what they want.

“Dad, wait!”

Bigla s’yang huminto.

“Fine… I’ll… I’ll marry Scarlette.”

“Good to hear that. Madali ka lang namang kausap.”

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

“I’m not afraid if you’ll get all what I have, even my Resort. Ang hindi ko lang kaya ay ang sirain n'yo ang pangalan ko para lang matanggal ako sa pagiging doctor.”

“I’m your father kaya susundin mo ako.”

“That’s you! Hindi na ako magtataka kung bakit ka iniwan ni mommy. Sana sinama n’ya ako. Sana hindi n’ya ako iniwan sa’yo.” 

Hindi na s’ya nakasagot dahil nakabalik na sina Scarlette at mga magulang nito.

“Huwag ka ng umiyak iha. Magpapakasal na kayo ng anak ko. Pumayag na s’ya.”

“P-po?”

“You heard me right.”

“Wow! Magandang balita ‘yan. Sige itutuloy na natin ang pagplano para matuloy na sa susunod na buwan ang kanilang kasal,” saad ni Mrs. Smith.

“Masyado naman pong mabilis kung next month ang kasal. Maybe next year na lang muna,” sagot ko sa kanya.

“Masyado naman ‘yong matagal iho,” sagot naman ni Mr. Smith.

“Six months na lang po. Huwag na muna nating madaliin. Tutal pumayag naman si Zane,” sagot naman ni Scarlette.

Hindi na ako nagprotesta. Sumang-ayon na rin ang mga magulang namin.

“So I guess tuloy na tuloy na ang kasal. Let’s celebrate!” saad naman ng ama ko.

“Agree ako d’yan,” pagsasang-ayon naman ni Mrs. Smith.

“I have to go.” Saad ko sa kanila.

“Mag-celebrate muna tayo asawa ko,” saad ni Scarlette at may pahawak pa s’ya sa braso ko.

“I’m sorry but I have to go.”

Inalis ko ang kamay ni Scarlette at naglakad na palabas ng bahay.

Sinubukan nila akong pigilan ngunit umalis na talaga ako.

Pagkarating ko sa sasakyan na datnan ko si Isabelle na nakatulog sa kakaantay.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at ginising s’ya.

“Belle? Belle? Wake up,” tinapik ko pa ang kanyang mukha para magising ito.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa maamo at inosente nitong mukha.

“Sobrang ganda mo pala Belle sa malapitan,” mahina kong tugon.

“Hmmm,” dahan- dahan n’yang minulat ang kanyang mga mata.

“Ay kabayo! Ay... hala! So… sorry doc,” natawa ako sa reaksyon n’ya ng makita ako. Halatang gulat na gulat ito ng makita ako.

“Mukhang masarap ang tulog mo Belle.”

Pa simple s’yang ngumiti, “Gano’n na nga po doc.”

Nginiti-an ko lang s’ya at sinara na ang pinto ng sasakyan.

Umikot na rin ako sa sasakyan at pumunta na sa driver’s seat.

Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan at nagsimula ng magmaneho.

“Ahmm doc, babalik na po ba tayo sa Resort?”

Tiningnan ko s’ya saglit.

“Nope. Hindi ka muna do’n kasi nando’n si lolo.”

“Eh sa’n mo ako dadalhin doc?”

“Sa bahay ko.”

“Bahay n’yo? Eh ‘di ba do’n na tayo nang galing doc?”

“Hindi ko bahay ‘yon Belle sa mga magulang ko ‘yon.”

“Iba talaga ‘pag mayaman doc no? May kanya-kanyang bahay.”

“Actually hindi nila alam na may bahay ako.”

“Talaga po?”

“Oo Belle marami na akong na pundar. May mga businesses na rin ako pero hindi nila alam. Matagal kong pinaghandaan ang kapalaran ko. Kasi alam ko dadating ako sa punto na e-arrange marriage nila tradition daw 'yon ng pamilya namin. Alam ko kukunin nila ang lahat ng mga ibinigay nila sa akin kung hindi ko sila susundin. Kaya naghanda talaga ako. Kaso may isa akong hindi napaghandaan.”

“Ang ano doc?”

“They can ruin my reputation, kaya nilang sirain ang pangalan ko at gawan ng kasalanan na hindi ko ginawa.”

“Ang sama naman ng pamilya mo doc,”

“Oo maliban kay mommy.”

“Nasa’n na nga pala ang ina mo doc?”

“Nasa ibang bansa, sa Canada. Nakapag-asawa na ulit.”

“Puntahan mo doc,”

“Gusto ko man pero hindi ko alam kung saang parte ng Canada s’ya naroroon. Hindi ko rin alam paano ako haharap sa kanya o kaya ko bang harapin s'ya.”

“Naku doc, ina mo ‘yon. Alam kong hanggang ngayon mahal na mahal ka pa no’n. Walang araw na hindi ka n’ya iniisip.”

“Para namang close kayo ng mommy ko. Pero seryoso, saka ko na lang s’ya hahanapin kung handa na ako.”

Ngumiti lang s'ya at hindi na nagsalita pa.

Nakatutok lang s’ya sa daan.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Adonis Cahayag
Sana nga .........
goodnovel comment avatar
Jenny Lagahit
sana po ma unlock
goodnovel comment avatar
Mary Jane Butardo Rosario
sana nga libre nlng.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status