Share

Mr. Tan The Beast

Chapter 4

Isabelle Luca “Pening” Point of View

Tapos na kaming kumain ni Dr. Zane gusto n'yang maglakad-lakad kami sa tabi ng dagat.

Sumunod naman ako sa gusto nito.

“Pening may gusto sana akong itanong sayo.”

“Ano po ‘yon doc?”

“Napansin ko lang 'yang kwentas mo may nakalagay kasing Isabelle.”

“Ah ito po ba doc? Sabi nila Nanay Pena suot ko raw 'to no’ng tinapon ako ng mga magulang ko.”

“ 'Yan siguro ang tunay mong pangalan.”

“Siguro.”

“Alam mo bagay sayo, Isabelle.”

“Mas gusto ko pa rin po 'yong Pening doc.”

“Mas maganda ang Belle.”

“Ginawa nyo naman po akong tiyan niyan doc.”

“Huh? Bakit?”

“Kasi Belle! Belle Belle sa tyan.”

“Ikaw talaga palabiro ka pala, pero seryoso maganda ang pangalan mo kasing ganda mo.”

“Wala namang basurerang maganda.”

“Meron, ikaw.”

Hindi ako makapag salita sa sinabi ni Doc Cuanco.

“Kaya simula ngayon Belle na ang itatawag ko sayo. By the way about pala sa i-aalok ko saiyo. I decided to hire you para makapagtrabaho ka dito,dito mismo sa Resort, naawa kasi ako sayo.”

“Talaga po doc?”

“Of course! Naawa kasi ako sayo para naman makapag-ipon ka ng pera.”

Napayakap ako kay Doctor Cuanco dahil sa sobrang saya na naramdaman ko ngayon.

Ilang sandali lang nakaramdam ako ng pagka-ilang at hiya.

“Ay! Sorry po doc, nadala lang sa saya.”

“It’s okay, by the way Belle I have to go pupuntahan ko pa si lolo. Dito ka lang muna dahil kakausapin ko lang ang Manager at s'ya na bahala sayo.”

“Maraming-maraming salamat po talaga doc. Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob.”

“Walang ano man, alis na ako Isabelle.”

Nagsimula ng maglakad paalis si Doctor Cuanco.

Naiwan akong mag-isa rito, pinagmamasdan ko ang ganda ng paligid.

Ilang sandali lang ay may dumating na magandang babae na naka uniporme.

“Hi! Ikaw ba si Isabelle?”

“Isabelle? O-opo ako nga si Isabelle.”

“Binilin ka ni Dr. Cuanco sa akin, tara ituturo ko sayo kung anong magiging trabaho mo dito.”

“Sige po.”

Agad naman akong sumunod sa babaeng 'yon.

Naglakad na kami papunta sa kinainan namin ni Dr. Cuanco.

“Halika pasok ka. Dito kita e-aasign. Dito ka sa kusina, nakikita mo ba 'yan lahat? ‘Yan ang mga huhugasan mo.”

“Okay po.”

Grabi sobrang dami nito.

“Since half day ka lang magtatrabaho dahil ‘yon ang bilin ni Dr. Cuanco ilalagay kita sa closing shift.”

“Ano po ibig sabihin ng closing shift?”

“Magsisimula kang magtrabaho mula ala-una ng hapon hanggang sa pag-close ng Restaurant. Pagkatapos mong hugasan ang lahat, do’n ka naman sa dining area lilinisin mo ang buong Restaurant. Nakukuha mo ba ako?”

“Opo.”

“Mabuti naman kung gano’n at paalala ko lang sayo. Ingatan mo ang lahat ng mga gamit kasi kung may mababasag ka, ibabawas 'yon sa sweldo mo. Na intindihan mo ba lahat ng mga sinabi ko?”

“Opo! Opo!”

“Mabuti naman ito kunin mo, ‘yan ang uniform mo. Suotin mo yan ‘pag magtatrabaho ka.”

“Okay po.”

“Halika na punta na tayo sa magiging kwarto mo.”

Lumakad naman kami palabas at pumunta sa isang bahagi ng Resort kung saan maraming kwarto.

“’Yan ang magiging kwarto mo at ‘yang ibang kwarto na nakikita mo, kwarto ‘yan ng mga empleyado na nagtatrabaho rin dito sa Resort. Dagdag paalala ko lang sayo mahigpit na ipinagbabawal dito ang pakikipag-away at pakikipag relasyon sa kapwa empleyado. Did you get me?”

“Yes po.”

“By the way I’m Shirley Gomez the manager of this entire Resort. You can call me Ma’am Shirley. Goodbye and have a good day!”

“Ah ma’am ! Ma’am! Ma’am!?”

“Yes?”

“May libreng pagkain po ba? O sa sweldo ko kukunin ang kakainin ko?”

“Walang libreng pagkain Miss Isabelle. Hindi naman nagtayo ng feeding program si doc kaya kailangan mong tipirin ang sweldo mo para may pagkain ka, pero ‘wag kang mag-alala mamaya may maghahatid sa iyo ng mga groceries para may makain ka. Sa ngayon lang ‘to kasi hindi ka pa sumesweldo.”

“Sige po salamat.”

Umalis na si Ma’am Shirley kaya pumasok na ako sa kwarto ko.

Namangha ako sa pagpasok ko , hindi ako makapaniwala na may tutulugan na ako sa araw-araw.

Sinubukan kong humiga sa kama, grabi ang lambot ng higaan ko.

Lumulundag-lundag pa ako.

Meron pa akong sariling mesa, lutuan,may malambot pa na upuan. Sobrang linis pa ng kwarto.

Kung nabubuhay lang sana sila Nanay magiging sobrang saya namin ngayon.

Pero SaLamat talaga Panginoon at nakilala ko si Dr. Cuanco para s'yang anghel.

Maya-maya biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

“Sino po yan?” tanong ko.

Sabay bukas ko ng pinto.

“Hi! I’m Fatima. Dito lang ako nakatira katabi ng kwarto mo.”

“ I’m Isabelle,” tipid kong sagot, sinunod ko na ang gusto ni Dr. Cuanco na Isabelle na ang magiging pangalan ko.

“Ay! Bongga! Ang ganda naman ng pangalan mo. Heto nga pala inutosan ako ni Ma’am Shirley na ihatid sayo ‘to.”

“An’dami naman nito.”

“Yes of course! Mukhang malakas ka kay Dr. Cuanco eh.”

“Anong malakas ka d'yan? Naawa lang sa akin ‘yon.”

“Alam mo Isabelle? Bagay na bagay kayo, oo bagay kayo ni Dr. Cuanco. Maganda ka, maputi tapos si Dr. Cuanco hay sobrang guwapo n'ya talaga kaya mag-ingat ka baka pag-initan ka ni Ma’am Shirley. Lihim ‘yong may gusto kay Doc.”

“Parang kuya ko nga lang 'yon ‘tsaka ‘wag ka nga mag-isip ng kung ano-ano ang mabuti pa pumasok ka na muna.”

“Mabuti naman at sa wakas pinapasok mo na ako. Kanina pa tayo nag-uusap dito sa labas.”

Tuloy-tuloy lang ang kwentuhan namin ni Fatima.

Magaan ang loob ko sa kanya kahit sobrang daldal nya.

Tinuruan nya ako kung paano gagamitin ang mga gamit na nandito sa kwarto ,tinuruan din nya ako kung ano ang mga tawag nito.

Sobrang saya ko na may bago akong kaibigang nakilala ngayon.

Sa haba ng pag-uusap namin naikwento ko sa kanya ang buong pagkatao ko, kung saan ako galing at lahat ng nangyari sa akin kung bakit ako na punta dito.

Gano'n din s'ya kinwento rin n'ya sa akin ang buong buhay n'ya.

Pareho kaming ulila na sa mga magulang at naging tahanan na n'ya ang Resort at tinuring n'yang pamilya halos lahat ng mga nagtatrabaho rito.

“O s'ya alis na ako Isabelle, may duty ka pa. Alas dose na maghahanda ka pa ng sarili mo. Good luck sa first day mo.”

“Maraming salamat talaga Fatima. Marami akong natutunan sa araw na ito dahil sa'yo. SaLamat talaga.”

“Naku, wala ‘yon anyways masarap ka namang ka kwentuhan. Sige na, sige na maghanda ka na d’yan kasi ako naman gagala pa ako mamaya do’n sa swimming pool maghahanap ng guwapong majojowa. Day off feels talaga eh.”

“Sige Fatima SaLamat ulit.”

Umalis na si Fatima at pumasok na sa kanyang kwarto.

Agad na akong naligo, nagsuot ng uniporme, at nag-ayos.

Sobrang dami ng mga pagkaing ipinadala sa kwarto ko, pati na rin mga damit buti na lang nandito si Fatima kanina at natulungan ako.

Sobrang maraming thank you talaga kay doc.

Dr. Zane Cuanco Point of View

Malala ang kondisyon ngayon ni lolo hindi s’ya nakakalakad. Dito na s’ya sa bahay nagte-therapy.

It’s been Four (4) months na pero naka wheelchair pa rin s'ya.

“Zane, apo?”

“Yes, lo?”

“Gusto kong makapag-asawa ka na. Magpakasal na kayo ni Scarlette habang nabubuhay pa ako.”

“Lo? Hanggang kailan ba tayo, pa ulit-ulit nito? Ayoko talaga sa idea ng arrange marriage lo.”

“You have no choice, it’s our family tradition.”

“Lo, ayoko talaga.”

“Hanapan mo nga ako ng mag-aalaga sa akin?” iniba na ng matanda ang topic.

“Lo? Ang hirap maghanap ngayon ng mapagkakatiwalaan na mag-alaga sayo.”

“You always refused Zane.”

“Lo? Andito naman ang mga katulong, maalagaan ka nila.”

“Dalhin mo na lang ako sa Resort mo Zane, gusto kong mag relax suminghap ng sariwang hangin nababagot na kasi ako rito . Nababagot na ako sa kama, sa wheelchair, nakakabagot magpa ikot-ikot lang sa loob ng kwartong ‘to. I’ve been here for four months.”

“Hays sige lo, bukas pupunta tayo magfa-file lang muna ako ng leave.”

“Sige apo, by the way ipakilala mo sa akin ‘yong sinasabi mong pasyente na tinulungan mo at mas pinili mo pang gamutin kaysa sa akin, baka nang-aabuso na 'yon sa kabutihan mo.”

“Hindi s’ya gano’n lo.”

“Let’s see.”

Na ikwento ko kasi kay lolo ang tungkol kay Isabelle na tinulungan ko at binigyan ng trabaho makabawi man lang sa pagkakabangga ko sa kanya.

Kinabukasan…

“Thanks apo! This place is really relaxing. Mukhang mas mapapadali ang aking therapy kung nandito ako. And look there are lots of beautiful and sexy ladies. This is what I want.”

“Tsk! Lo matanda ka na pero puro chicks pa rin ang inaatupag mo.”

“Why can’t you be like lolo? Matinik sa chicks.”

“Ewan ko sayo lo. Tara lo, do’n tayo sa Meditation Site. Tahimik doon at makakarelax ka talaga lo.”

“Dito lang ako apo, naaaliw ako rito.”

“Kayo po bahala.”

“Nasa’n na 'yong babaeng tinulungan mo? Kikilatisin ko baka gold digger ‘yon, ‘yong tipo ng babae na akala mo mabait? Pero linta pala?”

“Maniwala ka lo, mabait 'yon, hindi ‘yon masama gaya ng iniisip mo.”

“Then, I want to meet her.”

Mukhang hindi talaga ako titigilan ni lolo kaya kinuha ko na ang aking phone at dumistansya ng konte para tawagan ko si Shirley.

“Hello Shirley? Please tell Isabelle na nandito ako sa VIP beach site, papuntahin mo s'ya rito asap.”

“Okay po sir.”

Binaba ko na ang cellphone ko at bumalik kay lolo.

“Alam mo apo? I’m so proud of you, you build this awesome place at dinadayo talaga ng mga tourista.”

“Thanks lo.”

Ilang minuto ang lumipas.

“Good morning po Dr. Cuanco, pinapatawag nyo daw po... MR.TAN?!”

Gulat na gulat na saad ni Isabelle.

“Oh! It’s good to see you here, dito lang pala kita makikita. Ano nga 'yong pangalan mo?” saad ni lolo kay Isabelle kaya nagtaka ako. Magkakilala ba sila?

“Do you know her lo?”

“Of course apo, hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha n'ya.”

Biglang tumakbo pa layo si Isabelle na tila takot na takot ng makita n'ya si lolo.

“Lo, just stay here kakausapin ko lang si Isabelle.”

“Oh Isabelle pala pangalan nya.” pa ngiti-ngiting saad ni lolo.

Tumawag muna ako ng isang empleyado para bantayan si lolo saka ko hinabol si Isabelle.

“Belle! Sandali!”

Huminto naman s'ya sa kakatakbo. ‘Andito kami ngayon sa spot ng beach na napapalibutan ng mga punong kahoy.

“Belle, bakit mo kilala si lolo?”

Humarap s'ya sa akin at nag simulang naglabasan ang mga luha niya.

“Doc, sya kasi ‘yong bumili sa akin no’ng binenta ako ni Madam Viona.”

“Totoo ba ‘yang pinagsasabi mo?”

“Oo doc, s’ya 'yong sinasabi kong Mr. Tanda. Binastos ako ng matandang ‘yon doc, muntik na n’ya akong gahasain ng gabing 'yon, no’ng gabing na bangga n'yo ako kaya punit-punit ang damit ko kasi ka gagawan n'ya po ‘yon doc. Buti nalang lumaban ako sa kanya sinipa ko ng sobrang lakas ang ari n'ya kaya ako nakatakas ng gabing 'yon.”

Napahilamos ako sa mga palad ko sa mga sandaling 'to hindi ako makapaniwala sa ginawa ni lolo kay Isabelle.

“Doc, kailangan ko na po talagang umalis baka ano pang gawin sa akin ng lolo mo. Maraming salamat po sa lahat ng mga tulong mo doc, pero kailangan ko na talagang umalis.”

Hinawakan ko ang kamay ni Isabelle, para pigilan s’ya.

“No! ‘Wag kang umalis Belle! Kakausapin ko si lolo. Bumalik ka na sa trabaho mo.”

“Pero doc?”

“Please bumalik ka na lang muna.”

Sumunod naman si Belle sa utos ko. I can’t believe this. Grabe ang ginawa ni lolo. Agad na akong naglakad pa balik sa kinaroroonan ni lolo.

“Iwan mo na kami,” saad ko sa empleyadong inutosan ko para bantayan si lolo.

“Paano mo na gawa sa isang babae ‘yon lo?”

“Ginawang ano?”

“Binili mo s'ya at binastos lo.”

“ Masyado ka yatang nagpapaniwala sa nakilala mo lang four months ago.”

“Lo, umiiyak ‘yong tao sa trauma na ginawa mo sa kanya. Pinalaki n'yo pa naman ako lo na dapat mahalin at respituhin ang mga babae at higit sa lahat alagaan ko ang apelyido natin, pero anong ginawa mo lo?”

“Apo hindi ko magagawa ang binebentang ng babaeng ‘yon.”

“Then why you act like you know her kanina?”

“Okay let’s stop this. Aaminin ko binili ko s’ya . She’s just like some bayarang babae and it seems na ikaw naman ang kanyang bibiktimahin kaya 'wag kang maniwala sa mga pinagsasabi n’ya.”

“No lo, look at you! Kaya pala nagkaganyan ka, kaya pala nadala ka sa hospital on the same night na nakabangga ako kasi sinipa ni Isabelle ‘yang ari mo, kaya hindi ka pa nakakalakad until now.”

“Okay fine!!! I bought here for five million Zane! I want her that night! I already own her Zane since that night! At masaya akong nakita s'yang muli at gagawa ako ng paraan para makuhang muli ang pag-aari ko,” galit na galit na saad ni lolo.

“You’re insane lo, parang apo mo na ‘yon.”

“I don’t care Zane!”

“You don’t care lo? Really?”

“Hindi ako magwawaldas ng five million Zane just for a girl. I think I love her since I saw her that night.”

“Mangilabot ka sa sinasabi mo lo.”

“I will do anything Zane to get what I owned.”

“And I will do anything lo, to protect her from you.”

Natawa bigla si lolo.

“Then do it.”

“I will give back your five million lo, just to let her nakakaawa ‘yong tao.”

“It sounds that you like that girl Zane pero kukunin ko pa rin ang pag-aari ko.”

“Pwede kang makulong lo kung sasampahan ka n’ya ng attempted rape.”

“Then gawin n’ya, kung kaya n’ya. Bakit, may ibidensya ba s’ya?”

Nag-iinit ang ulo ko kaya tumawag na lang ako ng ibang mag-aasist kay lolo at mag aalaga sa kanya dito sa Resort. At iniwan ko na s'ya.

Since naka vacation leave naman ako ng three months.

Gagawa ako ng plano para hindi matuloy ang binabalak ni lolo kay Isabelle.

My phone rings I received a call from my dad.

“Yes dad.”

“Nandiyan ba ang lolo mo?”

“Yes dad.”

“Mabuti naman, I need you right now. It’s an urgent ‘andito ako sa mansion naghihintay sa’yo.”

“Bakit po? Anong meron?”

“Basta bilisan mo.”

“Okay.”

Binaba ko na ang aking phone at pinuntahan ko kaagad si Isabelle isasama ko na lang muna s’ya sa bahay. Ayokong iwan s'ya rito.

Alam kong hindi makalakad si lolo pero may mga tauhan s'yang pwede niyang utosan anytime at baka ano pa ang gagawin n'ya kay Isabelle.

Pumasok ako sa Restaurant dito raw kasi naka-assign si Isabelle.

“Shirley? Si Isabelle?”

“Nando’n sa kusina doc.”

Tinungo ko naman agad ang kusina. Agad ko s’yang nakita dahil naghuhugas ito ng napakaraming mga pinggan kaya agad na akong lumapit sa kanya. Hindi n’ya ako na malayan kasi nakatalikod ito at seryosong nag huhugas.

“Isabelle.”

“Ay butiking walang buntot!”

Natawa ako sa reaction n’ya halata nito ang pagkagulat.

“Ikaw pala doc.”

“Halika sama ka muna sa akin.”

“Sa’n po tayo doc?”

“Basta tara!”

Agad Naman itong sumama.

Naglakad na kami palabas sa Restaurant.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nery B. Ramos
nakakakaba ang kwento na to, Nag krus ulit ang landas nila ni Mr. Tanda...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status