Share

My Sexy Basurera
My Sexy Basurera
Author: Hurrem

INTRODUCTION

CHAPTER 1

PENING’S POINT OF VIEW

Jackpot ‘to ngayon ang daming tapon sa fast food chain.

“Nanay! Bilis may hamburger at spaghetti pati na rin fried chicken.” Binuhat ko ka-agad ang isang trashbag ng basura na naglalaman ng mga  pagkain, bago pa ito makuha ng truck ng basura.

“ ‘nay, tayo na po may pang haponan na tayo.” 

“Sige anak tayo na.”

Ako nga pala si Pening ‘yon ang tawag nila sa akin. Hindi ko kinahihiya na sa basura lang ang hanap buhay namin. Hanggang High School lang ang natapos ko. Sina Nanay Pena at Tatay Berting ang nakalakihan kong mga magulang kaya Pening ang tawag nila sa akin. 

Napulot lang nila ako sa basurahan, hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko at wala akong balak na kilalanin sila o hanapin. Kung buhay pa ba ang totoo kong magulang o baka wala na. Basta ang alam ko kung buhay man sila nakatatak na sa isip ko na wala silang pagmamahal sa akin kasi kung meron man, sana naging sapat na akong dahilan para magkaroon kami ng isang masayang pamilya. Kaya kung ayaw nila sa akin, mas lalong ayaw ko sa kanila. Busog naman ako sa pagmamahal ni Nanay Pena at Tatay Berting.

“Hi Pening, kailan mo ba ako sasagutin?”

Hay naku nandito na naman si Rico kapwa ko basurero, alangan namang isang hari ang manliligaw ko di ba? Daig ko pa si Cinderella no’n kung nagkataon.

“Ano ba Rico, sinabi ko na sayo na wala kang pag-asa sa akin.”

“Aray! Sobrang sakit naman no’n mahal kong Pening. Bakit ba ayaw mo sa akin? Eh maganda ka ‘tsaka maputi at ako naman matangkad guwapo, o di ba bagay na bagay tayo? Amoy basura nga lang.”

“Alam mo Rico, wala pa sa ‘kin ‘yang pagmamahal na ‘yan ang gusto ko bahay ‘yon ang matagal ko ng pangarap Rico.”

“Pening, sagutin mo lang ako ngayon at ako na bahalang maghahanap ng matutulogan mo araw-araw.”

“Bahala ka na nga riyan. Maghanap ka ng matulogan mo.”

Iniwan ko na si Rico at pumunta na ako kung saan nando’n si Nanay at Tatay.

“Na riyan ka na pala anak, halika na’t kakain na tayo,” saad ni Nanay Pena.

“Sige po ‘Nay.”

Walang anak sina Tatay Berting at Nanay Pena kaya lahat ng pagmamahal ng mga magulang binuhos nila sa akin, kaya sobrang mahal na mahal ko rin sila.

Pangarap ko talaga na makatira kami kahit man lang sa isang munting bahay ‘yong kahit nagbabasura lang kami araw-araw pero may inuuwian kaming bahay. Nakakapagod din kasing makipaghabolan ng matutulogan gabi-gabi, kung minsan nga’y sinisita pa kami ng mga tanod o kaya mga may-ari ng tindahan kasi nando’n kami sa harapan ng kanilang tindahan nakahiga tuwing sasapit ang gabi.

Kagaya ng kalagayan namin ngayon, gabi-gabi maghahanap kami ng pwestong matutulogan. Marami rin kasing mga basurero na gaya namin na nasa lansangan pa laboy-laboy walang permanenting nauuwian. Ito ang nakalakihan kong buhay. Madungis, mabaho at palaging gutom.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming humiga sa hinandang tulugan ni Tatay Berting.

“Wow ‘Tay! Bakit may pa kama po tayo ngayon?” 

“Malaki-laki kasi ang kinita ko kanina sa pangangalakal anak, kaya naisipan kong magrenta ng kama. Trenta lang naman ang dalawang kama na ‘to ‘tsaka di ba birthday mo na bukas anak? At bukas ay hindi tayo kakain ng basura ibibili kita ng pansit do’n sa karenderyang may masungit na tindera. May two hundred pa naman akong naitabi pagkakasyahin natin ‘to bukas,” saad ni Tatay Berting.

“ ‘tay naman doon pa talaga sa may masungit na tindera ‘Tay? Naalala ko nga no’n may customer sila na kumain do’n sa kanila tapos sabi ng customer, Miss libre ba ang sabaw? Agad naman n'yang binigyan ‘Tay. Nangangalakal ako ng panahong ‘yon kaya lumapit ako sa babaeng 'yon nanghingi rin ako ng sabaw kasi libre, pero alam mo ‘Tay? Pinaalis ako kasi ang baho ko raw at nakakamalas sa paninda n’ya.”

“Kawawa naman ang anak ko. 'Wag kang mag-alala anak bukas bibili tayo ng pansit at sabaw maghahanap tayo ng ibang karenderya.”

“Salamat po sa pa kama ngayong gabi ‘Tay pero 'wag n'yo na po 'yang gastusin bukas ang pera mo 'Tay. Iponin na lang natin ‘yang pera 'Tay.”

“Okay lang naman anak, kaya nga sinisikapan ko talaga kanina ang paghahanap ng mga kalakal, plastik at kung anu-ano pang pwedeng mabinta para may mahanda kami ng Nanay mo sayo bukas.”

“Tay, alam ko naman po na mahal na mahal n'yo po ako ni Nanay at araw-araw ko po 'yong pinagpapasalamat sa Panginoon dahil sa pagmamahal n'yo. Gusto ko lang naman 'Tay makaipon tayo para may pang araw-araw tayo. At saka hindi ko naman talaga birthday bukas 'Tay.”

“Anak ika-dalawampu’t lima mo na bukas, ‘yan ang buwan at araw na dumating ka sa buhay namin ni Pena at simula sa araw na ‘yon mas naging masaya kami ni Pena dahil binigay ka sa amin ng Panginoon. Nagkaroon na kami ng isang prinsesa.”

Naiyak ako sa mga sinabi ni Tatay Berting kasi kahit tinapon ako ng sarili kong mga magulang pero tinuring naman akong prinsesa ng mga nakapulot sa akin. Niyakap ko si Nanay Pena at Tatay Berting.

Sana lahat ng mga tinatapon na bata may makakapulot na katulad nina Nanay at Tatay na kahit salat man sa buhay, mayaman naman sa pagmamahal.

“S’ya nga pala Pening panahon na para ibigay ko ito sa'yo,” saad ni Nanay.

“Ano po ‘yan ‘Nay?”

“Ang kwentas mo.”

“Kwentas po? May kwentas po ako 'Nay?”

“Oo anak, suot-suot mo ‘yan no’ng araw na napulot ka namin. Tinago ko lang muna kasi bata ka pa at saka baka manakaw. Marami pa namang magnanakaw rito sa kalsada.”

May naka lagay na Isabelle sa kwentas siguro ito talaga ang tunay na pangalan ko.

“Huwag mo na pong ibigay sa akin ‘yan 'Nay ibenta mo na lang ‘yan o kaya isangla mo tapos bili tayo ng maraming-maraming pagkain 'Nay.”

“Anak ano bang nakasulat dito sa kwentas? Hindi kasi kami marunong magbasa ng Tatay mo.”

“Isabelle po, Isabelle po ang nakalagay.”

“Ito siguro ang totoo mong pangalan anak. Isabelle ang gandang pakinggan anak bagay na bagay sayo. Gusto mo ba ito ang itatawag namin sayo?”

“Ayoko ‘Nay, mas maganda po ang Pening ibenta n’yo na lang ‘yan ‘Nay, para hindi manakaw at makakabili pa tayo ng mga pagkain.”

“Anak kunin mo ito,  alam kong galit na galit ka sa kung sino man ang mga magulang mo pero alam ko rin anak na dadating din ang araw hahanapin mo rin sila. Aalamin mo pa rin ang tunay na pagkatao mo at isa ito sa magiging susi upang makilala ka nila.”

“ ‘nay, ayoko na po silang makilala kaya hindi ko po ‘yan tatanggapin.”

“Anak kunin mo na 'yan, isipin mo nalang na regalo namin sayo ‘yan ‘wag mo na lang isipin na galing ‘yan sa mga tunay mong magulang para hindi sumama ang loob mo,” saad sa akin ni Tatay Berting.

Kinuha ko na lang ang kwentas kasi hindi talaga sila titigil dalawa. Ayoko sa kwentas na ‘to. Ayoko sa kung sino man ang magulang ko pero sinuot ko pa rin kasi ‘yon ang gusto ng mga kinikilala kong mga magulang.

Kinabukasan…

Maaga akong naghanap ng mga kalakal sa mga basurahan at sa daan para may ma-ibenta.

Nilibot ko ang buong parke at mga daan pinupulot ko 'yong mga binabasura ng iba. Ang lahat na pwedeng ibenta pinupulot ko. Gusto kong makaipon para maibigay ko sa kanila ni Tatay, kasi uubusin talaga ni Tatay ang two hundred pesos n'yang kinita kahapon para lang makabili ng pansit at sabaw sa birthday ko.

Nakapuno na ako ng tatlong sako ng mga basura. Nakaramdam ako ng pagod kaya umupo muna ako rito sa Parke. Tinitingnan ko ang mga taong masayang gumagala rito kasama ang pamilya nila habang kumakain sa mga klase-klaseng pagkain na binebenta malapit dito sa parke.

“ Hi! I’m Madam Viona, you look beautiful, maganda ka iha.” Biglang may isang babaeng lumapit sa akin at kina-usap ako.

“Hindi naman po ako maganda ang dungis-dungis ko nga po eh,” sagot ko naman sa kanya.

“Madungis ka nga pero tingnan mo ang mukha mo ang ganda at ang puti mo. Kunting ligo lang at magbihis ka ng damit na bagay sayo tiyak kahit ikaw sa sarili mo hindi mo makikilala.”

“Wala naman po akong damit na maisusuot, wala akong pera pambili no’n.”

“Walang problema ‘yan may e-aalok ako sa'yong trabaho, tiyak na magugustohan mo ito. Magkakaroon ka pa ng maraming-maraming pera at ng mga bagong damit, makakakain ka pa ng kahit anong gusto mong pagkain. Mabibili mo na ang mga gusto mo.”

“Talaga po? Ano pong trabaho?”

“Bukas bumalik ka rito sa Parke ganitong oras din sasama ka sa akin ituturo ko sayo kung anong trabaho.”

“Si-sige po.” 

“O s’ya mauna na ako. Ito nga pa lang isang libo. Bibilhin ko na ‘yang mga basurang kinuha mo iwan mo na lang ‘yan diyan.”

“Naku po! Sobra-sobra na po ito.”

“Sige na kunin mo na ‘to, bumili ka ng presentableng damit ‘yong babagay sayo at bumalik ka rito bukas.”

“Sige po ang bait n'yo naman. Maraming salamat po talaga nito.”

Naglakad na paalis si Madam Viona grabe ngayon pa lang ako nakakahawak ng isang libo. Bibili ako ngayon ng maraming pagkain at ibibigay ko kay Nanay Pena ang perang matitira. Magandang balita ‘to magkakaroon ako ng trabaho at kapag mangyari iyon iiponin ko ang sweldo ko at sisikaping magkaroon kami ng bahay kahit maliit lang para hindi na kami maghahanap pa ng basura. Ang saya-saya ko sa isiping iyon.

Nang hindi ko na nakikita sa Madam Viona napagdesisyonan kong ibenta pa rin ang tatlong sakong napuno ko baka kunin ng ibang namamasura. Inisa-isa kong binuhat at ibeninta sa malapit na Junkshop, sobrang bigat pero nakakaya ko. 

Maraming salamat talaga sa biyaya ko ngayon Lord.

Hapon na ng makarating ako sa pinu-pwestuhan naming higaan dala ko ang isang supot ng pansit na sobrang dami at isang supot din ng kanin. Sabik na sabik akong ibalita kina Nanay at Tatay na may magiging trabaho na ako. Bumili rin ako ng tatlong t-shirt para sa amin.

“Oh, Rico? Andito ka na naman?”

Nadatnan ko si Rico na mukhang may hinihintay.

“Pening!!!” nanginginig si Rico habang nagsasalita kaya kinabahan na ako at nag-aalala sa kanya.

“Hoy Rico, okay ka lang ba?”

“Pening kasi- ano ah ‘wag kang mabibigla ha?”

“Bakit? Ano bang nangyayari sayo?”

Ngayon ko lang nakita si Rico na ganito ka putla.

“Si- si Manong Berting at si Manang Pena kasama sa natabunan ng lupa kanina sa dam site ng mga basura!”

“Ha?! Ano?! Rico ‘wag kang magbibiro ng ganyan hindi nakakatawa ha?”

“Pening! Totoo, totoo ang mga sinasabi ko. Biglang bumigay ang lupa kanina kaya nagka-landslide, habang si Manang Pena at Manong Berting ay nasa baba namamasura. Kitang-kita ko ang nangyari Pening.”

“Hindi!!! Hindi!!! Hindi!!! Hindi pwede Rico! Hindi pwede! Hindi totoo ‘yan!”

Humagulhol na ako sa kakaiyak hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

“ ‘nay!!! ‘Tay!!! Bakit n’yo ako iniwan?”

Iniyak ko lang nang iniyak ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Niyakap ako ni Rico ng mahigpit ng mga sandaling iyon. Kung bangongot man ‘to gusto ko ng magising.

“Pening 'wag kang mag-alala nandito lang ako para sa'yo. Dadamayan kita bilang kaibigan mo,” saad ni Rico

“Salamat Rico, Alam mo, ito ‘yong pinakamasakit na araw na nangyari sa buong buhay ko. Ito ang pinaka pangit na birthday. Rico hindi ko alam, hindi ko alam paano magsisimula ng buhay na wala sila. Hindi ko kaya Rico gusto kong sumunod na sa kanila. Sana hindi ako namasura sa ibang direksyon. Sana sumama nalang ako sa kanila kanina para sama-sama kaming tatlo. Sana nakasama nila ako. Hindi sana ako ngayon nag-iisa.”

“Tahan na Pening ‘wag kang magsasalita ng ganyan. Kailangan mong maging matatag andito lang ako palagi para sayo.”

“Salamat Rico.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Reynand Valdez
nsana update nito qng dnyokya tapusin aklat wag n kau mag sulat paasa kau
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status