Share

The Bidding

Chapter 2

ISABELLE LUCA “PENING” POINT OF VIEW

Umaga ngayon at nandito na ako  sa Parke. Hinihintay ko si Madam Viona na dumating dahil tatanggapin ko ang inalok n'ya sa akin na trabaho.

Nagdadalamhati man ako pero susubukan ko ‘yong sinabing trabaho ni Madam Viona baka sakaling makatulong ‘yon sa akin.

Panay pa rin ang iyak ko sa tuwing maalala ko silang dalawa. Sobrang hirap ang mabuhay mag-isa hindi ako sanay na wala sila. 

“Oh hello, mabuti at dumating ka ano nga ulit 'yong pangalan mo?” tanong ni Madam Viona sa akin pagdating n'ya.

“Pening po.”

“Okay Pening mukhang desidido kang makapagtrabaho ah.”

“Opo Madam gustong-gusto ko po talagang makapagtrabaho, ano po ba ‘yong magiging trabaho ko?”

“Basta maganda ang trabaho mo at kikita ka rito ng malaki. Pero bago ang lahat mukhang kailangan mo ng matinding transformation.” 

“Ano po ‘yong transformation?”

“Naku! Napaka-inosente mo talaga halika na at sumama ka na sa akin. Binigyan kita kahapon ng pera para makabili ka ng damit pero hindi ka pa rin nakapag bihis.”

“Kamamatay lang po ng mga magulang ko kaya wala po akong gana mag-ayos.”

“O s'ya, sige na halika na.”

Agad naman akong sumunod kay Madam Viona.

“Sa backseat ka lang sasakay ha? Dito ako sa front seat. Tayo na sa bahay Brando,” utos n’ya sa driver.

Umandar na ang sasakyan at nagsimula na itong tumakbo.

Hindi pa naman kami nakalayo-layo pero sumama na ang pakiramdam ko, para akong nalulula habang sumasakay.

“Ma’am!!! Ma’am!!! Ma’am!!! Nasusuka po ako baka po puwede pakitabi lang po muna.”

“Hay nakung bata ka.”

Lumabas na ako kaagad at sumuka nang sumuka sobrang sama talaga ng pakiramdam ko.

May pinainom sa akin si Madam Viola hindi ko alam kung ano ‘yon pero makakatulong daw ‘yon para hindi ako mahilo habang sumasakay.

Nang naging ok na ang pakiramdam ko sumakay na ulit ako sa sasakyan at pinatakbo nang muli ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa kanilang bahay.

“Bumaba ka na Pening nandito na tayo.”

Bumaba na ako, at ng makita ko ang bahay ni Madam Viona hindi ko mapigilan na mapaiyak habang pinagmamasdan ko ang buong bahay.

“Pening?! Na pa’no ka ba? At bakit umiiyak ka riyan?”

“Eh, kasi ma’am sa buong buhay ko ngayon lang ako makakapasok ng bahay.”

“Dapat ka ng masanay kasi ‘pag maayos mong nagawa ang trabaho mo pwede kang magkaroon ng sarili mong bahay.”

“Talaga ma’am?”

“Oo basta sundin mo lang ang mga utos ko sa'yo.”

“Sige ho.”

“Halika na, pumasok na tayo sa loob.”

Sumunod na ako kay Madam Viona. Kung nabubuhay lang sana kayo ngayon 'Nay, sure ako na magiging masaya kayo kasi unti-unti natutupad ang pangarap nating magkaroon ng sariling bahay.

“Pumasok ka riyan sa banyo Pening, maligo ka linisin mo ‘yang buong katawan mo.”

“Okay po.”

Nagsimula na akong na ligo.

Ilang minuto ang lumipas may kumatok na sa pintuan ng banyo.

“Pening? Matagal ka pa ba diyan?”

“Sandali na lang po.”

“Bilisan mo na ‘yang kilos mo.”

“Opo.”

Nakalabas na ako ng banyo at nakabalot na ang aking katawan sa robe na suot ko.

“Oh ayan lumabas na ang tunay mong ganda Pening dapat simula sa araw na ito, hindi ka na si Pening.”

“Pero ‘yon po ang pangalan ko.”

“Hindi pwede, teka mag-iisip ako ng pangalan mo. Sandali ano ‘yang kwentas mo? Isabelle? Kaninong pangalan ‘yan?”

“A- akin yata?”

“Ang labo mo, simula ngayon ‘yan na ang pangalan mo bagay na bagay sayo. Isabelle perfect. Maglalagay tayo ng make-up sa mukha mo para mas lalo kang gumanda.”

Hinayaan ko lang si Madam Viona sa ginagawa n’ya.

“Ayan sobrang ganda mo na. Heto, hetong mga damit na ‘to ang susuotin mo.”

“Po-po??? Hindi po ako nagsususout ng ganyan ka iksi at kasikip na damit.”

“Naku Isabelle ‘di ba gusto mo ng pera? Dapat hindi ka nag-iinarte. ‘Wag mong pairalin ang pagka Pening mo ‘pag nagawa mo ng maayos ang trabaho mo instant mayaman ka na.”

Hindi na ako nakipag talo pa sa mga gusto ni Madam Viona hinayaan ko s’ya sa mga gusto n’ya.

Ilang oras ang lumipas.

 Mag-gagabi na.

“Tapos na ang paghihintay natin, pupunta na tayo kung saan ka magtatrabaho Isabelle.”

“Sige po.”

“O ayan di ba ? Presentable ka na. Sobrang ganda mo pa.”

Tumingin ako sa malaking salamin, halos hindi ko talaga makilala ang sarili ko ngayon.

Ang ganda ko!

“Pening ? Ano ba, tara na male-late tayo.”

“Opo.”

Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa sasakyan.

Mahaba-haba ang binyahi namin kaya nakatulog ako.

“ Isabelle! Isabelle! Gising!”

“Nasa’n na po tayo?”

“Huwag ka ng maraming tanong basta sumunod ka na lang.”

Maraming tao ang nasa lugar na ‘yon at sobrang ingay.

“Madam Viona, buti maaga kayong nakarating. Ito na ba ang manok natin?” saad ng isang bakla na sumalubong sa amin.

“Oo ‘yan nga.”

“ Iha hali ka ikot ka nga.”

Sinunod ko naman ang sabi ng bakla.

“Marunong ka talagang pumili Madam Viona.”

“E-akyat mo na ‘yan sa stage.”

“Okay madam, Iha halika sumama ka sa akin.”

“ Sa’n po tayo sir?”

“Ay! Maka sir naman ‘tong alaga mo Madam Viona huh?”

“Sige na Isabelle umakyat ka na sa stage.”

Utos ni Madam Viona sa akin.

“Pero nakakahiya po ang daming tao.”

“Sige na umakyat ka na ‘wag mo akong pahihiyain.” 

Umakyat na ako kahit sobrang kinakabahan, kasama ko ang baklang sumalubong sa amin.

“Gentlemen? Dumating na ang ebi-bidding natin ngayon. Mahal ang value n’ya kasi fresh and young pa ito.”

Marami ang nagsipalakpakan at para na akong nauupos na kandila dahil sa sobrang hiya. Hindi ko alam kung ano ba ang bidding na sinasabi ng baklang ito.

“The bidding starts with 100,000.”

“100,000,” sabi ng isang lalaki.

“100,000 for Mr. C,” tugon ng bakla.

“300,000,”may nagpataas ng kamay na lalaki.

“Mr.Jones for 300,000.”

“1 Million,” isang lalaki pa ang nagsalita.

Hindi ko naiintindihan ang mga ginagawa nila ngayon. 

“Wow! Palaki nang palaki ang Value. 1 Million for Mr. Ramos,” tugon ulit ng bakla.

“Three Million,” 

“Mr. Ding for Three Million,”

Ilang Segundo ay wala ng nagsasalita.

“So I guess three Million is--,”

“Five Million.”

“Wow! Five Million! Five Million for Mr. Tan.”

Naghintay ulit ang bakla kung may hahabol pa ba pero wala ng nagsalita.

“Wala na bang hahabol?”

Tahimik na ang buong lugar.

“Okay sold to Mr. Tan. Five Million sold to Mr. Tan.”

Biglang may dalawang nakaitim na tao ang kumuha sa akin mula sa stage na ‘yon.

“Teka! Teka! Sa’n n'yo ako dadalhin?”

Hindi sila umimik.

“Teka tatawagin ko lang si Madam Viona. Madam!!! Madam!!! Ano ‘to?!”

“Tumahimik ka! Pag-aari ka na ni Mr. Tan! Nabili ka na n'ya,” saad ng isang nakaitim na lalaki.

“Huh? Ano? Anong binili? Hindi ako produkto para bilhin! Hindi ko binebenta ang sarili ko.”

“Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan.”

Dinala nila ako sa isang lugar na napapalibutan ng klase-klaseng mga kwarto at sobrang tahimik dito. Lalong lumakas ang kaba at takot na nararamdaman ko ngayon.

“Sandali bitawan n’yo nga ako. Tulong!!! Saklolo!!! Tulongan n'yo po ako!”

Pinasok nila ako sa isang malaking kwarto.

“Heto na po Mr. Tan.”

“Sige, umalis na kayo.”

Nagsilabasan na nga ang dalawa na naghatid sa akin dito.

Ini-lock ng Mr. Tan na ‘to ang pintuan ng kwarto.

“Hey! Beautiful lady,” saad nito at ginawi n’ya ang buhok ko at inamoy-amoy ito.

“Sir a-ano pong gagawin n’yo sa akin?”

“Simple lang gawin mo ang lahat ng gusto ko.”

“Ano ba ‘yong ipagagawa niyo? Lilinisin ko po ba ‘yong buong kwarto? Maglalaba? O ipagluluto po kita.”

Patawa-tawa lang ang sagot  ng matandang na sa kaharap ko.

“I like you, you’re so innocent, beautiful and young lady. My five Million is not wasted.”

“Sir, Tatay maghulos-dili po kayo para ko na po kayong lolo.”

Hinawakan n'ya bigla ang mukha ko at hinalikan n'ya ako.

Nagalit ako sa ginawa ng matandang ‘to kaya sinampal ko s’ya. S’ya lang bukod tanging nakahalik sa labi ko kaya labis ang aking galit sa matandang ito.

“Hoy! Mr. Tan!!! Mr. Tanda pala dapat!!! Subukan mo lang na may gawin sa aking masama lalabanan talaga kita. Ginagalang ko at nirerespito ang mga nakakatanda pero 'pag ako babastusin mo? Hindi ako magdadalawang isip na lalaban sa'yo.”

“Brave woman, I like that!”

Bigla n’ya hinablot ng malakas ang damit ko kaya napunit ito.

Hinawakan n'ya ‘yong balikat ko at hahalikan na naman n'ya ulit.

Sinipa ko ang  masilang bahagi ng katawan n’ya kaya napasigaw s’ya sa sobrang sakit at nakayuko ito kaya agad kong kinuha ang susi na nakalagay sa mesa.

Dali-dali kong binuksan ang pinto ngunit hindi ko alam paano ito gamitin para mabuksan.

Hinablot na naman n’ya ang damit ko at hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang mga kamay ko. 

Hindi ko ma-igalaw ang mga kamay ko kaya binagok ko ang ulo ko ng napakalakas sa mukha n’ya kaya nabitawan n’ya ako. Agad kong kinuha ang paso ng bulaklak na nakalagay sa mesa at hinampas ko sa batok n’ya. Sobrang galit na si Mr. Tan kaya sinampal n’ya ako at sinuntok ang tiyan ko. Tumilapon ang susi at napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang sakit. Naghahabol ako ng hininga dahil nahihirapan akong huminga dahil sa sobrang sakit. Hindi ako makagalaw ng tama. Binuhat ako ni Mr. Tan at inihiga sa kama. Sinusubukan na n'yang tanggalin ang napupunit kong damit. 

“You are mine, I bought you,” bulong n’ya sa akin.

Binabastos na ako ng matanda ng mga sandaling ‘yon pero hindi ako papayag na  babastusin ako ng isang matanda kaya sinikap kong iponin ang natitirang lakas ko at sinipa ko ulit ng sobrang lakas ang maselang bahagi ng katawan n’ya.

Napalundag ito sa sobrang sakit at sumisigaw-sigaw. Agad kong kinuha ang tumilapon na susi at sinubukan ko ulit buksan ang pinto.

“Please, please bumukas ka bilis.”

Ayon sa wakas bumukas na kumaripas agad ako ng takbo dahil hinahabol na ako ng matanda.

May nabasa akong fire exit kaya mas pinabilis ko ang aking pagtakbo para dumaan do’n at bumaba na rin ako ng napakabilis.

 Habang pababa na ako naririnig ko na marami na ang humahabol sa akin.

Sinikap ko pa ring tumakbo ng mabilis sa abot ng aking makakaya para hindi nila ako maabutan.

Nanghihina na ako at alam kong mahahabol nila ako ano mang oras dahil wala na akong sapat na lakas para tumakbo. Sakto may nakita ako sa unahan na may malaking basurahan. Mabilis kong tinungo ang basurahan habang wala pa ‘yong mga humahabol sa akin. Agad akong pumasok sa basurahan na ‘yon at isinubsob ko ang aking sarili sa pinaka ilalim ng basurahan na ‘yon para matabunan ako ng mga basura. Sobrang baho ng mga basura pero sanay naman ako kasi sa pamamasura naman ang nakalakihan kong buhay.

Ilang sandali lang ay naririnig ko na ang mga yapak nila.

“Sa’n na ‘yon?”

“Lagot tayo ni Boss nito, nasa’n kaya ang babaeng ‘yon.”

“Tingnan ninyong maigi ang paligid hindi pa nakakalayo ‘yon.”

“Wala rito.”

“Wala rin dito.”

“Tara- tara subukan natin do’n baka tumakbo roon.”

“Tara na bilis! Baka makatakas pa ‘yon.”

Nang maka-alis na sila at wala na akong maramdaman na mga yapak nila agad akong lumabas sa basurahan na pinagtataguan ko. Kumaripas ako ng takbo papalayo sa lugar na iyon. 

Takbo lang ako ng takbo. Ramdam ko na ang pagod sa kakatakbo ko pero patuloy pa rin ako para makalayo sa impyernong lugar na ‘yon.

Hindi ko kabisado ang daan maging ang lugar na iyon. Tatawid na sana ako sa daan ng biglang na bangga ako ng isang sasakyan.

Hindi ko na alam kung ano pang sumunod na nangyari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status