Share

Chapter 2: Mine

last update publish date: 2026-09-05 23:52:40

Jasmine’s Pov

Hindi mawala sa isip ko ang huling sinabi ng binata kanina. Kahit ngayong nakaupo na ako sa hapagkainan habang inaasikaso niya ako. Napatitig lang ako sa kaniya na para bang tuwang-tuwa siya na pagsilbihan ako. Nakasuot pa siya ng apron na violet.

“Kundi ka nila tanggap, dito ka na lang sa akin. Tanggap na tanggap kita.”

Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa pandinig ko. Ngayon lang ako nakarinig ng ganun maliban sa mga kinilala kong magulang na kumupkop sa akin noon.

“Mine,” napakurap ako nang sundutin niya ng mahina ang pisngi ko.

At ano raw?

Mine?

“H-ha?” tanging aniya.

He smiled. “Kanina ka pa nakatitig sa akin, Mine. May dumi ba ako sa mukha?” nakangiting tanong niya.

Mabilis na umiling naman ako. “W-wala naman.” Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Inilapit niya sa akin ang pinggan na nilagyan niya ng kanin at ulam.

“Adobo?” gulat na bulalas niya.

Napapikit pa ako nang maamoy ang bango niyon. Natakam tuloy ako. Paborito ko ang adobo. Mapa-karne man ng baboy o manok ay talagang gusto ko.

Iyon kasi ang palaging niluluto ni Inay Mara ko sa probinsya. Pareho naming paboritong ulam ni Tatay Ronie. Sila ang mga kinikilala kong magulang sa probinsya.

Miss na miss ko na rin sila.

“Alam kong paborito mo ito kaya ito ang niluto ko.” Napaangat ako ng tingin sa kaniya.

“Ikaw nagluto?” Gulat na tanong ko.

Hindi ko alam na marunong pala siyang magluto. At paano niya nalaman na paborito ko ang adobo?

“Yes. Here. Try it first,” maingat na inilapit niya ang kutsarang may ulam sa bibig ko.

Mabilis ko naman iyong sinubo at kinain. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sarap. At ang nakakatuwa pa ay talagang katulad ng lasa sa adobong niluluto ng inay ko noon.

“How was it?” he asked, patiently.

Hindi ako sumagot. Kinuha ko ang kutsara sa kaniya at kumuha ng kanin at ulam saka kumain.

Napapikit ako sa sarap. Walang halong eme. Talagang masarap ang luto niya. Kuhang-kuha ang luto ni Inay. Panay lang ang subo ko. Halos lumubo na ang pisngi ko sa kakasubo.

Nang tingnan ko ang katabi ko, nakaawang ang labi niya habang nakatitig sa akin. Para bang manghang-mangha siya sa akin habang kumakain.

“Ang sarap ng luto mo!” masayang komento ko at nagsandok ulit ng panibagong kanin.

“Talaga? Nagustuhan mo?” Nagpipigil ng ngiting tanong niya.

Hindi ko alam kung binibiro niya lang ba ako gayong halata namang sarap na sarap ako sa luto niya.

“Sobra. Heto, kumain ka na rin.” Sinubuan ko siya na ikinatigil niya.

Bahagya siyang nagulat. Doon ko lang napagtanto na ginamit ko pala ang kutsara. Baka laway conscious siya.

“Ay sorry. Kuhanan kita ng bagong kutsara,” akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako.

Nginuya niya ang nasa bibig niya saka kinuha sa kamay ko ang kutsara.

“It's okay. I love it.” Sunod-sunod na sumubo gamit ang kutsarang ginamit ko.

“Hindi ka laway conscious?” tanong ko.

“I am. Maliban na lang kapag ikaw. It's pretty fine. We can share. Here.” Sinubuan niya ako na agad ko rin naman kinain.

Kumain kaming dalawa gamit ang iisang kutsara at iisang pinggan. Naubos namin ang lahat ng sinandok niya kanina. Nagpresenta akong maghugas pero ayaw niya.

“Umupo ka na lang diyan. Ako na maghugas baka mas lalo kang mapagod.” Binigyan pa niya ako ng isang basong fresh milk.

Ginawa pa akong bata.

Pinanood ko lang siya habang naghuhugas. Naka-apron pa rin siya. Ang swabe ng galaw niya. Halatang sanay na sanay sa gawaing bahay.

Husband material siya.

Teka lang, ano nga pala pangalan niya? Nakatulog at nakakain na ako’t lahat hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.

Tumikhim ako. “A-ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ko.

Napahinto siya sa pagpunas ng pinggan at humarap sa akin nang may ngiti sa labi. Ang gwapo niya.

“You finally asked my name. I’m Aston,” tila may kislap ang mga matang aniya.

Napangiti naman ako. “Ang ganda ng pangalan mo. Bagay sa guwapo mong mukha!” puri ko na ikinatawa niya.

Tinapos niya ang paghuhugas at saka hinubad ang apron at lumapit sa akin. Nakangiting tumitig siya sa akin.

Ahh, baka hinihintay niyang magpakilala ako.

“Ako nga pala si––” Itinaas niya ang kamay niya, senyales na huwag ako magsalita.

“Jasmine. Your name is Jasmine and it means a gift from God or fragrant flowers

refers to the climbing plant with sweet-smelling white or yellow blossoms.” Inamoy niya pa ako kaya nagulat ako sa ginawa niya. “That's why I love your scent.” Dagdag niya at inayos ang ilang hibla ng buhok ko.

My eyes widened.

“P-paano mo nalaman?” Gulat na tanong ko.

Pati yung ibigsabihin ng pangalan ko ay alam niya.

“Magagalit ka ba kapag sinabi ko na alam ko lahat ng tungkol sa ‘yo?” masuyong tanong niya na ikinatahimik ko.

At paano ba ako magalit kung ganiyan siya magsalita at makatingin sa akin? Tsaka, wala naman siyang ginawang masama para magalit ako.

“Hindi. Bakit naman ako magagalit eh wala ka naman ginawang masama?” Napahikab ako matapos iyon sabihin.

“Are you sleepy? Gusto mo bang umakyat na tayo?”

Tumango ako. Akmang tatayo na ako nang buhatin na naman niya ako. Mahilig ba talaga siya magbuhat ng ganito?

“T-teka, marunong naman ako maglakad eh.” Pigil ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

“Just let me, please?” napakagat-labi ako at tumango.

Maingat niya akong ibinaba sa kama nang makapasok kami sa kuwarto niya. Kinumutan pa niya ako.

“Matulog ka na. Maliligo lang ako.” Paalam niya.

Tatalikod na sana nang humarap ulit sa akin.

“Can I call you, Mine?” he asked, softly.

Nagulantang naman ako. “Mine?” naguguluhang tanong ko.

“Yes. Short for your name Jasmine. But I wanna call you, Mine.” Tumango na lang ako kahit parang tunog pag-aari niya ako.

Iyon din ang tawag niya sa akin kanina.

Mine.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Sister Is My Husband's Mistress    79: Mahiya

    Jasmine's Pov“Wala na bang naiwan?” Tiningnan ko ang buong paligid at umiling kay Aston habang nagtutulungan silang dalawa ni Larry na buhatin ang mga gamit pabalik sa sasakyan. Tanghali pa lang pero tapos na kaming magligpit. Babalik na ulit kami sa Maynila ngunit dumaan muna kami sa bahay.Magpapaalam lang kami kay Inay at Itay. Sa susunod na buwan ulit kami dadalawa sa kanila.“Mag-ingat ka roon anak, ha? Tawagan mo agad kami ng Itay mo kapag kailangan mo kami,” bilin ni Inay nang yakapin ko siya.“Opo, Inay. Mag-ingat rin po kayo rito ni Itay. Tawagan niyo po ako agad kapag may mga kailangan din po kayo lalo na sa farm.” Masayang sabi ko at hinigpitan ang yakap ko kay Inay.“Huwag mong pabayaan iyang anak namin, hijo. Ingatan mo ‘yan. Sa iyo ko ipagkatiwala ‘yan. Kapag nalaman kong may nangyari r’yan sa anak ko, yari ka sa akin.” Turo ni Itay kay Aston kaya napalunok ang katabi ko.“Huwag po kayo mag-alala, ako po ang bahala sa anak ninyo, Tito. Kaligtasan niya po ang uunahin ko

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 78: Mutual

    Jasmine's Pov“Dámn. Why are you so séxy, Mahal? Parang gusto kitang piktsuran at gawing model sa billboard.” Biro ni Aston, natawa pa ako nang samaan niya ng tingin ang amerikanong lalaki na dumaan sa ‘di kalayuan. Nakatingin kasi iyon sa akin, ang ending natisod ito.“Buti nga sa kaniya…” bulong ni Aston na ikinatawa ko na lang.“Tumigil ka nga! Ikaw nga itong hot tingnan oh.” Turo ko sa kaniya at pinasadahan siya ng tingin.“Gaano ka hot, Mahal?” malókóng tanong niya.Talagang nagpakita pa siya ng biceps niya sabay ikot at kumindat sa akin. Napakagat-labi na lang ako. “Para kang isang hot mafiá sa ÁÍ movie na nakita ko sa blue app. Yung may walong abs, v-line, may tattoo sa leeg at braso at matipuno ang katawan. Plus may kunting balbas,” nakangiting paglalarawan ko sa kaniya.Ang gwapo niya kasi. Yung tipong hindi nakakasawang tingnan. Sobrang hót patalaga. Para siyang ÀÍ sa sobrang gwapo! “Talaga, Mahal?” malambing na aniya at niyakap ako mula sa likuran.Ayan na naman tayo sa

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 77: Wínásák

    Jasmine's Pov“Oh my gosh! Besh, ang sexy mo! Bagay na bagay sa ‘yo ang bikini na suot mo!” Nahihiyang napakamot ako ng noo sa sinabi ni Hannah nang makita niya ako pagkatapos ko magpalit. Maliligo kami sa dagat dahil bukas babalik na kami ng Maynila. Mahigit isang linggo na kami rito at alam kong tambak na ang mga gawain ng dalawang boys sa opisina. Kaya susulitin namin ang araw na ito. “Hindi naman, Besh, parang nakakailang nga eh.” Nahihiyang sabi ko at pinasadahan siya ng tingin. “Ikaw ang sexy tingnan. Ang ganda ng katawan mo. Bagay sa ‘yo ang bikini mo!” nakangiting sabi ko kaya natatawang nilapitan niya ako.“Ano ka ba! Alam kong sexy ako pero dapat confident ka rin sa ganda ng katawan mo. Kung tutuusin, mas maganda ang katawan mo kaysa akin, Besh!” Natawa na lang ako sa sinabi niya. Sabay kaming pumunta sa dagat dahil nauna na roon ang boys.Akala namin ay naliligo na ang mga ito pero hindi pala. Parehong nakatayo sa dalampasigan, nakaharap sa malawak na karagatan habang na

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 76: Bini-Baby

    Jasmine's Pov“Good morning to my amazing beautiful queen in the world!” Napamulat ako nang mata nang may humalik-halik sa mukha ko. Sumalubong agad sa akin ang guwapong mukha ni Aston. Ang lawak ng ngiti niya. Ang saya-saya niya tinginan kahit magulo ang buhok niya.“Good morning, Mahal!” nakangiting bati ko sa kanya dahilan upang matigilan siya.Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Halatang hindi niya inaasahan ang itinawag ko sa kaniya.“W-what did you just call me?” priceless ang reaksyong tanong niya.“Mahal…” malambing na tugon ko.Namula ang mukha at tainga niya. “Mahal…” ulit niya, titig na titig na naman sa akin. “It's like music to my ears.” Tinawanan ko lang siya sabay sundot sa pisngi niya. Napakagat-labi pa siya nang bumaba ang mukha niya sa akin at mabilis na ninakawan ako ng halik sa labi.“Mahal, wala pa akong sipilyo!” sita ko sa kaniya pero nagkibit balikat lang siya at biglang humiga sa tabi ko sabay yakap sa akin.“Ano naman ngayon? You still taste good and smel

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 75: I Love You

    Jasmine's Pov“I love you, Jasmine Agosto Haz! Mahal na mahal kita!” Mabilis na sinita ko si Aston nabg sumigaw siya ng malakas. Napatingin pa ako sa paligid dahil baka mamaya ay maingayan sa amin. “Huwag ka sumigaw,” sita ko pa sa kaniya.“Bakit naman?” “Baka may maingayan at masita pa tayo.” Kamot-noong sagot ko.Natawa naman siya at imbes na umupo sa tabi ko, sa likod siya pumwesto at niyakap ako pasandal sa kaniya.“Hindi ‘yan, Mine. Isa pa, gusto ko ipagsigawan sa lahat kung gaano kita kamahal.” Pinatong niya ang baba sa balikat ko.Medyo nakiliti pa ako dahil sa init ng hininga at lapit ng mukha niya. Ngumiti ako at hinayaan ang sariling sumandal sa kaniya.Itinaas ko ang kamay ko kung saan ang singsing. Kumikintab sa kinang ang diamante niyon. Hindi ko mapigilang kiligin habang tinitigan iyon. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin. Rogelio has never done this to me before.“Do you like it?” malamyos ang tinig na bulong ni Aston sa akin.Mabilis na tumango naman ako. Bahagya

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 74: Girlfriend

    Jasmine's Pov“I am beyond ready to conquer the world for you, Mine. Ganun ka ka-special sa akin.”Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Aston. Para akong nanigas at kiniliti ang puso ko sa mga katagang binitawan niya. Walang mapaglagyan ang kilig na nararamdaman ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan ang likod niyon. Hindi mawala ang malawak at matamis na ngiti niya sa labi.“Hintayin mo ako rito ha? May kukunin lang ako sa loob ng tent natin. Babalik agad ako.” Bumangon siya at hindi na ako hinintay pang makapagsalita.Hinayaan ko na lang siya at saka naupo. Tiningnan ko ang oras sa screen ng phone ko at pasado alas-otso pa lang naman ng gabi. Lumingon-lingon ako sa paligid at hindi ko na mahanap sina Hannah at Larry. “Saan naman kaya nagpunta ang dalawang ‘yon?” takang bulong ko.Kapagkuwan ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay may message si Aston na ipinagtaka ko.“Hey, beautiful lady. Humarap ka sa likuran mo at makikita mo ang future asawa mon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status