Share

Chapter 1: Right Arms

last update publish date: 2026-09-05 23:47:16

Jasmine’s Pov

Tahimik na umiiyak ako habang nakatungo. Tahimik namang nagmamaneho ang lalaking hindi ko man kilala pero mas pinili kong pagkatiwalaan na ilayo ako. Sobrang sakit sa pakiramdam na malamang niloko ako. Worst, kapatid ko pa talaga. Akala ko, wala ng mas masakit pa sa katotohanan na hindi ako gusto ng mga magulang ko. Kahit sa sampung taon na nawalay ako, hindi man lang ako hinanap. Hindi man lang ako tinanggap ng buo ngayong nakabalik na ako.

Ginawa lang nila akong isang tanga. Kinuha lang nila ako para ipakasal sa taong hindi naman pala ako ang mahal. Sa taong sasaktan lang pala ako. Dahil sa lintik na business.

Sana pala hindi na nila ako kinuha sa probinsya. Hindi na lang nila ako pinabalik sa pamamahay nila kung tratuhin lang din ako na parang basura. Kung ipapamukha lang din sa akin na wala na akong lugar sa buhay nila.

“Here.”

Napatigil ako sa pagpunas ng pisngi ko nang may nag-abot ng panyo na kulay ube. My favorite color.

“This is for you. Use this,” hindi ako nakagalaw.

Nakatitig lang ako sa kamay niya kung saan hawak ang panyo. Pero na-distract talaga ako sa maugat na kamay ng binata.

Ano ba self! Nasasaktan ka, ‘di ba? Bakit may pa-ugat ka pang naisip? Bakit din kasi ang veiny ng kamay niya. Feeling ko, maugat din ang ano—ano ba itong naiisip ko!

Natinag lamang ako nang siya na mismo ang nagpunas ng luha ko. Nahigit ko pa

ang sariling hininga dahil sa lapit niya sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakahinto na ang kotse.

Maingat na pinunasan niya ang basang pisngi ko. Tila ba takot siyang masaktan niya ako. Umigting pa ang panga niya na para bang nagpipigil sa galit tuwing pumapatak ang luha ko.

Huhuhu!

Bakit ang hot niya. Lord, sa ‘yo ba ‘to galing? Ang galing mo talaga, Lord. Pinadalhan mo agad ako ng tukso. Sana ganito lahat ang dumating kapag may niloko, ano? Para naman po hindi magluksa ng todo kasi much better yung dumating.

Hindi man lang nangalahati dun sa manloloko kong asawa na sana mag-lock ang mga burat nila. Wahhh! Huhuhu!

“Fúck him for making you cry.” Bulong niya, pero narinig ko iyon.

Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit parang mas galit pa siya? Bakit parang may alam siya? Bakit parang matagal na niya akong kilala? Bakit parang sinadya ng tadhanang ipadala siya sa akin gayung nasasaktan ako ngayon? Pero teka…

“Bakit parang mas galit ka pa sa akin? Ikaw ba niloko? O baka naman niloko ka rin?” Humihingos na tanong ko.

Damay-damay na ‘to.

Natigilan siya sa tanong ko. “No. Naiinis lang ako sa asawa mo. How dare he hurt you.” Nagtagis ang bagang na lintaya nito.

Iyong pag-aalala sa kanyang mga mata ay kitang-kita ko. Ang pagtitimpi niya ng galit.

“Bakit ang bait mo sa akin?” mahinang tanong ko sa kanya.

Natigilan na naman siya at tumingin sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero sari-saring emosyon ang nakita ko sa kanyang mga mapungay na mata.

He looked at me gently. “Because you deserve to be treated kindly.”

Nayanig ang puso ko sa sagot niya. Hindi pa nakakatulong ang malamyos at masuyong boses niya. Parang hinahaplos ang puso ko tuwing nagsasalita siya.

Naiyak tuloy ulit ako. Pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi ko ngayon. Iyong taong handang makinig at damayan ako. Tapos pinili pa ni Lord na gwapo at maskulado para siguro maka-move on agad ako.

Wahh!

“Shít. H-hey! I’m sorry. Did I say something wrong?” hindi mapakaling tanong niya habang pinupunasan na naman ang pisngi ko.

Lumakas kasi ang iyak ko kaya nataranta siya.

Umiling ako’t yumakap sa kaniya. Napasinghot pa ako dahil ang bango niya. Huhuhu. Umiiyak ako eh. Pero bakit gusto ko na lang singhutin siya? Parang adík lang eh.

“It's okay. Nandito lang ako. Kahit magdamag ka pang umiyak sa mga braso ko. You're in the right arms, okay?” he whispered.

Hinahagod niya ang likod ko. Para akong batang umiiyak at pinapatahan ng tatay. Pakiramdam ko ay safe ako sa mga kamay niya. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Nagising na lang ako na nakayakap sa kaniya at parehong nakahiga sa kama.

T-teka! Kama?!

At nakayakap pa ako sa kaniya? Topless pa siya! Pero ang guwapo pala niya lalo sa malapitan.

Wahhh!

“Good evening. Gising ka na pala. Gutom ka na ba? Gusto mo ng kumain?” nakangiting tanong niya sa mahinahong tinig.

Biglang kumalma ang sistema ko. Ang ganda sa pagdinig ng boses niya. Nakakagaan ng loob. Iyong tipong mawawala ang pagod o bigat na dinadala mo. Mawawala rin kaya ang katotohanang nilóko ako ng asawa at kapatid ko?

Hindi pa ako nakakasagot nang tumunog ang tiyan ko. Senyales na gutom na talaga ako. Ang haba pala ng tulog ko. Wala rin akong tanghalian.

“Shít. Gutom ka na nga. Come here. I’ll feed you first.” Nagulantang ako nang bigla niya akong buhatin.

“Uy!” Bulalas ko at napakapit sa batok niya.

Jesus!

“It's okay. I don't want you to walk. Alam kong pagod ka kakaiyak kanina.” Inayos pa niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko habang pababa kami ng hagdan.

Teka nasaan ba kami? At bakit iba na ang suot kong damit? Naka-night white dress na ako. Oh my! Sino nagpalit sa akin?

S-siya?

“N-nasaan tayo? Kaninong bahay––hindi ‘to bahay. Ang laki, mansion ata ‘yo eh! At b-bakit iba na ang suot ko?” kinakabahang tanong ko sa kaniya.

Alam ko namang hindi siya masamang tao dahil nararamdaman kong mabait siya pero…

Mahinang natawa siya. “First, nasa puder kita. Second, yes, this is my mansion. Lastly, si Grandma at Manang ang nagpalit ng damit mo kanina. Don't worry, I won't do anything to you unless you say so.” Paliwanag niya na ikinahinga ko ng maluwag.

At ano raw grandma? Nandito ang grandma niya? Kinabahan na naman tuloy ako. Baka mamaya hindi ako gusto ng lola niya rito. Tapos masungit at strict pala.

Eh ‘di kawawa na naman ako?

Nilapit ko ang mukha ko sa tainga niya at bumulong. “Hindi ba masungit o strict ang lola mo?” mahinang tanong ko.

Naramdaman kong nanigas siya at napatigil sa paglalakad. Namula ang tainga niya.

“A-ayos ka lang ba?”

Napalunok siya at huminga ng malalim saka ngumiti at tumango.

“I’m fine. Don't worry, mabait ang lola ko. She'll welcome you here.” Paninigurado niya kaya napanatag ang kalooban ko.

“Baka kasi hindi ako tanggap…tulad ng pamilya ko.” Nakayukong bulong ko.

Masuyong hinawakan niya ang pisngi ko nang may ngiti sa labi.

“Kundi ka nila tanggap, dito ka na lang sa akin. Tanggap na tanggap kita.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Yza D. C
shalaaa hahaha sana all tanggap
goodnovel comment avatar
Gabriel Pattern
Ang ganda!!! nag enjoy akong basahin hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Sister Is My Husband's Mistress    79: Mahiya

    Jasmine's Pov“Wala na bang naiwan?” Tiningnan ko ang buong paligid at umiling kay Aston habang nagtutulungan silang dalawa ni Larry na buhatin ang mga gamit pabalik sa sasakyan. Tanghali pa lang pero tapos na kaming magligpit. Babalik na ulit kami sa Maynila ngunit dumaan muna kami sa bahay.Magpapaalam lang kami kay Inay at Itay. Sa susunod na buwan ulit kami dadalawa sa kanila.“Mag-ingat ka roon anak, ha? Tawagan mo agad kami ng Itay mo kapag kailangan mo kami,” bilin ni Inay nang yakapin ko siya.“Opo, Inay. Mag-ingat rin po kayo rito ni Itay. Tawagan niyo po ako agad kapag may mga kailangan din po kayo lalo na sa farm.” Masayang sabi ko at hinigpitan ang yakap ko kay Inay.“Huwag mong pabayaan iyang anak namin, hijo. Ingatan mo ‘yan. Sa iyo ko ipagkatiwala ‘yan. Kapag nalaman kong may nangyari r’yan sa anak ko, yari ka sa akin.” Turo ni Itay kay Aston kaya napalunok ang katabi ko.“Huwag po kayo mag-alala, ako po ang bahala sa anak ninyo, Tito. Kaligtasan niya po ang uunahin ko

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 78: Mutual

    Jasmine's Pov“Dámn. Why are you so séxy, Mahal? Parang gusto kitang piktsuran at gawing model sa billboard.” Biro ni Aston, natawa pa ako nang samaan niya ng tingin ang amerikanong lalaki na dumaan sa ‘di kalayuan. Nakatingin kasi iyon sa akin, ang ending natisod ito.“Buti nga sa kaniya…” bulong ni Aston na ikinatawa ko na lang.“Tumigil ka nga! Ikaw nga itong hot tingnan oh.” Turo ko sa kaniya at pinasadahan siya ng tingin.“Gaano ka hot, Mahal?” malókóng tanong niya.Talagang nagpakita pa siya ng biceps niya sabay ikot at kumindat sa akin. Napakagat-labi na lang ako. “Para kang isang hot mafiá sa ÁÍ movie na nakita ko sa blue app. Yung may walong abs, v-line, may tattoo sa leeg at braso at matipuno ang katawan. Plus may kunting balbas,” nakangiting paglalarawan ko sa kaniya.Ang gwapo niya kasi. Yung tipong hindi nakakasawang tingnan. Sobrang hót patalaga. Para siyang ÀÍ sa sobrang gwapo! “Talaga, Mahal?” malambing na aniya at niyakap ako mula sa likuran.Ayan na naman tayo sa

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 77: Wínásák

    Jasmine's Pov“Oh my gosh! Besh, ang sexy mo! Bagay na bagay sa ‘yo ang bikini na suot mo!” Nahihiyang napakamot ako ng noo sa sinabi ni Hannah nang makita niya ako pagkatapos ko magpalit. Maliligo kami sa dagat dahil bukas babalik na kami ng Maynila. Mahigit isang linggo na kami rito at alam kong tambak na ang mga gawain ng dalawang boys sa opisina. Kaya susulitin namin ang araw na ito. “Hindi naman, Besh, parang nakakailang nga eh.” Nahihiyang sabi ko at pinasadahan siya ng tingin. “Ikaw ang sexy tingnan. Ang ganda ng katawan mo. Bagay sa ‘yo ang bikini mo!” nakangiting sabi ko kaya natatawang nilapitan niya ako.“Ano ka ba! Alam kong sexy ako pero dapat confident ka rin sa ganda ng katawan mo. Kung tutuusin, mas maganda ang katawan mo kaysa akin, Besh!” Natawa na lang ako sa sinabi niya. Sabay kaming pumunta sa dagat dahil nauna na roon ang boys.Akala namin ay naliligo na ang mga ito pero hindi pala. Parehong nakatayo sa dalampasigan, nakaharap sa malawak na karagatan habang na

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 76: Bini-Baby

    Jasmine's Pov“Good morning to my amazing beautiful queen in the world!” Napamulat ako nang mata nang may humalik-halik sa mukha ko. Sumalubong agad sa akin ang guwapong mukha ni Aston. Ang lawak ng ngiti niya. Ang saya-saya niya tinginan kahit magulo ang buhok niya.“Good morning, Mahal!” nakangiting bati ko sa kanya dahilan upang matigilan siya.Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Halatang hindi niya inaasahan ang itinawag ko sa kaniya.“W-what did you just call me?” priceless ang reaksyong tanong niya.“Mahal…” malambing na tugon ko.Namula ang mukha at tainga niya. “Mahal…” ulit niya, titig na titig na naman sa akin. “It's like music to my ears.” Tinawanan ko lang siya sabay sundot sa pisngi niya. Napakagat-labi pa siya nang bumaba ang mukha niya sa akin at mabilis na ninakawan ako ng halik sa labi.“Mahal, wala pa akong sipilyo!” sita ko sa kaniya pero nagkibit balikat lang siya at biglang humiga sa tabi ko sabay yakap sa akin.“Ano naman ngayon? You still taste good and smel

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 75: I Love You

    Jasmine's Pov“I love you, Jasmine Agosto Haz! Mahal na mahal kita!” Mabilis na sinita ko si Aston nabg sumigaw siya ng malakas. Napatingin pa ako sa paligid dahil baka mamaya ay maingayan sa amin. “Huwag ka sumigaw,” sita ko pa sa kaniya.“Bakit naman?” “Baka may maingayan at masita pa tayo.” Kamot-noong sagot ko.Natawa naman siya at imbes na umupo sa tabi ko, sa likod siya pumwesto at niyakap ako pasandal sa kaniya.“Hindi ‘yan, Mine. Isa pa, gusto ko ipagsigawan sa lahat kung gaano kita kamahal.” Pinatong niya ang baba sa balikat ko.Medyo nakiliti pa ako dahil sa init ng hininga at lapit ng mukha niya. Ngumiti ako at hinayaan ang sariling sumandal sa kaniya.Itinaas ko ang kamay ko kung saan ang singsing. Kumikintab sa kinang ang diamante niyon. Hindi ko mapigilang kiligin habang tinitigan iyon. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin. Rogelio has never done this to me before.“Do you like it?” malamyos ang tinig na bulong ni Aston sa akin.Mabilis na tumango naman ako. Bahagya

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 74: Girlfriend

    Jasmine's Pov“I am beyond ready to conquer the world for you, Mine. Ganun ka ka-special sa akin.”Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Aston. Para akong nanigas at kiniliti ang puso ko sa mga katagang binitawan niya. Walang mapaglagyan ang kilig na nararamdaman ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan ang likod niyon. Hindi mawala ang malawak at matamis na ngiti niya sa labi.“Hintayin mo ako rito ha? May kukunin lang ako sa loob ng tent natin. Babalik agad ako.” Bumangon siya at hindi na ako hinintay pang makapagsalita.Hinayaan ko na lang siya at saka naupo. Tiningnan ko ang oras sa screen ng phone ko at pasado alas-otso pa lang naman ng gabi. Lumingon-lingon ako sa paligid at hindi ko na mahanap sina Hannah at Larry. “Saan naman kaya nagpunta ang dalawang ‘yon?” takang bulong ko.Kapagkuwan ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay may message si Aston na ipinagtaka ko.“Hey, beautiful lady. Humarap ka sa likuran mo at makikita mo ang future asawa mon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status