LOGINJasmine’s Pov
Nagising ako ng maramdaman ko na may humahaplos sa buhok ko. Pagmulat ko ay sumalubong sa akin ang guwapong mukha ni Aston. Nakatitig na naman siya sa akin. Topless. Ang magulo niyang buhok ay bumagay sa kaniya. Ang matangos niyang ilong at makapal na kilay. Ang mahaba at makapal na pilik mata. Ang maganda at charcoal na mga mata niyang parang laging sinasabi sa akin na safe ako sa kaniya. Idagdag mo pa ang mapulang labi niya na para bang hindi nagyoyosi. Napakurapkurap ako ng ngumiti siya. Grabe. Ang gwapo niya. Akala ko noon si Rogelio lang ang gwapo sa paningin ko. Pero bakit parang hindi man lang nangalahati sa kagwapuhan niya ang manloloko kong asawa? “Good morning, Mine.” Aston greeted me. “G-good morning din—” napatigil ako sa pagsasalita ng may mapagtanto ako. TABI KAMING NATULOG?! At NAKAYAKAP PA AKO SA KANIYA?! Mabilis na napabalikwas ako ng bangon at bahagyang lumayo sa kaniya. Tiningnan ko ang sarili ko. May damit pa naman ako. Wala rin akong nararamdaman kakaiba. Tiningnan ko siya. Parang bigla siyang nalungkot sa ikinilos ko. “Don’t worry, sinabi ko na sa ‘yo kahapon na wala akong gagawin sa ‘yo. Safe ka sa akin.” Bumangon siya at tumayo’ pilit na ngumiti pa rin sa akin. Pero bakit bigla siyang nalungkot? Bakit parang may kakaiba sa kaniya? “Maligo ka na muna bago bumaba. Hihintayin kita sa baba. Baba ka na lang kapag tapos ka na, okay?” aniya kaya napatango lang ako. Saktong hindi pa siya nakaalis nang tumunog ang cellphone ko. Nasa bedside table malapit sa kaniya iyon. Kinuha niya ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagdilim ng mga mata niya at pagtiim ng kaniyang bagang. “Tumatawag ang gago. Dapat pinadukot ko na ‘to at pinatapon sa Antarctica. Tingnan ko lang kung makatawag ka pang hayop ka.” Nagtatagis ang bagang na bulong niya pero niisa ay wala akong narinig. Bumuntong-hininga siya bago inabot sa akin ang cellphone ko. “Your husband is calling.” Kumuyom pa ang palad niya nang tumalikod siya sa akin. “Tell me kapag sinisigawan o mumurahin ka niya. Pasasabugin ko ang bahay niyan.” Tuluyan na siyang lumabas. Nagbibiro lang siya, ‘di ba? Napatingin ako sa cellphone panay pa rin ang tunog. Ang walang-hiyang asawa ko nga. Nakailang missed calls na pala siya mula pa kagabi. Ayaw ko sana sagutin pero sinagot ko na lang para tumigil. Ni-loudspeaker ko at ibinaba saka inayos ang higaan. “Jasmine Haz, where the hell are you?” Malakas na tanong nito sa kabilang linya. Saktong pumasok ulit si Aston at hindi maipinta ang mukha niya. Para bang may narinig siyang hindi niya gusto. Nakita ko pa ang pagkuyom ng palat niya. He’s mad right now and I don’t know why. Napatingin ako sa cellphone ko. Hindi ito ang unang beses na tumaas ang boses ni Rogelio sa akin. At mas lalong hindi lang ngayon ko siya narinig na nagmura. Ilang beses na lalo na kapag pagod ito galing sa trabaho. “Bakit ba?” walang gana kong tanong sa asawa ko. “Anong bakit?! Tawag ako nang tawag pero hindi ka sumasagot! Bakit wala ka sa bahay? Bakit hindi ka umuwi?!” sunod-sunod na sigaw nito sa kabilang linya. Natigilan ako. “Sinisigawan mo na naman ako…” mahinang anas ko dahilan upang matahimik ito sa kabilang linya. Kapagkuwan ay nagpakawala nito ng buntong-hininga bago nagsalita. “I’m sorry. Nag-aalala lang ako sa ‘yo. Nasaan ka ba? Bakit hindi ka umuwi? At ano ‘tong mga nakahandang pagkain dito sa bahay?” Mahinahong tanong nito. Bumagsak ang balikat ko sa huling sinabi niya. Hindi pa rin niya maalala na wedding anniversary namin kahapon kahit na sinabi na ni Yasmine sa kaniya? Ganun niya kadaling malimutan pagdating sa akin? Tulad lang nung birthday ko na hindi siya umuwi. Hindi niya naalala. Tapos ang kasama niya ng araw na iyon ay ang kapatid ko. Siguro kung hindi ko sila nahuli kahapon na niloloko nila ako, baka hanggang ngayon maniniwala pa rin ako kapag nagsinungaling siya. Dahan-dahan akong naupo sa kama. Nakayukong nakatingin sa cellphone ko. “Hinanda ko ‘yan para sana sa first wedding anniversary natin kahapon…” halos pabulong na saad ko. Malutong na napamura ito sa kabilang linya. “I’m sorry, babe. I was too busy yesterday.” There…he lied. Ilang beses na ba siyang nagsisinungaling sa akin ng hindi ko alam? If I didn't know yesterday, maybe I believed him now. Pero iba ngayon. Hindi na tulad dati ang lahat. Hindi ako pinalaki ng Inay at Itay ko sa probinsiya upang magpakatanga sa kanila. Tama na ang isang taon na pinikot nila ako. Tama na ang isang taon na naging sunod-sunoran sa mga Haz at sa asawa ko. Sa mata nila, I’m useless, right? Then I’ll show them what a useless woman can do. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang pagpipikot niyo sa akin. “Babe, listen to me. I swear, I was really busy yesterday that’s why I forgot that it was our anniversarry.” Napatiim ang bagang ko sa sinabi niya. Liar! Ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya kagaling magsinungaling. He even swear? How pathetic. Ang sakit lang isipin na isang taon na paniwalang-paniwala ako lagi sa kaniya. “Really?” mapaklang tanong ko. “Yes! Business matters. I was too busy—” Mapait na natawa ako sa sinabi niya. “Busy? Business o sa kapatid ko?” mapaklang tanong ko. Natahimik ito kaya napahinga ako ng malalim. May biglang tumulo sa kamay ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. “N-no, Babe. Busy lang ako sa kompaniya—” Pinatay ko ang tawag dahil ayaw kong marinig pa ang kasinungalingan niya. “Larry, come here. May ipapagawa ako sa ‘yo. Wala akong paki kung nasa Pilipinas ka. Pumunta ka rito sa America, ngayon din.” Isang seryuso at nakakatakot na boses ang narinig ko. Bumagsak ang balikat ko. America? Nasa America kami?! T-Teka…ang sabi ko kahapon ay ilayo niya ako sa lugar na iyon. Inilayo niya nga ako. Literal na umalis kami kahapon sa Pilipinas. Ni wala akong alam na nasa ibang bansa na pala ako. Jesus! Napaangat ako ng tingin sa may p***o at doon ko lang napagtanto na hindi pala umalis si Aston. Nakatayo siya roon, hawak ang cellphone na nakadikit sa tainga niya. Madilim ang kanyang mga mata, nagtatagis ang bagang na para bang gustong pumatay ng tao. Umurong ata ang luha ko nang lumapit siya sa akin at pinunasan ang pisngi ko. Ang kaninang nakakatakot niyang awra ay unti-unting nawala at lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. “Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong pagsisihan niyang niloko at sinaktan ka niya. Hush now my queen.” “As,” tawag ko sa pangalan niya. “Hmm?” “Totoo bang nasa America tayo?” natigilan siya. Ngayon lang ata niya napagtanto ang bagay na iyon. Bahagya siyang lumayo ng konti sa akin at nangingiting napakamot ng ulo. “O-oo. Sabi mo po kasi kahit saan basta mailayo kita sa lugar na ‘yon. Dito kita dinala…” aniya. Bakit ang cute niya mag ‘po’ sa akin? “Bakit?” takang tanong ko. “Nang malayo kita sa gago mong asawa. Naiinis ako kapag naiisip ko na ‘we breathe the same air’ ng kinginang ‘yon. Pasasabugin ko talaga ari-arian nun, hayop siya. Pagsisihan niyang pinaiyak ka niya.” Gigil na sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.Jasmine’s PovWarning: The following scene contains a bedscene.“Kung hindi ako umalis, ako dapat yun eh. Kung naglakas loob lang ako na umamin sa ‘yo noon…siguro ako ang naging asawa mo at hindi ang manlolokong si Rogelio.” Nagtagis ang bagang na saad ni Aston. Ramdam ko ang bigat sa tinig niya kaya mabilis na hinawakan ko ang mukha niya. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. “Huwag ka na magalit. Hiniwalayan ko na siya. Bukas na bukas din ay magpa-file ako ng divorce. Sa America kami ikinasal kaya madali na lang yun.” Napatingin siyang muli sa akin, may ngiti na sa kaniyang labi.“Ibigsabihin…puwede na?” nangungusap ang mga matang tanong niya.Alam ko kung ano ang tinutukoy niya pero nagkunwari akong hindi alam kung ano ang gusto niya.“Puwede ang alin?” tanong ko sabay tayo ngunit hinila ako paupo sa hita niya. Nakaharap mismo sa kaniya. Bumalandra ang maputi kong mga hita dahil night dress ang suot ko.“Aston…” singhap ko.“Puwede na kitang ligawan?” Tumibok nang malalakas ang puso
Jasmine’s Pov“I love you. Matagal na.”Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sinabi ni Aston. Pinaghalong lito, pagtataka, at saya ang nararamdaman ko. Nalilito ako kung totoo ba ang sinabi niya. Nagtataka ako kung papaanong matagal na niya akong mahal eh kakakilala lang namin. As well as masaya ako dahil sa confession niya.Na umamin siya. Nandito kami ngayon sa sala, timapos muma namin ang pagkain kanina bago nag-usap.“Mahal mo ako? Matagal na?” Tumango siya. “Alam kong nalilito at naguguluhan ka sa sinabi ko pero totoo na mahal kita.” Halos mangusap na ang kaniyang mga mata na paniwalaan ko ang sinabi niya. Pero ang hirap paniwalaan.“Pero paano? Paanong matagal na? Wala pang isang linggo mula ng magkakilala tayo.” Naguhuluhang saad ko sa kaniya.Masuyong hinawakan niya ang mga kamay ko. “Naalala mo yung tanong ko sa ‘yo? Yung magagalit ka ba kapag sinabi ko na alam ko lahat ng tungkol sa ‘yo?” Kumunot ang noo ko at tumango.Naalala ko ngang sinabi niya iyon. Noong nasa America kami
Jasmine’s Pov.“Aston, nasaan ka na?” Nakangiting tanong ko sa kausap ko sa cellphone habang nakaharap sa hinahanda kong mga pagkain para sa hapunan namin ni Aston. Kakatapos ko lang magluto at pasado alas-syete na ng gabi.“Pauwi na ako, Mine. Kakatapos lang ng trabaho. Why? Miss mo na ba ako?” Natawa ako sa tanong niya at the same time ay uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko sa simpleng banat niya.“Ah, eh…oo. HIHIHI.” Sagot ko na lang kaysa naman sabihin kong pinaglutuan ko siya.Nakarinig ako na parang may nauntog sa kabilang linya kaya natauhan ako sa iniisip ko.“Boss, ayos ka lang?” rinig kong tanong ni Larry.“Shít. It hurts.”“Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo, Boss. Para kang ewan sa ginagawa mo. Pambihira, kinilig lang nagiging tánga na,” “Damn you, Larry! Huwag ka ng maraming satsat d’yan! Bilisan mo dahil miss niya na ako!” “Uy! Ayos ka lang, Aston?” nag-aalalang tanong ko sa kabilang linya.“Yes, Mine. Ayos lang
Jasmine’s Pov“I’m not a mistress!” Halos maputol ang litid sa leeg na sigaw ni Yasmine. Nagtatago na ito sa likod ni Rogelio dahil sunod-sunod ang naging flash ng camera. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya pero hindi ko pinigilan si Hannah. Alam ko rin namang hindi siya magpapapigil sa akin ngayon.“Ah, talaga? Hindi ka kabit? Gusto mo ba marinig mismo ang sarili? Ipaparinig ko sa ‘yo kun gano ang sinabi mo kahapon sa kaibigan ko. Wala akong paki kung ano masira dahil pareho tayong public figure.” Matapang at naningkit ang mga matang hamon ni Hannah.Anong ibig niyang sabihin? Paanong––naalala kong hiniram niya ang cellphone ko kanina. Natampal ko na lang ang noo ko. Mukhang nakita niya kanina sa phone ko ang recorded ko kahapon.Sari-saring mga bulungan at komento ang naririnig ko sa paligid. This is a scandal. “Besh, tama na ‘yan.”“No. Kabit lang ‘yan, eh. Dapat lumugar, hindi yung umaakto na para bang siya yung asawa.” Inis na sabi ni Hannah kaya natahimik ako.“Bakit
Jasmine’s Pov“Kyahhh! Nagseselos siya, Beshicakes! Sabi na, eh…may gusto siya sa ‘yo!” Mabilis na tinakpan mo ang bibig ni Hannah dahil sa pagtili niya. Habang kumakain kasi ay nagkukuwentuhan kami at nabanghit ko sa kaniya ang nangyari kanina sa call.“Besh, huwag kang maingay! Pinagtitinginan na tayo oh!” sita ko sa kaniya pero tumawa lang siya.“Duh! Déadma! Kinikilig ako sa inyong dalawa ni Aston, ang cute pala magselos ang isang Aston Cowell!” daig pa’ng butiki na naputulan ng buntot kung kiligin siya.Napainom na lang ako ng tubig. Sa totoo lang, nakaramdaman ako ng saya. Pero iniisip ko kung totoo bang gusto ako ni Aston.Wala pa ngang isang linggo mula nang magkakilala kami. Papaanong nagustuhan ako ng lalaking iyon?“Alam mo, Besh? Feeling ko, sadyang maalalahanin at maalaga lang siguro si Aston kaya ganiyan siya sa akin.” Ibinaba ko ng hawak kong kutsara nang matapos akong kumain.“Gága! Hindi ganun yun. Sa trato pa lang niya sa ‘yo, sa pagiging caring at pagpapahalaga niy
Jasmine’s Pov“Aston, pwede ko ba mahingi ang number ni Larry?” Napangiti ako matapos i-send ang message ko kay Aston. Gusto kong itanong kay Larry kung ano ba ang mga paboritong pagkain ng amo niya.Ayaw ko kasing malaman ni Aston na ipagluto ko pala siya. Gusto ko siya i-surprise mamaya.Hinintay ko nang ilang minuto ang reply niya pero walang reply. Instead, tumawag siya na agad kong sinagot. Kakarating lang kasi namin ngayon sa mall. Nandito kami sa isang restaurant para mag-lunch muna bago kami mamili ni Hannah.“Bakit mo gustong kunin ang number ni Larry?” bakas sa tuno niya ang lungkot.Napatingin ako sa kaniya mula sa screen. Nakauwas siya ng tingin sa akin. Umigting pa ang panga niya na para bang may iniisip siya na nagpaginis sa kaniya.“Gusto ko siya––” “G-gusto mo siya?” parang gumuho ang mundong tanong niya.Takang tumango ako sa kaniya. Oo. Gusto kong makausap si Larry para itanong ang mga pabiroto niyang pagkain.“B-bakit si Larry pa?” mahinag tanong niya, tila nasas

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





