LOGINJasmine’s Pov
Matapos kong mag shower ay bumaba na ako. Sabay kaming kumain ni Aston na panay ang asikaso sa akin tulad kagabi. Kundi ko pa sasabihing kumain siya ay hindi pa siya kakain. Paano ba naman, panay lang siya titig sa akin. Pinagtimpla pa ako ng isang basong gatas. He’s very attentive to me. Lahat ng atensyon niya ay nasa akin. Nang matapos kumain ay saktong dumating si Larry, ang kaniyang secretary na galing pa talaga sa Pinas. “Hey, Boss! Anong nangyari sa ‘yo at bigla ka na lang nawala kahapon? Iniwan mo pa ang meeting conference mo with the investors. Sa pagkakaalam ko, kailanman ay hindi mo pinagpalit ang oras mo lalo na kapag business matters sa kung anong—oh, Jesus!” Nanlaki ang mga mata ni Larry ng makita ako. “H-hi!” Bati ko sabay kaway. Hindi agad nakaimik si Larry, nagpabalik-balik lamang ang tingin nito sa akin at kay Aston na nakaupo sa tabi ko. At alam mo ano ang ginagawa niya? Tinitirintas niya ang dulo ng mahabang buhok ko. “Oh, Jesus! At kailan ka pa natutong magtirintas, Boss? The last time I check, lahat ng mga babaeng lumalapit sa ‘yo at sumubok na landiin ka ay tinataboy mo na parang may nakakahawang sakit. Pero ngayon…” Napatakip pa ng bibig si Larry na para bang isang himala ang kung ano man ang nakikita nito ngayon. Napatitig tuloy ako sa katabi ko. Really? Mailap siya sa mga babae? Pero bakit sa akin ang bait bait niya. Maasikaso at maingat pa sa akin. Tinabihan pa nga ako sa pagtulog kagabi. Mailap ba talaga siya sa babae? Parang ‘di naman eh. “Didn’t you hear she greeted you, Larry Estorninos? You should greeted her back.” Naningkit ang mga matang lintaya ni Aston habang matalim na nakatingin sa secretary niya. “Ay, wow! Kailan ka pa naging attentive sa babae, Boss? Sa dami ng sinabi ko, yung pagbati pa nitong katabi mo—” “May pangalan siya, Larry. Address her properly.” Maotoridad na sabi ni Aston. Napakamot na lang ang huli at namamanghang napatingin sa akin. Kapagkuwan ay dahan-dahang lumapit sa akin. “Hello, Miss Beautiful—” “Her name isn’t Beautiful, it's Jasmine, Larry. Watch your tone to her. Huwag mong landiin kung ayaw mong sa labas pulutin.” Banta pa niya rito dahilan upang matawa si Larry na para bang nahihimigan sa amo nito. “Relax, boss!” Napapakamot na anas ni Larry. “This is interesting. Mukhang may nakabihag na sa pusong bato ng amo ko, ah. Nangangamoy pag-ibig eh.” Sumipol-sipol pa talaga si Larry na nakatingin sa katabi kong inaayos ang ilang hibla ng buhok ko. “Beautiful…” nakangiting bulong niya. “Thank you.” Nahihiyang pasasalamat ko. “Witwew…bakit parang nilalanggam ako?” Parinig ni Larry, kunwari kinakagat ng langgam pero bakit parang nanghuhuli ng lamok? Akala ko ba langgam? “Let’s go to my office.” Hinawakan ni Aston ang kamay ko, inalalayan paakyat ng hagdan. Panay tuloy ang tingin ni Larry sa aming dalawa. Nagpipigil ng ngiti saka iiling sa amo nito na walang balak bitawan ang kamay ko. “Ganito pala tamaan ang isang Aston Cowell—nagiging possessive at clingy. Matutuwa si Madam nito,” rinig kong bulong ni Larry na nakasunod sa amin. Nang makapasok ay pinaupo niya ako sa sopa. Nag-usap sila ni Larry at kausap ko naman si Hannah sa call. Tumawag siya, hinanap ako dahil panay raw ang tawag ni Rogelio sa kaniya, hinahanap ako. Hindi ko kasi sinasagot ang tawag nito. Kinuwento ko rin kay Hannah kung ano ang nangyari kahapon. Galit na galit tuloy siya ngayon. “Minahal ko siya. Isang taon kaming mag-asawa. Okay naman sana kami. Sinasabi nga ng mga tao na ang swerte ko raw sa asawa ko.” Malungkot na saad ko habang kausap ko si Hannah, ang nag-iisang kaibigan ko. “Swerte my áss. Fvck him for hurting you.” Aston whispered, pero hindi ko iyon narinig. Ang malutong na mura ni Hannah ang narinig ko. Pinagmumura niya si Rogelio at Yasmine. Ang totoo niyan, noon pa man ay hindi gusto ni Hannah si Rogelio para sa akin. Binabalaan niya ako noon tungkol sa sa closeness nila Yasmine pero ‘di ako nakinig sa kaniya. “Tangina talaga niyang asawa mo, Jas. Tama talaga ang hinala ko noon pa man na cheater ang gago. Iyang kapatid mo namang linta at homewrecker, humanda siya sa akin. Ipaparampa ko siya na kalbo. Sisiguraduhin kong manghiram siya ng mukha sa aso!” Galit na galit na lintaya ng kaibigan ko sa kabilang linya. I sighed. “I respect him. Ginawa ko ang lahat maging isang mabuting asawa dahil iyon lang daw ang magagawa ko. Sinunod ko na maging housewife lang. Pinagluluto ko siya araw-araw kahit na minsan hindi na siya kumakain at ako lang din ang kumakain ng luto ko. Kadalasan natatapon na lang ang mga pagkain,” malungkot na kuwento ko sa kaibigan ko. “Ahh…kawawa naman ang Beshicakes ko. Hayaan mo, makakaganti ka rin sa mga ‘yan. Tuturuan natin ng leksyon!” naawang saad ng kaibigan ko. Hindi ako umimik. Nakakalungkot isipin na sobrang nabulag ako kay Rogelio at sa kapatid ko. Ang daming oras at araw na sinayang ko sa taong hindi karapat-dapat sa pagmamahal ko. Sinayang ko rin ang pangarap ko dahil sa pagsunod sa mga Haz. Maybe this is also my fault. Kasalanan ko rin dahil hinayaan kong ganitohin nila ako. “Ang swerte ng kumag na iyon at pinagluto mo pa. Ang kapal ng mukha niyang sayangin ang effort mo sa pagluto. Kung ako yun, uubusin ko lahat. Kahit hindi pa ‘yan masarap, kakainin ko. Tángína niya. Niláson mo sana.” Nilingon ko si Aston, may sinasabi na naman siya pero hindi ko marinig. Napatingin ako sa secretary niya na nagpipigil ng tawa. Para bang natatawa ito sa amo niya. “Gágo siya!” Napapitlag pa ako nang bigla niyang hampasin ang lamesa. Parang galit na galit siya. Ang dilim ng mukha niya. Nakita ni Larry, ang sekretarya niya na nagulat ako kaya nataranta ito. “Boss—” “What?!” inis na sigaw ni Aston kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ko lang siya narinig na sumigaw ng ganun. Galit na Galit siya sa hindi ko malaman na dahilan. Pati ang sekretarya niya ay napapalunok na lang. “Natakot na sa ‘yo si Miss Jasmine, kumalma ka.” Larry said, nervously. “W-what? Shít.” Namutla ang mukha ni Aston nang makita ang reaction ko. “Bakit hindi mo sinabi agad?!” paninisi nito kay Larry. “Eh galit ka, boss, eh.” Kamot-noong depensa ni Larry. “Kahit na! Kasalanan mo!” asik niya. “Langya, naging kasalanan ko pa—oh sige, kasalanan ko na.” Pag-aako nito nang samaan ito ng tingin ni Aston. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matawa sa kanilang dalawa. Mabilis na tumayo siya at lumapit sa akin. He became gentle again. “H-hey…don’t be scared. Naiinis lang ako.” Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinaplos iyon. “I’m not bad, okay? Huwag kang matakot sa akin, please…” Yugyog niya sa kamay ko. Huhuhu! Bakit ang cute niya sa ginagawa niya? “Hindi raw bad. Maniwala ka r’yan, mas demonyo pa kay Satanas ‘yan kapag nagalit—” hindi natuloy ni Larry ang gustong sabihin dahil binato ni Aston ng throw pillow. “Isara mo iyang bibig mo, Larry. Huwag mo akong ipahamak, letse ka!” aisk niya sa sekretarya bago muling bumaling sa akin. “Huwag ka po makinig sa kaniya, ha? Inggit lang ‘yan,” malambing na saad niya sa akin. “Holyshit! Tama ba ang narinig ko? Nagpo ‘po’ at naging malambing ang boss ko? At ako? Naiinggit?” hindi makapaniwalang bullas ni Larry habang nakaturo sa sarili. Hindi ko na lang ito pinansin at nginitian ko si Aston. “Ayos lang, nagulat lang ako.” Sabi ko na ikinahinga niya ng maluwag.Jasmine’s PovWarning: The following scene contains a bedscene.“Kung hindi ako umalis, ako dapat yun eh. Kung naglakas loob lang ako na umamin sa ‘yo noon…siguro ako ang naging asawa mo at hindi ang manlolokong si Rogelio.” Nagtagis ang bagang na saad ni Aston. Ramdam ko ang bigat sa tinig niya kaya mabilis na hinawakan ko ang mukha niya. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. “Huwag ka na magalit. Hiniwalayan ko na siya. Bukas na bukas din ay magpa-file ako ng divorce. Sa America kami ikinasal kaya madali na lang yun.” Napatingin siyang muli sa akin, may ngiti na sa kaniyang labi.“Ibigsabihin…puwede na?” nangungusap ang mga matang tanong niya.Alam ko kung ano ang tinutukoy niya pero nagkunwari akong hindi alam kung ano ang gusto niya.“Puwede ang alin?” tanong ko sabay tayo ngunit hinila ako paupo sa hita niya. Nakaharap mismo sa kaniya. Bumalandra ang maputi kong mga hita dahil night dress ang suot ko.“Aston…” singhap ko.“Puwede na kitang ligawan?” Tumibok nang malalakas ang puso
Jasmine’s Pov“I love you. Matagal na.”Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sinabi ni Aston. Pinaghalong lito, pagtataka, at saya ang nararamdaman ko. Nalilito ako kung totoo ba ang sinabi niya. Nagtataka ako kung papaanong matagal na niya akong mahal eh kakakilala lang namin. As well as masaya ako dahil sa confession niya.Na umamin siya. Nandito kami ngayon sa sala, timapos muma namin ang pagkain kanina bago nag-usap.“Mahal mo ako? Matagal na?” Tumango siya. “Alam kong nalilito at naguguluhan ka sa sinabi ko pero totoo na mahal kita.” Halos mangusap na ang kaniyang mga mata na paniwalaan ko ang sinabi niya. Pero ang hirap paniwalaan.“Pero paano? Paanong matagal na? Wala pang isang linggo mula ng magkakilala tayo.” Naguhuluhang saad ko sa kaniya.Masuyong hinawakan niya ang mga kamay ko. “Naalala mo yung tanong ko sa ‘yo? Yung magagalit ka ba kapag sinabi ko na alam ko lahat ng tungkol sa ‘yo?” Kumunot ang noo ko at tumango.Naalala ko ngang sinabi niya iyon. Noong nasa America kami
Jasmine’s Pov.“Aston, nasaan ka na?” Nakangiting tanong ko sa kausap ko sa cellphone habang nakaharap sa hinahanda kong mga pagkain para sa hapunan namin ni Aston. Kakatapos ko lang magluto at pasado alas-syete na ng gabi.“Pauwi na ako, Mine. Kakatapos lang ng trabaho. Why? Miss mo na ba ako?” Natawa ako sa tanong niya at the same time ay uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko sa simpleng banat niya.“Ah, eh…oo. HIHIHI.” Sagot ko na lang kaysa naman sabihin kong pinaglutuan ko siya.Nakarinig ako na parang may nauntog sa kabilang linya kaya natauhan ako sa iniisip ko.“Boss, ayos ka lang?” rinig kong tanong ni Larry.“Shít. It hurts.”“Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo, Boss. Para kang ewan sa ginagawa mo. Pambihira, kinilig lang nagiging tánga na,” “Damn you, Larry! Huwag ka ng maraming satsat d’yan! Bilisan mo dahil miss niya na ako!” “Uy! Ayos ka lang, Aston?” nag-aalalang tanong ko sa kabilang linya.“Yes, Mine. Ayos lang
Jasmine’s Pov“I’m not a mistress!” Halos maputol ang litid sa leeg na sigaw ni Yasmine. Nagtatago na ito sa likod ni Rogelio dahil sunod-sunod ang naging flash ng camera. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya pero hindi ko pinigilan si Hannah. Alam ko rin namang hindi siya magpapapigil sa akin ngayon.“Ah, talaga? Hindi ka kabit? Gusto mo ba marinig mismo ang sarili? Ipaparinig ko sa ‘yo kun gano ang sinabi mo kahapon sa kaibigan ko. Wala akong paki kung ano masira dahil pareho tayong public figure.” Matapang at naningkit ang mga matang hamon ni Hannah.Anong ibig niyang sabihin? Paanong––naalala kong hiniram niya ang cellphone ko kanina. Natampal ko na lang ang noo ko. Mukhang nakita niya kanina sa phone ko ang recorded ko kahapon.Sari-saring mga bulungan at komento ang naririnig ko sa paligid. This is a scandal. “Besh, tama na ‘yan.”“No. Kabit lang ‘yan, eh. Dapat lumugar, hindi yung umaakto na para bang siya yung asawa.” Inis na sabi ni Hannah kaya natahimik ako.“Bakit
Jasmine’s Pov“Kyahhh! Nagseselos siya, Beshicakes! Sabi na, eh…may gusto siya sa ‘yo!” Mabilis na tinakpan mo ang bibig ni Hannah dahil sa pagtili niya. Habang kumakain kasi ay nagkukuwentuhan kami at nabanghit ko sa kaniya ang nangyari kanina sa call.“Besh, huwag kang maingay! Pinagtitinginan na tayo oh!” sita ko sa kaniya pero tumawa lang siya.“Duh! Déadma! Kinikilig ako sa inyong dalawa ni Aston, ang cute pala magselos ang isang Aston Cowell!” daig pa’ng butiki na naputulan ng buntot kung kiligin siya.Napainom na lang ako ng tubig. Sa totoo lang, nakaramdaman ako ng saya. Pero iniisip ko kung totoo bang gusto ako ni Aston.Wala pa ngang isang linggo mula nang magkakilala kami. Papaanong nagustuhan ako ng lalaking iyon?“Alam mo, Besh? Feeling ko, sadyang maalalahanin at maalaga lang siguro si Aston kaya ganiyan siya sa akin.” Ibinaba ko ng hawak kong kutsara nang matapos akong kumain.“Gága! Hindi ganun yun. Sa trato pa lang niya sa ‘yo, sa pagiging caring at pagpapahalaga niy
Jasmine’s Pov“Aston, pwede ko ba mahingi ang number ni Larry?” Napangiti ako matapos i-send ang message ko kay Aston. Gusto kong itanong kay Larry kung ano ba ang mga paboritong pagkain ng amo niya.Ayaw ko kasing malaman ni Aston na ipagluto ko pala siya. Gusto ko siya i-surprise mamaya.Hinintay ko nang ilang minuto ang reply niya pero walang reply. Instead, tumawag siya na agad kong sinagot. Kakarating lang kasi namin ngayon sa mall. Nandito kami sa isang restaurant para mag-lunch muna bago kami mamili ni Hannah.“Bakit mo gustong kunin ang number ni Larry?” bakas sa tuno niya ang lungkot.Napatingin ako sa kaniya mula sa screen. Nakauwas siya ng tingin sa akin. Umigting pa ang panga niya na para bang may iniisip siya na nagpaginis sa kaniya.“Gusto ko siya––” “G-gusto mo siya?” parang gumuho ang mundong tanong niya.Takang tumango ako sa kaniya. Oo. Gusto kong makausap si Larry para itanong ang mga pabiroto niyang pagkain.“B-bakit si Larry pa?” mahinag tanong niya, tila nasas







