Chapter 1 Paglabas sa malaking gate nila, agad na napaupo at napahagulgol si Daviah. Kasabay noon ay ang pagtigil ng kotse sa harap niya. Hindi niya iyon pinansin, but when the car's door opened, napasulyap siya roon, and then, she saw a guy in his corporate attire. Napahikbi siya at natigil ang luha niya nang tignan niya ang lalaking nasa harap niya. Nahirapan pa siyang tignan ito dahil sa liwanag na nagmumula sa araw sa mismong taas ng lalake. A guy in his 20s was now standing in front of her. Nakakunot ang lalaki habang nakatingin kay Daviah. Napasulyap pa ang lalaki sa bahay-mansyon ng mga Villariva bago muling tignan si Daviah. "Miss, ipapasok ko ang kotse. Pwede bang tumabi ka?" sabi ng lalaki kay Daviah. Kumunot ang noo ni Daviah at inisip na isa ito sa mga kasosyo ng Daddy niya at kameeting ngayon. Daviah bit her lip nang biglang may naisip siya. Magsasalita sana siya, pero hindi niya natuloy nang muli siyang humikbi. Hindi gumalaw si Daviah sa pwesto niya, ni hin
Chapter 2“Good morning, Miss Daviah!” "Magandang umaga!" Bati pa ng mga nadaraanan ni Daviah na mga kasambahay pagpasok nito sa first house ng mga Francisco.Hindi niya pinansin o tinignan man lang ang mga bumabati sa kanya sa pagmamadaling pumunta sa opisina ng Lolo Edie niya. Gustong gusto na niyang makausap ang lolo niya at sabihin ang desisyon ng daddy at mommy niya. Gustong gusto na niyang magsumbong.Pero natigil siya sa paglalakad nang makita niya ang Lolo Edie, Lola Cylvia, at ilang mga tito niya sa sala na seryosong nag-uusap. Pati mga tita niya ay naroon din.“Daviah?” Ang Tita Faye niya ang unang nagsalita at tumayo nang makita siya.Kagat-labi siyang lumapit at niyakap ang Tita Faye niya. Hindi na niya napigilang umiyak habang iniisip ang desisyon ng kanyang mga magulang para sa buhay niya.Ayaw niya. Ayaw niyang magpakasal sa taong hindi niya kilala, at masyado pa siyang bata para magpakasal. PAkiramdam niya ngayon ay kunukuha na sa kanya ang kalayaan na magdesisyon sa
Chapter 3Kahit malayo, kitang-kita ni Azi ang pamumugto ng mata ni Daviah. Gusto na sana niyang lumapit, pero sa huli, napasandal na lang siya sa backrest ng sofa at nanatiling nakaupo roon.“This is new. Ngayon lang kitang nakitang ganyan ah. You’re staring at a woman right now. Ganyan pala ang tipo mo,” sabi ni Xyrus habang nakangiti. Matalim ang tingin na ibinigay ni Azi kay Xyrus, lalo na’t hindi ito tumitigil sa pagsasalita.“Shut up,” mariing sabi ni Azi, pero ngumisi lang si Xyrus.“Wala siyang kasama. Sige ka, baka maunahan ka pa. Kung ako sayo, lapitan mo na. Saka bago ka matali, makatikim ka muna ng ibang putahe—”“That's Mr. Villariva's daughter, you fvcking idiot,” sabay lagok ni Azi ng inumin niya.Nanlaki ang mata ni Xyrus at tuluyang nalaglag ang panga. TInignan ni Xyrus ang babaeng tinititigan ni Azi kanina bago tignan si Azi.“Oh? Your fiancée? Iyong spoiled brat na papakasalan mo? Wow! Gago, she's hot.” Bumalik ang tingin ni Azi kay Daviah, pero umigting ang panga n
Chapter 4Tumitig si Daviah sa taong kaharap niya. Natigilan siya sa sinabi nito, pero hindi rin mapigilang magtaka dahil talagang nakakapagtaka ang pakikipag-usap nito sa kanya at sa ginawa niya sa loob. Saka hindi naman sila close para makipag-usap ng ganoon.“Nababaliw ka na ba? Okay, I get it, you're the owner of the car that I suddenly stole, but hell? Sino ka ba para bigla mo akong ikorner dito at magsalita ng ganyan? Ano naman kung puntahan ko ang lalaking iyon? Boyfriend ko siya kaya talagang kailangan kong puntahan,” ani ni Daviah, natatawa pero halatang may halong inis.Inis at galit na siya sa lahat ng nangyayare sa uhay niya, tapos ngayon ay dadagdag pa ang lalakeng ito na hindi niya kilala?Sinubukan niya itong itulak, pero hindi gumalaw si Azi, parang isang matigas na bato.“Ano ba!” galit na ani ni Daviah, tinignan siya ng masama, wala itong kamalay-malay na ang lalaking kaharap niya ay siya palang ipapakasal sa kanya ng ama niya.Sinubukan niyang itulak ulit, pero sa h
“You're so stupid, Daviah! Ang tanga-tanga mo! Nakakahiya ka! Bakit hindi ka nag-iisip? Why did you end up doing that?” Parang tanga si Daviah habang sinisermunan ang sarili pagkagising niya.Gustong iuntog ni Daviah ang ulo sa pader nang magising siya kinabukasan. Hiniling niya na sana nakalimutan na lang niya lahat ng nangyari, pero hindi eh, naalala niya lahat. Subrang naaalala niya ang lahat.“Nakakainis! You're so stupid!” Inis na sigaw ni Daviah para sa sarili niya, at konti na lang ay masasabunutan na niya ang sarili sa sobrang inis.She never expected what really happened yesterday. Lahat halos hindi niya inisip na pwede palang mangyari sa buhay niya. She is a Francisco and a Villariva, pero ang nangyari kahapon? That’s bullshit for her.Naalala niya lahat, mula sa naging pag-uusap at pagtatalo nila ng magulang niya, pati na rin ang pag-uusap nila ng lolo, tito, at mga tita niya. She still felt the pain and disappointment sa lahat ng mga naging desisyon ng pamilya niya para sa
Chapter 6“Tapos ka na umiyak?” tanong ni Daviah kay Azi, na nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho. HIndi niya naitago ang galit na tingin ni Daviah rito nang tignan niya ito. Hindi siya makapaniwala na nagawa pa yalaga niya itong itanong. "Pwede bang tumahimik ka na lang kung wala kang matinong tanong?" Mariing ani ni Daviah rito.Nagmatigas pa siya ng ilang beses at ipinilit na hinding hindi siya magpapakasal at sasama sa probinsya dahil ayaw niya at hindi niya gusto ang ma engage at magpakasal, pero walang nagawa ang pag-iyak at pagmamakaawa ni Daviah dahil talagang buo na ang desisyon ng mga magulang niya at talagang hindi na niya ito mababago pa.Walang nagawa si Daviah kahit na sinubukan na niya ang lahat at nakita niya na lang ang sariling nakaupo sa tabi ni Azi sa may driver seat.Tila bumagsak ang mundo ni Daviah sa balitang ipapakasal siya. Nadagdagan pa ang kanyang sama ng loob nang malaman na mag-aaral si siya sa probinsya at doon titira. Lumaki si Daviah sa lungsod,
Chapter 7Malaki ang bahay ng mga Buenavista at ang disenyo na iyon ay may pagkakatulad sa mansyon ng mga Francisco. It was a old fashion, pero talaga nga namang subrang eleganteng tignan lalo na sa loob.naglalakihang mga chandelier at mga antique na unang tingin ay talaga nga namaang makikita mo na agad at malalaman na isa iyong mamahalin. Ang hagdan naman ay parang sa mga napapanood sa mga telebisyon na subrang haba at pa kurba.The whole mansion ay parang naitayo pa noong kauna-unahang panahon na pinaganda at inayos pa sa lumipas na taon.Tahimik si Daviah habang naglalakad at nililibot ang tingin sa paligid, hanggang sa matigil ang tingin niya sa tatlong portrait na nasa gilid. Isang babae at dalawabg lalake. Ang isang lalake ay si Azi, habang ang isa naman ay mas bata kaysa kay Azi. Ang babae naman ay kamukha rin ng dalawang lalake, pero ito ay nagmistulang girl version ng dalawa. Ang tatlong iyon ay talaga nga namang eleganteng tignan.“Are you kidding me?!” Hindi makapaniwala
Napatitig si Daviah sa inilabas ni Azi kanina na isda at manok mula sa ref. Kinagat niya ang labi at parang iiyak naa dahil hindi niya alam ang gaagawan. Hindi niya alam kung ano ang unang gagawin dahil talagang hindi siya marunong magluto.Dahil lumaki si Daviah na mayaman, hindi siya kailanman lumapit sa kusina para magluto. Lahat ng gusto niyang kainin ay iniuutos na lang agad o hindi kaya ay kumakain siya sa labas. Hindi siya kailanman natutong magluto, at pati ang ideya ng pagluluto ay hindi niya naisip na gagawin niya.“Adobo at prinitong bangus?” Pag-uulit ni Daviah sa sinabi ni Azi na gusto niyang iluto niya. Hinawakan niya ang ulo at nilibot ang tingin sa buong kusina, na para bang sa paglibot ng tingin niya ay malalamaab niya kung ano ang gagawin.Ni ang mga sangkap ng adobo ay hindi niya alam, iluluto pa kaya? Ayaw niya itong gawin, pero dahil sinabi ni Azi ang kapalit nito kung hindi siya makapag luto pagbalik nito, wala siyang nagawa kundi kumilos at magluto nga.Kung hin
Chapter 93Ilang sandali pa ay napapikit na si Cheska ng mariin.Parang hindi na siya nag-isip nang kusa na lang gumalaw ang daliri niya sa search bar — Azrael Ford Villariva-Buenavista. Hindi siya sigurado kung may lalabas, pero dahil alam niyang kilala ito at galing sa prominenteng pamilya, sinubukan na rin niya.Ilang segundo lang, nagpakita agad ang resulta.Napasinghap siya nang lumabas ang larawan ni Azrael — nakaayos, maayos ang postura, eleganteng suot, nakatayo sa harap ng isang malaking gusali na malamang siya mismo ang nagdisenyo.Nag-scroll si Cheska, at sa bawat paggalaw ng daliri niya, mas lalo siyang napapabuntong-hininga. Isang article ang tumama agad sa paningin niya, at hindi na siya nagdalawang-isip na basahin ito:"Azrael Ford Villariva-Buenavista, at just 28 years old, has already achieved so much in life. Even though he was born rich and came from a powerful family, he didn’t rely on that to succeed. Instead, he started from the bottom and worked his way up throug
Chapter 92“Ate, okay ka lang?”Napasulyap si Cheska sa kapatid niyang si Nero na nakaupo sa tapat niya sa hapag-kainan.Kumakain sila ng hapunan, pero malayo ang tingin ni Cheska. Parang wala siya sa sarili habang hawak ang kutsara't tinidor, paulit-ulit lang na sinusundot ang kanin sa pinggan niya pero halos wala siyang naisasubo. Mabigat ang dibdib niya, at hindi niya maalis sa isip ang sagutan nila ni Cris kanina.Sinubukan niyang isa-walang bahala iyon. Palagi naman siyang ganun — matatag, hindi nagpapadala sa emosyon. Pero ngayon, ibang-iba ang tama ng mga salitang binitiwan ni Cris. Diretsahan, walang paligoy, at ang mas masakit, totoo.Mahirap siya. Nabibiling siya sa mahihirap na tao sa mundo, ni halos wala siyang matawag na talagang tahanan dahil nas iskwater area lang naman sila nakatira at malaki ang posibilidad na darating ang panahon na mapaalis sila doon. Samantalang si Azrael… hindi lang mayaman, kundi sobrang yaman. Hindi lang iisa ang bahay nila, kung hindi napakara
Aalis na sana si Cheska, pero agad siyang hinawakan ni Cris para pigilan.“Sorry. Hindi ko lang mapigilang mag-isip kasi ang sabi mo boss mo lang siya tapos biglang makikita ko kayong maghahalikan. Nagulat lang ako—”Inis na tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at sarkastiko itong tinignan. “Nagulat ka? Ganyan ka magulat? Paparatangan mo ako ng kung ano-ano? Nandito ako kasi magpapaliwanag ako sa’yo, oo nagulat ka, pero wala kang karapatan na sabihan ako ng kung ano-ano na parang… parang wala akong pinagkaiba sa mga babae sa bar.”Nanigas si Cris. Hindi siya makatingin ng direkta ngayon kay Cheska. Nakasubsob ang tingin nito sa lupa, parang batang nahuli sa kasalanan. Namumutawi talaga sa kanya ang pagsisisi sa mga sinabi nito.“Cheska—”“Nagtrabaho ako doon, pero hindi ako nagbenta ng katawan doon. Nagtrabaho ako doon at nakilala si Azrael, pero hindi ibig sabihin non, sa kanya ko binebenta ang katawan ko. Boss ko siya, pero hindi para ibenta ang katawan ko.” Mariing a
Chapter 90Huminga nang malalim si Cheska bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng hospital room. Kaibigan niya si Cris, oo—isa sa mga taong pinakamalapit sa kanya mula pagkabata. Pero sa pagkakataong ito, hindi niya maiwasang umasa na sana, kahit minsan lang, wala ito roon.Kahit alam niyang mali. Kahit alam niyang unfair.Pero hindi niya kayang harapin si Cris ngayon, hindi pa—lalo na pagkatapos ng nangyari kanina Pagbukas ng pinto, saglit siyang napatigil sa paghinga, para bang nais niyang ihanda ang sarili kung sakaling nandoon si Cris. Ngingiti na sana siya dahil hindi niya nakita si Cris at si Nero lang ang nandoon—mahimbing ang tulog at tila tahimik ang buong silid—pero…“Mag-usap tayo.”Kahit hindi tumingin, alam na ni Cheska kung sino iyon.“Cris…” Mahina ang pagkakabanggit niya sa pangalan nito. Bahagya siyang lumingon, at doon niya nakita si Cris na nakatayo sa sulok ng silid, nakasandal sa dingding, halos natatabunan ng anino. Parang kanina pa ito nandoon, naghihintay. Tahim
Chapter 89“Lola?” ani Azrael, and his voice turned unusually soft when he answered the call. May kakaibang lambing sa boses niya, isang tonong bihirang-bihira marinig mula sa isang tulad niyang laging kontrolado at malamig ang dating. But even as he spoke, he put the call on loudspeaker para lang muling hawakan ang kamay ni Cheska.Nakagat ni Cheska ang labi. Gusto sana niyang hilahin palayo ang kamay niya. Hindi dahil ayaw niyang mahawakan ito—kundi dahil para makapag drive ito ng maayos habang kausap ang lola nito. Gusto niya rin sabihin na huwag muna siyang hawakan nito, pero hindi naman magawa lalo na at baka maka istorbo siya sa usapan nilang mag lola ngayon.“Where are you? I went to your office tapos wala ka. Kailan ka pa umaabsent sa trabaho mo? Ilang buwan lang akong nagbakasyon, tapos nagkakaganito ka na? What behaviour is that, Azrael Ford Buenavista?” Malinaw at galit na galit ang boses sa kabilang linya.Napakagat lalo si Cheska sa labi. Napanguso siya, pilit pinipigilan
Chapter 88Kinagat ni Cheka ang labi. Gulat siya sa sinabi ni Cris, pero hindi naman pwedeng hayaan niya na lang si Azrael. Tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at saka tinignan si Nero.“Aalis lang si Ate, okay lang ba?” Tanong ni Cheska.Pagkalabas niya sa kwarto, mabilis ang lakad niya, halos hindi humihinga habang binabaybay ang hallway. Naglalaban sa loob niya ang kaba, guilt, at pag-aalala. Pero nang makita niya si Azrael, bigla siyang natigilan.Nakatayo ito sa tabi ng kotse, nakasandal, habang nakatingin sa kawalan. Ang mga kamay nito ay nakalagay sa bulsa, at bahagyang nakakunot ang noo—mukhang malalim ang nasa isip nito. Dahil doon, ang mabilis na paglalakad ay bilang naging mabagal habang nakatitig kay Azrael.Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang mga matang nakagtingin kay Azrael. Kahit na nakatayo lang ay pansin na pansin talaga ang pustura niya. Siya iyong tipo na kaht walang gawin, marami na agad ang papapit dito at magpapakilala sa sarili nila, ganoon
Chapter 87“Hoy! Sabing bawal kang humalik!” Mariing ani ni Cheska kay Azrael dahil sa biglang pagbalik nito sa kanya. Nasa labas na sila ng hospital at bababana sana siya, pero agad siyang ninakawan ng halik ni Azrael.“Pampalakas ng loob.” Ani nito ng mabilis at saka bumaba na sa kotse. Bubuksan na sana ni Cheska ang pinto sa gilid niya para tuluyan na ring bumaba, pero napailing siya nang mabilis na binuksan iyon ni Azrael para sa kanya.“Bakit naman kailangan mo ng pampalakas ng loob?” Pagbaba at pagsara ng pinto ng kotse ay hindi mapigilan ni Cheska na itanong iyon.“Kinakabahan ako sa kapatid mo, paano kung hindi niya ako gusto para sayo?” Tanong nito na ikinaawang ng labi ni Cheska.“Hindi mo naman—” Hindi na natuloy ni Cheska ang sasabihin nang muli siyang hinalikan ni Azreal at isinandal pa sa kotse.“Kaya kailangan ko ng lakas ng loob.” Nakangiting ani ni Azrael pagkatapos niyang humalik.Napailing si Cheska, pero ang ngiti ay nakaplastar na sa labi niya.****“Akin po ‘to?”
Chapter 86“You think he’ll like this?” tanong ni Azrael habang pinapakita ang isang damit pambata na nasa screen ng phone nito. Nasa shop app siya ngayon at halatang seryoso sa paghahanap ng mga damit.“Kumain ka na muna,” ani ni Cheska habang iniaabot ang kutsara papunta sa bibig nito, pero walang epekto. Halos hindi na niya magalaw ang sariling pagkain dahil sa kakaisip kung paano niya mapapahinto si Azrael sa online shopping. Nagpahatid ito ng makakain sa office niya para sa almusal nila, at dahil may lakad na rin siya papuntang hospital, gusto sana niyang matapos na ang pagkain nila.Ngunit iba ang priority ni Azrael kaya napapailing na lang si Cheska at kaunti na lang ay hihilahin na niya ang phone na hawak nito para matigila lang siya.“Azrael, hindi mo naman kailangang bilhan ang kapatid ko,” giit pa ni Cheska habang pinapanood ito. Hindi talaga nito tinanggal ang tingin sa phone, at parang doon lang umiikot ang buong mundo nito ngayon. Nakasalampak ito sa couch ng opisina, at
Chapter 85Dahil sa sobrang pagod, agad na nakatulog si Cheska. Sa kalagitnaan ng kanyang tulog, naalimpungatan siya nang may yumakap sa likuran niya at marahang hinila siya palapit. Kahit hindi niya ito nakikita, alam niyang si Azrael iyon—ang pamilyar na init ng katawan nito, ang amoy nitong subrang bango, at lamig ng gabi. Rason iyon kaya hinayaan niya ito sa posisyon nila. May kung anong panatag at katiyakan sa yakap na iyon.She was about to sleep again, hinayaan ang sarili na lamunin ulit ng antok, pero hindi niya mapigilang tapikin ang kamay ni Azrael nang haplusin nito ang hita niya pataas—banayad, tila sinasadya ngunit may halong lambing.“Kamay mo, kung saan-saan nanaman nakakarating,” nakapikit at inaantok na ani ni Cheska, ang boses niya’y halos paungol sa antok. Mula sa likod ay narinig niya ang mahinang tawa ni Azrael, mahina pero mababa, parang alon sa tahimik na gabi. Ramdam niya rin ang paghinga nito sa batok niya—mainit at mabagal, tila hinay-hinay na sinasamba ang pr