Home / Romance / My Stranger Groom Is A Billionaire / Chapter 1 - Ang Pagtataksil

Share

My Stranger Groom Is A Billionaire
My Stranger Groom Is A Billionaire
Author: Midnight Ghost

Chapter 1 - Ang Pagtataksil

last update Last Updated: 2024-06-24 21:00:50

CHAPTER 1

Masayang naglakad ng mabilis si Belinda paakyat sa pangalawang palapag kung nasaan ang magiging kwarto nila ng magiging asawa pagkatapos ng kasal.

Nakangiti ito at walang mapaglagyan ng saya ang nararamdaman niya dahil hindi siya makapaniwalang bukas na ang kasal nila ng taong mahal niya. Pero naglaho ang saya at napalitan ng kaba nang makarinig siya ng vngol.

"Sige pa--ah, Danilo. B-Bilisan mo pa!"

Sandali siyang natigilan sa paglalakad, pero nang muli niyang narinig ang halinghing at ungol na iyon, humigpit na lang ang hawak ni Belinda sa strap ng bag niya para kumuha ng lakas.

Sinubukan niyang huwag mag-isip ng masama. Tinapangan niya ang sarili at mabagal na naglakad papunta sa master bedroom kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. Nakabukas ang pinto at sa mismong pintuan ay may pulang panty. Nanginig ang kamay niya habang tahimik na sumilip sa siwang at doon ay malinaw niyang nakita ang nangyayari sa loob.

"G-Ganyan nga! Ahh! Ang galing mo.... Ugh!"

Kitang-kita niya ang kababuyan ng mapapangasawa niya sa mismong kama na siya mismo ang pumili.

Bukas na ang kasal nila pero heto siya, nakatitig at halos mawalan ng malay dahil sa nakita. Iba ang saya na naramdaman niya noong dumating siya rito, pero ngayon, parang nawala na ang lahat ng ligaya nang makita niya kung gaano nagpapakasarap ang lalaking papakasalan niya sa ibang babae.

Hinawakan ng mahigpit ni Belinda ang strap ng bag nang marinig ulit ang ungol ng babae na nasa loob ng magiging kwarto nila bilang mag-asawa.

Bago pa makapag-isip ng tama si Belinda, agad na niyang binuksan nang malaki ang pinto, rason kaya tuluyang nakita ng dalawang taong nasa kama si Belinda.

“Babe!”

Nabigla at agad tumayo si Danilo para kunin ang kanyang shorts mula sa tabi habang tila walang pakialam ang babae at hinila lamang ang kumot para takpan ang katawan niya, na walang halong takot o kaba.

"B-Babe, let me expl—"

Isang sampal ang ibinigay ni Belinda kay Danilo nang lumapit siya, gamit ang natitirang lakas niya.

"Explain what? Ano bang magandang explain ang sasabihin mo sa kababuyang 'to, Danilo?"

"Naglalaro lang kami, she is just a friend," sambit ni Danilo at mariing pumikit na para bang nagsisi agad na iyon ang ginamit niyang dahilan.

Natawa ng sarkastiko si Belinda sa narinig.

"Anong tingin mo sa akin? Tanga? Bata? Magkapatong kayo, umuungol siya tapos sasabihin mong naglalaro kayo?"

Napapikit na lang siya nang maalala ang nakita nilang posisyon kanina. Naninikip ang dibdib niya at hindi matanggap ang lahat.

"Belinda—"

Mabilis niyang pinutol ang sasabihin ni Danilo gamit ang paos at basag na boses.

"Ikakasal na tayo bukas, D-Danilo!" Dumaloy ang sunod-sunod na luha sa mata niya pagkatapos niyang sabihin iyon.

Nilibot niya ang tingin sa paligid at tumigil ito sa litrato nila na nagtulungan pa silang ikabit noong isang araw.

"At ano? Magrarason ka pa talaga ng walang kwentang rason?!" Napalitan ng galit ang boses niya. Lumapit siya para itulak at hampasin ng buong lakas si Danilo.

"Ang sama mo! Ang sama-sama mo! Manloloko! Taksil—"

“Stop it. Just listen to me—”

“No! Gagò ka! Taksil ka!” Hindi tumigil si Belinda sa paghampas na kahit nanghihina ay ginawa niya pa rin ang lahat para hampasin si Danilo.

"Kasalanan mo!" Nanlaki ang mata ni Belinda sa biglaang pagsigaw ni Danilo. Hinawakan pa ni Danilo ang dalawang kamay ni Belinda para matigil ito sa paghampas sa kanya.

"Oo, taksil na kung taksil, pero kasalanan mo rin naman! Umiiyak-iyak ka dahil sa nakita mo? Kung hindi ka sana feeling high school student at hinahayaan mo akong halikan ka at angkinin ka, edi sana sa iyo ko iyon ginagawa! Kasalanan mo kung bakit ako nagtaksil kasi nagkulang ka! Lalake rin ako, Belinda. Alam kong alam mong may pangangailangan ako kaya huwag kang feeling biktima rito!"

Nanlaki ang mata ni Belinda nang marinig ang lahat ng tinuran ni Danilo sa kanya.

"At talagang sinisi mo pa sa akin iyang kataksilan mo? If you truly love me, you'll never do this shìt!”

Hindi inakala ni Belinda na masasabi ni Danilo ang mga bagay na iyon. Kahit kailan ay hindi niya naisip na masasabi iyon ng taong mahal niya.

At ang lakas pa ng loob niyang isisi ang pagiging taksil niya? Kung kanina ay mas lumamang ang pighati at sakit, ngayon ay tuluyan nang lumamang ang galit sa puso niya.

"Totoo naman, ah. And don't question my love for you because I am ready to marry you even if you are not that pretty and don't even know how to fix yourself."

Napapikit si Belinda sa narinig.

"Let's fvcking cancel the wedding," sambit niya nang napapikit dahil alam niyang kalokohan na lang ito.

"What the hell! You can't do that! You can't fvcking cancel the wedding!"

Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol ni Belinda kay Danilo pagkatapos marinig iyon.

"What makes you think that I can't?" Punung-puno ng panghahamon na sambit ni Belinda na siyang mas nagpagalit kay Danilo.

Sinubukang kumawala ni Belinda sa hawak ni Danilo, pero napadaing na lang siya nang maramdaman ang paghigpit nito.

Napadaing pa si Belinda sa sakit ng pagkakahawak niya, hanggang sa biglang naging haplos na lang iyon, pero sa puntong iyon, nandidiri na ito kay Danilo dahil kitang kita niya kanina kung paano nito ginamit ang kamay para hawakan ang babaeng iyon habang nagpapakasarap.

"Why don't we just forget this? Ikakasal na tayo bukas at ayaw mo naman sigurong malungkot ang lola mo, hindi ba? She already expects you to marry tomorrow, sobrang saya nga niya, hindi ba? Kapag nalaman niyang hindi matutuloy, malulungkot ang lola mo at alam kong hindi mo iyon hahayaang mangyari, hindi ba? Babe, let's forget that this happened, please."

Biglang naging malumanay ang boses niya nang sabihin niya ang mga ito.

Napayuko si Belinda nang maalala ang lola niyang binisita niya kanina lang na sobrang saya at sobrang excited sa darating na kasal niya. Habang nakayuko si Belinda, napangisi naman si Danilo dahil alam niyang hindi ititigil ni Belinda ang kasal nila bukas.

"You can't cancel the wedding, babe. Promise, give me a chance, hinding hindi na ako uulit," sambit ulit ni Danilo, at hawak pa rin ang kamay ni Belinda.

Halos hindi na makapag-isip si Belinda. Gusto niyang itigil na ito, pero naisip niya ang lola niya dahil tama si Danilo, na malaki ang magiging epekto iyon sa lola niya.

"Cancel your wedding with that cheater and marry me instead."

Gulat na napatingin si Belinda sa lalaking nagsalita sa likuran niya. Kakapasok lang nito sa kwarto at hindi niya alam kung saan ito galing at kung paano ito nakapasok.

"James!" Rinig na rin ang gulat na boses ng babae na kanina pa tahimik sa kama.

"Who the hell are you? She's my fiancé—"

"Oh? Fiancé ka pa ba niya? Didn't you hear what she said? She wants to cancel the wedding." That man said and stood up straight.

Lumapit siya kay Belinda at agad na hinila papunta sa tabi niya. That stranger placed his hand on Belinda's waist na talaga namang ikinagulat ni Belinda.

Napatitig na lang tuloy si Belinda sa lalaking iyon habang ang lalaki ay isang tingin lang ang ipinukol sa babae sa kama bago tuluyang hilahin si Belinda paalis sa lugar na iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Cecilia Duque
matulog kya ang ksal nla belinda
goodnovel comment avatar
Nina Gabaleo
next chapter please ...
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ganda umpisa palang
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 108 - Bulong

    “Kaya ko, magpapaalam lang ako sa pamangkin ko,” sambit pa ni Paul, at doon biglang napaayos ng upo si Dia. She froze for a second, tightening her grip on her phone as if it could shield her from the sudden rush of nerves. Ramdam na ramdam niya ang lalim ng bawat hinga niya habang naririnig ang mabibigat na yapak ni Paul papalapit sa kanila ni Cassandra.Parang lalong bumilis ang tibok ng puso ni Dia sa bawat hakbang nito. Hindi niya alam kung bakit—kung dahil ba sa kaba na baka mapansin ni Paul ang tensyon sa kanya, o dahil lang talaga sa presensiya nitong palaging nakakayanig ng loob niya.Yumuko si Paul para haplusin si Cassandra. Gising ang bata pero hindi naman umiiyak o malikot. She was simply trying to open her tiny eyes, looking so innocent, so peaceful despite the late hour. The sight alone was enough to make the moment feel softer, calmer.Napakagat-labi si Dia habang pinagmamasdan ang eksena. At nang yumuko pa lalo si Paul para halikan ang noo ng pamangkin niya, doon ay lal

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 107 - Drunk

    Chapter 107 and 108Hanggang gumabi ay nanatili si Paul, the reason why Dia was really trying everything to avoid him. Nakailang irap na siya rito mula pa kanina at halos hindi na niya magawang mabilang pa. She even tried to busy herself with small tasks, like rearranging the pillows or checking her phone constantly, just to keep her eyes away from him.Nahihirapan pa nga siya talaga na iwasan ito lalo na dahil ilang beses itong lumalapit sa kanya, umuupo sa tabi at ginugulo ang isip niya. Kahit simpleng pag-abot ng baso o biro ay sapat para uminit ang pisngi niya sa inis. Minsan pa nga ay nagtatama ang siko nila kapag dumadaan ito, at sa tuwing mangyayari iyon ay biglang humihigpit ang hawak niya sa cellphone niya.Nag-inuman pa nga ang Kuya Lorenzo niya at si Paul at dumating pa ang Kuya River niya, kaya naparami pa nga ang inom nila. Instead of feeling more comfortable with more people around, she felt trapped, lalo na at parang lahat ng kilos ni Paul ay umaabot pa rin sa paningin

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 106 - Ang Ganda Mo

    Ang tono niya pa ay seryoso habang nagpapaliwanag kay Lorenzo, na parang wala siyang ginagawa sa ilalim ng unan.Thali is busy pa rin sa pagtutupi ng mga damit, paminsan-minsan lang tumitingin kay Paul at Lorenzo habang masigla ang usapan ng dalawa, and she didn’t even know what was happening right beside her sister. If only she knew, malamang ay matagal nang napagalitan si Paul, baka nga tinadyakan na siya palabas ng bahay. Pero wala siyang kamalay-malay, masyado siyang abala sa ginagawa niya.Napalunok si Dia, halos mabilaukan habang patuloy na ngumunguya ng burger, sinusubukan niyang magpanggap na kalmado. Pero nag-freeze siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya na kanina pa pilit tinatanggal ang kamay ni Paul sa kandungan niya. Nanlaki ang mga mata niya, at sa sobrang gulat ay muntik na niyang mabitawan ang burger.At hindi lang iyon—she almost wanted to curse as she felt him intertwine their hands under the pillow. Ramdam niya ang dahan-dahang paggalaw ng hinlalaki nito, na p

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 105 - Hand

    Chapter 105 and 106“Huwag kang ngumiti, huwag kang ngingiti,” mariing ani ni Dia sa sarili niya nang mag-isa na lang siya sa kwarto dahil kinuha na ng Ate Thali niya si Cassandra. At dahil wala na si Cassandra sa kwarto niya, lumabas na rin si Paul.And here she is now, halos hindi makalimutan lahat ng sinabi ni Paul, like it was really keep playing in her mind over and over, parang isang kanta na ayaw tumigil. Ang bawat linya ng boses nito ay paulit-ulit na bumabalik sa tenga niya, at pakiramdam niya ay pati puso niya ay nilalaro ng mga salitang iyon.Hindi niya maalis sa isip kung paano siya tinitigan nito kanina—seryoso, diretso, at para bang totoo lahat ng binibitawan nitong salita. That gaze alone already stirred something deep inside her.Pero ayaw na niyang umasa, ayaw na niyang maniwala dito!“Dia, naman,” naiinis na sambit na niya, para ng tanga habang kausap ang sarili niya. She rolled on her bed, tumakip ng unan sa mukha, at napaungol na lang sa inis at kilig na pilit niyan

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 104 - Court

    “No, you can’t get your things there, especially your passport,” sambit pa nito na ikinalaglag ng panga ni Dia. The weight of his words made her lose breath for a second, her chest tightening as if the air itself had become thicker around her.“What the hell is your problem—”“My problem is you are not letting me talk to you. Ilang beses na kitang tinawagan at tinext. What the hell? Iiwan mo ako sa ere?” iritadong tanong ni Paul at lumapit pa kay Dia, napaatras tuloy siya habang nanlalaki ang mga mata. Ramdam niya ang init ng hininga nito habang papalapit, parang sinusunog ng bawat salita ang hangin sa pagitan nila.“What—”“When I kissed you that night, when I let the fire between us, when I tasted you down there, you were already mine, so you have no fvcking right to do this to me—na pagkatapos akong baliwin, biglang ayaw mo na?” sambit pa ni Paul habang mariin at nag-aapoy ang mata nito.His voice was low but sharp, like a blade cutting her resolve. Every word dripped with intensity

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 103 - Maleta

    Chapter 103 and 104Kinabukasan ay lumabas na nga ang Ate niya sa hospital and she stayed in their house. Hindi na rin niya nakita si Paul pagkatapos nitong lumabas, hindi naman kasi lumabas si Dia para kausapin ito.Parang may lamat na sa pagitan nila, at kahit na ilang beses siyang tinanong ng kanyang Ate kung ayos lang ba siya, ngumingiti na lang siya at umiiling, trying to act normal kahit na sa loob-loob niya ay magulo ang lahat.Hanggang sa umabot ng dalawang araw at hindi pa rin niya ito nakikita, and she was in her room, kasama si Cassandra at talagang kinakareer ang pagiging babysitter. Ginagawa niyang parang maliit na concert ang kwarto, kinakantahan niya at isinasayaw-sayaw ang pamangkin, pinapatawa niya ito kahit pagod na rin siya sa loob-loob. Pero kahit ganoon, masaya siyang kasama si Cassandra, at iyon ang nagsilbing distraction niya para huwag isipin ang lahat ng nangyayari sa pagitan nila ni Paul.Sinasayaw-sayaw niya si Cassandra habang nasa bisig niya ito, paunti-u

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status