แชร์

Chapter 2 - It's An Old Man?

ผู้เขียน: Midnight Ghost
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-06-24 21:02:27

CHAPTER 2

“Are you really going to marry me? Kung joke ang sinabi mo kanina, sabihin mo na ngayon.”

Tinignan ni Belinda ang lalaki at hinintay ang sasabihin. Nasa loob na sila ng kotse ng lalaki at hanggang ngayon ay gulat pa rin ito sa sinabi ng lalaki kanina.

Hindi sila magkakilala, pero bigla siyang sumulpot sa napakagulong sitwasyon at sinabing siya na lang ang pakasalan ni Belinda. Ang mas nakakagulat, nandito siya sa kotse kahit hindi naman niya ito kilala.

“Sa tingin mo ba may oras ako para mag-joke?”

“But we don't know each other. Ni hindi ko alam kung paano ka nakapasok sa bahay. Hindi natin kilala ang isa't isa tapos magpapakasal tayo? You know what? Kung nangti-trip ka lang, sabihin mo na.”

The guy looked at Belinda. “Ayaw mo? So you want to marry that cheater instead?”

Natahimik si Belinda. Ayaw ni Belinda na pakasalan pa si Danilo, pero naisip nito ang lola niya na siyang unang madidisappoint kapag hindi natuloy ang kasal.

“I get why you can't trust what I said. That woman is my girlfriend and that's the reason why I came inside that house.” He seriously said to Belinda.

Belinda was out of words after hearing that.

“As far as I know, bukas na ang kasal niyo. If you are going to say yes to marrying me, leave everything to me. I can do something to change everything.”

Napatitig si Belinda sa lalaki, ganoon din naman ang lalaki. Dahil sa pagtitig ni Belinda, hindi niya maiwasang pag-aralan ang physical na anyo nito. Medyo mahaba ang buhok niya kumpara sa karaniwang buhok ng Lalaki. Matangos ang ilong at halatang mayaman. Moreno at ang bawat parte ng mukha niya ay nasa tamang korte na animo'y isang perpektong nilikha.

“You done checking on me? If yes, why don't you give me your answer?” Biglang natauhan si Belinda sa **biglang tanong ng lalaki. Napatikhim siya at napaiwas ng tingin.**

“B-But we still don't know each other. Ni pangalan ay hindi ko alam—”

“Van James Villariva, that's my name,” mabilis na sagot ng lalaki o ang nagngangalang Van at tinignan pa nito ang relo.

“Belinda—”

“Your answer. I want your answer.”

Pumikit ng mariin si Belinda. Huminga siya ng malalim at dahan-dahang tumango. Sa isip nito ay mas mabuti pang magpakasal sa iba kaysa magpakasal sa manloloko at taksil na iyon, pero gusto niyang magmura bigla nang mapagtanto kung paano niya ipapaliwanag sa pamilya ang nangyari.

“Oh? Hindi ba dapat nagpapahinga ka ngayon para sa kasal mo bukas? What brought you here, iha?” Ang step-mom nito ang unang lumapit kay Belinda pagpasok sa dining table.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Belinda na mabait ang stepmom niya sa kanya. Mula noong pinakasalan siya ng ama niya, palaging malupit ito sa kanya, pero simula noong malaman niyang ikakasal siya kay Danilo ay biglang nagbago ang pakikitungo nito.

Kabadong tinignan ni Belinda ang buong pamilya niya. Ang dalawang step-sister niyang sina Bianca at Dina ay masungit na nakatingin sa kanya. Bukas ang kasal niya, pero wala ang ama niya.

“Nandito po ako para sabihin na, hindi po si Danilo ang papakasalan ko bukas.”

Natahimik ang lahat.

“Are you crazy?” Bianca was the first one to talk. Natawa pa ito at napailing.

“Anong sinasabi mong hindi si Danilo ang papakasalan mo bukas? Nasisiraan ka na ba ng isip?” Galit na tanong ng step-mom niya.

“Danilo cheated—”

“Nakabingwit ka na nga ng mayaman at makakatulong sa kompanya, pinakawalan mo pa!”

“Pero—”

“Gagà! Hindi tayo matutulungan ng katangahan mo! Ang tanga-tanga mo!”

“Madali ka lang naman kasing palitan dahil masyado kang manang manamit.” Dina said.

“Tama!” Pagsang-ayon ni Bianca.

Pagkatapos ng panlalait at masasakit na salitang natanggap niya, ilang oras siyang umiyak. Sa pamilya niya, ang lola niya lang ang kakampi niya.

Tulala si Belinda habang nakatitig sa sarili sa salamin.

“Hello, step-sister!” May pang-aasar sa boses ni Bianca nang pumasok ito sa kwarto kasama si Dina.

Nakaayos na ang dalawa gaya niya, ang kaibahan, masaya sila, habang si Belinda ay hindi man lang magawang ngumiti.

“Mukhang mayaman din naman pala ang mapapangasawa mo. Saan mo napulot? Matanda ba?” Si Dina at hindi itinago ang pandidiri habang sinasabi iyon.

May sumundo kay Belinda kanina sa condo niya na ipinadala raw ni Van. Dinala siya rito sa kilalang hotel at inayusan. Dito na rin ang magiging venue at nakaayos na rin ang lahat, kung paano niya iyon nagawa, hindi alam ni Belinda.

“Baka malapit ng mamatay. Mapapahiya ang pamilya...” Si Bianca at lumapit pa kay Belinda at hinawakan ang buhok nito. Tinignan ng seryoso ni Belinda si Bianca.

“Hindi siya matanda at mas lalong hindi siya malapit mamatay.. Huwag kayong mag-alala, hindi naman ako papayag na mapahiya kayo. In fact, he is more handsome than Danilo.” Hindi na napigilan ni Belinda na sabihin iyon.

Tumawa ang dalawang step-sister ni Belinda nang marinig iyon.

“Anong gusto mong iparating? That you got a perfect guy just a night after Danilo cheated on you? Nananaginip ka ata.” Dani said at lumapit din kay Belinda.

“Hayaan mo na siya mangarap ngayon, Dani. Bigyan mo na dahil sigurado naman akong mapapahiya lang siya.” At pagkatapos nito, iniwan na nila si Belinda.

Lumabas siya ng ilang sandali at doon ay naghihintay ang step-mom at step-sister niya.

“I can see that this guy is also rich.” Sabi ng step-mom niya.

“Come on, believe me, mom. It's an old man. May nagsabi sa akin mula sa baba na may matandang naka-wheelchair daw roon na naghihintay sa altar.” Sabi ni Dani.

Hindi na lang nagsalita si Belinda dahil alam naman niya kung sino ang papakasalan niya. Dahil sa nangyaring pagbabago ng groom, kitang-kita niya ang pagbabago, ilan lang ang dumalo na kakilala nila at may ilan na hindi niya kilala. Pansin niya rin ang ibang mapanuring tingin sa kanya.

Naglalakad na siya papasok kasama ang kanyang step-mom nang mapansin niya ang naghihintay sa altar.

Nataranta si Belinda dahil hindi ang nakausap niya kagabi ang naghihintay sa kanya sa altar.

Gusto niyang tumigil sa paglalakad, pero hindi niya magawa nang makita niya sa gilid ang kanyang lola na inaalalayan ng isang nurse. Malabo ang mata nito dahil sa cataract, pero kahit na ganoon ay masaya siya na para bang kitang-kita niya ang lahat. Kitang-kita naman niya ang natatawang mga step-sister niya sa gilid.

“I can't believe that it's really an old man. Pinagpalit mo si Danilo sa matanda? Disgusting,” mariing bulong ng step-mom.

Bago pa siya makapagsalita ay tuluyan na silang nakalapit sa matanda. Halos mangiyak-iyak na si Belinda. Gusto niyang umatras, pero ang lola niya ang iniisip niya.

Nakita ni Belinda ang pekeng ngiti ng step-mom niya habang nakatingin sa matandang naka-wheelchair. Hinila pa nito ang kamay ni Belinda para iabot sa matanda.

“It's too sudden, pero sana alagaan mo siya—”

Biglang may sumulpot sa gilid at hinawakan ang kamay ni Belinda. Lahat ay napatingin at natigilan habang si Belinda ay tuluyang lumuha dahil akala niya ikakasal na talaga siya sa matanda.

“I'm sorry, I'm late.” sabi ni Van na nakakagulat ang boses na nagulat sa lahat.

Nakarinig ng singhap si Belinda, pero kahit hindi niya tignan, alam niyang galing iyon sa stepsisters niya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
Dela Cruz Garcia Rhobelyn
ai sos Dami alam
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
anu kayo ngayon mga stepsister ni belinda natulala kayo sa pagdating ni van
goodnovel comment avatar
Emelie Villar
gumagaya ka ng storya ng iba,
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 117 - Buntisin

    “L-Lorenzo, I want to know,” nanginginig na ang boses ni Thali, tila pinipigilan ang sariling umiyak. Pakiramdam niya’y siya na lang ang wala sa sirkulo ng isang mahalagang bagay.“I just told him how much I love you and that I will do everything for you,” bulong nito, mababa ngunit mariin. Napasinghap si Thali, hindi alam kung paano tutugon—inaasahan niyang mabigat ang sasabihin nito, ngunit biglang iyon ang maririnig niya mula dito.“P-Pinaglololoko mo ba akong gago ka?” Tanong na lang niya, halos nanginginig ang boses, dahil hindi na niya alam kung ano pa ang sunod na sasabihin.“Why? Hindi ka naniniwala na mahal kita at kaya kong gawin ang lahat para sa’yo?” He suddenly asked, his tone both serious and daring, making Thali freeze on the spot. Hindi na siya nakapagsalita pa—parang may humigop ng lahat ng lakas niya, kaba at pagkagulat ang tanging nararamdaman.“I’ll stay here tonight until tomorrow kaya huwag ka munang pumasok sa trabaho,” he murmured, his voice mababa pero puno ng

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 116 - Pagkabalisa

    Chapter 116“Ma—” Natigilan si Thali nang hindi man lang siya pinansin ng ina at nauna na sa paglalakad palabas ng condo. Kumirot ang puso niya sa biglang pag-iwas nito, parang may malamig na pader na itinayo sa pagitan nila.Parang sinampal siya ng malamig na hangin sa tindi ng pag-iwas nito, ramdam niya ang bigat at sakit sa bawat hakbang ng ina palayo. Ang bawat yapak ay parang tunog ng pintong unti-unting nagsasara sa kanya.“Just let your Mama, her feelings was valid, sa inyong magkakapatid, ikaw ang hindi niya iisipin na gumawa ng lahat ng ito, pero hindi ka naman niya matitiis, ikaw ang unang prinsesa namin ng mama mo, hindi magtatagal ang tampo niya sayo,” mahinahong ani ng kanyang ama.Ang tono nito’y parang pilit na pinapakalma ang sitwasyon, pero naroon din ang lungkot na hindi maitago sa mga mata. Bahagyang lumapit ito, tila gusto ring yakapin siya ngunit piniling magbigay ng espasyo.Nag-init ang mata ni Thali at saka tinignan ang saradong pinto ng condo, pinipigilan ang

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 115 - Painful Reality

    Napasinghab naman si Thali at hindi maiwasang panliitan at mas lalong mainis sa kapatid niya.“Ang luwang doon sa gilid, baliw ka ba?” sarkastikong sagot ni Thali, sabay taas ng isang kilay at matalim na tingin na parang matutulis na patalim.Ngunit hindi man lang siya sinulyapan ni River, bagkus ay dumiretso lamang ang matalim nitong tingin kay Lorenzo—tila may tahimik ngunit mabigat na laban na nag-uumpisa pa lang, ngunit ramdam na ramdam na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.“Itutuloy natin mamaya ang inuman pagkatapos nating kumain, iyong usapan natin huwag mong kakalimutan,” seryosong paalala nito, para bang wala silang audience.“Okay,” tipid na tugon ni Lorenzo, pero hindi nakaligtas sa mata ni Thali ang sagot na iyon. She frowned instantly.“Ano iyon?” mabilis niyang tanong, curious at may halong pagdududa.“Don’t mind it,” mahinahong sagot ni Lorenzo, isang mapayapang tono na parang gustong putulin ang usapan bago pa humaba. Muli niyang tinangka na hawakan ang kamay ni Tha

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 114 - Care

    “Hey, baby, relax, I’m fine,” mahinahong ani ni Lorenzo habang bahagyang nakayuko, sinasalo ang mata ni Thali na halatang susugod na sa direksyon ni River. Dahan-dahan niyang iniabot ang kamay niya at ipinatong iyon sa bewang ng dalaga, marahang hinila palapit sa kanya, para pigilan ang balak nitong umabante.Kitang-kita ni Lorenzo kung paano nanlilisik ang mga mata ni Thali habang nakatitig kay River. Ang kilay niya ay mahigpit na magkadikit, ang panga ay nakakuyom, at bawat hinga niya ay mabigat, na para bang pinipigilan lang ang sarili na sumabog. Hindi na nga nakapagtataka kung bakit siya biglang umastang parang leon na handang mangain ng buhay.Lorenzo, however, knew exactly why, pero hindi niya maiwasan na haplusin ang dibdib dahil talagang kitang kita ang pag-aalala ni Thali sa kanya. Ang suntok ni River kay Lorenzo ay naglikha ng malaking putok sa labi ni Lorenzo, sinuntok pa naman ito kanina ng mama ni Cheska, she knew her mother. Hindi basta-basta sumusuntok si Cheska. Kapa

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 113 - Leave

    Napalunok si Lorenzo. Para bang bawat salita ng matandang lalaki ay hindi lang dumidikit sa balat niya—dumudurog ito sa laman at tumatama diretso sa puso. Alam niyang hindi iyon pananakot; iyon ay babala na puno ng katotohanan at malasakit.At sa ilalim ng malamig na anyo ni Azrael, nakita ni Lorenzo ang isang ama na handang maging halimaw sa mata ng iba… kung iyon ang kailangan para mailigtas ang anak niya.Umigting ang panga ni Lorenzo, mahigpit ang kapit niya sa gilid ng mesa habang nakatitig sa baso ng wine na nasa harap niya.“Leave my daughter from now on and I promise you one thing—I’ll help you get your freedom, at lalo na ang inaasam mong higanti sa mga taong pumatay sa pamilya mo,” dugtong pa ni Azrael. Para bang tumigil ang oras sa pagitan nila. Kita ni Azrael ang bahagyang pag-angat ng kilay ni Lorenzo, ang bahagyang pagkislot ng labi, at ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon mula gulat, galit, hanggang sa hindi maipaliwanag na sakit—isang sakit na pilit nitong ikinukubl

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 112 - Protect

    Chapter 112“Do you know that I want to punch you right now?”Pagkatapos ng sobrang katahimikan sa pagitan nila, sa wakas ay nagsalita na si Azrael. Mabigat ang boses nito, parang bawat salita ay may dalang bigat ng galit at awa, ngunit hindi ito sumisigaw—mas mabigat pa nga yata ang tono kaysa kung sumigaw siya. The kind of voice na mas nakakatakot kaysa galit na pasigaw, dahil ramdam mong kontrolado pero malalim ang pinanggagalingan.That line—iyon ang unang salitang lumabas sa bibig niya simula nang magkaharap sila. Walang introduction, walang tanong. Diretso lang ang ito.“I know, Sir,” walang takot na sambit ni Lorenzo, kahit ramdam niya ang tensyon na halos sumakal sa buong paligid nila.Of course, he knows that. Kahit sinong ama, iyon ang unang iisipin na gawin sa lalakeng sa tingin nila ay humihila pababa sa anak nila, at lalo na kung alam nitong may panganib sa relasyon na iyon. Alam niyang sa paningin ni Azrael, na ama ng taong mahal niya, isa siyang problema, hindi solusyo

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status