“The two hardest things to say in life are hello for the first time and goodbye for the last.” – Moira Rogers
“Bakit hindi ka pa nagpapalit? Hindi ka pwedeng pumunta ng ganyan. Party in disguise iyon, kaya kailangan mo ring makibagay sa suot ng mga bisita,” ani Dylan, may bahid na irita sa boses habang tinignan ang combat gear ni Cheska—itim, tactical, at halatang out of place para sa isang social event.Binaba ni Cheska ang baril nang marinig ito, bagaman hindi pa rin ipinapakita kung susunod ba siya o hindi. Nakatingin lang siya sa mga tama ng bala sa target sheet sa harap niya, malamig ang ekspresyon, parang walang pakialam."Ano ba, Agent Carrido. Bakit ba ganyan inaasta mo ngayon?" Si Garry na lumapit na kay Cheska.“Tingin niyo ba talagang dadaan ako sa entrance?” matalim ang tono niya habang nilalagay ang kamay sa bulsa. “Kung gusto niyo, dumaan kayo roon. Hindi ko kayo pakikialaman. Saka makikipag-usap lang naman—bakit kailangan kong makibagay? At kapag sa entrance pa dumaan, mas matatagalan pa dahil sa bisita at security kaya kung gusto niyo don, sige, kayo bahala."Tahimik ang palig
Chapter 121“Bakit ba hindi mo gustong tanggapin?” Hindi pinansin ni Cheska ang tanong ni Garry kahit na rinig kung gaano ito kaseryoso.She just started shooting the target center—each shot precise, each movement mechanical, as if ignoring the rising tension behind her.“Agent Carrido, bilang isang team, hindi naman pwedeng ikaw lang ang magdesisyon nito,” seryosong sambit ni Haze, lumapit pa ng kaunti para ipakita ang determinasyon.Muli, hindi pinansin ni Cheska iyon. Niload lang niya ang baril para sa panibagong putok, pero bago pa niya makalabit ang gatilyo ay hinawakan na ito ni Dylan at ibinaba.“Kinakausap ka namin. Sabihin na nating ayaw mo talaga, pero baka naman may explanation ka tungkol dito. Hindi porket ikaw ang lead agent at mas magaling ka sa amin ay mawawalan kami ng karapatan para magdesisyon sa grupong ito,” seryoso ring sambit ni Dylan, na ikinapikit ni Cheska ng mariin—na para bang tinitiis niya ang tunog ng boses nito at bigat ng sitwasyon.Binaba niya ng tuluya
“Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo, Agent Carrido?!”Mariin lang na tumingin si Cheska sa lamesa. Tahimik. Walang reaksyon sa mukha, pero sa loob niya ay parang may unos. Kinabukasan pa lang ay agad siyang pinatawag pagkarating niya sa building—at alam na niyang ito ang kahihinatnan.Hindi na siya nagulat. Hinanda na niya ang sarili na mapagalitan.“That is so unprofessional. Nakakahiya!” Galit at bigong pigilan ni Commander Fred ang tono ng boses nito. “Sinabi ko na, inaanak ko iyon. Isang beses lang humingi ng pabor sa akin ang batang iyon kaya bakit kailangan mong gawin iyon?!”Napapikit si Cheska. Sa loob ng ilang segundo, para bang lahat ng panangga niya ay gustong bumigay. Hindi niya kayang idahilan ang totoo. Hindi niya kayang sabihin kung bakit. Hindi niya kayang banggitin ang pangalan ni Azrael sa harap ng Commander—lalo na’t may personal na koneksyon ito sa pamilya nito.“Ibigay niyo na lang sa iba, Commander. Hindi ko talaga tatanggapin ang misyong ito.” Buong pasya. Mabili
Chapter 119“Alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag,” simulang wika ng Commander habang tinatanggal ang gloves niya. “Another mission. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang basta VVIP. Mismo ang client ang pupunta rito para personal na kausapin kayo. They’re already on their way, kaya ihanda niyo na ang sarili niyo. This one’s highly sensitive.”Nagkatinginan ang lahat. Si Haze ay napakunot ng noo habang si Dylan ay bahagyang nagsimulang magtype sa tablet niya. Si Garry, tulad ng nakagawian, ang unang naglabas ng tanong.“May mas VVIP pa ba sa anak ng Presidente?” sarkastikong sambit niya, pero halata ang pagtataka sa tono. “Hindi mapakali si Commander, eh. Parang personal ito.”Bago pa makasagot ang commander, agad nang bumukas ang pinto.Nag-angat ng tingin ang lahat—maliban kay Cheska. Nanatili siyang nakatitig sa harap niya, sa basong may lamang tubig. Pero sa sandaling narinig niya ang boses, parang biglang naglaho ang ingay ng buong paligid. Tumigil ang oras.“Are we late? I’m
Chapter 118“Ngumiti ka naman, kaya kinakatakutan grupo natin dahil sayo, eh.” Biro ni Garry habang inaakbayan si Cheska, pero hindi pa man umaabot ang ngiti niya sa labi ay mabilis na tinanggal ni Cheska ang kamay niya sa balikat nito.“Subukan mong ilapit sa akin ang kamay mo, puputulin ko yan,” seryosong ani ni Cheska, malamig ang boses at matalim ang tingin.Napasinghab si Garry at bahagyang umatras, sabay taas ng dalawang kamay na waring sumusuko. “Okay, okay! Chill ka lang, boss.”Habang si Dylan ay napailing at abalang may inaayos sa tablet niya, sabay sabing, “Hindi mo pa rin talaga matuto, Garry. Ilang beses ka nang napahiya, hindi ka pa nadadala.”Si Haze naman ay nagbuntong-hininga at pinagmasdan si Cheska na tumayo na may matikas na tindig, hawak ang customized rifle na may mahigpit na pagkakabit sa sling. “Kung ako sayo, Garry, huwag mo na talagang subukan. Si Cheska lang ang kilala kong nakakatakot kahit walang sinasabi.”“Hindi ka pa nasasanay?” Si Dylan habang umiiling
Kumunot ang noo ni Cheska at hindi pa rin naniniwala. “Ano iyon? Pinapakaba mo naman si Mama, eh.” Nakasimangot nang ani ni Cheska, pero napangiti din naman nang ngumiti ang anak niya.“Gusto ko lang pong sabihin na mahal na mahal po kita,” nakangiti ng ani nito na mas lalong nagpangiti kay Cheska.“Ikaw talaga,” umiiling na sambit ni Cheska. Pinatay niya ang blower nang tuluyan ng tinapos ang pagboblower.“Mas mahal na mahal ka ni Mama,” sambit din naman ni Cheska at inayos ang buhok nito. “Matulog ka na, may pasok ka pa bukas.” Mahinahong sambit ni Cheska dito.Tumango naman si Thali. “Goodnight, Mama! I love you!” Hinalikan siya ni Thali at saka mabilis na pumunta sa kama niya. Sumunod din naman si Cheska para ayusin ang kumot nito.Tahimik siyang tumabi sa kama at sinigurong nakatalukbong nang maayos ang anak. Pinagmasdan niya muna si Thali nang ilang sandali—ang maamo nitong mukha, ang payapang paghinga. Sa kabila ng pagod at sakit na tinatago niya, sa bawat sandaling ganito, nagk
Chapter 116“Nasaan ang maganda kong pamangkin?” Napailing na lang si Cheska at nagpatuloy sa pagluluto nang marinig ang boses ni Aiden sa sala.Sabi nito ay tatlong buwan itong hindi makakabisita, ngunit ngayon nandito na siya. Hindi talaga nito kayang tiisin ang pamangkin.“Si Tito?!” Masayang ani naman ni Thali nang marinig ang boses ni Aiden, kasama niya ito sa kusina kayanaman nang marinig nito ang boses ni Aiden, agad itong tumakbo palabas. Ilang sandali ay narinig naman na ni Cheska ang mga yapak papalapit sa kusina.Isang tingin lang ang ginawa niya bago tignan ulit ang niluluto.“Dalawang buwan lang ako hindi nakabisita, bakit parang mas bumilis ang paglaki ng prinsesa namin?” Si Aiden habang papasok, buhat buhat na niya si Thali habang nakasunod sa kanya si Sean.Muli niyang tinignan ang mga ito. Napasinghab na lang si Cheska nang makita ang nakaplastic na grocery. Kitang kita ni Cheska ang pag-iwas ng tingin ng dalawa dahil alam ng dalawa na bubunganga nanaman siya dahil may
Chapter 115Five years later“Congrats, ibang klase ka talaga. Lahat ng napupunta sa’yo'ng misyon ay talaga namang nagiging maayos at walang sabit.” Nakangiting sambit ng commander ng Paramilitary Private Force—LaVida Force, kung saan kasalukuyang nagtatrabaho si Cheska bilang Agent, Close Protection Officer (CPO).Nakasuot siya ng itim na tactical uniform, at bakas sa tindig at kilos ang determinasyon at disiplina. Isa na siya ngayon sa pinakakilalang asset ng grupo—tahimik, mabilis, at epektibo.“Kung wala na po kayong ibang utos, mauuna na po ako, Commander Fred,” seryoso at walang emosyong sagot ni Cheska habang nakatayo nang tuwid sa harap ng opisina ng pinuno.Bumuntong-hininga si Commander Fred, nakatingin sa seryosong mukha ng isa sa mga pinakahusay niyang agent. Sanay na sanay na siya kawalan ng kahit konting emosyon mula rito. Pero nauunawaan niya. Simula nang makilala niya si Cheska sa isang critical na operasyon ilang taon na ang nakalilipas, nakita niya agad ang likas na t
Natigilan ang dalawa. Tumahimik si Aiden at Sean, sapagkat naintindihan nila ang parteng iyon. Malaking pang-iinsulto nga iyon sa batang nasa sinapupunan ni Cheska kung ang pagkakakilanlan nito ay kailangang patunayan pa—na parang walang tiwala, na parang hindi sapat ang salita ng isang ina.Aiden sighed and wanted to just shout. Gusto niyang sumigaw sa frustration. Sa guilt. Sa kawalan ng kontrol sa lahat ng nangyayari. Gusto niyang puntahan ang Kuya at suntukin, baka sakaling makaalala ito at maayos lahat ng mga nangyayare.“Aalis ako. Aalis kami. At sana, hayaan niyo ako.” Mariin at seryoso nang sambit ni Cheska. Walang pakiusap. Walang pag-aalinlangan. Isang paninindigan.Muling bumuntong hininga si Aiden. Gusto niyang tumutol. Gusto niyang sumigaw ng "huwag!" dahil pamangkin niya ang nasa sinapupunan nito. Pero sa huli, napatango siya, wala siyang nagawa. Dahil kahit siya ay nauunawaan na kung bakit ganito ang pasya ni Cheska.Alam din ni Aiden ang ginawa noon ng mama ni Cheska, a