OH. I smell something fishy hahahaha ang kyut naman ni Azrael. Wala pong aangkin, sa akin lang si Azrael hahahha eme.
Chapter 103“T-Teka! Saan ka pupunta?” gulat na tanong ni Cris nang makitang naglakad si Cheska palabas ng bahay.Nanginginig ang kamay ni Cheska habang hawak ang cellphone, nangingilid ang luha sa mata habang patuloy sa mabilis na hakbang. Ang puso niya ay parang sasabog sa kaba, sa takot, sa hindi maipaliwanag na sakit sa dibdib. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ng bahay, hinawakan siya ni Cris sa braso.“Cheska!” mariing tawag nito.Hindi na magawa ni Cheska na pigilan ang mga luha niya. Unti-unti na iyong bumagsak habang nakatitig siya kay Cris. “K-Kailangan ko siyang hanapin, Cris…” garalgal ang boses niya, puno ng takot at panik. Habang iniisip ang mga nangyaring engkwentro na nasaksihan niya at ang malupit na katotohanan na nabaril ito, talagang nagdulot ito ng pagkawala sa sarili ni Cheska. “I-Iyong mga taong iyon… gusto nila siyang p-patayin. K-Kailangan ko siyang mahanap—”“Cheska, aalis ka ng ganyan? Tignan mo nga ang sarili mo!” sagot ni Cris, pilit pinapakalma ang
Chapter 102Isang linggo na mahigit ang nakalipas. Nakauwi na si Cheska kasama ang kapatid niya sa bahay nila.Napatitig si Cheska sa cheque na bigay ni Azrael noong una silang magkita, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iyon nagagalaw. Masyadong maraming naitulong si Azrael sa kanya na hindi niya magawang galawin ang perang iyon. May parte kay Cheska na gustong gamitin iyon para makalipat na sila ni Nero sa mas maayos na lugar, pero mas malaki ang parte sa puso niya na gustong ibalik ang pera. Parang hindi tama na tanggapin pa niya iyon lalo na’t ang dami nang naitulong sa kanila ni Azrael, mula sa ospital, gamot.“Ibabalik ko na lang sa kanya ito kapag bumalik siya.” Nakangiting ani niya sa sarili habang maingat na nilalagay ang cheque sa isang envelope. Nilagay pa niya ito sa ilalim ng lumang aparador, sa isang kahong puno ng mahahalagang gamit.Pagkatapos mailagay sa maayos na lalagyan ay tinignan niya ang buong paligid. Maliit, luma at halos nag-aanay na ang paligid ng bahay, n
Chapter 101- Last Memories? Or?“A-Ano bang itsura niyan?”Pagkabukas pa lang ni Cheska ng pinto ay halos umawang ang labi niya sa gulat. Napatigil siya saglit, para bang hindi makapaniwala sa itsura ng lalaking nasa harapan niya.Si Azrael—ang misteryosong, seryosong Azrael—ay nakasuot ng cartoon-themed pajama set na halatang pambata ang disenyo. Bugod pa sa damit, naka-shades ito sa kabila ng gabi na sa labas.Pero imbes na magpaliwanag, mabilis na pumasok si Azrael sa hospital room at diretsong naglakad papunta sa sofa na para bang may humahabol sa kanya.“Ano yan? Disguise? Sinong pinagtataguan mo?” natatawang tanong ni Cheska, pilit pinipigilan ang tawa niya habang isinara ang pinto.“Don’t laugh,” sagot nito nang nakasimangot habang inaalis ang shades at naupo sa sofa na parang gusto na lang maglaho sa hiya dahil sa suot.He dont want to wear those, pero kailangan lalo na at nasa hospital pa sila Cheska, baka kung anong maisip ng lola niya na gawin. Maraming pera si Azrael, maga
“Maayos ang naging operasyon ng kapatid mo. Congratulations, Iha.”Napasinghap si Cheska at napalapat ang palad sa bibig niya nang marinig ang balitang iyon. Para bang biglang lumuwag ang lahat ng iniipit sa dibdib niya. Muling pumatak ang luha sa mga mata niya, pero hindi na ito gaya ng kanina—hindi na ito luha ng takot o sakit. Luha ito ng tuwa, ng pag-asa, at ng ginhawang matagal na niyang inaasam.Naoperahan na ang kapatid niya. At higit sa lahat—successful iyon.Ibig sabihin, pwede na ulit itong mamuhay nang normal. Hindi na ito kailangan pagbawalan sa pagtakbo, sa paglalaro, o sa mga simpleng bagay na dapat ay normal sa isang bata. Pwede na uli itong ngumiti nang walang iniindang sakit. Pwede na uli siyang huminga nang masmaluwag.“T-Thank you po,” humihikbing sagot ni Cheska habang patuloy na pinupunasan ang luha sa pisngi.Ngumiti ang doktor na nanguna sa operasyon—ang Tita ni Azrael.“I’m so happy for you and of course, to your brother,” wika nito, taos-puso ang tono. “Pero w
“P-Pumunta ka dito para humingi ng pera?” matigas at sarkastikong tanong ni Cheska.Tumango ang kanyang ina na animo’y bored pa, para bang wala lang ang pagdaramdam ni Cheska. “Oo, ano pa bang dahilan? Bigyan mo na ako ng pera o kaya humingi ka ng pera sa Buenavista na iyon.” Biglang seryosong ani ng kanyang ina, habang nanlalalim ang titig.Napapikit si Cheska at halos sabunutan ang sarili sa irita. “Hindi kita maintindihan. Anong humingi sa mga Buenavista?” Takang tanong ni Cheska. "Naririnig mo ba ang sarili mo?" Dugtong pa ni Cheska dahil parang subrang laking kahibangan iyon.“Ano? Magmamaang maangan ka? Sabi ko humingi ka ng pera sa mga Buenavista at ibigay sa akin para may pambayad ako sa mga utang ko!” Medyo lumakas pa ang boses ng kanyang ina na animo’y naiirita na rin.Lahat ng kontrol na meron si Cheska ay unti-unting nawawala. Hindi niya alam kung saan nito nalaman ang tungkol sa mga Buenavista, pero hindi na iyon ang mahalaga ngayon. Hindi ito ang tamang oras para sa gan
Chapter 98Madaling-araw pa lang ay gising na si Cheska. Halos hindi niya nilubayan si Nero buong gabi. Ilang beses siyang tumingin sa orasan, binibilang ang mga minutong lumilipas habang pilit niyang pinapakalma ang sarili. Sa labas ng bintana, dahan-dahan nang lumiliwanag ang langit—banayad, tila unti-unting bumubukas ang isang panibagong pahina.Tahimik ang buong ospital. Ang katahimikan na iyon ay mas lalo pang nagpapabigat sa dibdib ni Cheska. Wala siyang marinig kundi ang tik-tak ng orasan. Nakaupo siya sa gilid ng kama ni Nero, marahang hinihimas ang maliit nitong kamay.Nang magising ang kapatid ay agad na ngumiti si Cheska, pilit tinatago ang kaba at pag-aalala.“Wala bang masakit sa’yo?” agad na tanong ni Cheska.Naupo si Nero at umiling.“Wala naman po,” ani nito at saka tumingin sa pinto. “Si Mama po kaya? Hindi po kaya siya pupunta ngayon dito? Hindi na siya bumalik pagkatapos ng araw na pumunta siya dito na may kasamang lalake na may baril,” ani nito.“Nero naman. Araw ng
Chapter 97“Gusto ko lang tanungin kung pinuntahan ka ba ni Mama at tinanong ba niya kung saang ospital naka-confine si Nero.” Mabilis at may halong kaba ang tanong ni Cheska kay Cris.Ilang gabi na siyang hindi makatulog dahil sa pagbisita ng kanyang ina—kasama pa ang lalaking armado. Hindi niya alam kung ito ba’y bunga lang ng matinding stress, bangungot lang ba, o isang panibagong gulo sa buhay nila. Ngunit isang bagay ang sigurado: kahit masama pa rin ang loob niya sa kanyang ina, hindi niya mapigilang mag-alala. Kung may utang ito sa lalaking iyon, baka mapahamak ito. At kung alam ng lalaki kung saan naka-admit si Nero, baka pati sila ay madamay.Sa lahat ng maaaring pagtanungan ng kanyang ina, si Cris lang ang naisip ni Cheska. Si Cris lang kasi ang posibleng may alam tungkol sa kanila. Kaya kahit na hindi pa sila maayos at sariwa pa ang bigat sa pagitan nila, nilakasan ni Cheska ang loob niya para humarap dito.“Bakit? Pumunta siya sa ospital? Hindi ko pa siya nakikita, at hindi
Chapter 96Tumigil sa pag-akyat si Azrael. Nanigas siya sa kinatatayuan, at unti-unting bumigat ang hangin sa paligid nila. Dahan-dahan siyang lumingon, sapat lang para marinig ng lola niya ang bawat salitang bibitiwan niya.“Ano bang sinasabi ninyo?” madiin niyang sabi, boses niya'y punô ng galit na pilit niyang nilulunok. “Ginamit mo talaga ngayon ang kapatid niya bilang panakot sa akin? Para sundin kita? Lola, are you even serious?"Hindi sumagot ang lola niya. Tahimik itong nakatayo sa kinatatayuan at seryosong tumitig lang kay Azrael, Hindi man lang umiwas ng tingin na animoy hindi nag-sisisi sa sinasabi.“He needed a surgery, may sakit iyong bata tapos gagamitin mo lang panakot sa sakin?” mapait na natawa si Azrael, puno ng hindi makapaniwala. “Akala ko you cared about me. Pero ganito? You want to control me so badly, you’re willing to ruin someone else’s life just to get what you want?”“Hindi mo ako naiintindihan—” panimula ng matanda.“Talagang hindi kita maiintindihan kung ga
Chapter 95"I'm sorry, pupuntahan na lang kita sa hospital. Let me just talk to her." Agad na hinalikan ni Azrael si Cheska sa noo at saka sinulyapan ang driver na nasa tabi na ng kotse niya. Napapikit si Cheska at dinama iyon, sinubukang irelaxang sarili sa pamamagitan ng mainit na halik si Azrael sa noo niya."Pakihatid siya, and don't drive recklessly," mariing bilin ni Azrael sa driver, at halatang seryoso siya sa sinabi niya—kaya naman halatang ninerbiyos ang driver sa bigat ng tono nito.Napansin agad iyon ni Cheska kaya agad niyang hinawakan ang kamay ni Azrael para pakalmahin ito. “Sige na. Balik ka na sa taas--condo mo,” aniya sabay ngiti para ipakitang ayos lang siya. “At hindi mo naman kailangang humingi ng sorry. Okay lang naman kung umuwi na muna ako para makapag-usap kayo ng lola mo. Paniguradong nagulat lang siya kasi nasa kwarto mo ako—gayong unang beses niya pa lang akong nakita.” Dagdag pa niya, pilit ipinapakita ang pagiging mahinahon kahit may kirot sa loob dahil hi