Chapter 176"Hmmm. A-Ano kasi..." Napapikit at halos pautal-utal na sambit ni Belinda kay Warren nang maabutan niyang pumasok ito sa kwarto niya.Hindi itinuloy ni Warren ang pagpasok sa loob at hinarap na lang si Belinda."Ano iyon?" tanong ni Warren, sabay taas ng kilay, halatang may halong kuryosidad at pag-aalala ang boses.Kinurot muna ni Belinda ang sarili, halatang nag-aalanganin, pero ilang sandali lang ay huminga siya ng malalim para kumuha ng lakas ng loob. Pagkatapos non, nilakasan niya ang loob para magsalita at sabihin ang sadya."C-Can I get Van's number? A-Ano... May sasabihin lang kasi ako sa kanya... at gusto ko na ring kumustahin kasi may nasabi si Daviah kanina," mahinang ani ni Belinda at hindi nito napigilan ang pag-utal ng paulit ulit."Nagaalala ka?" Tumigil si Warren at tumitig kay Belinda, parang may gustong basahin sa kanyang mga mata.Naitikom ni Belinda ang labi nang marinig ang agarang tanong ni Warren. Alam niyang matalas mag-obserba si Warren kaya hindi
Chapter 177"GOODMOR—" Naputol ang bati ni Daviah nang makita niyang si Van ang nakatayo sa labas ng eroplano na gagamitin nila papuntang Palawan.“Good morning, Daviah! Excited ka na ba?” tanong ni Kaye habang lumapit kay Daviah at hinalikan siya sa pisngi.Alanganing ngumiti si Daviah at tumango, pero napapatingin siya kay Van na tahimik lang sa gilid, katabi si Warren. Napanguso si Daviah at umiwas ng tingin at tinignan na lang ang iba para batiin.Ngumiti si Belinda kay Van nang tumingin siya dito, pero nang umiwas ito ng tingin, kinagat na lang ni Belinda ang labi at ibinaba ang tingin sa maleta na hawak niya. Napatingin siya kay Daviah, umaasang hindi na mauulit ang nangyari kahapon.“So everyone is here? Let's go, then,” sabi ni Edie nang makita niyang kompleto na ang grupo.“Naiinform mo na ba si Cedrick na nandito ka pa ng isang linggo?” tanong ni Yuhan habang umaakyat sila sa eroplano.Naramdaman ni Van ang pangungulit sa tanong na iyon. Hindi pa siya nakakapagtanong, pero a
Chapter 178Hindi maalis ni Van ang simangot sa mukha niya at hanggang sa makarating sila ay nakasimangot siya. He couldn’t believe that. Halos lahat ng nakapalibot sa kanya, they always say how good looking he is, minsan nga ay naiirita na siya kapag may nagsasabi na gwapo siya, but now, para siyang nanliit nang marinig ang sinabi ng anak niya.Mas gwapo raw iyong Cedrick na iyon? Napapikit ng mariin si Van at saka napamura ng mahina dahil hindi niya iyon matanggap. Napapatanong tuloy siya kung gaano ba kagwapo ang lalakeng iyon para sabihin ng sarili niyang anak na mas gwapo ito Daviah even said na gusto niyang maging daddy iyon? Umiigting ang panga ni Van habang iniisip ang naging usapang iyon. Warren is right, sana ay tumahimik na lang siya at hindi na nagsalita at nagtanong ng kung ano ano.“Kumuha na kayo ng mga susi niyo,” nilapag ni Edie ang napakaraming susi sa lamesa sa may lobby ng resort kung saan sila magbabakasyon.Ang tanging pumunta sa resort ay sila Edie, Cylvia, si
“You're so creepy, Kuya. Kanina busangot ka, tapos ngayon, you're smiling like there's no tomorrow. What's happening to you?” Kunot-noong tanong ni Faye kay Van.Van was busy helping the boys cook the barbecues. Ang iba ay agad nang naligo sa dagat habang ang iba naman ay nagpipicture sa paligid at ine-enjoy muna ang view.Nilagay ni Van ang mga gamit niya sa kwarto nila Belinda, and he was really happy—hindi niya talaga kayang itago ang sobrang saya na nararamdaman niya.“Don't mind me. Pumunta ka na nga roon at maligo,” tinuro ni Van sila Gray na nasa dagat na, pero umiling lang si Faye.“Mamaya na. Ayoko umitim,” simpleng ani ni Faye at kumuha ng lutong barbecue.“Hoi! Nagpapakahirap kami rito, mamaya ka kumain!” sabi ni Julious nang makita ang pagkuha ni Faye, pero inirapan lang siya ni Faye.“Bakit kasi kayo ang gumagawa niyan? Kay Kuya Van iyong resort, kaya paniguradong pwede siyang magtawag ng mga empleyado na gagawa niyan,” si Faye.“Ewan ko rito kay Van,” sagot ni Yuhan haba
“Tito Cedrick!” Agad na tinakbo ni Daviah ang pagitan nila ni Cedrick at pagkalapit nga ay agad niya itong niyakap.“Miss me that much, Daviah?” Natatawang tanong ni Cedrick at binuhat pa si Daviah. Masayang tumango si Daviah at humagikgik pa.Nanghihinang tinignan ni Belinda si Van na ngayon ay bumalik sa pagpaypay at pagluluto ng barbecue. Van wasn’t looking at her or anyone; talagang nakatuon na lang siya sa barbecue sa harap niya na animo'y walang ibang nangyayare sa paligid niya at kitang kita din naman ni Belinda na walang ka emosyon emosyon si Van.Hindi alam ni Belinda ang gagawin sa mga pinsan niya na palihim siyang inaasar. They even silently cheered kaya napapakagat na lang si Belinda sa labi, knowing na napapansin iyon ni Van.This is not the first time na inaasar siya ng mga pinsan niya sa isang lalake, but because if what Yuhan told in the airplane, mukhang nagkaroon nanaman ang mga pinsan ni Belinda ng ediya na asarin siya sa boss niya. Sa sarili naman ni Belinda ay al
Chapter 181Belinda and Daviah went to their room a while ago para makaligo at makapagpalit, pero waladoon si Van. Hanggang sa gumabi, hindi na bumalik si Van at hindi alam ni Belinda kung nasaan ito. Tanging si Warren lang ang bumalik nang gumabi.They even ate dinner, pero wala paring Van na bumalik.“So I guess, bukas ulit?” Si Cedrick nang kailangan na niyang umalis.“Mag-iingat ka, and…” Napasulyap si Belinda sa malaking dollhouse na nilalaro ni Daviah. “Salamat sa dollhouse.” Sa huli ay iyon nalang ang nasabi ni Belinda.Ayaw man sana ni Belinda na tanggapin, wala naman siyang magagawa dahil sa nakikitang saya ng kanyang anak.“Welcome. Anything for Daviah.” Pagkatapos magpaalam ni Cedrick ay tuluyan na itong umalis. Halos lahat ay umakyat narin pagkatapos. Walang nagbalak na uminom dahil pinagbawalan sila ni Edie—halos diretso na kasi silang uminom kaya ngayong gabi ay pinagbawalan nasila ni Edie, wala rin namang kaso sa lahat dahil sa pagod.“Mommy, I'm sleepy.” Lalapitan na s
Hindi alam ni Belinda kung anong sumapi sa kanya o anong pumasok sa isip niya, pero talagang hindi niya napigilan ang sarili niyang halikan si Van. Ang lahat ng pag-aalinlangan at pangamba niya ay tila naglaho sa loob ng isang saglit. Ang tanging nararamdaman niya ay ang mainit na labi at katawan ni Van na subrang lapit sa kanya.Hinawakan ni Belinda si Van sa panga, ang mga daliri niya ay marahang dumaan papunta sa batok nito habang patuloy silang naghahalikan. Ang mga kamay ni Van ay unti-unti ring naglakbay sa likuran ni Belinda. Ang bawat galaw at paghaplos ni Van ay nagdadala ng bagong antas ng sensasyon, at sa bawat paghagod kay Belinda, lumalapit sila sa isa't isa nang mas malapit, na animo'y kahit ang hangin ay mahihiya na dumaan sa pagitan nila.“Hmmm,” hindi na napigilan ni Belinda ang mapadaing dahil sa subrang lalim ng paghahalikan nila.Ang init ng kanilang mga labi ay nagpapalakas ng tibok ng puso niya, at tila ang bawat halik ay nagiging mas matindi, mas naglalaban. Sa
Binasa ni Belinda ang labi at napapikit. Sa boses kasi ni Van ay talaga atang hindi niya papayagan si Belinda sa pag-alis hanggat hindi nito sinasagot ang tanong ni Van.“After what you did, you think I’ll let you leave without even explaining why you kissed me?” Naramdaman ni Belinda ang paghaplos ni Van sa likuran niya at gumuhit pa nga ito ng pabilog gamit ang daliri nito."You kissed me, you fvcking kissed, baby, so don't expect na mananahimik ako at hindi magtatanong. Why did you kissed me?" Van desperately asked because he really wanted to hear what she was going to say.“Van—”“Annd that boss of yours has feelings for you,” mariing sambit ni Van nang bumalik sa kanya ang mga tingin at nangyare kanina. Hindi inalis ni Van ang tingin kay Belinda at talaga namang binantayan ang magiging expression nito. Kitang-kita ni Van ang pagkunot ng noo ni Belinda.“What the hell are you talking about? It's impossible. Walang gusto sa akin si Sir Ced. Ikaw, kung ano ano ang sinasabi mo. Sir
Chapter 93Ilang sandali pa ay napapikit na si Cheska ng mariin.Parang hindi na siya nag-isip nang kusa na lang gumalaw ang daliri niya sa search bar — Azrael Ford Villariva-Buenavista. Hindi siya sigurado kung may lalabas, pero dahil alam niyang kilala ito at galing sa prominenteng pamilya, sinubukan na rin niya.Ilang segundo lang, nagpakita agad ang resulta.Napasinghap siya nang lumabas ang larawan ni Azrael — nakaayos, maayos ang postura, eleganteng suot, nakatayo sa harap ng isang malaking gusali na malamang siya mismo ang nagdisenyo.Nag-scroll si Cheska, at sa bawat paggalaw ng daliri niya, mas lalo siyang napapabuntong-hininga. Isang article ang tumama agad sa paningin niya, at hindi na siya nagdalawang-isip na basahin ito:"Azrael Ford Villariva-Buenavista, at just 28 years old, has already achieved so much in life. Even though he was born rich and came from a powerful family, he didn’t rely on that to succeed. Instead, he started from the bottom and worked his way up throug
Chapter 92“Ate, okay ka lang?”Napasulyap si Cheska sa kapatid niyang si Nero na nakaupo sa tapat niya sa hapag-kainan.Kumakain sila ng hapunan, pero malayo ang tingin ni Cheska. Parang wala siya sa sarili habang hawak ang kutsara't tinidor, paulit-ulit lang na sinusundot ang kanin sa pinggan niya pero halos wala siyang naisasubo. Mabigat ang dibdib niya, at hindi niya maalis sa isip ang sagutan nila ni Cris kanina.Sinubukan niyang isa-walang bahala iyon. Palagi naman siyang ganun — matatag, hindi nagpapadala sa emosyon. Pero ngayon, ibang-iba ang tama ng mga salitang binitiwan ni Cris. Diretsahan, walang paligoy, at ang mas masakit, totoo.Mahirap siya. Nabibiling siya sa mahihirap na tao sa mundo, ni halos wala siyang matawag na talagang tahanan dahil nas iskwater area lang naman sila nakatira at malaki ang posibilidad na darating ang panahon na mapaalis sila doon. Samantalang si Azrael… hindi lang mayaman, kundi sobrang yaman. Hindi lang iisa ang bahay nila, kung hindi napakara
Aalis na sana si Cheska, pero agad siyang hinawakan ni Cris para pigilan.“Sorry. Hindi ko lang mapigilang mag-isip kasi ang sabi mo boss mo lang siya tapos biglang makikita ko kayong maghahalikan. Nagulat lang ako—”Inis na tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at sarkastiko itong tinignan. “Nagulat ka? Ganyan ka magulat? Paparatangan mo ako ng kung ano-ano? Nandito ako kasi magpapaliwanag ako sa’yo, oo nagulat ka, pero wala kang karapatan na sabihan ako ng kung ano-ano na parang… parang wala akong pinagkaiba sa mga babae sa bar.”Nanigas si Cris. Hindi siya makatingin ng direkta ngayon kay Cheska. Nakasubsob ang tingin nito sa lupa, parang batang nahuli sa kasalanan. Namumutawi talaga sa kanya ang pagsisisi sa mga sinabi nito.“Cheska—”“Nagtrabaho ako doon, pero hindi ako nagbenta ng katawan doon. Nagtrabaho ako doon at nakilala si Azrael, pero hindi ibig sabihin non, sa kanya ko binebenta ang katawan ko. Boss ko siya, pero hindi para ibenta ang katawan ko.” Mariing a
Chapter 90Huminga nang malalim si Cheska bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng hospital room. Kaibigan niya si Cris, oo—isa sa mga taong pinakamalapit sa kanya mula pagkabata. Pero sa pagkakataong ito, hindi niya maiwasang umasa na sana, kahit minsan lang, wala ito roon.Kahit alam niyang mali. Kahit alam niyang unfair.Pero hindi niya kayang harapin si Cris ngayon, hindi pa—lalo na pagkatapos ng nangyari kanina Pagbukas ng pinto, saglit siyang napatigil sa paghinga, para bang nais niyang ihanda ang sarili kung sakaling nandoon si Cris. Ngingiti na sana siya dahil hindi niya nakita si Cris at si Nero lang ang nandoon—mahimbing ang tulog at tila tahimik ang buong silid—pero…“Mag-usap tayo.”Kahit hindi tumingin, alam na ni Cheska kung sino iyon.“Cris…” Mahina ang pagkakabanggit niya sa pangalan nito. Bahagya siyang lumingon, at doon niya nakita si Cris na nakatayo sa sulok ng silid, nakasandal sa dingding, halos natatabunan ng anino. Parang kanina pa ito nandoon, naghihintay. Tahim
Chapter 89“Lola?” ani Azrael, and his voice turned unusually soft when he answered the call. May kakaibang lambing sa boses niya, isang tonong bihirang-bihira marinig mula sa isang tulad niyang laging kontrolado at malamig ang dating. But even as he spoke, he put the call on loudspeaker para lang muling hawakan ang kamay ni Cheska.Nakagat ni Cheska ang labi. Gusto sana niyang hilahin palayo ang kamay niya. Hindi dahil ayaw niyang mahawakan ito—kundi dahil para makapag drive ito ng maayos habang kausap ang lola nito. Gusto niya rin sabihin na huwag muna siyang hawakan nito, pero hindi naman magawa lalo na at baka maka istorbo siya sa usapan nilang mag lola ngayon.“Where are you? I went to your office tapos wala ka. Kailan ka pa umaabsent sa trabaho mo? Ilang buwan lang akong nagbakasyon, tapos nagkakaganito ka na? What behaviour is that, Azrael Ford Buenavista?” Malinaw at galit na galit ang boses sa kabilang linya.Napakagat lalo si Cheska sa labi. Napanguso siya, pilit pinipigilan
Chapter 88Kinagat ni Cheka ang labi. Gulat siya sa sinabi ni Cris, pero hindi naman pwedeng hayaan niya na lang si Azrael. Tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at saka tinignan si Nero.“Aalis lang si Ate, okay lang ba?” Tanong ni Cheska.Pagkalabas niya sa kwarto, mabilis ang lakad niya, halos hindi humihinga habang binabaybay ang hallway. Naglalaban sa loob niya ang kaba, guilt, at pag-aalala. Pero nang makita niya si Azrael, bigla siyang natigilan.Nakatayo ito sa tabi ng kotse, nakasandal, habang nakatingin sa kawalan. Ang mga kamay nito ay nakalagay sa bulsa, at bahagyang nakakunot ang noo—mukhang malalim ang nasa isip nito. Dahil doon, ang mabilis na paglalakad ay bilang naging mabagal habang nakatitig kay Azrael.Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang mga matang nakagtingin kay Azrael. Kahit na nakatayo lang ay pansin na pansin talaga ang pustura niya. Siya iyong tipo na kaht walang gawin, marami na agad ang papapit dito at magpapakilala sa sarili nila, ganoon
Chapter 87“Hoy! Sabing bawal kang humalik!” Mariing ani ni Cheska kay Azrael dahil sa biglang pagbalik nito sa kanya. Nasa labas na sila ng hospital at bababana sana siya, pero agad siyang ninakawan ng halik ni Azrael.“Pampalakas ng loob.” Ani nito ng mabilis at saka bumaba na sa kotse. Bubuksan na sana ni Cheska ang pinto sa gilid niya para tuluyan na ring bumaba, pero napailing siya nang mabilis na binuksan iyon ni Azrael para sa kanya.“Bakit naman kailangan mo ng pampalakas ng loob?” Pagbaba at pagsara ng pinto ng kotse ay hindi mapigilan ni Cheska na itanong iyon.“Kinakabahan ako sa kapatid mo, paano kung hindi niya ako gusto para sayo?” Tanong nito na ikinaawang ng labi ni Cheska.“Hindi mo naman—” Hindi na natuloy ni Cheska ang sasabihin nang muli siyang hinalikan ni Azreal at isinandal pa sa kotse.“Kaya kailangan ko ng lakas ng loob.” Nakangiting ani ni Azrael pagkatapos niyang humalik.Napailing si Cheska, pero ang ngiti ay nakaplastar na sa labi niya.****“Akin po ‘to?”
Chapter 86“You think he’ll like this?” tanong ni Azrael habang pinapakita ang isang damit pambata na nasa screen ng phone nito. Nasa shop app siya ngayon at halatang seryoso sa paghahanap ng mga damit.“Kumain ka na muna,” ani ni Cheska habang iniaabot ang kutsara papunta sa bibig nito, pero walang epekto. Halos hindi na niya magalaw ang sariling pagkain dahil sa kakaisip kung paano niya mapapahinto si Azrael sa online shopping. Nagpahatid ito ng makakain sa office niya para sa almusal nila, at dahil may lakad na rin siya papuntang hospital, gusto sana niyang matapos na ang pagkain nila.Ngunit iba ang priority ni Azrael kaya napapailing na lang si Cheska at kaunti na lang ay hihilahin na niya ang phone na hawak nito para matigila lang siya.“Azrael, hindi mo naman kailangang bilhan ang kapatid ko,” giit pa ni Cheska habang pinapanood ito. Hindi talaga nito tinanggal ang tingin sa phone, at parang doon lang umiikot ang buong mundo nito ngayon. Nakasalampak ito sa couch ng opisina, at
Chapter 85Dahil sa sobrang pagod, agad na nakatulog si Cheska. Sa kalagitnaan ng kanyang tulog, naalimpungatan siya nang may yumakap sa likuran niya at marahang hinila siya palapit. Kahit hindi niya ito nakikita, alam niyang si Azrael iyon—ang pamilyar na init ng katawan nito, ang amoy nitong subrang bango, at lamig ng gabi. Rason iyon kaya hinayaan niya ito sa posisyon nila. May kung anong panatag at katiyakan sa yakap na iyon.She was about to sleep again, hinayaan ang sarili na lamunin ulit ng antok, pero hindi niya mapigilang tapikin ang kamay ni Azrael nang haplusin nito ang hita niya pataas—banayad, tila sinasadya ngunit may halong lambing.“Kamay mo, kung saan-saan nanaman nakakarating,” nakapikit at inaantok na ani ni Cheska, ang boses niya’y halos paungol sa antok. Mula sa likod ay narinig niya ang mahinang tawa ni Azrael, mahina pero mababa, parang alon sa tahimik na gabi. Ramdam niya rin ang paghinga nito sa batok niya—mainit at mabagal, tila hinay-hinay na sinasamba ang pr