STARTING TONIGHT, MAG UUPDATE NA PO AKO. PASENSYA NA PO SA LAHAT. GAGAWIN KO LAHAT NG BEST KO PARA EVERY CHAPTER AY MAGUSTUHAN NIYO. SALAMAT PO SA LAHAT.
Napasinghap siya ng mahina, at ilang segundo ay para siyang nakalimutang huminga. Parang tumigil ang oras. Hawak pa rin niya ang alcohol sa isang kamay at ang gasa sa kabila, pero nanigas ang katawan niya sa narinig. Tila nawalan siya ng kakayahang mag-react, kahit ang paghinga ay naging mahirap. Sa dami ng pinagdaanan nila, sa dami ng nasaktan at napagod, hindi niya kailanman inasahan na sa gitna ng sakit at takot, ay may lalapit na ganitong panukala.Hindi niya alam ang isasagot. Parang isang alon ng emosyon ang sumalpok sa dibdib niya, at natigilan siya sa tindi nito.“Azrael…” mahinahong tawag niya, pilit na iniintindi kung seryoso ba ito o dala lang ng sakit at emosyon ang sinabi. Pero walang alinlangan sa mukha ng lalaki. Walang ngiti, walang alinlangan—tanging determinasyon. Kahit anong pag-aalinlangan niya, mas nangingibabaw ang katotohanang alam ni Azrael ang sinasabi niya. Totoo ito. Buo ang loob nito.“I want to marry you.” Ulit nito, mas mahina, pero mas mabigat. “Ang dami
Chapter 157Tulog na si Thali nang makarating sila sa condo ni Azrael. Tahimik ang buong condo, tila nagpapahinga rin ang mga pader at ilaw sa katahimikan ng gabi. Pero kahit mahimbing ang tulog ng bata, hindi pwedeng hindi siya palitan ng damit.Dahan-dahan ang bawat galaw ni Cheska, parang natatakot siyang magising ang anak. Pinunasan niya ng maligamgam na bimpo ang katawan ni Thali, pinunasan ang maliit na mukha, mga kamay, at binti. Maingat din siyang nagpalit ng pajama nito, hinagod pa ang buhok.Tulog na ito, pero humihikbi pa rin.Nang maayos ni Cheska ang kumot ni Thali ay hinalikan na niya ang noo nito.Pagkababa niya sa kama, tinignan niya ang oras—1 A.M. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung anong oras uuwi si Azrael at hindi niya mapigilan ang mag-alala dito. Pwede naman na ipaubaya ang pagkakakulong kay Bianca, pero mas ginusto nito na siya mismo ang gumawa kahit na... kahit na nasaksak ito.Kaya nagpasya siyang magluto. Hindi para sa sarili, kundi para kay Azrae
Chapter 156Sa bawat segundo ng paghihintay, para siyang nabubulok sa loob. Paulit-ulit ang mga kung ano sa isip niya habang lumilipas ang oras. Kasama niya ang mga Buenavista sa loob ng conference room, pero wala siya ni kahit isang kinakausap. She is just really too busy in thinking what's happening there.Hindi siya mapakali. Ilang sandali ay lumabas siya. Naglakad-lakad siya sa hallway ng headquarters, sinusubukang kontrolin ang mabilis na pintig ng puso. Sa bawat sulok na madaanan niya, nararamdaman niya ang pag-aalala na parang hirap na rin siya sa paghinga.Napahawak siya sa dibdib habang pinipilit huminga ng malalim. Pero kahit anong gawin niya, nananatiling mabigat ang dibdib niya. Lalo na’t alam niyang hindi niya kasama si Thali. Hindi niya mabantayan. Hindi niya mayakap. Hindi niya maipagsigawan na, "Andito na si Mama."Umupo siya sa isang sulok ng hallway. Niyakap ang sarili habang nakatingin sa sahig. Tahimik. Ngunit ang loob niya ay parang sumasabog. Hanggang sa niyuko n
Chapter 152Nasa loob sila ng conference room ng headquarters, kasama si Azrael, Dylan, at pati na rin ang iba pang matataas sa paramilitary. Mabigat ang bawat paghinga ng bawat isa sa loob, halatang tensyonado at puno ng pag-aalala ang atmospera.Kasama rin nila ngayon ang ilang miyembro ng pamilyang Buenavista. Dumating sila kanina, and despite the urgency and confusion, they held back. They knew it wasn’t the right moment to ask questions—even if the weight of those questions was almost unbearable.Nakakagulat naman kasi talaga na bigla na lang may tatawag sa kanila at sasabihing nawawala ang anak ni Azrael, gayong wala silang alam na may anak na ito. Tanging si Aiden at Sean lang ang nakakaalam sa sikreto. Kaya kahit sila ay nagulat at hindi alam kung paano i-proseso ang lahat ng nangyayari.Isa rin sa nakaupo ay ang mga magulang ni Bianca. Nang mabalitaan ng Buenavista ang sitwasyon, agad silang nagtungo sa Hortizuela Company upang ipaalam ang nangyari. Nagulat at nabigla ang mga
Lahat ng miyembro ng paramilitary ay alerto, lahat ay handa nang matanggap ang tawag na iyon. Lahat ay talagang agad na gumalaw para mahanap ang anak ni Cheska. Pagdating na pagdating sa headquarter ay agad sinalubong ng ilan si Cheska. Hindi na nag-aksaya ng oras ang buong team."Anong balita?" Mabilis na tanong ni Cheska sa lumapit sa kanya.“We already received the CCTV footage in the hotel at sinusubukan ng pasukin ang iba pang mga CCTV na dinaanan ng van na pinagsakyan ng mga taong kumuha kay Thali. Inanalyze na rin namin ang plate number at naka-connect na tayo sa mga checkpoint sa labas ng lungsod,” ulat ng isa sa mga agent.Huminga ng malalim si Cheska at tumango.“Please, make it fast. Sabihan niyo agad ako kung may problema,” mariing utos ni Cheska at saka pumasok sa computer room, doon niya nakita ang mga kasamahan niya na tutok sa computer. Bawat click ng mouse, bawat bagong footage na lumalabas sa screen ay may dala-dalang pag-asa.“Agent Carrido!” Si Garry at agad luma
Chapter 153Mariing pumikit si Cheska pagkatapos mapanood ang CCTV. Iyon ang una niyang tinignan pagkatapos niyang tawagan ang Paramilitary at ang commander niya. She need their help. Kailangan niya ng buong pwersa para sa paghahanap at pagsagip sa anak niya. Hindi na ito basta operasyon lamang, ito na ang buhay ng anak niya ang nakataya.Kitang kita niya roon ang pagkuha ng mga taong iyon sa anak niya, she even saw Thali cried at sinubukang manlaban. Nanginginig siya sa galit at kaba, but then she need to stay focus dahil kung magpapadala siya sa panghihina ay hindi niya magagawang iligtas ang anak niya. Hindi niya makakalimutan ang ekspresyon ng takot sa mukha ng anak niya, ang mga luhang pumatak sa mga mata nitong walang kalaban-laban. Parang binunot ang puso niya sa sakit na naramdaman. Hindi siya dapat mabigo.“Nireport na po namin sa pulis, Ma’am.” Sambit ng isa sa mga security ng hotel.Mariing tumitig si Cheska sa mga security guard at ilan pang personnel ng hotel. Galit na gal
Kinagat ni Cheska ang labi niya, pilit na pinipigilan ang luha sa mata niya. She was about to say something, pero bago pa niya masabi ang gusto niyang sabihin ay muli nang nagsalita ito."I-I'm sorry. I'm sorry for making everything complicated. I'm sorry, Iha." Gulat na tinignan ni Cheska si Daviah sa biglaang sinabi nito at mas lalong nagulat si Cheska nang makitang umiiyak na ito. Ang bawat patak ng luha nito ay tila nagpapabigat sa dibdib niya.Ni hindi pa siya nakakabawi sa gulat nang biglang naupo sa tabi niya ang mama ni Azrael at hinawakan ang mga kamay nito, mahigpit, desperado."I-I'm sorry. Please, Iha. Please forgive me for doing that years ago. I'm sorry for everything. For judging you... for turning my back on you and Azrael... and especially for trying to erase you from his life.""H-Hindi niyo naman po kailangang humingi ng pasensya---""No! I need to. I did something obviously wrong. I thought I was protecting my son, but I ended up hurting so many people, including an
Chapter 151Halos hindi makatingin si Cheska kay Daviah, but then she tried everything to look at the mother of the person she loves and the grandmother of her daughter. Huminga si Cheska ng malalim, umaasang makakuha ng lakas ng loob para makapagsalita. Nanginginig ang mga daliri niya sa kaba, at pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib sa lakas ng tibok ng puso niya. Pero ibubuka pa lang niya ang labi para magsalita ay hindi niya nagawa.“C-Can we talk somewhere?” Utal na tanong nito na nagpalaki ng mata ni Bianca sa tabi ni Daviah.“No!” Galit na ani ni Bianca habang umiiling-iling. “D-Don’t talk to her, Tita!” Biglang nagmamakaawang ani ni Bianca, halos nanginginig pa ang boses habang hinahawakan ang braso ni Daviah na para bang ayaw itong paalisin sa tabi niya.“Iha—” si Daviah, bumaling ito kay Bianca, pero hindi man lang siya nito pinatapos.“She was just going to lie to you! Like what I said, parehas lang sila ng mama niya! That kid! That kid is not Azrael’s—”“Stop acting like a
Inis si Cheska nang hindi siya agad makalusot dahil sa dami ng tao.“Bianca, enough. Bata yan,” rinig niyang sambit ni Fhin, na pilit pinipigil si Bianca na mas lalong magwala.“Come on, look at my dress. Galing pa itong US and this is a limited edition. And are you hearing yourself? Bata? Look at that kid. Sumasagot pa!" Galit na ani ni Bianca at saka tinignanang batang nasa harap niya na takot na takot na sa kanya, pero wala siyng pakealama at hindi siya nagpakita ng awa."I-I said sorry po---""Sorry? Can I use that to fvcking clean and make my dress new again? Alam mo kung magkano ito? I'm sure your mother can't afford this. Ang dapat sayo, pinapalo!” galit na tugon ni Bianca kay Thali."Bianca, ano ba!" Si Fhin nang makita ang pagtaas ng kamay ni Bianca.“Baliw ka na ba? At pati bata ay pinapatulan mo?” Inis at galit na ani ni Cheska nang makalapit siya, at mabuti na lang at nakalapit agad dahil kitang-kita niya na din ang pagtaas ng kamay ni Bianca—animo’y papaluin na niya ang ba