Okay na 'to ^___^
“A-Ano bang… Ano bang ginagawa mo? Umalis ka na!” iritadong ani niya, pilit pinipigilan ang pag-iyak habang kaharap ang taong mahal niya—ang taong pinipilit niyang kalimutan pero patuloy na sinusundan ng puso niya.Ngunit nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Lorenzo, yung tono na laging ginagamit nito sa kanya tuwing may tampo siya, tuwing sinusuyo siya, halos matumba ang tuhod niya. Nakakakiliti pa rin sa puso niya kahit ngayon.“You’re protecting me, you love me,” he said. Hindi iyon tanong, kundi isang buo at matatag na pahayag, na para bang alam na alam na niya ang totoo.“Mali ka—” bulong niya, pilit na itinatanggi ang sariling damdamin.“Really? Then iputok mo.” Mariin niyang sabi, saka mas idiniin pa ang baril sa dibdib niya, nananatiling kalmado kahit anong mangyari.“Pvtang ina, Lorenzo! Ipuputok ko talaga ito kung hindi ka pa aalis ngayon!” Mariing ani niya, halos pumutok na ang emosyon. Pero kahit galit ang lumalabas sa bibig niya, nanginginig pa rin ang boses at ang
Chapter 95 and 96“Y-You know that you should not be here, right?” Nang makakuha ng lakas ng loob ay agad na iyon ang tinanong niya rito dahil kahibangan ang pagpunta nito ngayon!Hindi niya maintindihan kung bakit ito nandito at nagpapakita sa kanya. Heto ito, muling humaharap sa kanya, parang isang multo mula sa nakaraan na pilit binubuhay ang damdaming pilit na niyang nililimot.Sa pagpunta nito ay ginugulo nito ang lahat. Ginugulo ang isip niya. Ginugulo ang puso niya. Mas lalo lang siyang nahihirapan sa presensya nito—sa presensya ng lalaking minsang naging lahat para sa kanya.Ngunit heto ito ngayon. Buhay. Galit. At naroon ang titig na tila sinusunog ang kaluluwa niya, na animo’y sa lumipas na buwan ay kinimkim nito ang lahat ng galit, sakit, at pananabik.Humakbang si Loreno kaya naman halos mahigit na naman ni Thali ang paghinga niya. Isang hakbang pa at baka hindi na siya makapagtago sa mga damdaming pilit niyang itinatanggi. Ramdam niya ang pagtibok ng puso niyang parang sa
The way he looked at her. The way she felt his lips on his ears dahil sa pagbulong nito, lahat ng iyon, lahat ng ginagawa ni Theo ay patuloy lang sa pagpapaalala kay Lorenzo.She drank again. This time, mas mahigpit ang hawak niya sa baso, halos mabasag ito sa tensyon ng kanyang mga daliri. Isang matalim na kirot ang naramdaman niya sa dibdib, pero hindi niya maipaliwanag kung galit ba iyon, guilt, o...ano, nagkahalo halo na.“Hey, dahan-dahan lang, you’re drinking too much,” ani Theo, ngayon ay napapansin na rin ang dami ng iniinom niya. May bahid ng pag-aalala ang tono.Mabait si Theo, alam niya iyon. Kilala niya ito bilang isang maunawain, responsable, at mapagmahal na tao—isang perpektong kasintahan sa mata ng lahat. Pero bakit ganoon? Bakit kahit anong pilit, hindi niya maramdaman ang dating sigla, ang dating kilig na minsan niyang nadama para dito? Para bang may harang sa puso niya—isang pader na kahit anong bait ni Theo ay hindi mabasag. At alam niya kung sino ang nasa likod ng
Chapter 93 & 94 “Masyado bang magaling magtago yang Lorenzo o ano? It’s been two months, wala pa rin tayong makuhang lead. Amas mauuna pa talaga ang kasal mo kaysa sa paghahanap sa taong iyon,” ani Alfie, napapailing habang bored na tinitignan ang mga maling impormasyon.They were all gathered in Thali’s condo unit, ang puting ilaw sa kisame ay tila masyadong maliwanag para sa nararamdaman niya.Kasama niya ang buong team—si Alfie, Almonde, Jary, at si Bon. Lima sila, isang buong team, at dalawang babae lamang sa grupo. Nakatitig silang lahat sa whiteboard na punong-puno ng mga mukha, dates, coordinates, at red string connections—lahat may kinalaman kay Lorenzo Salvatore. Pero sa kabila ng effort, sa kabila ng dami ng impormasyon, wala pa rin silang matinong lead.At walang nakakaalam kung bakit.Because Thali—ang team leader mismo—was silently sabotaging the search.Sa bawat ulat na dumarating, bawat posibleng sighting, siya mismo ang tahimik na nag-eedit ng files, nagbubura ng ebid
“I-I want to get married… dahil ito naman talaga ang dapat,” mahina pero mariing sambit niya. “Yes, I am still not okay. And the reason why?”Tumigil siya. Parang may pader sa harap niya. Pero ngayon, kailangan na niyang basagin iyon. Kailangan na niyang aminin ang katotohanang matagal na niyang tinatago.Napatingin siya sa ina, sa kapatid, sa ama niya—lahat ngayon ay tahimik na naghihintay. Hindi na niya kinaya. Kasabay ng pag-iyak niya, tuluyan na niyang ibinulalas ang laman ng puso niya.“Because I am in love with Lorenzo Salvatore,” she said through gritted teeth, and with a voice broken by anguish. “I am in love with a criminal,” halos maging bulong ang boses niya nang sabihin niya ang mga katagang iyon.Ni hindi na niya napigilan ang sarili. Mapahagulgol na siya. Ang bigat na kinikimkim niya sa puso, ang takot, ang hiya, ang pagmamahal na hindi dapat—lahat ng emosyong pilit niyang kinikimkim mula pa noong bumalik siya mula sa isla—ay sabay-sabay nang pumutok mula sa dibdib niya
Chapter 91“Kung hindi ka pa handa, we can tell them about it—”“Ma, it’s fine. Doon din naman ang punta non,” mahinahong ani ni Thali, pilit na pinapakalma ang sarili nang sinundan siya ng kanyang ina sa kwarto niya.Umuwi na ang mga Salvador kaya naman nagpapahinga na ang karamihan sa bahay. Tahimik ang paligid, pero sa loob ng puso niya, may sigaw na hindi niya mapigilan. Ang bawat hakbang papalayo sa pamilya ni Theo ay parang pakikipaglaban sa sarili. Gusto niyang maniwalang tama ang ginagawa niya, pero ang bigat sa dibdib niya ay tila humihigpit habang lumalapit siya sa sariling kwarto.Napatingin sa kanya ang ina, bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Hindi iyon basta pangkaraniwang concern—iyon ay isang uri ng takot na mula sa isang inang alam na may tinatago ang anak niya. Hindi na ito ang Thali na kilala niya: palaban, masigla, punong-puno ng pangarap.Ngayon, para bang may malalim na sugat sa mga mata nito na hindi kayang itago ng kahit gaano katibay na harapan.Sa mga nakaraa