“Wow, look at you. Dedicated bilang bodyguard,” sabay tawa nito nang makalapit sa tabi niya.“Ayaw ko ng away—” Pero bago pa natapos si Cheska sa pagsasalita ay nagsalita na ulit si Veronica habang nilalabas ang lipstick niya sa bag."Ako ba gusto ko ng away? Come on, Cheska, sinasabi ko lang na subrang dedicated na bodyguard ka and that's a compliment huh kaya dapat maging masaya at isipin iyon bilang achievement." Nakangiting ani nto na animo'y subrang sincere ito sa sinsabi na compliment iyon.Binasa ni Cheska ang labi at ayaw ng patulan ito.“Nakatayo lang doon na parang aso, waiting for your boss’ command. Bagay sa'yo,” ani niya at muli siya nitong nginitian na para bang malapit sila sa isa’t isa.Narinig ni Cheska iyon ng maayos. Pero hindi siya kumibo. Hinigpitan lang niya ang hawak sa bag strap niya. Hindi siya magpapakita ng kahinaan.“Nasaan iyong tapang na pinakita mo noon? Napahiya ka, no? You didn’t expect na sasabihin ni Azrael sa akin ang tungkol sa pagpapanggap mo, na
Habang nakaupo si Cheska sa mas madilim na bahagi ng bar, hawak pa rin ang baso ng alak, isang lalaking hindi pamilyar ang lumapit sa kanya. Matangkad, maputi, at mukhang may kaya rin sa buhay. May suot itong branded na relo at ang aura nito ay parang isa sa mga lalaking sanay sa atensyon. Tila ba nakita na niya ito noon—siguro sa isa sa mga lugar na pinuntahan nila ni Azrael—pero hindi niya maalala kung saan.Napaayos siya sa pagkakaupo at hindi ito pinansin, lalo na nang naupo ito sa tabi niya na parang close na sila. Nakangiti pa nga ito sa kanya kaya napatingin siya sa suot niya. Kumpara sa mga suot ng ibang babae na naroon, masyadong nakakapagtaka na lumapit ito sa kanya.At nang itaas ng lalaki ang kamay, tila ba para na itong magpapakilala sa kanya, ay napakurap-kurap si Cheska.“I’m—” Hindi nito natapos ang sasabihin nang may magsalita sa gilid nila.“Let’s go,” malamig at matalim ang boses na dumaan sa tenga ni Cheska. Kahit hindi tumingin ay kilala niya kung sino iyon. Paimp
“Pumasok ka na sa loob,” utos pa nito bago magpaputok sa direksyon ng pinanggagalingan ng baril.“T-teka! Ako ang bodyguard mo! Ikaw ang pumasok sa loob—”Muling may nagpaputok, at kung hindi siya hinila ni Azrael para magtago sa poste sa gilid, baka napuruhan na sila.“Ano bang problema mo! Give me the gun at ikaw ang pumasok sa loob!” inis at galit na ani Cheska, pero hindi siya pinakinggan ni Azrael at nagpatuloy sa pakikipagputukan habang pinoprotektahan siya.“Azrael!” galit na sigaw ni Cheska, at napamura na lang nang makitang may dugo ang balikat nito.“Call someone. Nasa loob ng kotse ang phone ko. Haharangan kita habang pumupunta ka ro’n.” ani Azrael, parang wala lang ang sugat sa balikat niya.“Tanga ka ba? Tanga ka nga!” inis na ani Cheska nang muntik na naman silang matamaan.Gusto pa sanang makipagtalo ni Cheska. Gusto niyang ipilit na siya ang bodyguard—na siya dapat ang humaharang ng bala. Pero wala siyang magawa. Si Azrael ang may hawak ng baril, at sa kabila ng dugo s
Chapter 42“Siguraduhin mong hindi ito makakarating sa pamilya ko. Clear all the things and everything,” mariing utos ni Azrael kina Sean at sa mga tauhan niya habang nasa loob na sila ng condo niya.Hindi lang tatlo—lima ang umatake sa kanya kanina. At kung hindi dumating agad ang mga tauhan niya, baka mas malala pa ang nangyari. Buti na lang at umatras din ang mga iyon sa huli.Napatingin si Cheska sa mga kamay niya—nanginginig ito nang bahagya. Wala man lang siyang nagawa. Bodyguard siya, pero bakit gano’n? Parang siya pa ang kinailangan protektahan.“Susubukan ko, pero mahihirapan tayo this time, Azrael,” seryosong sagot ni Sean habang nakakunot ang noo. “Maraming nakakita kanina. Posibleng nakarating na sa mga magulang mo. Kay Tito at Tita.”“Just do something, Sean,” ani Azrael sa malamig na tinig. Tumango si Sean at malalim na huminga. Napatingin siya kay Cheska na tahimik lang, tulala habang nakaupo sa sofa.Napasulyap si Azrael kay Sean—isang tingin lang at alam na nito ang i
Chapter 43“Baliw ka ba? Tinatanong mo talaga iyan?” Nang makabawi sa gulat sa tanong nito ay nagawa niyang itanong iyon na may halo pa ring galit. Nakakunot ang noo ni Cheska, at punong-puno pa rin ng inis ang dibdib niya habang nakatitig kay Azrael.Mukha atang hindi na maalis ang inis na nararmdaman niya pagkatapos ng mga nangyare ngayong gabi.Binasa ni Azrael ang labi sa tanong na iyon ni Cheska, tila pinipigilan ang pagngiti dahil sa mga namumuong mga palaisipan sa isip nito. Halatang sinusubukan niyang manatiling kalmado kahit halata sa mata niyang may ibang iniisip. Si Cheska naman ay napasulyap sa labi ni Azrael, at hindi niya napigilang maramdaman ang bahagyang pagkabog ng dibdib habang napakurap kurap. Nahigit niya ang paghinga at mabilis na nag-iwas ng tingin.Muling sumiklab ang galit niya nang maalala ang eksena kanina—ang halikan nina Azrael at Veronica. Hindi lang simpleng halik dahil ang halik na iyon ay may kasamang bulungan at landian na mukhang may mga sariling mun
Parang may kung anong humigop sa lakas ni Cheska nang marinig iyon. Kung kanina ay gusto nitong manatili siya, ngayon ay pinapaalis na siya, reason why Cheska stopped for a while and look at Azrael face. Kinagat niya ang labi niya. Dapat masaya siya na makakaalis na siya, na papaalisin na siya, na makakabalik na siya sa ospital para bantayan ang kapatid niya—lalo na’t kanina pa niya gustong gawin iyon. Pero bakit ganito? Bakit parang may parte sa kanya ang nanghinayang?"Alis na. Alis na daw, Cheska." Sa isip ni Cheska, pilit na inuutusan ang sariling umalis na gaya ng sabi ni Azrael.Parang may bumagsak na malaking bato sa balikat niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman—relief ba o lungkot? Relief dahil aalis na siya at hindi na niya kailangang makipagtalo dito, o lungkot kasi... Pinigilan ni Cheska ang mag-isip pa ng mas malalim.Tinignan ni Cheska ang sugat ni Azrael. Gusto pa niyang magsalita, pero...“Umalis ka na. Huwag kang mag-alala, at wala ka naman dapat a
Chapter 45Nadatnan ni Cheska si Azrael na nananatili pa rin sa pwesto nito kanina—nakasandal sa sofa, nakapikit, at halatang pinipilit maging kalmado kahit halatang hindi komportable. Parang wala talaga itong plano na gamutin ang sariling sugat o kaya magpagamot. Sa muling pagbukas ng pinto at pagpasok niya, minulat ni Azrael ang isa nitong mata at napatingin sa kanya.“What? Didn’t I tell you to leave? Bakit ka bumalik? May naiwan ka? ” Tanong nito na may halong inis at pagod, bago muling ipinikit ang mata. "Kung ano man yang naiwan mo, kunin mo na at saka ka umalis."Napairap si Cheska. Hindi na siya sumagot at dumiretso na lang sa kabinet kung saan niya naalala inilagay ang first aid kit na ginamit noong una silang nagkaharap sa ganitong sitwasyon. Tahimik siyang gumalaw, hindi man lang siya tiningnan ni Azrael, pero narinig nito ang pagbukas ng kabinet kaya’t minulat muli ang mga mata.Napansin ni Azrael na hindi man lang siya pinansin ni Cheska kaya umayos ito sa pagkakaupo, per
Chapter 46Parang may sumabog na bomba sa utak ni Cheska habang nananatiling nakadikit ang labi niya sa labi ni Azrael. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makagalaw—o bakit hindi niya kayang pigilan ang sarili.Ang lakas ng tibok ng puso niya, parang may tambol sa loob ng dibdib niya. Mainit ang labi ni Azrael. Banayad ang halik nito sa una, pero unti-unting naging mapusok. Nilipat niya sa kabilang side ang ulo nito at mas pinalalim ang halik.Naramdaman ni Cheska ang kamay ni Azrael na lumapat sa pisngi niya, habang ang isang kamay nito ay dahan-dahang humawak sa bewang niya para mapalapit pa siya. Nadulas siya ng kaunti sa sofa kaya’t tuluyang napalapit ang katawan niya rito. Ramdam niya ang init ng katawan nito at ang lalim ng hininga ng binata sa pagitan ng halik.“Sh*t...” Mahinang bulong ni Cheska sa sarili nang bahagya siyang lumayo para makahinga. Pero hindi siya nakalayo nang husto. Agad siyang sinundan ni Azrael, parang ayaw siyang paalisin sa sandaling iyon.“Don’t,” mah
“P-Pumunta ka dito para humingi ng pera?” matigas at sarkastikong tanong ni Cheska.Tumango ang kanyang ina na animo’y bored pa, para bang wala lang ang pagdaramdam ni Cheska. “Oo, ano pa bang dahilan? Bigyan mo na ako ng pera o kaya humingi ka ng pera sa Buenavista na iyon.” Biglang seryosong ani ng kanyang ina, habang nanlalalim ang titig.Napapikit si Cheska at halos sabunutan ang sarili sa irita. “Hindi kita maintindihan. Anong humingi sa mga Buenavista?” Takang tanong ni Cheska. "Naririnig mo ba ang sarili mo?" Dugtong pa ni Cheska dahil parang subrang laking kahibangan iyon.“Ano? Magmamaang maangan ka? Sabi ko humingi ka ng pera sa mga Buenavista at ibigay sa akin para may pambayad ako sa mga utang ko!” Medyo lumakas pa ang boses ng kanyang ina na animo’y naiirita na rin.Lahat ng kontrol na meron si Cheska ay unti-unting nawawala. Hindi niya alam kung saan nito nalaman ang tungkol sa mga Buenavista, pero hindi na iyon ang mahalaga ngayon. Hindi ito ang tamang oras para sa gan
Chapter 98Madaling-araw pa lang ay gising na si Cheska. Halos hindi niya nilubayan si Nero buong gabi. Ilang beses siyang tumingin sa orasan, binibilang ang mga minutong lumilipas habang pilit niyang pinapakalma ang sarili. Sa labas ng bintana, dahan-dahan nang lumiliwanag ang langit—banayad, tila unti-unting bumubukas ang isang panibagong pahina.Tahimik ang buong ospital. Ang katahimikan na iyon ay mas lalo pang nagpapabigat sa dibdib ni Cheska. Wala siyang marinig kundi ang tik-tak ng orasan. Nakaupo siya sa gilid ng kama ni Nero, marahang hinihimas ang maliit nitong kamay.Nang magising ang kapatid ay agad na ngumiti si Cheska, pilit tinatago ang kaba at pag-aalala.“Wala bang masakit sa’yo?” agad na tanong ni Cheska.Naupo si Nero at umiling.“Wala naman po,” ani nito at saka tumingin sa pinto. “Si Mama po kaya? Hindi po kaya siya pupunta ngayon dito? Hindi na siya bumalik pagkatapos ng araw na pumunta siya dito na may kasamang lalake na may baril,” ani nito.“Nero naman. Araw ng
Chapter 97“Gusto ko lang tanungin kung pinuntahan ka ba ni Mama at tinanong ba niya kung saang ospital naka-confine si Nero.” Mabilis at may halong kaba ang tanong ni Cheska kay Cris.Ilang gabi na siyang hindi makatulog dahil sa pagbisita ng kanyang ina—kasama pa ang lalaking armado. Hindi niya alam kung ito ba’y bunga lang ng matinding stress, bangungot lang ba, o isang panibagong gulo sa buhay nila. Ngunit isang bagay ang sigurado: kahit masama pa rin ang loob niya sa kanyang ina, hindi niya mapigilang mag-alala. Kung may utang ito sa lalaking iyon, baka mapahamak ito. At kung alam ng lalaki kung saan naka-admit si Nero, baka pati sila ay madamay.Sa lahat ng maaaring pagtanungan ng kanyang ina, si Cris lang ang naisip ni Cheska. Si Cris lang kasi ang posibleng may alam tungkol sa kanila. Kaya kahit na hindi pa sila maayos at sariwa pa ang bigat sa pagitan nila, nilakasan ni Cheska ang loob niya para humarap dito.“Bakit? Pumunta siya sa ospital? Hindi ko pa siya nakikita, at hindi
Chapter 96Tumigil sa pag-akyat si Azrael. Nanigas siya sa kinatatayuan, at unti-unting bumigat ang hangin sa paligid nila. Dahan-dahan siyang lumingon, sapat lang para marinig ng lola niya ang bawat salitang bibitiwan niya.“Ano bang sinasabi ninyo?” madiin niyang sabi, boses niya'y punô ng galit na pilit niyang nilulunok. “Ginamit mo talaga ngayon ang kapatid niya bilang panakot sa akin? Para sundin kita? Lola, are you even serious?"Hindi sumagot ang lola niya. Tahimik itong nakatayo sa kinatatayuan at seryosong tumitig lang kay Azrael, Hindi man lang umiwas ng tingin na animoy hindi nag-sisisi sa sinasabi.“He needed a surgery, may sakit iyong bata tapos gagamitin mo lang panakot sa sakin?” mapait na natawa si Azrael, puno ng hindi makapaniwala. “Akala ko you cared about me. Pero ganito? You want to control me so badly, you’re willing to ruin someone else’s life just to get what you want?”“Hindi mo ako naiintindihan—” panimula ng matanda.“Talagang hindi kita maiintindihan kung ga
Chapter 95"I'm sorry, pupuntahan na lang kita sa hospital. Let me just talk to her." Agad na hinalikan ni Azrael si Cheska sa noo at saka sinulyapan ang driver na nasa tabi na ng kotse niya. Napapikit si Cheska at dinama iyon, sinubukang irelaxang sarili sa pamamagitan ng mainit na halik si Azrael sa noo niya."Pakihatid siya, and don't drive recklessly," mariing bilin ni Azrael sa driver, at halatang seryoso siya sa sinabi niya—kaya naman halatang ninerbiyos ang driver sa bigat ng tono nito.Napansin agad iyon ni Cheska kaya agad niyang hinawakan ang kamay ni Azrael para pakalmahin ito. “Sige na. Balik ka na sa taas--condo mo,” aniya sabay ngiti para ipakitang ayos lang siya. “At hindi mo naman kailangang humingi ng sorry. Okay lang naman kung umuwi na muna ako para makapag-usap kayo ng lola mo. Paniguradong nagulat lang siya kasi nasa kwarto mo ako—gayong unang beses niya pa lang akong nakita.” Dagdag pa niya, pilit ipinapakita ang pagiging mahinahon kahit may kirot sa loob dahil hi
Tahimik ang buong paligid. Nilibot ni Cheska ang tingin sa buong kwarto ni Azrael—nasa kwarto na siya nito. Nakaupo siya sa kama habang si Azrael ay naliligo sa bathroom.Dumeretso si Azrael sa hospital pagkatapos ng pag-uusap nila ng lola niya, kaya ngayon pa lang ito nakauwi sa condo niya.Napabuntong-hininga si Cheska nang lumabas si Azrael sa bathroom at agad nagtama ang tingin nila. Napaiwas si Cheska, pero naramdaman niya ang paglubog ng kama sa tabi niya. Dahil doon ay napasulyap na lang ulit si Cheska dito.“Are you really okay?” tanong ni Azrael habang pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya. Mababa ang boses—malamig, pero may halong pag-aalala.Tumango si Cheska. “Oo naman. Okay nga lang—”“Tsk! Tell that to someone who easily believes lies, because baby, I’m not going to buy that.” Hinawakan ni Azrael ang likuran ni Cheska para haplusin. “Looks like you are not really going to tell me why you cried a while ago there, huh?” Malumanay at punong-puno ng lambing na tanong pa ni
Chapter 93Ilang sandali pa ay napapikit na si Cheska ng mariin.Parang hindi na siya nag-isip nang kusa na lang gumalaw ang daliri niya sa search bar — Azrael Ford Villariva-Buenavista. Hindi siya sigurado kung may lalabas, pero dahil alam niyang kilala ito at galing sa prominenteng pamilya, sinubukan na rin niya.Ilang segundo lang, nagpakita agad ang resulta.Napasinghap siya nang lumabas ang larawan ni Azrael — nakaayos, maayos ang postura, eleganteng suot, nakatayo sa harap ng isang malaking gusali na malamang siya mismo ang nagdisenyo.Nag-scroll si Cheska, at sa bawat paggalaw ng daliri niya, mas lalo siyang napapabuntong-hininga. Isang article ang tumama agad sa paningin niya, at hindi na siya nagdalawang-isip na basahin ito:"Azrael Ford Villariva-Buenavista, at just 28 years old, has already achieved so much in life. Even though he was born rich and came from a powerful family, he didn’t rely on that to succeed. Instead, he started from the bottom and worked his way up throug
Chapter 92“Ate, okay ka lang?”Napasulyap si Cheska sa kapatid niyang si Nero na nakaupo sa tapat niya sa hapag-kainan.Kumakain sila ng hapunan, pero malayo ang tingin ni Cheska. Parang wala siya sa sarili habang hawak ang kutsara't tinidor, paulit-ulit lang na sinusundot ang kanin sa pinggan niya pero halos wala siyang naisasubo. Mabigat ang dibdib niya, at hindi niya maalis sa isip ang sagutan nila ni Cris kanina.Sinubukan niyang isa-walang bahala iyon. Palagi naman siyang ganun — matatag, hindi nagpapadala sa emosyon. Pero ngayon, ibang-iba ang tama ng mga salitang binitiwan ni Cris. Diretsahan, walang paligoy, at ang mas masakit, totoo.Mahirap siya. Nabibiling siya sa mahihirap na tao sa mundo, ni halos wala siyang matawag na talagang tahanan dahil nas iskwater area lang naman sila nakatira at malaki ang posibilidad na darating ang panahon na mapaalis sila doon. Samantalang si Azrael… hindi lang mayaman, kundi sobrang yaman. Hindi lang iisa ang bahay nila, kung hindi napakara
Aalis na sana si Cheska, pero agad siyang hinawakan ni Cris para pigilan.“Sorry. Hindi ko lang mapigilang mag-isip kasi ang sabi mo boss mo lang siya tapos biglang makikita ko kayong maghahalikan. Nagulat lang ako—”Inis na tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at sarkastiko itong tinignan. “Nagulat ka? Ganyan ka magulat? Paparatangan mo ako ng kung ano-ano? Nandito ako kasi magpapaliwanag ako sa’yo, oo nagulat ka, pero wala kang karapatan na sabihan ako ng kung ano-ano na parang… parang wala akong pinagkaiba sa mga babae sa bar.”Nanigas si Cris. Hindi siya makatingin ng direkta ngayon kay Cheska. Nakasubsob ang tingin nito sa lupa, parang batang nahuli sa kasalanan. Namumutawi talaga sa kanya ang pagsisisi sa mga sinabi nito.“Cheska—”“Nagtrabaho ako doon, pero hindi ako nagbenta ng katawan doon. Nagtrabaho ako doon at nakilala si Azrael, pero hindi ibig sabihin non, sa kanya ko binebenta ang katawan ko. Boss ko siya, pero hindi para ibenta ang katawan ko.” Mariing a