Goodmorning poooo
Realizing this, she immediately pulled back, pushing him away with sudden force. Her cheeks burned with embarrassment, pero pinilit niyang ibalik ang galit sa mga mata niya. Gusto niyang itago ang kahinaan niya sa likod ng inis at yabang.“Bakit ka ba nangyayakap!” she snapped, her tone sharp, trying hard to mask the trembling in her voice. Parang bata siyang napahiya, at iyon ang ayaw na ayaw niyang ipakita.“You are the one who hugged me. Paanong ako—” Paul stopped mid-sentence when Dia turned her back on him and walked toward the side, ignoring his words. Napabuntong-hininga na lang siya, litong-lito kung paano nga ba niya kakausapin ang babaeng ito.Kung kanina ay nanginginig siya sa takot, ngayon ay parang biglang nawala ang kaba. Hindi na siya ganoon katakot dahil may kasama naman siya. Buo ang loob niyang lumapit sa gilid kung saan niya inakalang naiwan ang phone niya. Dahan-dahan ang bawat hakbang, nakapulupot pa rin ang mga braso niya sa sarili na para bang nagtatapang-tapanga
Chapter 65 and 66“Gutom na ako…” Dia whispered while staring blankly at the ceiling. Hawak pa niya ang tiyan na kumakalam at napapasimangot na siya nang sobra. Ilang oras na ang lumipas, pero hindi pa rin siya lumalabas ng kuwarto. She rolled over the bed, hugging the pillow tighter, trying to ignore the hunger, but the gnawing emptiness in her stomach made it impossible.Hindi na talaga lumabas si Dia. Kahit ilang beses na siyang kinatok ni Paul.She shut her ears, pretending not to hear him, choosing instead to sulk and stay inside. Pinilit niyang tiisin ang gutom, kahit ramdam na ramdam na niya ang sikmurang nagrereklamo.Ang ayaw ni Dia sa lahat, ay ang tinatawag siyang pangit! She's not pangit and she knows that, pero kasi iyong nagsabi ay iyong taong gusto niya kaya hindi niya maiwasan ang mag react ng ganito! Para siyang tinapakan na ewan!It’s already 11 a.m. nang tuluyan nang bumigay ang katawan niya. Hindi na niya nakayanan at kailangan na talagang lumabas para kumain."Tulo
“I said smile!” dagdag pa nito, halos nananakot na ang tono, parang batang nagpipilit ng kendi. Napailing si Paul pero napilitan siyang ngumisi, kahit may halong sarkasmo, the edges of his lips curving with reluctant compliance.“Isa pa, if you don’t smile, I hate you na talaga,” dagdag pa ni Dia na para bang seryosong pagbabanta, though her eyes were sparkling with mischief.Inangat ulit niya ang phone, nagpose pa siya nang konti at umiling, pero biglang nawala iyon sa kamay niya nang agawin ni Paul. The move was so sudden she almost stumbled, napalingon siya at halos mahalikan niya ang pisngi nito, close enough that she could hear his breath mix with hers, sabay marinig niya ang mabilis na click ng camera.Sa mismong sandaling iyon, nahuli ng camera ang kanilang mga ekspresyon—ang malawak na gulat sa mga mata ni Dia habang nakaharap kay Paul at si Paul na nakangisi habang nakatingin sa camera.“Hey! Hindi pa ako ready!” sigaw ni Dia, halos mapaawang ang labi dahil pakiramdam niya pan
“Kung wala kang itinatago, then pahiram!” she insisted, kumumpas pa ng kamay na para bang wala nang ibang opsyon si Paul kundi ibigay ang phone sa kanya. Hindi siya tumigil doon, may kasamang pagkuyom ng labi at titig na mahigpit.Umigting ang panga ni Paul. Agad niyang kinuha ang phone sa bulsa, may bigat ang bawat hakbang ng kanyang kamay, at medyo padabog na iniabot ito kay Dia.Napangiti si Dia, hindi lang dahil nakuha niya ang gusto niya, kundi dahil tila siya ang nanalo sa maliit ngunit matinding laban nila."Ipapahiram din pala, eh," sambit pa niya at binuksan na ito.Ang ngiti niya ay may halong tagumpay at pang-aasar. Napailing na lang si Paul, sabay lakad palapit sa malaking puno na malapit lang sa kanila. Doon ay sumandal siya, saka marahas na napabuntong-hininga, at naupo. Pilit niyang pinapakalma ang sarili, sinusubukan na pigilan ang galit at inis na unti-unting kumukulo sa loob niya.“Bilisan mo, marami pa akong trabaho,” malamig na sabi ni Paul, at tumagos ang boses nit
Napasinghap siya at halos sumabog ang dibdib sa takot na baka masaktan ito. But Dia just laughed after that, a bright and fearless laugh, completely unfazed by the near-miss that had nearly stopped his heart from beating. Ang tawa nito ay parang musika na kumakabog sa tenga ni Paul, pero sa halip na gumaan ang loob niya ay mas lalo pa siyang nainis.Mas pinag-igihan ni Paul ang pagpapatakbo ng kabayo niya, halos maramdaman niya na rin ang pagod ng hayop ngunit hindi siya nagpatinag. Kailangan niyang maabutan si Dia, kailangan niyang mapigilan ang pagkasutil nito bago pa may mangyaring hindi kanais-nais. Hanggang sa umawang ang labi ni Dia nang makaalis sila sa kahuyan at makarating sa isang malawak na lupain. Malapad ang tanawin, halos walang katapusan, na tinabunan ng matingkad na berdeng damo at mga ligaw na bulaklak na nakakalat kung saan-saan. Ang hangin ay mas malamig at mas sariwa rito, dala ang halimuyak ng dagat na naroon sa malayo.Sa gitna ng malawak na espasyo ay may isang
Gustong sabihin ni Paul na huwag siya nitong tawaging ganoon, ngunit kahit anong tanggi ang gustuhin niya, hindi niya maikakaila na masarap sa pandinig niya ang tawag na iyon. Para bang gusto niyang marinig itong muli at muli, at hindi niya maintindihan kung bakit biglang ganoon na lamang ang epekto nito sa kanya.“You are under my care! Kapag may nangyari sa'yo, ako ang malalagot!” iritadong ani ni Paul, pilit na tinatago ang talagang pag-aalala dito at ipakita na galit ito. Pinanindigan niya ang mahigpit na boses, kahit na sa loob-loob niya ay kumakabog ang kanyang puso sa kaba at matinding pag-aalala.What if she falls? What if she gets hurt? Pumapasok sa isip ni Paul ang samu’t saring masamang senaryo—baka madapa ang kabayo, baka masugatan si Dia.Umigting ang panga ni Paul at agad na tinignan ito ng masama, ngunit imbes na matakot, si Dia ay patuloy lang na nakangiti, na animo’y nasisiyahan pa sa bawat reaksyon niya, lalo na’t alam nitong siya ang dahilan ng pagkabalisa nito.Hang