Napasulyap si Cheska kay Azrael, and Azrael just sighed. Biglang lumambot ang tingin nito at hindi tulad kanina na halos umigting na ang panga.“I’m really happy na nandito ka ngayon para sa anak ko,” masayang ani Daviah habang hindi pa rin binibitawan si Cheska. “Nandito sana ako para pagalitan siya. Pasensya ka na sa anak ko, ha. Nalaman ko kasing puro trabaho ang inaatupag nitong mga nakaraang araw. Hindi man lang siya makapaglaan ng oras para sayo. Sana hindi ka magsawa sa kanya.”Napatingin si Azrael sa ina, agad na sumabat, “Saan mo ba kasi nalaman yan, Ma? I told you, napag-usapan na namin ng girlfriend ko na kapag tungkol sa trabaho ay ayos lang kung—”“No way! Ayos lang? I told you, magsasawa siya kapag palagi kang busy sa trabaho!” Pagalit na ani ng kanyang ina kaya napahawak sa batok si Azrael.“She won’t. Hindi siya magsasawa sa akin and I am making my way para magkasama naman kami—and you don’t need to meddle in our relationship, Ma.” Mahinahong sagot ni Azrael, ngunit bu
"Kamusta po ang kapatid ko, Doc? Okay lang naman po siya, hindi ba? Matagal na din po kasi kami rito at palaging na dedelay ang operasyon ng kapatid ko. Medyo nag-aalala na rin po kasi ako at ang laki na ng bill namin dito. Nagmukha na ngang hotel itong hospital para sa amin ng kapatid ko kaya gustong gusto ko na pong malaman kung bumubuti na po ang lagay ko." Tuloy tuloy na tanong ni Cheska dahil nabalitaan niyang tapos na ang panibagong test na ginawa nila sa kapatid niya.Ngumiti ang doctor bago sumagot,“Bumubuti ang lagay ng kapatid mo, so we are really happy to say that we are going to schedule the operation for him next month, first week.”Nagliwanag ang mukha ni Cheska sa narinig mula sa doctor. Hindi ito iyong tita ni Azrael dahil naka-leave daw ito—kaya’t iba ang naka-assign na doktor na sumuri at dumalo sa kapatid niya ngayon. Ngunit kahit iba ang kausap niya, dala pa rin ng balitang iyon ang matinding ginhawa at pag-asa.“And na-inform na din namin si Dr. Villariva. We su
“Huwag ka kasi mag-alala. Kaya ko ang sarili ko, at mabait naman iyong boss kong iyon kahit medyo bugnutin. Kaya relax ka lang diyan."Ngumiti si Cheska pagkatapos sabihin iyon. Naiintindihan naman ni Cheska kung bakit nag-aalala ang kaibigan. Hindi rin naman ito ang unang beses na subra ang pag-aalala ng kaibigan dahil sa lalake.Bumuntong-hininga si Cris, halatang napapaisip.“Kaya kumain na lang tayo nito. Sayang din, at saka para kang tanga magtampo—Shit!”Napasinghap si Cheska nang maramdaman ang malamig at malagkit na icing ng yema cake sa pisngi niya. Napapikit siya sa gulat, halos hindi makapaniwalang pinahiran din siya ni Cris ng yema cake sa mukha, gaya ng ginawa niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, naglalagablab ang titig, at unti-unting inangat ang ulo papunta kay Cris.Nakita niya itong may mahinang tawa habang hawak pa ang daliring may natirang icing, kitang-kita ang kalokohan sa mukha. Parang batang nakaiskor ng kalokohan.“Cris...” seryoso ang boses niya, m
Paglabas ni Cheska ng pinto ay agad siyang luminga sa magkabilang direksyon ng hallway, hinahanap ang pamilyar na porma ni Azrael. Mabilis ang pintig ng puso niya—hindi niya alam kung dahil ba sa kaba, inis, o… baka pareho, ewan, pati siya ay talagang nagugulugan sa nararamdaman. Kaso sa magkabilang dereksyon iyon ay wala siyang nakitang Azrael.“Ang bilis naman niya?” bulong ni Cheska sa sarili, bitbit ang iritang hindi niya maipaliwanag.Napahawak na lang si Cheska sa sintido. Dalawa ang elevator doon at sa dalawang hallway din ang daan kaya hindi niya alam kung alin sa dalawa ang sinakyan ni Azrael o tinungo nito.“Dito na nga lang!” Inis na ani Cheska sa sarili. Bahagyang nabunutan siya ng tinik nang makita niya ang pamilyar na likod nito—nakatayo, nakaharap sa elevator, at tila malapit nang sumakay. Mabilis ang lakad ni Azrael at may mga bumating nurse pa nga dito, dahil nga kilala ito doon, pero wala man lang itong pakealam o pinansin man lang. Diretso lang. Walang tingin. Walan
Mariing pumikit si Cheska at hinimas ang batok niya, sinusubukang kalmahin ang sarili. Pero nang marinig niya ang pag-andar ng makina, agad siyang sumakay sa front seat, hindi na nag-isip pa. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya—parang may kung anong sumasakal sa dibdib niya habang pinagmamasdan si Azrael na tila ba hindi siya nakikita.Pagkaupo niya sa passenger seat, agad niyang nilingon si Azrael. Walang emosyon ang mukha nito, at tila ba tumagos ang katahimikan ng buong sasakyan sa balat niya."Hindi ba talaga kita makakausap ng matino?" Tanong ni Cheska at napapikit dahil sa suot nitong earbud, hindi siya sigurado kung naririnig ba siya nito o ano.Hindi na nakatiis si Cheska. Inabot niya ang kanang tainga ni Azrael at biglang inalis ang isang earbud. Kasabay ng pag-alis niya roon ay ang biglang pag-ikot ng mukha ng lalaki para tignan siya, puno ng iritasyon at pagkabigla.“What the fvck you fvcking think are you doing?” Inis na ani ni Azrael, masyadong diretso
"Nasaan tayo?" Mahinahong tanong ni Cheska habang nakatingin sa paligid.“May damit diyan sa likod para may suotin ka. Magpalit ka na dito, don’t worry, it’s tinted, walang makikita dito sa loob. My family is waiting inside, mauuna na ako sa loob, bilisan mo,” sabi ni Azrael at hindi pinansin ang tanong ni Cheska nang ihinto na niya ng tuluyan ang kotse.Napasulyap si Cheska sa backseat, kita niya ang isang paper bag doon, na hindi niya napansin kanina at ngayon lang niya talaga napansin.“T-Teka, sabi mo bodyguard ang kailangan mo diba tapos—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil mabilis na bumaba si Azrael at isinara ang pinto, animo’y wala na siyang balak makinig sa anumang sasabihin pa ni Cheska. Naiwan si Cheska na nakanganga, napapailing na lang.Sa huli ay huminga na lang ng malalim si Cheska.“Sabi ko nga, magpapalit na ako. Huwag na kasing maraming satsat, Cheska,” mariin niyang bulong sa sarili, kasabay ng iritado at nakasimangot na pagkuha ng paper bag sa backseat haba
Chapter 57“What did you do? That’s not my brother. My brother is not like that.” Nalipat ang tingin ni Cheska sa lalakeng mas bata kay Azrael nang sabihin niya iyon sa kanya.“W-Wala naman akong ginawa,” utal na ani Cheska, pero naitikom niya ang labi nang maalala ang nadatnan niya sa hospital. Hindi niya lubos maisip na nagkakaganon pa rin siya dahil sa nadatnan nito. At bakit naman? Nasasaktan siya dahil doon? Hindi ata kayang isipin ni Cheska iyon ng bo dahil baka sa huli ay mag assume nanaman si Cheska.“Ma, narinig mo iyon? Palagi 'yon seryoso at galit, but did he really say those words na para bang he is experiencing a love sick? What the fvck?” Hindi pa rin ito makapaniwala.Napahawak si Cheska sa batok nang tignan siya ng lahat, halatang naghahanap ng kasagutan sa kanya. Para siyang biglang naging sentro ng eksena at gusto na lang niyang lumubog sa upuan sa hiya.“Hey, tinatakot niyo siya. Kuya Aiden, can you stop asking a question to her? Hayaan niyo na nga si Kuya Azrael at
Chapter 59Nalukot ang buong mukha ni Cheska habang nakatingin sa sarili niya sa salamin. Ayos lang naman kung mag-dress siya dahil kahit papano ay nasasanay na siya, pero kailangan bang ganito? Nasa guestroom siya naligo nang gumabi na nang sobra, at talaga atang doon na sila matutulog ngayong gabi.Kinagat ni Cheska ang labi. Gusto niyang lumabas at magreklamo sa pinahiram na damit ng Mama ni Azrael, pero wala naman siyang lakas ng loob na gawin iyon lalo na at siguro ang alam nito ay may nangyari na sa kanilang dalawa kaya walang dahilan para hindi na magsuot ng ganito."Sa ilang beses niyang nakita na nakatulog ka sa condo ni Azrael at sa nakitang halikan niyo ni Azrael, malamang iisipin niyang may nangyari na sa inyo, para kang sira! Ngayon ka pa mag-iinarte sa harap niya?" Hindi mapigilang sabihin iyon sa sarili at medyo pagalitan ang sarili sa salamin, kunot-noo at namumula sa inis.Hindi pa nga niya mapigilan ang tapikin ang sariling noo para magising lang at bumalik sa katinu
Chapter 96Tumigil sa pag-akyat si Azrael. Nanigas siya sa kinatatayuan, at unti-unting bumigat ang hangin sa paligid nila. Dahan-dahan siyang lumingon, sapat lang para marinig ng lola niya ang bawat salitang bibitiwan niya.“Ano bang sinasabi ninyo?” madiin niyang sabi, boses niya'y punô ng galit na pilit niyang nilulunok. “Ginamit mo talaga ngayon ang kapatid niya bilang panakot sa akin? Para sundin kita? Lola, are you even serious?"Hindi sumagot ang lola niya. Tahimik itong nakatayo sa kinatatayuan at seryosong tumitig lang kay Azrael, Hindi man lang umiwas ng tingin na animoy hindi nag-sisisi sa sinasabi.“He needed a surgery, may sakit iyong bata tapos gagamitin mo lang panakot sa sakin?” mapait na natawa si Azrael, puno ng hindi makapaniwala. “Akala ko you cared about me. Pero ganito? You want to control me so badly, you’re willing to ruin someone else’s life just to get what you want?”“Hindi mo ako naiintindihan—” panimula ng matanda.“Talagang hindi kita maiintindihan kung g
Chapter 95"I'm sorry, pupuntahan na lang kita sa hospital. Let me just talk to her." Agad na hinalikan ni Azrael si Cheska sa noo at saka sinulyapan ang driver na nasa tabi na ng kotse niya. Napapikit si Cheska at dinama iyon, sinubukang irelaxang sarili sa pamamagitan ng mainit na halik si Azrael sa noo niya."Pakihatid siya, and don't drive recklessly," mariing bilin ni Azrael sa driver, at halatang seryoso siya sa sinabi niya—kaya naman halatang ninerbiyos ang driver sa bigat ng tono nito.Napansin agad iyon ni Cheska kaya agad niyang hinawakan ang kamay ni Azrael para pakalmahin ito. “Sige na. Balik ka na sa taas--condo mo,” aniya sabay ngiti para ipakitang ayos lang siya. “At hindi mo naman kailangang humingi ng sorry. Okay lang naman kung umuwi na muna ako para makapag-usap kayo ng lola mo. Paniguradong nagulat lang siya kasi nasa kwarto mo ako—gayong unang beses niya pa lang akong nakita.” Dagdag pa niya, pilit ipinapakita ang pagiging mahinahon kahit may kirot sa loob dahil h
Tahimik ang buong paligid. Nilibot ni Cheska ang tingin sa buong kwarto ni Azrael—nasa kwarto na siya nito. Nakaupo siya sa kama habang si Azrael ay naliligo sa bathroom.Dumeretso si Azrael sa hospital pagkatapos ng pag-uusap nila ng lola niya, kaya ngayon pa lang ito nakauwi sa condo niya.Napabuntong-hininga si Cheska nang lumabas si Azrael sa bathroom at agad nagtama ang tingin nila. Napaiwas si Cheska, pero naramdaman niya ang paglubog ng kama sa tabi niya. Dahil doon ay napasulyap na lang ulit si Cheska dito.“Are you really okay?” tanong ni Azrael habang pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya. Mababa ang boses—malamig, pero may halong pag-aalala.Tumango si Cheska. “Oo naman. Okay nga lang—”“Tsk! Tell that to someone who easily believes lies, because baby, I’m not going to buy that.” Hinawakan ni Azrael ang likuran ni Cheska para haplusin. “Looks like you are not really going to tell me why you cried a while ago there, huh?” Malumanay at punong-puno ng lambing na tanong pa ni
Chapter 93Ilang sandali pa ay napapikit na si Cheska ng mariin.Parang hindi na siya nag-isip nang kusa na lang gumalaw ang daliri niya sa search bar — Azrael Ford Villariva-Buenavista. Hindi siya sigurado kung may lalabas, pero dahil alam niyang kilala ito at galing sa prominenteng pamilya, sinubukan na rin niya.Ilang segundo lang, nagpakita agad ang resulta.Napasinghap siya nang lumabas ang larawan ni Azrael — nakaayos, maayos ang postura, eleganteng suot, nakatayo sa harap ng isang malaking gusali na malamang siya mismo ang nagdisenyo.Nag-scroll si Cheska, at sa bawat paggalaw ng daliri niya, mas lalo siyang napapabuntong-hininga. Isang article ang tumama agad sa paningin niya, at hindi na siya nagdalawang-isip na basahin ito:"Azrael Ford Villariva-Buenavista, at just 28 years old, has already achieved so much in life. Even though he was born rich and came from a powerful family, he didn’t rely on that to succeed. Instead, he started from the bottom and worked his way up throug
Chapter 92“Ate, okay ka lang?”Napasulyap si Cheska sa kapatid niyang si Nero na nakaupo sa tapat niya sa hapag-kainan.Kumakain sila ng hapunan, pero malayo ang tingin ni Cheska. Parang wala siya sa sarili habang hawak ang kutsara't tinidor, paulit-ulit lang na sinusundot ang kanin sa pinggan niya pero halos wala siyang naisasubo. Mabigat ang dibdib niya, at hindi niya maalis sa isip ang sagutan nila ni Cris kanina.Sinubukan niyang isa-walang bahala iyon. Palagi naman siyang ganun — matatag, hindi nagpapadala sa emosyon. Pero ngayon, ibang-iba ang tama ng mga salitang binitiwan ni Cris. Diretsahan, walang paligoy, at ang mas masakit, totoo.Mahirap siya. Nabibiling siya sa mahihirap na tao sa mundo, ni halos wala siyang matawag na talagang tahanan dahil nas iskwater area lang naman sila nakatira at malaki ang posibilidad na darating ang panahon na mapaalis sila doon. Samantalang si Azrael… hindi lang mayaman, kundi sobrang yaman. Hindi lang iisa ang bahay nila, kung hindi napakara
Aalis na sana si Cheska, pero agad siyang hinawakan ni Cris para pigilan.“Sorry. Hindi ko lang mapigilang mag-isip kasi ang sabi mo boss mo lang siya tapos biglang makikita ko kayong maghahalikan. Nagulat lang ako—”Inis na tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at sarkastiko itong tinignan. “Nagulat ka? Ganyan ka magulat? Paparatangan mo ako ng kung ano-ano? Nandito ako kasi magpapaliwanag ako sa’yo, oo nagulat ka, pero wala kang karapatan na sabihan ako ng kung ano-ano na parang… parang wala akong pinagkaiba sa mga babae sa bar.”Nanigas si Cris. Hindi siya makatingin ng direkta ngayon kay Cheska. Nakasubsob ang tingin nito sa lupa, parang batang nahuli sa kasalanan. Namumutawi talaga sa kanya ang pagsisisi sa mga sinabi nito.“Cheska—”“Nagtrabaho ako doon, pero hindi ako nagbenta ng katawan doon. Nagtrabaho ako doon at nakilala si Azrael, pero hindi ibig sabihin non, sa kanya ko binebenta ang katawan ko. Boss ko siya, pero hindi para ibenta ang katawan ko.” Mariing a
Chapter 90Huminga nang malalim si Cheska bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng hospital room. Kaibigan niya si Cris, oo—isa sa mga taong pinakamalapit sa kanya mula pagkabata. Pero sa pagkakataong ito, hindi niya maiwasang umasa na sana, kahit minsan lang, wala ito roon.Kahit alam niyang mali. Kahit alam niyang unfair.Pero hindi niya kayang harapin si Cris ngayon, hindi pa—lalo na pagkatapos ng nangyari kanina Pagbukas ng pinto, saglit siyang napatigil sa paghinga, para bang nais niyang ihanda ang sarili kung sakaling nandoon si Cris. Ngingiti na sana siya dahil hindi niya nakita si Cris at si Nero lang ang nandoon—mahimbing ang tulog at tila tahimik ang buong silid—pero…“Mag-usap tayo.”Kahit hindi tumingin, alam na ni Cheska kung sino iyon.“Cris…” Mahina ang pagkakabanggit niya sa pangalan nito. Bahagya siyang lumingon, at doon niya nakita si Cris na nakatayo sa sulok ng silid, nakasandal sa dingding, halos natatabunan ng anino. Parang kanina pa ito nandoon, naghihintay. Tahim
Chapter 89“Lola?” ani Azrael, and his voice turned unusually soft when he answered the call. May kakaibang lambing sa boses niya, isang tonong bihirang-bihira marinig mula sa isang tulad niyang laging kontrolado at malamig ang dating. But even as he spoke, he put the call on loudspeaker para lang muling hawakan ang kamay ni Cheska.Nakagat ni Cheska ang labi. Gusto sana niyang hilahin palayo ang kamay niya. Hindi dahil ayaw niyang mahawakan ito—kundi dahil para makapag drive ito ng maayos habang kausap ang lola nito. Gusto niya rin sabihin na huwag muna siyang hawakan nito, pero hindi naman magawa lalo na at baka maka istorbo siya sa usapan nilang mag lola ngayon.“Where are you? I went to your office tapos wala ka. Kailan ka pa umaabsent sa trabaho mo? Ilang buwan lang akong nagbakasyon, tapos nagkakaganito ka na? What behaviour is that, Azrael Ford Buenavista?” Malinaw at galit na galit ang boses sa kabilang linya.Napakagat lalo si Cheska sa labi. Napanguso siya, pilit pinipigilan
Chapter 88Kinagat ni Cheka ang labi. Gulat siya sa sinabi ni Cris, pero hindi naman pwedeng hayaan niya na lang si Azrael. Tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at saka tinignan si Nero.“Aalis lang si Ate, okay lang ba?” Tanong ni Cheska.Pagkalabas niya sa kwarto, mabilis ang lakad niya, halos hindi humihinga habang binabaybay ang hallway. Naglalaban sa loob niya ang kaba, guilt, at pag-aalala. Pero nang makita niya si Azrael, bigla siyang natigilan.Nakatayo ito sa tabi ng kotse, nakasandal, habang nakatingin sa kawalan. Ang mga kamay nito ay nakalagay sa bulsa, at bahagyang nakakunot ang noo—mukhang malalim ang nasa isip nito. Dahil doon, ang mabilis na paglalakad ay bilang naging mabagal habang nakatitig kay Azrael.Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang mga matang nakagtingin kay Azrael. Kahit na nakatayo lang ay pansin na pansin talaga ang pustura niya. Siya iyong tipo na kaht walang gawin, marami na agad ang papapit dito at magpapakilala sa sarili nila, ganoon