Nagising si Belinda kinabukasan na wala na si Van sa tabi niya. Napasulyap lang siya sa pinto kung nasaan ang kwarto ni Lia nang lumabas siya roon.“Nagluluto sila. Bumangon ka na riyan at maligo tapos kumain na tayo. Panibagong mahihirap na trabaho na naman ang haharapin natin sa opisina.” Napaupo si Belinda. Nakaligo na ito at nakaayos na rin.Tumango si Belinda bilang sagot kay Lia. Inaantok pa itong tumayo at pumasok sa kwarto. When she was done, she immediately went to the dining table. Doon niya nakita si Lia at Warren na mukhang may hindi na naman pinagkakasunduan.“Eyes on me.” Biglang inirapan ni Belinda si Van nang sumulpot ito sa tabi niya.Van chuckled. “Good morning. Sabay na tayo pumasok.” He said at humila ng isang upuan para makaupo si Belinda.“Ihahatid ko na rin si Lia,” Warren suddenly said, which made Lia react.“As if naman gusto kong magpakahatid sa'yo! Mukha mo! Sasabay na lang ako sa inyo, Belinda!” Agad na sambit ni Lia.“Pero hindi ba wala iyong kotse mo?” Be
“Belinda, pinapatawag ka ni Manager Cecilla!” Napatigil si Belinda sa ginagawa nang marinig iyon.“Bakit daw?” Belinda asked because she already gave the documents a while ago that she was asked to prepare yesterday.“Hindi ko alam. Pinapatawag ka lang niya, hindi naman niya kasi sinabi.” Sambit nito na ikinatango na lang ni Belinda.“Hindi ka na niya tinigilan, ah.” Si Lia na lumapit pa kay Belinda para sabihin iyon."Baka may sasabihin lang," sagot naman ni Belinda na ikinairap ni Lia."Baka utos. Tsk!"Belinda sighed and just stood up to go into Manager Cecilla's office. Pagpasok nito ay napakurap kurap siya nang makita niya ang isang pamilyar na mukha. Nagtatawanan sila ni Manager Cecilla nang pumasok si Belinda.“Manager Cecilla, pinapatawag niyo raw po ako,” Belinda said.Tumingin sa kanya ang babaeng may pamilyar na mukha at agad itong ngumiti kay Belinda nang makita siya.“Oh, hello! We see each other again!” Ang babaeng iyon ang unang bumati kay Belinda. Napahawak tuloy si Be
“Ano? Inutos niya iyon? So tourism ka na ngayon?” Nakataas ang kilay na tanong ni Lia nang palabas na sila ng lobby.“Nag-aalangan lang ako kanina kasi mayaman at baka mamaya ay masama ang ugali. Ayokong manghusga, pero gusto ko lang mag-ingat no, baka mala-dragon na pala ang kaharap ko. Pero ayos lang naman din kasi mabait naman pala iyong fiancée ng CEO.”“Ayh, ewan ko sa'yo. Oo nga pala, uuwi ka ba sa bahay niyo?” Lia suddenly said when they were already outside.Umiling si Belinda bilang sagot. “Sa apartment ako ngayon. Mukhang may inutos na naman kay Van kaya busy na naman siya. Nag-text naman na siya sa akin kaya ayos na iyon.”Napatango si Lia sa sinabi ni Belinda. Nagpatuloy sila sa paglalakad.“Wala kang work, right? Day off mo. So you are going to your Papa?” Lia can't help but ask that. Napag-usapan na nila ni Lia ang tungkol doon.Belinda wants to talk to her Papa tungkol sa Mama niya. Gusto niyang kahit sandali ay mapasaya ni Belinda ang lola niya kung sakaling makita at
Warren sighed after that call. Kahit hindi niya tawagan si Van, siguradong gagawa iyon ng paraan para mapuntahan si Belinda. Van just really can't leave right now because Zy is here again in the Philippines. Ang malala, nasa bahay ni Van si Zy.Van looked at Zy, who was now lying on the bed. Van really can't think anymore. Wala siyang nagawa kundi hayaan si Zy na pumunta sa bahay niya. Kaninang umaga ay sobrang abala siya sa pagtatago ng lahat ng gamit ni Belinda.Van didn't want to do that, pero pinuntahan siya ng ina sa bahay niya at siya mismo ang nag-utos sa mga kasambahay na alisin ang lahat ng bagay na pag-aari ni Belinda."I already like that Belinda!" Muntik nang mahulog ni Van ang basong hawak nang marinig niya iyon galing kay Zy."What do you mean? Belinda?"Tumango si Zy. "Yes, si Belinda. Iyong nakita mo sa restaurant, iyong hinabol mo. I saw her and had a conversation with her. Nasabi ko kasi kay Tita kanina na gusto kong maglibot sa buong building, and then si Belinda an
“I need someone to talk to, kaso ayoko namang pag-usapan ito sa mga pinsan at mga kaibigan ko. Pwede naman siguro akong magsumbong sa'yo, no?”Kinabukasan ay nagulat si Belinda nang makita niya si Zy sa cubicle niya. Pumasok pa rin si Belinda kahit na day off niya. Dahil sa nangyari kagabi ay hindi na tinuloy ni Belinda ang puntahan ulit ang Papa niya. Siguro hindi ngayon, pero siguradong pupuntahan niya pa rin ang Papa niya para masagot ang mga tanong niya.Even Lia and other employees were curious about Zy when they saw her sitting next to Belinda's chair. Kitang-kita kasi sa pananamit niya na mayaman siya at hindi siya basta-basta kaya talagang napapatingin sa kanya ang halos lahat ng dumarating.She's beautiful. Maputi, mahaba ang buhok, at maganda manamit. Iyong tipong kahit anong sikip at liit ng damit na suot niya ay hindi nagmumukhang malaswa.“I feel like he’s hiding something from me. I slept at his house last night, but I’m still not content. You know that girl instinct? I
Chapter 61“Thanks for today. Salamat sa pakikinig,” Zy said. Pagkatapos nila sa restaurant ay nag-aya siya na pumunta sa mall. Sumama si Belinda dahil kitang kita naman niya na kailangan talaga niya ng kasama.“Wala iyon. Nag-enjoy din naman ako. I was really planning to work today even though it's my day off kasi busy ang asawa ko at wala naman akong gagawin. So, it's really good that you came today. Wala pa ba ang driver mo?”Sa maghapon na iyon ay naging mas magaan pa ang loob ni Belinda rito. Zy was really nice and a good person. Nalaman niya rin na arranged marriage lang pala ang meron sila ng CEO kaya talagang kahit na sigurado naman na ikakasal sila, hindi mapigilan ni Zy ang mag-alala.After that long day, umuwi na si Belinda sa apartment niya at nadatnan niya na roon si Lia. Napanguso na lang si Belinda nang makita nito si Lia na muling nakakandong kay Warren at nagkunwari na lang tuloy si Belinda na walang nakita, lalo na nang nagmamadaling umalis si Lia sa kandungan ni War
Chapter 62“Huh? Anong ibig mong sabihin? I don't get you, Van. Bakit ko naman gagawin iyon?” Hindi naitago ni Belinda sa boses ang pagtataka.Lumayo si Belinda at buong lakas na tinanggal ang kamay ni Van sa kanya. Belinda looked at Van with a confused look.Malalim na bumuntong-hininga si Van at pumikit.“What I mean is, try not to be with her because just like what you said, she is the fiancée of the CEO.”“But why? She's the fiancée of the CEO, but why do I need to do that? Ano naman kung fiancée siya ng CEO?” Huminga ng malalim si Belinda at saka tinalikuran si Van pagkatapos niyang itanong Ng mga iyon.Hindi lubos naisip ni Belinda kung bakit gusto ni Van na gawin niya iyon.“Why do I need to avoid her and try my best not to be with her? I don't get you, Van,” mariing sabi ni Belinda at saka naupo sa kama.Belinda looked at Van and saw how problematic he seemed.“Why don't you just do it?” Umawang ang labi ni Belinda sa biglaang pagiging seryoso ng boses ni Van sa kanya.“Not un
Van woke up dahil sa mahigpit na yakap sa kanya. Because he thought it was Belinda, niyakap niya rin ito pabalik. Ang pinagtataka lang ni Van ay hindi niya maamoy ang gustong-gusto niyang pabango na palaging gamit ni Belinda. "Good morning." Gulat na napalayo si Van nang boses ni Zy ang narinig. Van looked at her and sighed. "Z-Zy?" Hindi naitago ni Van ang gulat nang makita si Zy sa tabi niya, walang saplot at tanging ang puting kumot lang ang nakapulupot sa katawan niya. "Why? Para kang nakakita ng multo," natatawang ani ni Zy at naupo para tingnan si Van. Van sighed nang tuluyan niyang mapagtanto ang nangyari. Again, may nangyari na naman sa kanila ni Zy. Damn it! He thought it was Belinda! Huminga ng malalim si Van at hinilamos ang palad sa mukha niya. Van looked at Zy nang lumapit ito at hinalikan siya sa pisngi ng mabilis. "Zy," mahinahong sambit ni Van. "Mm?" Hindi maitago ni Zy ang sobrang saya sa nangyari kagabi. Sobrang saya niya dahil sa lahat ng mga narinig
Chapter 93Ilang sandali pa ay napapikit na si Cheska ng mariin.Parang hindi na siya nag-isip nang kusa na lang gumalaw ang daliri niya sa search bar — Azrael Ford Villariva-Buenavista. Hindi siya sigurado kung may lalabas, pero dahil alam niyang kilala ito at galing sa prominenteng pamilya, sinubukan na rin niya.Ilang segundo lang, nagpakita agad ang resulta.Napasinghap siya nang lumabas ang larawan ni Azrael — nakaayos, maayos ang postura, eleganteng suot, nakatayo sa harap ng isang malaking gusali na malamang siya mismo ang nagdisenyo.Nag-scroll si Cheska, at sa bawat paggalaw ng daliri niya, mas lalo siyang napapabuntong-hininga. Isang article ang tumama agad sa paningin niya, at hindi na siya nagdalawang-isip na basahin ito:"Azrael Ford Villariva-Buenavista, at just 28 years old, has already achieved so much in life. Even though he was born rich and came from a powerful family, he didn’t rely on that to succeed. Instead, he started from the bottom and worked his way up throug
Chapter 92“Ate, okay ka lang?”Napasulyap si Cheska sa kapatid niyang si Nero na nakaupo sa tapat niya sa hapag-kainan.Kumakain sila ng hapunan, pero malayo ang tingin ni Cheska. Parang wala siya sa sarili habang hawak ang kutsara't tinidor, paulit-ulit lang na sinusundot ang kanin sa pinggan niya pero halos wala siyang naisasubo. Mabigat ang dibdib niya, at hindi niya maalis sa isip ang sagutan nila ni Cris kanina.Sinubukan niyang isa-walang bahala iyon. Palagi naman siyang ganun — matatag, hindi nagpapadala sa emosyon. Pero ngayon, ibang-iba ang tama ng mga salitang binitiwan ni Cris. Diretsahan, walang paligoy, at ang mas masakit, totoo.Mahirap siya. Nabibiling siya sa mahihirap na tao sa mundo, ni halos wala siyang matawag na talagang tahanan dahil nas iskwater area lang naman sila nakatira at malaki ang posibilidad na darating ang panahon na mapaalis sila doon. Samantalang si Azrael… hindi lang mayaman, kundi sobrang yaman. Hindi lang iisa ang bahay nila, kung hindi napakara
Aalis na sana si Cheska, pero agad siyang hinawakan ni Cris para pigilan.“Sorry. Hindi ko lang mapigilang mag-isip kasi ang sabi mo boss mo lang siya tapos biglang makikita ko kayong maghahalikan. Nagulat lang ako—”Inis na tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at sarkastiko itong tinignan. “Nagulat ka? Ganyan ka magulat? Paparatangan mo ako ng kung ano-ano? Nandito ako kasi magpapaliwanag ako sa’yo, oo nagulat ka, pero wala kang karapatan na sabihan ako ng kung ano-ano na parang… parang wala akong pinagkaiba sa mga babae sa bar.”Nanigas si Cris. Hindi siya makatingin ng direkta ngayon kay Cheska. Nakasubsob ang tingin nito sa lupa, parang batang nahuli sa kasalanan. Namumutawi talaga sa kanya ang pagsisisi sa mga sinabi nito.“Cheska—”“Nagtrabaho ako doon, pero hindi ako nagbenta ng katawan doon. Nagtrabaho ako doon at nakilala si Azrael, pero hindi ibig sabihin non, sa kanya ko binebenta ang katawan ko. Boss ko siya, pero hindi para ibenta ang katawan ko.” Mariing a
Chapter 90Huminga nang malalim si Cheska bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng hospital room. Kaibigan niya si Cris, oo—isa sa mga taong pinakamalapit sa kanya mula pagkabata. Pero sa pagkakataong ito, hindi niya maiwasang umasa na sana, kahit minsan lang, wala ito roon.Kahit alam niyang mali. Kahit alam niyang unfair.Pero hindi niya kayang harapin si Cris ngayon, hindi pa—lalo na pagkatapos ng nangyari kanina Pagbukas ng pinto, saglit siyang napatigil sa paghinga, para bang nais niyang ihanda ang sarili kung sakaling nandoon si Cris. Ngingiti na sana siya dahil hindi niya nakita si Cris at si Nero lang ang nandoon—mahimbing ang tulog at tila tahimik ang buong silid—pero…“Mag-usap tayo.”Kahit hindi tumingin, alam na ni Cheska kung sino iyon.“Cris…” Mahina ang pagkakabanggit niya sa pangalan nito. Bahagya siyang lumingon, at doon niya nakita si Cris na nakatayo sa sulok ng silid, nakasandal sa dingding, halos natatabunan ng anino. Parang kanina pa ito nandoon, naghihintay. Tahim
Chapter 89“Lola?” ani Azrael, and his voice turned unusually soft when he answered the call. May kakaibang lambing sa boses niya, isang tonong bihirang-bihira marinig mula sa isang tulad niyang laging kontrolado at malamig ang dating. But even as he spoke, he put the call on loudspeaker para lang muling hawakan ang kamay ni Cheska.Nakagat ni Cheska ang labi. Gusto sana niyang hilahin palayo ang kamay niya. Hindi dahil ayaw niyang mahawakan ito—kundi dahil para makapag drive ito ng maayos habang kausap ang lola nito. Gusto niya rin sabihin na huwag muna siyang hawakan nito, pero hindi naman magawa lalo na at baka maka istorbo siya sa usapan nilang mag lola ngayon.“Where are you? I went to your office tapos wala ka. Kailan ka pa umaabsent sa trabaho mo? Ilang buwan lang akong nagbakasyon, tapos nagkakaganito ka na? What behaviour is that, Azrael Ford Buenavista?” Malinaw at galit na galit ang boses sa kabilang linya.Napakagat lalo si Cheska sa labi. Napanguso siya, pilit pinipigilan
Chapter 88Kinagat ni Cheka ang labi. Gulat siya sa sinabi ni Cris, pero hindi naman pwedeng hayaan niya na lang si Azrael. Tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at saka tinignan si Nero.“Aalis lang si Ate, okay lang ba?” Tanong ni Cheska.Pagkalabas niya sa kwarto, mabilis ang lakad niya, halos hindi humihinga habang binabaybay ang hallway. Naglalaban sa loob niya ang kaba, guilt, at pag-aalala. Pero nang makita niya si Azrael, bigla siyang natigilan.Nakatayo ito sa tabi ng kotse, nakasandal, habang nakatingin sa kawalan. Ang mga kamay nito ay nakalagay sa bulsa, at bahagyang nakakunot ang noo—mukhang malalim ang nasa isip nito. Dahil doon, ang mabilis na paglalakad ay bilang naging mabagal habang nakatitig kay Azrael.Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang mga matang nakagtingin kay Azrael. Kahit na nakatayo lang ay pansin na pansin talaga ang pustura niya. Siya iyong tipo na kaht walang gawin, marami na agad ang papapit dito at magpapakilala sa sarili nila, ganoon
Chapter 87“Hoy! Sabing bawal kang humalik!” Mariing ani ni Cheska kay Azrael dahil sa biglang pagbalik nito sa kanya. Nasa labas na sila ng hospital at bababana sana siya, pero agad siyang ninakawan ng halik ni Azrael.“Pampalakas ng loob.” Ani nito ng mabilis at saka bumaba na sa kotse. Bubuksan na sana ni Cheska ang pinto sa gilid niya para tuluyan na ring bumaba, pero napailing siya nang mabilis na binuksan iyon ni Azrael para sa kanya.“Bakit naman kailangan mo ng pampalakas ng loob?” Pagbaba at pagsara ng pinto ng kotse ay hindi mapigilan ni Cheska na itanong iyon.“Kinakabahan ako sa kapatid mo, paano kung hindi niya ako gusto para sayo?” Tanong nito na ikinaawang ng labi ni Cheska.“Hindi mo naman—” Hindi na natuloy ni Cheska ang sasabihin nang muli siyang hinalikan ni Azreal at isinandal pa sa kotse.“Kaya kailangan ko ng lakas ng loob.” Nakangiting ani ni Azrael pagkatapos niyang humalik.Napailing si Cheska, pero ang ngiti ay nakaplastar na sa labi niya.****“Akin po ‘to?”
Chapter 86“You think he’ll like this?” tanong ni Azrael habang pinapakita ang isang damit pambata na nasa screen ng phone nito. Nasa shop app siya ngayon at halatang seryoso sa paghahanap ng mga damit.“Kumain ka na muna,” ani ni Cheska habang iniaabot ang kutsara papunta sa bibig nito, pero walang epekto. Halos hindi na niya magalaw ang sariling pagkain dahil sa kakaisip kung paano niya mapapahinto si Azrael sa online shopping. Nagpahatid ito ng makakain sa office niya para sa almusal nila, at dahil may lakad na rin siya papuntang hospital, gusto sana niyang matapos na ang pagkain nila.Ngunit iba ang priority ni Azrael kaya napapailing na lang si Cheska at kaunti na lang ay hihilahin na niya ang phone na hawak nito para matigila lang siya.“Azrael, hindi mo naman kailangang bilhan ang kapatid ko,” giit pa ni Cheska habang pinapanood ito. Hindi talaga nito tinanggal ang tingin sa phone, at parang doon lang umiikot ang buong mundo nito ngayon. Nakasalampak ito sa couch ng opisina, at
Chapter 85Dahil sa sobrang pagod, agad na nakatulog si Cheska. Sa kalagitnaan ng kanyang tulog, naalimpungatan siya nang may yumakap sa likuran niya at marahang hinila siya palapit. Kahit hindi niya ito nakikita, alam niyang si Azrael iyon—ang pamilyar na init ng katawan nito, ang amoy nitong subrang bango, at lamig ng gabi. Rason iyon kaya hinayaan niya ito sa posisyon nila. May kung anong panatag at katiyakan sa yakap na iyon.She was about to sleep again, hinayaan ang sarili na lamunin ulit ng antok, pero hindi niya mapigilang tapikin ang kamay ni Azrael nang haplusin nito ang hita niya pataas—banayad, tila sinasadya ngunit may halong lambing.“Kamay mo, kung saan-saan nanaman nakakarating,” nakapikit at inaantok na ani ni Cheska, ang boses niya’y halos paungol sa antok. Mula sa likod ay narinig niya ang mahinang tawa ni Azrael, mahina pero mababa, parang alon sa tahimik na gabi. Ramdam niya rin ang paghinga nito sa batok niya—mainit at mabagal, tila hinay-hinay na sinasamba ang pr