Ano? Wala pa bang makakahula? Hmmm? ahahahha Update pa ba ako mamayang gabi? O bukas na ulit?
CHAPTER 1Masayang naglakad ng mabilis si Belinda paakyat sa pangalawang palapag kung nasaan ang magiging kwarto nila ng magiging asawa pagkatapos ng kasal.Nakangiti ito at walang mapaglagyan ng saya ang nararamdaman niya dahil hindi siya makapaniwalang bukas na ang kasal nila ng taong mahal niya. Pero naglaho ang saya at napalitan ng kaba nang makarinig siya ng vngol."Sige pa--ah, Danilo. B-Bilisan mo pa!"Sandali siyang natigilan sa paglalakad, pero nang muli niyang narinig ang halinghing at ungol na iyon, humigpit na lang ang hawak ni Belinda sa strap ng bag niya para kumuha ng lakas.Sinubukan niyang huwag mag-isip ng masama. Tinapangan niya ang sarili at mabagal na naglakad papunta sa master bedroom kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. Nakabukas ang pinto at sa mismong pintuan ay may pulang panty. Nanginig ang kamay niya habang tahimik na sumilip sa siwang at doon ay malinaw niyang nakita ang nangyayari sa loob."G-Ganyan nga! Ahh! Ang galing mo.... Ugh!"Kitang-kita niya
CHAPTER 2“Are you really going to marry me? Kung joke ang sinabi mo kanina, sabihin mo na ngayon.”Tinignan ni Belinda ang lalaki at hinintay ang sasabihin. Nasa loob na sila ng kotse ng lalaki at hanggang ngayon ay gulat pa rin ito sa sinabi ng lalaki kanina.Hindi sila magkakilala, pero bigla siyang sumulpot sa napakagulong sitwasyon at sinabing siya na lang ang pakasalan ni Belinda. Ang mas nakakagulat, nandito siya sa kotse kahit hindi naman niya ito kilala.“Sa tingin mo ba may oras ako para mag-joke?”“But we don't know each other. Ni hindi ko alam kung paano ka nakapasok sa bahay. Hindi natin kilala ang isa't isa tapos magpapakasal tayo? You know what? Kung nangti-trip ka lang, sabihin mo na.”The guy looked at Belinda. “Ayaw mo? So you want to marry that cheater instead?”Natahimik si Belinda. Ayaw ni Belinda na pakasalan pa si Danilo, pero naisip nito ang lola niya na siyang unang madidisappoint kapag hindi natuloy ang kasal.“I get why you can't trust what I said. That woma
CHAPTER 3“You may now kiss the bride.” Nataranta si Belinda nang marinig iyon, pero hindi niya pinahalata. Hindi niya lubos akalain na ibang tao ang unang mahahalikan niya dahil kahit kailan ay hindi siya nagpahalik kay Danilo.Tinaas ni Van ang veil ni Belinda. Napapamura na lang si Belinda sa isip niya nang makita ang paglapit ng mukha nito. Ayaw niya sana dahil alam naman nito na walang pagmamahal sa pagitan niya, pero alam niya rin na magtataka ang lahat kapag hindi siya pumayag dahil maraming matang nakatingin sa kanila.Napapikit siya at hinintay ang halik, pero napamulat siya ng tingin nang maramdaman ang halik sa noo niya imbes na sa labi. Nagulat siya, pero parang wala lang kay Van dahil agad itong humarap sa mga tao.Matapos ang kasal, maraming bulungan sa paligid at karamihan ay kamag-anak ni Belinda na dumalo. Nakasimangot ang dalawang kapatid niya at masama ang tingin sa kanya.“Ano ba ‘yan. Talagang hindi mahal ni Edward ang anak niyang ito kahit siya naman ang totoong
CHAPTER 4Sobrang saya ni Belinda nang makita niya ang lola niya at hindi lubos alam ni Belinda kung paano papasalamat si Van. Hindi sila magkakilala nang lubusan, pero halos mula noong nagkita sila ay puro mabubuting gawa ang pinakita ni Van sa kanya.“Matutunaw ako sa titig mo,” napabalik sa sarili si Belinda nang marinig iyon mula kay Van na nanatiling nakatingin sa harap niya. Napaiwas siya ng tingin at tumingin na lang sa labas, pero napatingin ulit siya kay Van.“Salamat kanina. Salamat kasi sinabi mong aalagaan mo ako. Hindi ko inaasahang sasabihin mo iyon. Mapapanatag na si Lola sa sinabi mo. Salamat talaga,” tuloy-tuloy na ani Belinda nang hindi na niya mapigilan ang sarili.Mabilis lang na tinignan ni Van si Belinda bago ito magsalita.“Hindi mo kailangang magpasalamat. Sinabi ko na, asawa kita kaya ko ito ginagawa lahat.” Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Belinda. Napatingin si Belinda sa daliri niya kung nasaan ang wedding ring nilang mag-asawa. Talagang asawa na n
CHAPTER 5Kakaibang sensasyon ang naramdaman ni Belinda nang halikan siya sa leeg ni Van. Pakiramdam niya ay may nagising sa kaloob-looban niya, dahilan kaya hindi niya magawang itulak ito.Sa isip ni Belinda ay mali na nagpapahalik at nagpapahawak siya dahil kahit kasal sila ay hindi pa rin nila gaanong kilala ang isa't isa.Masyadong mabilis ang lahat para hayaan niya si Van na hawakan at halikan siya, pero ang katawan niya ay masyadong okupado na sa bawat haplos at halik ni Van, na para bang sinasabi ng katawan niya na si Van ang nagmamay-ari nito. Hindi niya maipaliwanag. Hindi naman kasi niya naramdaman ito sa dating fiancé.Bumaba ang halik ni Van sa panga ni Belinda, na siyang nagpatingala kay Belinda kaya madaling bumaba pa ang labi ni Van para tuluyang maangkin ang leeg ng kanyang asawa.Kakaligo pa lang ni Belinda, pero pinagpapawisan na siya. Biglang sobrang init ng paligid kahit na alam niyang naka-aircon naman ang paligid.Napapikit si Belinda nang mariin nang maramdaman
Nagising si Belinda na walang tao sa tabi niya. Tinignan niya ang sarili at napansing nakasuot na siya ng t-shirt at may underwear na rin. Iniisip pa lang niya na pinalitan siya ni Van pagkatapos siyang mapagod at makatulog sa ginawa nila ay talagang nagpapamula na sa mukha ni Belinda.Hindi niya lubos akalain na naibigay niya ang sarili ng ganoong kadali. Ilang beses nang sinubukan ni Danilo na may mangyari sa kanila, pero kahit kailan ay hindi niya ito pinagbigyan. Pero ngayon, dahil lang sa haplos at paglapit sa kanya ni Van, naibigay niya ang sarili ng walang pag-aalinlangan.Dahil mag-isa na lang siya, hindi niya mapigilang ilibot ang paningin sa buong kwarto. Ngayon lang niya napansin na sobrang laki ng kwarto. May malaki ring kurtina sa gilid kaya kuryuso siyang tumayo at lumapit roon.Isang wall glass ang tinatakpan ng malaking kurtina. Pagkamangha ang namayani sa mukha niya nang makita ang napakalaking lupain sa harap niya na puno ng mga bulaklak.“Ma'am, gising na po kayo?”
Chapter 7Dumausdos ang kamay ni Van sa bewang ni Belinda pagkatapos ng tanong na iyon.“So you want to keep me a secret, hmm?” Van asked again to Belinda. Madilim ang tingin nito na animo'y hindi talaga niya nagustuhan ang narinig mula kay Belinda.Naramdaman din ni Belinda ang magaang haplos ng kanyang asawa sa bewang niya kaya hindi niya maiwasang lumunok.“Wala namang masama, hindi ba? Saka may rule sa kompanya tungkol sa prohibited office romances. Sige ka, baka matanggal ka pa sa trabaho.”“My surname is Villariva,” mariing sambit ni Van.“But it doesn't mean that you are the owner who can manipulate the rule. Kung kamag-anak ka man ng chairman, it doesn't mean that you can be an exception to that rule.”Napalunok ulit si Belinda nang maramdaman niya muli ang haplos ng kanyang asawa sa kanya. Medyo nababasa na rin ito dahil basa ang katawan niya, pero kahit na ganoon ay hindi nito inalintana iyon, hinayaan ni Belinda na nakahawak sa kanya ang asawa.Nakita ni Belinda ang pag-igt
**Chapter 8**Anong ibig sabihin ng paghihintay niya sa babaeng nanloko sa kanya? Napatawad na siya? Ganoon kabilis?“Ayos ka lang, Ma'am?” tanong ni Rose na nasa tabi ng mga vase, nagpupunas. Kanina pa siya doon at alam ni Belinda na kanina pa nagtataka si Rose sa kinikilos nito, pero masyadong okupado si Belinda para bigyan pa iyon ng pansin.“Bakit naman hindi ako magiging maayos?” nakasimangot na tanong ni Belinda saka muling tinignan ang daan patungong pool.Napatayo si Belinda nang makita ang nakangiting si Kia. Umabot ng isang oras ang pag-uusap nila, na halos hindi matanggap ni Belinda dahil hindi niya naisip na pwedeng tanggapin ni Van sa tahanan niya ang babaeng nagtaksil sa kanya.“Anong itsura iyan? Para kang na-stress ng ilang oras, ah,” sambit ni Kia at saka tumawa. “Anong pinakain mo sa kanya at napatawad ka niya agad?” Hindi mapigilang itanong iyon ni Belinda ng may pang-iinsulto.“Ang bait talaga ni James. Do you know what he promised to me? A house, a lot, and a c
“P-Pumunta ka dito para humingi ng pera?” matigas at sarkastikong tanong ni Cheska.Tumango ang kanyang ina na animo’y bored pa, para bang wala lang ang pagdaramdam ni Cheska. “Oo, ano pa bang dahilan? Bigyan mo na ako ng pera o kaya humingi ka ng pera sa Buenavista na iyon.” Biglang seryosong ani ng kanyang ina, habang nanlalalim ang titig.Napapikit si Cheska at halos sabunutan ang sarili sa irita. “Hindi kita maintindihan. Anong humingi sa mga Buenavista?” Takang tanong ni Cheska. "Naririnig mo ba ang sarili mo?" Dugtong pa ni Cheska dahil parang subrang laking kahibangan iyon.“Ano? Magmamaang maangan ka? Sabi ko humingi ka ng pera sa mga Buenavista at ibigay sa akin para may pambayad ako sa mga utang ko!” Medyo lumakas pa ang boses ng kanyang ina na animo’y naiirita na rin.Lahat ng kontrol na meron si Cheska ay unti-unting nawawala. Hindi niya alam kung saan nito nalaman ang tungkol sa mga Buenavista, pero hindi na iyon ang mahalaga ngayon. Hindi ito ang tamang oras para sa gan
Chapter 98Madaling-araw pa lang ay gising na si Cheska. Halos hindi niya nilubayan si Nero buong gabi. Ilang beses siyang tumingin sa orasan, binibilang ang mga minutong lumilipas habang pilit niyang pinapakalma ang sarili. Sa labas ng bintana, dahan-dahan nang lumiliwanag ang langit—banayad, tila unti-unting bumubukas ang isang panibagong pahina.Tahimik ang buong ospital. Ang katahimikan na iyon ay mas lalo pang nagpapabigat sa dibdib ni Cheska. Wala siyang marinig kundi ang tik-tak ng orasan. Nakaupo siya sa gilid ng kama ni Nero, marahang hinihimas ang maliit nitong kamay.Nang magising ang kapatid ay agad na ngumiti si Cheska, pilit tinatago ang kaba at pag-aalala.“Wala bang masakit sa’yo?” agad na tanong ni Cheska.Naupo si Nero at umiling.“Wala naman po,” ani nito at saka tumingin sa pinto. “Si Mama po kaya? Hindi po kaya siya pupunta ngayon dito? Hindi na siya bumalik pagkatapos ng araw na pumunta siya dito na may kasamang lalake na may baril,” ani nito.“Nero naman. Araw ng
Chapter 97“Gusto ko lang tanungin kung pinuntahan ka ba ni Mama at tinanong ba niya kung saang ospital naka-confine si Nero.” Mabilis at may halong kaba ang tanong ni Cheska kay Cris.Ilang gabi na siyang hindi makatulog dahil sa pagbisita ng kanyang ina—kasama pa ang lalaking armado. Hindi niya alam kung ito ba’y bunga lang ng matinding stress, bangungot lang ba, o isang panibagong gulo sa buhay nila. Ngunit isang bagay ang sigurado: kahit masama pa rin ang loob niya sa kanyang ina, hindi niya mapigilang mag-alala. Kung may utang ito sa lalaking iyon, baka mapahamak ito. At kung alam ng lalaki kung saan naka-admit si Nero, baka pati sila ay madamay.Sa lahat ng maaaring pagtanungan ng kanyang ina, si Cris lang ang naisip ni Cheska. Si Cris lang kasi ang posibleng may alam tungkol sa kanila. Kaya kahit na hindi pa sila maayos at sariwa pa ang bigat sa pagitan nila, nilakasan ni Cheska ang loob niya para humarap dito.“Bakit? Pumunta siya sa ospital? Hindi ko pa siya nakikita, at hindi
Chapter 96Tumigil sa pag-akyat si Azrael. Nanigas siya sa kinatatayuan, at unti-unting bumigat ang hangin sa paligid nila. Dahan-dahan siyang lumingon, sapat lang para marinig ng lola niya ang bawat salitang bibitiwan niya.“Ano bang sinasabi ninyo?” madiin niyang sabi, boses niya'y punô ng galit na pilit niyang nilulunok. “Ginamit mo talaga ngayon ang kapatid niya bilang panakot sa akin? Para sundin kita? Lola, are you even serious?"Hindi sumagot ang lola niya. Tahimik itong nakatayo sa kinatatayuan at seryosong tumitig lang kay Azrael, Hindi man lang umiwas ng tingin na animoy hindi nag-sisisi sa sinasabi.“He needed a surgery, may sakit iyong bata tapos gagamitin mo lang panakot sa sakin?” mapait na natawa si Azrael, puno ng hindi makapaniwala. “Akala ko you cared about me. Pero ganito? You want to control me so badly, you’re willing to ruin someone else’s life just to get what you want?”“Hindi mo ako naiintindihan—” panimula ng matanda.“Talagang hindi kita maiintindihan kung ga
Chapter 95"I'm sorry, pupuntahan na lang kita sa hospital. Let me just talk to her." Agad na hinalikan ni Azrael si Cheska sa noo at saka sinulyapan ang driver na nasa tabi na ng kotse niya. Napapikit si Cheska at dinama iyon, sinubukang irelaxang sarili sa pamamagitan ng mainit na halik si Azrael sa noo niya."Pakihatid siya, and don't drive recklessly," mariing bilin ni Azrael sa driver, at halatang seryoso siya sa sinabi niya—kaya naman halatang ninerbiyos ang driver sa bigat ng tono nito.Napansin agad iyon ni Cheska kaya agad niyang hinawakan ang kamay ni Azrael para pakalmahin ito. “Sige na. Balik ka na sa taas--condo mo,” aniya sabay ngiti para ipakitang ayos lang siya. “At hindi mo naman kailangang humingi ng sorry. Okay lang naman kung umuwi na muna ako para makapag-usap kayo ng lola mo. Paniguradong nagulat lang siya kasi nasa kwarto mo ako—gayong unang beses niya pa lang akong nakita.” Dagdag pa niya, pilit ipinapakita ang pagiging mahinahon kahit may kirot sa loob dahil hi
Tahimik ang buong paligid. Nilibot ni Cheska ang tingin sa buong kwarto ni Azrael—nasa kwarto na siya nito. Nakaupo siya sa kama habang si Azrael ay naliligo sa bathroom.Dumeretso si Azrael sa hospital pagkatapos ng pag-uusap nila ng lola niya, kaya ngayon pa lang ito nakauwi sa condo niya.Napabuntong-hininga si Cheska nang lumabas si Azrael sa bathroom at agad nagtama ang tingin nila. Napaiwas si Cheska, pero naramdaman niya ang paglubog ng kama sa tabi niya. Dahil doon ay napasulyap na lang ulit si Cheska dito.“Are you really okay?” tanong ni Azrael habang pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya. Mababa ang boses—malamig, pero may halong pag-aalala.Tumango si Cheska. “Oo naman. Okay nga lang—”“Tsk! Tell that to someone who easily believes lies, because baby, I’m not going to buy that.” Hinawakan ni Azrael ang likuran ni Cheska para haplusin. “Looks like you are not really going to tell me why you cried a while ago there, huh?” Malumanay at punong-puno ng lambing na tanong pa ni
Chapter 93Ilang sandali pa ay napapikit na si Cheska ng mariin.Parang hindi na siya nag-isip nang kusa na lang gumalaw ang daliri niya sa search bar — Azrael Ford Villariva-Buenavista. Hindi siya sigurado kung may lalabas, pero dahil alam niyang kilala ito at galing sa prominenteng pamilya, sinubukan na rin niya.Ilang segundo lang, nagpakita agad ang resulta.Napasinghap siya nang lumabas ang larawan ni Azrael — nakaayos, maayos ang postura, eleganteng suot, nakatayo sa harap ng isang malaking gusali na malamang siya mismo ang nagdisenyo.Nag-scroll si Cheska, at sa bawat paggalaw ng daliri niya, mas lalo siyang napapabuntong-hininga. Isang article ang tumama agad sa paningin niya, at hindi na siya nagdalawang-isip na basahin ito:"Azrael Ford Villariva-Buenavista, at just 28 years old, has already achieved so much in life. Even though he was born rich and came from a powerful family, he didn’t rely on that to succeed. Instead, he started from the bottom and worked his way up throug
Chapter 92“Ate, okay ka lang?”Napasulyap si Cheska sa kapatid niyang si Nero na nakaupo sa tapat niya sa hapag-kainan.Kumakain sila ng hapunan, pero malayo ang tingin ni Cheska. Parang wala siya sa sarili habang hawak ang kutsara't tinidor, paulit-ulit lang na sinusundot ang kanin sa pinggan niya pero halos wala siyang naisasubo. Mabigat ang dibdib niya, at hindi niya maalis sa isip ang sagutan nila ni Cris kanina.Sinubukan niyang isa-walang bahala iyon. Palagi naman siyang ganun — matatag, hindi nagpapadala sa emosyon. Pero ngayon, ibang-iba ang tama ng mga salitang binitiwan ni Cris. Diretsahan, walang paligoy, at ang mas masakit, totoo.Mahirap siya. Nabibiling siya sa mahihirap na tao sa mundo, ni halos wala siyang matawag na talagang tahanan dahil nas iskwater area lang naman sila nakatira at malaki ang posibilidad na darating ang panahon na mapaalis sila doon. Samantalang si Azrael… hindi lang mayaman, kundi sobrang yaman. Hindi lang iisa ang bahay nila, kung hindi napakara
Aalis na sana si Cheska, pero agad siyang hinawakan ni Cris para pigilan.“Sorry. Hindi ko lang mapigilang mag-isip kasi ang sabi mo boss mo lang siya tapos biglang makikita ko kayong maghahalikan. Nagulat lang ako—”Inis na tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at sarkastiko itong tinignan. “Nagulat ka? Ganyan ka magulat? Paparatangan mo ako ng kung ano-ano? Nandito ako kasi magpapaliwanag ako sa’yo, oo nagulat ka, pero wala kang karapatan na sabihan ako ng kung ano-ano na parang… parang wala akong pinagkaiba sa mga babae sa bar.”Nanigas si Cris. Hindi siya makatingin ng direkta ngayon kay Cheska. Nakasubsob ang tingin nito sa lupa, parang batang nahuli sa kasalanan. Namumutawi talaga sa kanya ang pagsisisi sa mga sinabi nito.“Cheska—”“Nagtrabaho ako doon, pero hindi ako nagbenta ng katawan doon. Nagtrabaho ako doon at nakilala si Azrael, pero hindi ibig sabihin non, sa kanya ko binebenta ang katawan ko. Boss ko siya, pero hindi para ibenta ang katawan ko.” Mariing a