Wala pa yan naalala, pero bakit naman ganyan na umasta ang ating amnesia guy?
“Oh!” Agad kinuha ni Cheska ang inaabot ni Aiden na beer sa kanya, binuksan at lumagok.“Iyang kuya mo, maghahanap na nga lang ng babaeng ipapalit sa akin, parang may sira pa sa utak!” Hindi na mapigilan ni Cheska ang pagsabog ng sama ng loob sa mga salitang iyon. Sa unang lagok palang ng beer, sumambulat na ang matagal na niyang pinipigilang mga salita.Nasa labas sila ng convenience store, nakaupo sa may sementadong gilid ng paradahan. Maliwanag mula sa streetlights, pero malamig ang ihip ng hangin sa gabi. Kaunting katahimikan lang ang bumabalot, bukod sa tunog ng mga gumugulong na sasakyan sa highway.“Ilang araw lang akong nawala, mukhang ang dami ng nangyare, ah. Akala ko ba hindi mo tatanggapin iyong misyon?” ani Aiden habang tinitikman din ang kanyang beer.“Eh, baliw nga kasi ‘yung babaeng papakasalan ng papa ng anak ko kaya—” Halos mapamura si Cheska habang umiikot ang mga mata sa inis.“Ang sabihin mo, hindi mo lang matiis si Kuya. Miss mo na? Tutal naman hindi na sumasakit
“Do you need anything, Mr. Buenavista?” Sa halip na patulan ang sinabi nito, iyon na lang ang tanong ni Cheska.Kumunot ang noo ni Azrael sa hindi nito pagpansin sa sinabi niya. Napasulyap lang si Cheska sa basong hawak nito nang lagukin niya iyon.“Well, you are spacing out while you’re working, Agent Carrido. Nakikipagtext pa. Sa tingin mo ba mababantayan mo ang fiancée ko kung iba ang iniisip mo at ginagawa mo? You’ve been working for almost four days, and yet every time I look at you, you seem distracted. What is it? Your boyfriend?”Iritang sambit ni Azrael.Kumunot din ang noo ni Cheska.Tingin mo ba may oras pa akong makipag-boyfriend?! Ang anak natin ang iniisip ko, gago!Sigaw ng isip niya, galit na galit. Kung puwede niya lang iyong ibulyaw, ginawa na niya. Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili at pinipigilan ang sarili na maibulalas iyon.Tinitigan niya si Azrael, hinahanap ang dahilan kung bakit ito galit. Kahit may iniisip siya, hindi naman siya nagpapab
Chapter 132Hindi pa rin maalis sa isip ni Cheska ang pag-uusap nila ng anak niyang si Thali. Hindi niya akalain o naisip man lang na masasabi nito ang bagay na iyon. Alam naman niya na darating ang araw na babanggitin nito ang salitang papa, pero ang marinig iyon, at sabihing galit ito, ay parang hirap si Cheska na tanggapin.Hindi niya gusto na ganoon ang maging tingin ni Thali sa kanyang ama—lalo na’t hindi naman sila iniwan, o ginusto man ni Azrael na wala sila sa tabi nito. Kaya naman parang puputok na ang ugat sa batok niya habang iniisip iyon.“Ang boring naman ng misyon na ‘to. Wala man lang bakbakan. Wala din akong nakikitang kahina-hinala sa paligid ng Bianca na iyon,” reklamo ni Garry matapos ang isang araw na pagbabantay ng grupo nila.Nasa headquarters na sila. Inaayos na lang ni Cheska ang mga gamit at uuwi na sana siya. Hindi niya nagawang sunduin ang anak dahil sa pagbabantay kay Bianca.“Alam mo, nagtataka ako. Ang sabi, nakita ang death threat sa condo ni Bianca, per
“Pvtang ina.” Mura ng mga kasamahan ni Cheska.Wala na siyang choice kung hindi ang sabihin iyon lalo na at nalaman na niyang nagpa-background check na ito at may isang letrato itong nakita na kuha noon kung saan, nandoon siya kasama ang mga Buenavista at hindi na siya nagulat sa naging reaction nila. Nasa kwarto sila kung saan, grupo lang nila ang pwedeng pumasok. Ramdam ni Cheska ang tensyon, pero hindi siya nagpakita ng kahit anong pag-aalinlangan. Pinanindigan niya ang lahat, lalo na ang desisyon niya iyon.“K-Kung ganoon hindi ka niya maalala tapos si Thali…? Anak ninyo?” si Garry na halos takpan ang labi sa sobrang gulat. Para bang hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. Nakatingin siya kay Cheska na tila ba may hinihintay na kumpirmasyon."Grabe ito, ah. Anong buhay ang meron ka? Pwede na itong ipasa sa TV,." Pagbibiro pa ni Garry.“Pero bakit mo tinanggap iyong misyon? Okay na nga sa amin na hindi mo iyon tanggapin kaya—” Si Haze“Gusto niya raw akong bilhin,” simpleng ani
“Maupo ka—”“Kilala mo ako?” Mabilis na tanong ni Cheska, at kasunod nito ay napangisi siya. “Malamang oo, dahil hindi mo naman sila papaalisin kung hindi mo ako kilala.” Sarkastikong natawa pa si Cheska, halatang hindi impressed sa presensya ng kaharap.Tinignan niya ng seryoso si Bianca. Kitang-kita niya ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa labi nito—parang isang maskarang unti-unting natutuklap.“I am his fiancé—”“Oo, alam ko. Kakasabi mo lang kanina. Wala ka na bang ibang masabi?” Iritadong tugon ni Cheska, ramdam ang inis sa paulit-ulit na sinasabi ng babae.“Franchesca Carrido. Oo, kilala kita. Alam ko lahat ng nangyari limang taon na ang nakakalipas,” mariing sabi ni Bianca, at napailing si Cheska habang pinapanood ang pagbabago sa ekspresyon ng babae. Sa itsura nito ngayon, malinaw sa kaniya na nagkamali siya ng akala. Akala niya ay mabait ito gaya ng unang tingin niya rito, pero ngayon, kita na niya ang tunay na kulay.“Alam ko rin kung gaano kasama ang mama mo. Ikaw ang da
Chapter 130 “Wala akong maalala kagabi, may ginawa ba ako?” Seryosong tanong ni Cheska sa mga kasamahan habang pinupunasan ang baril. Ramdam ang bigat sa boses niya, tila may bahid ng kaba at pagkalito, habang paulit-ulit ang pagpunas sa baril nito.“Mukhang wala naman,” sagot ni Haze habang nakatitig sa target. “Hinayaan ka na namin noong nakainom ka, dahil alam naman namin na kaya mo ang sarili mo.” Simpleng ani ni Haze na ramdam pa rin ang sakit sa ulo dahil sa naparami ang inom niya ng anak.“Nakauwi ka nga ng matiwasay, ‘di ba? Ibang klase ka talaga,” si Garry naman ang sumingit, may halong biro at iwas sa seryosong usapan. “Kapag lasing ako, hindi ko na alam kung saan ako pumupunta, pero ikaw, kahit ilang alak ang ininom mo, kaya mo pa ring umuwi. Nakakalimot nga lang,” natatawang ani ni Garry habang inaayos ang baril na hawak niya. Pero nang makita ang seryosong tingin ni Cheska sa kanya, unti-unting nawala ang ngiti niya at napitikom ang labi.Natigilan si Cheska. Paggising n
Chapter 129“What the fvck is happening to me!” inis na sambit ni Azrael sabay bangon mula sa kama, pawis na pawis ang noo kahit malamig ang silid.He couldn’t sleep. He couldn’t stop thinking about Cheska—ang halik nila kanina, ang tingin nitong puno ng damdamin, at higit sa lahat, ang pag-iyak nito. Bakit ang bigat-bigat sa dibdib niya? Bakit pakiramdam niya ay siya ang dahilan kung bakit ito umiiyak?“Fvcking hell, Azrael. Aren’t you too old for this bvllshit?” bulong niya sa sarili, pilit pinipigilan ang alaala ng mukha ni Cheska—ang sakit, ang lungkot, na para bang siya mismo ang dahilan.Bumagsak ulit ang katawan niya sa kama, pinikit ang mga mata at pilit inaalis sa isip ang imahe ni Cheska, pero imbes na mawala, mas lalo pa itong luminaw."Pagod na pagod na ako..."Dinig na dinig niya sa isip ang boses ni Cheska, umiiyak, wasak.“P-Palagi mo na lang akong sinasaktan!”Napamulat siya bigla, habol ang hininga.Hindi na siya nag-atubili. Tumayo siya, walang pakialam kahit dis-ora
Parehas silang humugot ng malalim na hininga pagkatapos ng maalab at matagal na halik na iyon—tila kapwa nilamon ng init at damdaming matagal nang kinikimkim, kahit para kay Azrael na hindi maintindihan kung saan lahat ito nanggagaling.Si Cheska, nanatiling nakapikit. Hindi na siya gumalaw, parang ninanamnam pa rin ang bawat segundo ng halik na tila ba isang alaala sa isang panaginip na ayaw niyang magising. Bahagya siyang nanginginig, hindi lang dahil sa alak kundi sa bigat ng damdaming pilit niyang tinatago—o marahil, pilit nang lumalabas.Samantalang si Azrael… hindi niya mapigilang titigan si Cheska. Umawang ang labi ni Azrael nang bumaba ang tingin niya sa labi nito, muli may imahe, may babae, pumikit ng mariin si Azrael, pilit na pinipigilan ang sarili na mapahiyaw sa pananakit ng ulo niya.“Kuya?”Nanlaki ang mata ni Azrael at agad na napatayo nang maayos, parang natauhan sa pagkabigla sa narinig. Biglang nawala ulit ang imahe sa isip niya at pati na rin ang pagsakit ng ulo ni
Chapter 127Nanlaki ang mga mata ni Azrael.Halos hindi siya nakakilos sa gulat. Nakapako ang katawan niya sa kinatatayuan habang nanatiling nakatitig sa babaeng ngayon ay nakangiti pa, waring inosente sa ginawa. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya—hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa pagkalito, sa pag-angat ng alon ng mga alaala na pilit umaahon mula sa kailaliman ng kanyang isipan.Napapikit siya nang bahagyang lumayo si Cheska mula sakanya, hawak pa rin ang labi niya. Bigla, parang sumabog ang kirot sa ulo niya—isang iglap na flash. Imaheng malabo. Isang eksena—isang boses, isang tawa. “W-What the hell was that?” mahina pero mariing bulong ni Azrael, habang hawak pa rin ang kamay ng babae.“P-Pwede ka nang maglaho,” natatawa at lasing na ani ni Cheska, waring wala sa sariling kinakausap ang panaginip niya.She always dreamed like this. On sleepless nights, when the silence became too loud, she would dream of Azrael. She would dream of kissing him, holding him again. Drea