"Aray ko naman, hijo de puta! Kailan ka pa naging mangingisda?!" Napalingon ako sa kaibigan kong si Tati nang dumaing siya sa tabi ko habang sinusubukan siyang kuhanan ng dugo ng kaibigan ko. Pangalawang ulit na kasi siyang tinusukan ng vacutainer needle at mukhang nahihirapan siyang mahanapan ng ugat sa kanyang magkabilang braso.
Hindi ko na napigilan ang mapahalakhak sa kanyang reaksyon. "Bakit ka kasi nagpauto sa mga medtech?"
Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko. "Girl, hinarang ba naman ako nitong bruhang si Ivory! Sabi niya ay sagot na raw niya ang lunch ko mamaya kapag pumayag akong magpakuha ng dugo sa kanya," reklamo niya sa akin habang napapangiwi sa sakit matapos siyang makuhanan ng dalawang tube ng dugo.
"May practical quiz kasi kami mamaya tungkol sa blood smearing..." I drawled before resting my eyes for a bit. "Kailangan namin ng dugo para mag-practice."
"Sinong willing mag-donate d'yan ng dugo? Kahit isang tube lang, oh! Makakatulong kayo sa pag-aaral ko! Isasama ko kayo sa graduation speech ko, promise!"
"Assumerang 'to! Sure ka bang makakaabot ka ng fourth year?!" pag-kontra sa kanya ng kaibigan kong si Rafael sa umaga, si Rafaela naman sa gabi.
Muli akong kumuha ng dugo mula sa tube at nagpatak ng kaunti sa ibabaw ng microscopic slide. Huminga muna ako nang malalim bago ikinalat ang dugo roon. Napatayo ako sa gulat nang makitang perpekto ang pagkakahulma ng blood smear ko. "Sa wakas, naka-isa rin!" maligayang sabi ko.
"Sana all anak ng Diyos, Gella," mapait na sinabi ni Ivory.
I chuckled a bit. It was just another normal day for us, medical technology students. Normal ang ganito araw sa amin dahil nasanay na kami sa ganitong takbo ng aming mga araw sa paaralan.
"Quiz na naman..." pagod kong sinabi. Ipinatong ko ang ulo ko sa ibabaw ng makapal kong reviewer na iq-quiz namin mamayang alas tres y media. Nandito kami ngayon nila Ivory at Rafael sa library upang mag-review para sa isang long quiz mamaya. Major subject namin iyon at pagkatapos naming mag-quiz doon sa lecture ay magpa-practical quiz naman kami sa laboratory ng blood smearing.
"Ang surname ba ni Ma'am Cielo ay Quiz?" sarkastikong sabi ni Ivory bago umirap. "Para kasing siya ang nag-imbento ng quiz, eh!”
"Kainin ko na lang kaya 'tong reviewer ko, 'teh!? Ang hirap naman!" reklamo naman ni Rafael.
Humalumbaba ako at bahagyang ipinilig ang katawan paharap sa kanila. "Huwag na lang kaya nating pasukan 'tong subject na 'to mamaya?" suhestiyon ko sa kanila.
"Sabay-sabay na lang tayong mag-special quiz, ano?" ani Ivory bago humawak sa kanyang baba na tila ba napapaisip sa suhestiyon ko. Sa huli ay pare-pareho pa rin naman kaming pumasok sa klase taliwas sa mga pinaplano namin kanina.
Simula noong pinasok ko ang kursong ito, na-realize ko na mas magandang harapin ang mga pagsubok kaysa takasan ito. Parang sa mga quiz lang, mas magandang gamitin mo na agad 'yong pinaghirapan mong aralin magdamag kaysa takasan iyon para lang makapagpahinga. Wala naman kasing magbabago, eh. Kukunin mo pa rin naman iyon kahit anong mangyari. Mas matatambakan ka nga lang ng quiz kung iipunin mo pa iyon kaya mas hassle.
Pagkalabas ng silid ay sinalubong ako ng maligamgam na hangin. Hinilig ko ang aking katawan sa barandilya at pinagmasdan ang mga taong naglalakad sa ibaba ng building. Nandito kami ngayon sa pinakaitaas na palapag at nakatambay sa laboratory habang inaabangang dumating ang professor namin sa major subject. It was just another normal day for me, ang kaibahan lang siguro ay half-day lang ang klase namin dahil buong maghapon ay nasa auditorium kami upang tumulong sa gaganaping blood-letting activity mamaya.
"Sis, may nakuha ka na bang dalawang donor para sa activity niyo mamaya?" Bumaling ako sa kaibigan kong si Tati nang kausapin niya ako. Inilagay niya ang isa niyang kamay sa loob ng bulsa ng kanyang pang-itaas na uniporme habang nakatingin sa akin.
Tumango ako sa kanya. "Dalawang students from College of Engineering," sagot ko.
"Sayang! Available pa naman ako mamaya,” aniya bago humilig din sa barandilya. She narrowed her eyes and looked at me suspiciously. "Teka… ex mo ba 'yan?!"
I groaned at her accusation. "Seryoso ka ba? Wala pa akong nagiging jowa, remember?"
"Ex-manliligaw mo 'yan, 'no?" pang-uusisa niya.
I glanced at her and tried to suppress a smile. Penelope Tatiana Fuentebella is my childhood best friend. We've been friends for more than half of our age. Parehas kami ng pinapasukang school noon pa man at ngayon lang yata kami nagkahiwalay ng section dahil magkaiba kami ng kinuhang program. We still share the same dreams, though. Magkaiba nga lang kami ng piniling kurso ngayon. She took up B.S. Nursing while I took up B.S. Medical Technology as my pre-medical course. Gayunpaman, hindi pa rin naman kami mapaghiwalay kahit na minsan ay nahihirapan kaming mapagtugma ang mga vacant time namin sa schedule.
College taught us to be more mature in terms of our way of seeing and understanding things. We learned to cope up and just let go of the things we cannot control.
"Si Rafael yata, kulang pa ng isang donor. Nangbu-bully na nga si gaga para lang sapilitang makahanap ng donor," natatawang sabi ko.
She scowled at me. "OMG, you're dodging my accusation! Sino ‘yan sa mga manliligaw mo, huh?!"
I shook my head in disbelief. "Ang malisyosa mo talaga kahit kailan, Tati! Archimedes and Emilio are my friends since senior high!”
"Ah, si Engineer Valderrama lang pala..." She narrowed her eyes and observed my reaction. "Bakit ba ayaw mong sagutin si Engineer? Ang gwapo naman no'n, ah? Matalino at masaya pang kasama!"
My brow shot up. "Bakit hindi na lang kayo?"
She looked at me like I said something weird. "Ayoko nga! Mukhang paglalaruan at sasaktan lang ako no'n! Ayoko sa mga mukhang playboy!" Humalukipkip siya at pinaningkitan ako ng mata. "Teka nga... bakit ipinapasa mo bigla sa akin?!"
Ilang saglit pa kaming nagtalo tungkol doon bago niya ako tuluyang tinigilan. Maya maya ay tinawag na si Tati ng kanyang kaklase dahil naroon na yata ang professor nila. Nagpaalam muna siya sa akin bago nagmamadaling tumungo sa classroom nila. Maya maya rin ay dumating na ang aming propesor kaya sabay-sabay nagsinghapan ang mga kaklase ko at kanya-kanyang upo sa kani-kanilang mga upuan habang nagka-cramming. Kalmado lang akong pumasok sa silid at bumalik sa aking upuan. Tinanggap ko na lang ang aking kapalaran kung babagsak ba ako o hindi kasi tulad nga ng palagi kong sinasabi... wala naman akong ibang magagawa kundi ang mag-move on na lang.
Pagkalabas namin ng silid ay para kaming mga pinagbagsakan ng langit at lupa dahil kakatapos lang naming magsagot ng 80-item quiz mula sa mala-anghel naming propesor ngunit hardcore kung magpa-quiz.
"Nakakainis! Hindi ko magawang magalit kay Ma'am Jenny kasi ang bait niya masyado!" iritadong sabi ni Rafael. "Ta’s hindi ko rin maibagsak sa evaluation para makabawi man lang kasi ang bait niya masyado!" Napahalakhak ako dahil sa reklamo niya.
Pagkatapos kong kumain ng lunch kasama si Rafael at Ivory ay sabay-sabay na kaming tumungo sa auditorium para sa blood-letting activity. Ang activity na ito ay para sa subject namin tungkol sa phlebotomy. Parte na rin ito ng training namin sa pagkuha ng dugo.
Pagpasok pa lang namin sa auditorium ay sinalubong agad kami ng malamig na hangin mula sa air conditioner pati na rin ang mahihinang pag-uusap ng mga staff at volunteer ng Red Cross. Nakaupo at nakapila na rin doon ang dinalang donor ng mga kaklase ko. Sinuyod ng paningin ko ang dagat ng tao upang hanapin ang mga kaibigan kong pinapunta ko rito. Nang magtama ang tingin namin ni Archimedes ay kumaway agad ako sa kanya. I saw how his eyes immediately twinkled when he saw me. "Archi!" tawag ko sa kanya.
Mabilis siyang nakawala sa maraming tao at tumungo papalapit sa akin. "Georgianna..." nangingiting bati niya sa akin.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid upang hanapin ang kasama niya. I furrowed my brows. "Nasaan si Emil?"
Napakurap-kurap siya dahil sa tanong ko. "Uh, Gella, about that..." he trailed off.
My brow shot up as I waited for the next thing he would say. Napakamot siya sa likod ng kanyang ulo. "A-ano... sabi kasi ni Emil ay hindi raw siya makakarating ngayon dahil may lakad siya kasama ang mga kaibigan niya. Kaninang alas dose pa natapos ang klase niya kaya—"
"Ano?! Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa akin?" iritadong tanong ko.
"Sandali lang, magpapaliwanag ako!" depensa niya.
Huminga ako nang malalim at kinuha na ang aking cellphone sa bulsa upang maghanda nang maghanap ng pwede kong tawagan. The first person who came into my mind was Tatiana.
"I asked him to talk to you instead pero sabi niya ay nag-chat daw siya sa'yo kanina pero hindi mo raw binabasa ang messages niya. Sinubukan ka rin daw niyang tawagan pero hindi mo nare-receive—"
"Hello, Tati? Pwede ka pa bang maging donor? Bigla kasing nag-back-out si Emil— ano?! Pumayag ka na kay Rafael?" I groaned out of frustration. "Okay, sige... Salamat na lang sa lahat, Tati."
Pagod kong ibinaba ang cellphone ko at naghanap muli ng pwedeng matawagan sa contacts ko. "Pero may nagawa namang paraan si Emil—" I cut him off and put my phone against my ears again. Sinenyasan ko siyang lalabas muna ako. Parang maamong tupa naman siyang tumango sa sinabi ko kaya umalis na ako agad.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong maraming tao ang nakapila roon upang magparehistro at inaasikaso sila ng seniors namin sa pagfi-fill up ng form. Tumabi ako upang hindi makaharang sa daraanan nila. Inis kong ibinaba ang tawag nang hindi ito sagutin ng isa ko pang kaibigan mula sa College of Radiologic Technology. Sinubukan ko ulit maghanap ng iba pang mako-contact at sa huli ay naalala ko ang isang kakilala ko mula sa College of Nursing.
"Uh, excuse me, Miss... Dito ba ang blood-letting activity?" Iritado kong nilingon ang sumubok kumausap sa akin. Sinungitan ko lang siya dahil sa obvious niyang tanong at iniwan doon nang marinig ang pagsagot ng tinatawagan ko.
"Hello, Aira? Uh, ayos lang ba sa'yo kung kukunin kitang blood donor? Sorry, kailangan ko lang talaga para sa grades," nahihiyang sabi ko.
Ibinalik ko ang tingin sa lalaking sumubok kumausap sa akin kanina ngunit wala na siya roon at mukhang pumasok na sa loob o baka umalis na. Nagkibit-balikat na lang ako at ibinalik ang atensyon sa aking kausap.
"Hala sorry, Gella! Kaka-donate ko lang kasi last week kaya hindi pa ako pwedeng mag-donate ulit..." sagot ni Aira mula sa kabilang linya.
I sighed heavily and slowly nodded. "Okay. Pasensya na sa abala..." sabi ko bago pinatay ang tawag.
Bumalik na ako sa auditorium at nilapitan muli si Archi. Agad siyang napatayo sa kinauupuan niya nang makita ako. Nilagpasan ko siya ngunit bumuntot siya sa akin hanggang sa makalapit ako kay Rafael.
"Hi, future engineer! Kapag hindi pinalad, sa akin na lang..." ani Rafael sa aking katabi bago kumindat. Humalakhak si Archi bagp pabirong inakbayan si Rafael.
Bumaling ulit ako kay Archi. "Ano nga ulit 'yong sinasabi mo kanina?" mahinahong tanong ko sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. "As I was saying, may nahanap namang solusyon si Emil. Sabi niya sa akin ay may pinapunta raw siyang substitute donor dito," aniya.
Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung bakit hindi niya agad sinabi sa akin kanina pero naalala kong hindi ko nga pala siya pinapakinggan kanina. I smiled apologetically at him. "Thank you, Archi..."
His whole face flushed, and the corner of his mouth slowly turned up. "Wa-wala iyon, Gella. Ano ka ba..."
I chuckled and tapped his broad shoulders. Bumaling ako kay Ivory at naabutan siyang may binabasang papel. Inabot niya sa akin ang isang kopya na agad ko namang tinanggap. Pagkatapos basahin iyon ay napaawang ang bibig ko. "Rubrics? Graded activity na raw 'to?"
Tumango sa akin si Rafael bilang sagot. Bumaling ako kay Archi na nagpapabalik-balik ang tingin sa amin at mukhang hindi naiintindihan ang pinag-uusapan namin. "Nasaan na nga pala 'yong proxy ni Emil?" tanong ko sa kanya.
Bago pa siya makasagot ay nakaramdam ako ng isang presensya mula sa likuran ko. Nakumpirma ko lang iyon nang makitang doon nakatuon ang atensyon ng lahat ng nasa harapan ko pati na rin si Archi. Dahan-dahan akong lumingon at ang una kong napansin ay ang name plate niyang nakapatong sa kaliwang bahagi ng dibdib ng kanyang uniporme.
AVANZADO C.A.
I slowly lifted my gaze until our eyes met. Bahagyang napakunot ang noo ko nang mapansing pamilyar sa akin ang kanyang mukha. “Hi, uh… I'm Emil's friend. Ako 'yong kapalit niya bilang donor," he said in a deep husky voice. Dahan-dahang umawang ang bibig ko nang mapagtanto kung sino ang kaharap ko. Siya 'yong lalaking sinungitan ko kanina sa labas ng auditorium!
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kanya nang makitaan ng multo ng ngiti ang kanyang mga labi habang pinapanood ang aking reaksyon. Damn, nakakahiya!
Dear beloved readers, Hi, this is itsartemiswp! I would like to take this opportunity to thank each and everyone of you who've made it to the end of My Sweet Surrender. This is actually my first time writing a medicine-related fiction/romance-medical fiction. Isa ito sa mga akda kung saan mas naging malaya at kumportable akong magsulat. Kung mayroon man kayong natutunang aral sa istoryang ito, gusto ko lang malaman niyo na marami rin akong napulot na aral habang sinusulat ko ito. I dedicate this story to my beloved Artemians, my readers, who supported me until now and to the people who always believed in my potential as a writer. I love you all so much! At ikaw na umabot hanggang dito, this is for you. From the bottom of my heart, thank you very much. <3 See you in my next one! Love, itsartemiswp
Itinutok ko ang laser pointer sa isang litratong nilagay ko sa aking presentation bago ibinalik ang tingin sa aking propesor sa Clinical Correlation. “In this figure, the supraclavicular lymph node biopsy, accompanied by histologic examination and immunohistochemical analysis, showed the presence of Reed-Sternberg cells, which serve as a marker for Hodgkin lymphoma, and a positive test for CD30, which both made the diagnosis of classical Hodgkin lymphoma,” I trailed off and glanced at the man patiently waiting in front of our classroom while watching me present. Tumikhim muna ako bago muling nagpatuloy. “Based on the complete staging workup, the final diagnosis for this 27-year-old patient was classical Hodgkin lymphoma, nodular sclerosis subtype, stage IV-A.”“Very well done, Ms. Carvajal! Let’s give her a round of applause!” magiliw na pagbati sa akin ng aking pr
“Georgianna, pahiram naman ako ng notes mo sa Math! Nalimutan ko kasi sa bahay ‘yong reviewer ko, hays!” Pinagtaasan ko ng isang kilay ang kaibigan kong si Tatiana na halatang kakapasok lang sa aming silid-aralan at mukhang hinihingal pa dahil sa pag-akyat ng hagdan. Ngumiti siya nang matamis sa akin at pabirong kinurot ang aking pisngi. “Pretty please?”Napabuntong-hininga na lang ako sa pangungimbinsi niya sa akin at patamad na inilahad sa kanya ang aking reviewer. “Tinanghali ka na naman ng gising, ‘no?” napapailing na puna ko sa pagka-late niya ngayon sa klase.Sinimangutan niya ako habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok gamit ang kanyang kamay. “Napuyat kasi ako kaka-review kagabi,” depensa niya sa sarili gamit ang maliit na boses.Napaangat muli ang isang kilay ko sa sinabi niya at hindi na napigilan ang pagbaling ng buong atensyon sa kaibigan. “Talaga? Bakit sabi sa akin ni Jona ay ma
"Huling time-out para sa Grade 12 Humanities and Social Sciences strand," the announcer said. "Go, HUMSS! Go, Caleb!" "Akin ka na lang, Avanzado!" "Caleb lang malakas!" Tinukso ako ng teammates ko dahil sa tilian ng mga nanonood ngayon sa basketball championship game namin sa Intrams. Kalaban namin ngayon ang Basic Education Department na karamihan ay Grade 9 and Grade 10 students ang nasa line up. Kami naman ang representative ng senior high school department dahil natalo namin ang ibang strands at ang mga Grade 11. Noong semi-finals ay hindi namin inaasahang matatalo nila ang College Department ngunit ngayon ay napagtanto kong magagaling nga talaga ang players ngayon ng Junior High. Napailing na lang ako at lumagok mula sa water bottle na inabot sa akin ng aming manager. "Ganoon pa rin ang plano. Mas higpitan niyo pa ang depensa niyo para hindi na makahabol pa ang kabilang team. Tandaan niyo, dalawa lang ang lamang niyo kaya bantayan
Pagpasok ko pa lang sa ospital ay dumiretso na agad ako sa front desk upang tanungin kung saan ang room ni Daddy. Pagkabukas pa lang ng elevator sa tamang palapag ay naglakad na agad ako palabas. Hindi na ako nagulat nang nakasalubong ko si Allena sa hallway. Bumalatay ang gulat sa kanyang mukha nang makita ako na agad namang napalitan ng iritasyon. "Anong ginagawa mo rito?" pigil niya sa akin ngunit hindi ko siya pinukulan ng pansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Marahas niyang hinigit ang braso ko at pilit akong hinila paharap sa kanya. "Akala mo ba ay hindi ko nalalaman ang panglalandi mo sa fiancé ko habang wala ako?" Pagod ko siyang tiningnan at hinarap. "Ano na naman ba, Allena?" I drawled lazily. Humalukipkip siya at taas-noo akong tiningnan. "Just so you know, Georgianna, naging kami ni Caleb noong nawala ka. Nagkabalikan kami at nag-propose siya sa akin two years ago," she confidently said before showing off her engagement ring on her ring finger.
Pinanatili ko lang ang tingin sa pasyenteng maingat na itinutulak ngayon palapit sa helicopter. Bahagyang bumigat ang bawat paghinga ko nang maramdamang tumabi si Caleb sa akin. "Dr. Carvajal, sasamahan mo ba ang pasyente?" tanong ng isang paramedic sa akin. Bago pa ako makasagot sa kanya ay tumunog ang aking dalang two-way radio. "Dr. Carvajal, are you there?" I cleared my throat before speaking. "Received. What do you have there?" "Doc, we have an emergency case here. We have a trauma patient. His vitals are currently stable. He suffered from some abrasions and he's complaining about wrist pains. Na-check na po namin kung may nararamdaman ba siyang sensation sa kamay pero hindi niya raw maigalaw ang kanyang hinlalaki." Saglit akong napaisip. "Baka naipit ang median nerve niya. Use a pad splinter on his arm for now. Dalhin niyo muna sa rescue tent at hintayin niyo ako riyan." "Copy, Doc." Ibinaba ko muna ang radyo upang tumulo