Share

My Sweet Surrender
My Sweet Surrender
Author: itsartemiswp

Simula

"Everyone, listen!"

Agad akong napahinto sa pagbabasa ng chart ng isang pasyente nang marinig ang malalim na tinig ng Chief of Surgery ng aming ospital. Tumikhim siya na tila ba hudyat iyon ng isang paparating na masamang balita. Nilipat ko ang aking tingin sa mga nurse na nagmamadaling magbura ng mga nakasulat sa malaking whiteboard kung saan isinusulat ang upcoming surgeries. My brow automatically shot up after I had a hint of what was going on.

"We just received a mass casualty incident nearby. This is an emergent situation, and I need your full cooperation. Kailangan kong magpadala ng isang team sa area as soon as possible,” anunsyo niya. My heart skipped a beat when the chief's hawk eyes darted at me. "Dr. Carvajal, I want you to be in charge of the situation. Now, go!" mariing utos niya kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang kumilos at asikasuhin agad ang pagbuo ng team.

Huminga muna ako nang malalim upang ihanda ang sarili sa maaaring harapin mamaya. Gusto kong samantalahin ang oras na wala akong ginagawa at wala pa akong nakikitang nanganganib ang buhay habang nakasakay ako ngayon sa loob ng isang ambulansya kasama ang ilang doktor at paramedic. I spent my years studying to save other people's lives, and this is what I've been preparing for the past years. All my hard work is finally paying off and the memories of my days spent while studying in medical school seem like a distant memory to me now.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay tila bumagal ang takbo ng oras pati na rin ang mga kilos ng lahat ng tao sa aking paligid. Pagbukas pa lang ng pinto ng ambulansya ay umalingawngaw agad sa aking pandinig ang tunog ng iba't ibang sasakyan pang-rescue. The distant noises coming from different people trying to save other people's lives, too, sent my senses back to reality.

Napagtanto kong nandito kami ngayon sa isang highway kung saan naganap ang isang malaking aksidente dahil sa pagkakalaglag ng isang tren ng ikatlong linya ng sistema ng MRT. Dahil madalas ay traffic sa highway na ito, marami ang nabagsakan nito at napasama sa aksidente. Lahat ng malalapit na ospital katulad namin ay pinadalhan ng alerts tungkol sa nangyaring insidente kaya naman marami ang naririto upang tumulong at sumagip ng mga buhay.

Inayos ko ang suot na jacket at hinarap ang aking team. "Okay, everyone! Move your IDs outside of your jackets, and keep in mind that green tags are for non-emergent cases, yellow is for delayed care, and red is for those who need immediate treatment." Marahan silang tumango sa sinabi ko at hinanda ang kani-kanilang dalang supplies at tags.

Pinasadahan ko ng tingin ang kanilang mga tensyonadong mukha bago bumuntong-hininga. "Remember to assess carefully and try not to get in the way of the rescuers," paalala ko sa kanila. "Assess before putting tags and get all the critical patients to the ambulance as fast as possible."

"Dr. Carvajal, saan po kami magsisimula?" tanong ng isang babaeng first year resident sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang paligid.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "You already know the protocol, right? Then, do it and save lives now!" Halos magtulakan sila paalis sa harapan ko kaya napailing na lang ako. Agad akong tumakbo sa isang bahagi kung saan nakahiga sa mga ambulance stretcher ang ilang mga na-rescue. Nakasarado ngayon ang buong highway at napuno ito ng mga sasakyang nakasama sa aksidente pati na rin ang mga rescue vehicle.

Inalis ko ang stethoscope sa ibabaw ng aking balikat at inilagay ang dulo nito sa aking tainga. Ipinatong ko naman ang kabilang dulo nito sa dibdib ng pasyente. "Take a deep breath for me, okay?" mahinahong sabi ko sa kanya na sinunod naman niya agad. "Minor injuries lang po ang natamo niyo, Sir. Magiging ayos din po kayo. Do you have anyone with you?"

Pinilit niyang sumagot habang tinatalian ng green tag ang kanyang braso. "A-ang asawa ko po, Doc... Nandoon po siya sa ilalim ng sasakyan!”

Tumango ako bago agad na tumayo at tumungo sa itinuro ng lalaki. Agad nga lang akong napahinto at napaatras nang may makabanggaang tao na sa tingin ko ay isang rescuer dahil sa suot niyang jacket at panloob na uniporme ng sundalo. The moment I lifted my eyes from his chest to his deep-set eyes, I was immediately lost. Ang gulat sa ekspresyon ng kanyang mukha ay sumasalamin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at tumikhim. Umayos ako nang pagkakatayo at pormal siyang hinarap.

"Sorry..." I calmly said before walking past him. Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang isa niyang kamay sa aking pala-pulsuhan.

"Can you, uh... check on her first?" mahinahong sabi ni Caleb.

Iritado ko siyang nilingon ngunit napawi ang inis ko nang mapansin ang babaeng nakahiga sa isang stretcher sa kanyang tabi. Buntis ito at duguan dahil sa ilang natamong sugat. Namimilipit siya dahil sa sakit na nararamdaman kaya agad ko siyang dinaluhan. Tinapunan ko lang ng tingin si Caleb bago nagsimulang i-check up ang babae at ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Habang pinapakinggan ang paghinga ng babae ay saglit na nawala ang atensyon ko nang mapansin ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri.

Tumikhim ako. "Sino ang kasama niya?" simpleng tanong ko kay Caleb bago inalis ang stethoscope sa aking tainga.

"I'm with her," sagot niya agad. I looked at him sideways and cleared my throat. Nakahawak ang babae sa kamay ni Caleb habang pinapakalma siya nito. My brow automatically shot up, and I immediately pursed my lips when I thought of something. Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko sa kanya at inawang ang aking bibig upang magsalita ngunit walang lumabas dito. Itinikom ko na lang ulit ito habang pinapanood ang eksena nila.

"I'm here, don't worry. You'll be fine, okay?" he gently assured her.

"C-Caleb, hindi ko na kaya..."

Hinagkan niya ang babae sa noo bago marahang pinalis ang mga butil ng pawis nito. "Calm down, Maddie..."

Gusto kong mapairap dahil hindi naman talaga ganoon ka-emergent ang sitwasyon ng babae pero kung makapag-inarte silang dalawa ngayon sa harapan ko ay para akong nanonood ng isang eksena sa pelikula.

When our eyes met, the pounding of my heart suddenly became thunderous. Agad naman itong naglaho at bumalik ang pait sa aking lalamunan nang marinig ko muli ang pagdaing ng babaeng kasama niya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at tinalian ng tag ang babae bago isinabit muli sa aking balikat ang stethoscope ko. "Take her to the ambulance immediately. They'll take her to the hospital, and they know what to do," pinal na sabi ko bago iniwan siya roon kasama ang babae niya.

"Gella..."

Nilagpasan ko siya upang daluhan ang pasyenteng nasa ilalim ng sasakyan at hindi na pinansin ang pagtawag niyang muli sa pangalan ko. Tinulungan ako ng mga rescuer upang i-angat ang kotseng nakadagan sa babae bago marahan siyang inilagay sa isang stretcher. Nang makita ako ng pasyente ay agad kong nakitaan ng pag-asa ang kanyang mata ngunit nagulat ako nang bigla siyang manginig at mag-kumbulsyon. Inilagay ko ang stethoscope sa kanyang dibdib at namilog ang aking mata nang mapagtanto kung anong nangyayari sa babae. Agad akong sumakay sa stretcher niya at nag-perform ng CPR.

"Asystole! Move her to the ambulance and prepare the defibrillator immediately! Push one epinephrine," utos ko sa mga kasama na agad naman nilang sinunod. Pagkasakay namin sa ambulansya ay agad namin siyang sinubukang i-revive at nang bumalik ang kanyang heartbeat sa normal ay nakahinga ako nang maluwag. Hinilamos ko ang aking palad sa mukha at inayos ang pagkakatali ng aking buhok.

"We need plenty of available open chest trays, central line kits, and intubation carts," utos ko habang nakasakay sa isang stretcher papasok ng emergency room at nagpa-pump sa dibdib ng pasyente.

"Yes, ma'am!"

"On my count... one, two, three!" Sabay-sabay naming inangat ang pasyente mula sa kanyang stretcher at nilipat siya sa isang hospital bed. "Read the charts for me, please," utos ko sa katabing doktor.

"She's six months pregnant, found under a broken train wagon, sustained crush injuries to her right torso and upper extremities. Her blood pressure was initially low, but now it's up to 90 over 60 when I placed her on her left side after a liter of fluid," basa ni Dr. Penelope Tatiana Fuentebella, isa sa mga kaibigan kong resident.

I nodded. "And what should we do?"

Nagkatinginan sila ng kasunod niyang interns at sinubukang humingi ng saklolo kay Dr. Yvanovich Alcaraz na isa pang resident dito. He flashed a boyish smile while looking at the helpless interns. "ABC," nakapamulsang aniya habang nakapako ang tingin sa akin. Pinigilan ko ang mapairap dahil sa pagpapasikat niya. "Airway, Breathing, and Circulation. We need to protect her airways first because of the crush injury."

"Excellent. We need to have a lot of blood available. Dr. Fuentebella, do a trauma panel, type and crossmatch, and C.T. of her head and neck, then take her to trauma room one," seryosong sabi ko bago iniwan sila roon upang pumunta sa kasunod na pasyente sa kabilang bed.

Saktong paglipat ko sa kabilang bed ay nililipat din ang isang pasyente mula sa stretcher. Napahiyaw siya sa sakit habang nakahawak sa kanyang nakabukang tiyan. "A 36-year-old female, open abdominal wound with omental evisceration," basa ng isang intern sa charts ng pasyente sa akin.

Tumango ako sa kanya bago tinanggap ang charts at bumaling sa mga nurse. "We need to get her to an O.R. as soon as possible," utos ko bago sumunod sa pasyente.

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may humablot sa aking pala-pulsuhan. Iritado ko siyang nilingon ngunit hindi man lang siya natinag doon. I sighed and shut my eyes to calm myself. "What do you need?"

I noticed how his Adam's apple moved as he surveyed me from head to foot before looking at me again in the eye. Bahagya akong na-conscious sa hitsura ko ngayon dahil paniguradong mukha akong basahan kumpara sa kanya na preskong-preskong nakatayo ngayon sa harapan ko.

Natigilan ako nang mapansin ang pamumungay ng kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Napasinghap ako dahil sa pamilyar na paninikip ng aking dibdib kaya agad ko siyang tinalikuran. "As you can see, I'm busy saving lives here. I need to go," malamig na sabi ko bago binawi ang pala-pulsuhan ko sa kanya. "Your fiancée, or wife, or whoever she was... needs you. Bumalik ka na lang doon.”

Narinig ko ang pagtawag niyang muli sa pangalan ko ngunit hindi ko na siya nilingon pa sa takot na muli na naman akong mabihag ng mapanlinlang niyang mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status