Share

Kapitulo XIV - Volunteer

Kinabukasan, nang matapos ang klase namin sa Clinical Chemistry ay dumiretso ako sa locker room upang kunin ang paper bag kung saan nakalagay ang PE uniform at sapatos na suot ko kaninang umaga para sa PE class namin. Nagtext na lang ako kina Rafael na mauuna na akong umuwi dahil magre-review pa ako para sa mga quiz naming bukas. Habang bumababa sa hagdan ay narinig ko ang biglaang pagbuhos ng ulan sa labas. Suminghap ako at agad na nilagay sa harap ang aking bag. Hinalughog ko ito at agad na napasimangot nang mapansing hindi ko nadala ang payong ko.

Habang naglalakad sa ground floor palabas ng aming building ay namataan ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaking nakatalikod at nakatayo sa may dulo ng hallway na daraanan ko. Marahas akong bumunot ng hininga at sinadyang bagalan ang aking paglalakad. Bahagya siyang tumagilid bago tumingala sa kalangitan. Inangat niya ang kanyang kamay upang saluhin ang ilang patak ng ulan.

I stood there in awe of his almost perfect si

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status