Share

Special Chapter: Part 1

“Georgianna, pahiram naman ako ng notes mo sa Math! Nalimutan ko kasi sa bahay ‘yong reviewer ko, hays!” Pinagtaasan ko ng isang kilay ang kaibigan kong si Tatiana na halatang kakapasok lang sa aming silid-aralan at mukhang hinihingal pa dahil sa pag-akyat ng hagdan. Ngumiti siya nang matamis sa akin at pabirong kinurot ang aking pisngi. “Pretty please?”

Napabuntong-hininga na lang ako sa pangungimbinsi niya sa akin at patamad na inilahad sa kanya ang aking reviewer. “Tinanghali ka na naman ng gising, ‘no?” napapailing na puna ko sa pagka-late niya ngayon sa klase.

Sinimangutan niya ako habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok gamit ang kanyang kamay. “Napuyat kasi ako kaka-review kagabi,” depensa niya sa sarili gamit ang maliit na boses.

Napaangat muli ang isang kilay ko sa sinabi niya at hindi na napigilan ang pagbaling ng buong atensyon sa kaibigan. “Talaga? Bakit sabi sa akin ni Jona ay ma

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status