Stay tuned for more updates 🙂
Hindi ko na narinig ang pagsara ng pinto. Ang tanging tunog sa kwarto ay ang mabilis kong paghinga at ang tahimik na pagpatak ng luha sa tuhod ko. Sa bawat segundong lumilipas, lalong bumibigat ang dibdib ko. Para akong sinasakal ng sarili kong damdamin.Mama knows.Hindi na ito simpleng lihim. Hindi na lang ito isang makasalanang relasyon na nakakulong sa loob ng apat na sulok ng silid na ‘to. Ngayon, isa na itong bomba. Isa itong kaguluhang pwedeng sumira hindi lang sa pamilya namin, kundi sa buong buhay ko.Napatingin ako sa salamin. Nakabalot ako sa robe, magulo ang buhok, mapula ang mga labi—mukha akong isang babaeng nawala sa sariling mundo. At sa totoo lang, baka totoo nga iyon.Paano kung tama si Mama?Paano kung lahat ng ito ay mali at hindi ko lang matanggap dahil masyado ko nang minahal si Luigi?Pinunasan ko ang pisngi ko. Tumayo ako at nagsimulang maglakad paikot sa kwarto, parang hinahabol ng konsensya ko. Ilang beses akong napapahawak sa tiyan ko, na para bang may himal
"Uncle… please…" bulong ko habang halos hindi na ako makahinga sa init ng kanyang halik sa aking balat. Alam naming mali. Pero sa tuwing nasa bisig ko siya, lahat ng rason ay naglalaho. Lahat ng bawal, tila nagiging tama.Biglang tumunog ang cellphone sa tabi ko. Napakurap ako at agad na natauhan. Hinawakan ko ang kanyang balikat para pigilan siya, ngunit ngumiti lang si Uncle Luigi—isang ngiti na parang may sariling kasalanan. Hindi siya tumigil.Inabot ko ang telepono habang nanginginig ang kamay ko. Isang sulyap kay Uncle Luigi, na ngayon ay nakatitig sa akin na para bang siya lang ang may karapatang umangkin.“Hello… Ma?” sagot ko, pilit inaayos ang tono ng boses kahit pa ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko sa ilalim ng kanyang haplos.“Maya? Anak? Okay ka lang ba? Parang ang bigat ng hininga mo…”Napapikit ako, sinusubukang pigilan ang sarili. Pero si Uncle Luigi, imbes na tumigil, lalong naging mapangahas. Tila sinasadya niyang ipaalala sa akin kung sino ang may hawak sa s
Pagkababa ko ng kotse, para akong zombie habang naglalakad papasok ng condo. Hindi ko na maalala kung paano ako umabot sa elevator. Ni hindi ko na rin maalala kung sinarado ko ba ang pinto ng sasakyan ko. Ang tanging alam ko, ang bigat ng dibdib ko, parang sasabog.Pagpasok sa unit, tulala akong umupo sa sofa. Tumingin sa kawalan. Pilit kong inaalala ang mukha ni Lolo Ernesto habang tinatanong niya ako. Iyon bang tingin na hindi mo kayang labanan, hindi mo kayang takasan. Para kang huhubaran ng dignidad, ng lakas, ng kahit anong pagtatago.Nag-uumpisa pa lang akong huminga ng maayos nang biglang tumunog ang doorbell.Bawat tunog, parang binibiyak ang kaluluwa ko. Alam kong si Luigi ‘yon. Walang ibang susunod sa akin ng gano’n kabilis. Alam kong hindi siya papayag na hindi kami mag-usap.Pero hindi ako handa.Ayokong makita ang mukha niya. Ayokong marinig ang boses niyang kayang paamuin ang lahat ng sakit na pinipilit kong takasan. Pero higit sa lahat, ayokong madala na naman. Ayokong
Bumaba ako mula sa kuwarto na para bang may mabigat na batong nakapatong sa dibdib ko. Pilit kong pinanatag ang sarili—nag-ayos ng buhok, nag-retouch ng kaunti, at nginitian ang salamin sa hallway kahit alam kong wala akong makikitang kahit anong liwanag sa mga mata ko ngayon. Tumungo ako sa kusina. Kailangan kong kumain. Kailangan kong i-distract ang sarili. Pero paglapag ko ng paa sa tiles ng kusina, para akong tinamaan ng malamig na hangin mula sa impiyerno. Nandoon si Victoria. Nakatayo siya sa tabi ni Luigi. And the worst part? She was feeding him. Yes. As in, with her own hand, sinusubuan niya si Uncle Luigi ng spoonfuls of sinigang na parang nasa sariling cooking show siya. Napangiti pa ito at sinabing, “Come on, babe. You need to eat more if we want that beach body for the honeymoon.” Sa moment na ‘yon, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung dahil sa selos, sa guilt, o sa katotohanang pinapanood ko ang lalaking mahal ko na tinatanggap ang pag-aalaga
Pagkarinig ko pa lang ng boses ni Mama sa tawag, bigla nang tumiklop ang sikmura ko sa kaba."Maya, umuwi ka muna anak. Gusto kang makita ni Papa. May kailangan daw kayong pag-usapan."Hindi naman iyon kakaiba—matagal na naming routine ang mga biglaang paanyaya ng pamilya, lalo na’t palapit na ang birthday ni Lolo. Pero iba ang tono ni Mama ngayon, at mas lalong iba ang naramdaman ko. Masyadong… mabigat. Parang may nakabuntot na hindi ko maintindihan. Parang—parang alam na niya.Alam na ng Lolo ko ang tungkol sa amin ni Luigi."Okay po, Ma. Papunta na po," mahina kong sagot.Napatingin ako kay Luigi na tahimik na nagmamaneho sa tabi ko. Nakapikit ang mga mata niya habang sinasalo ang bigat ng kalsada’t ng katahimikang bumalot sa pagitan naming dalawa.“I have to come with you,” sabi niya. “If my father wants to talk, then I need to be there.”Ayoko sanang sumama pa siya, pero alam ko, hindi na kami p’wedeng magpaligoy-ligoy pa. Kailangan na naming harapin ang pamilyang unti-unti nang
Pagkababa ko ng tawag mula kay Elena, nanlambot ang mga tuhod ko. Halos hindi ako makahinga. Parang hindi totoo. Parang hindi posible. Naaksidente si Leo. "Shit," bulong ko habang napahawak ako sa dibdib ko, trying to calm the chaotic thumping of my heart. Para akong sinampal ng guilt. I asked him to pretend tonight. I dragged him into this mess just to protect my secret. Tapos ganito ang ending? Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko—ang takot ko, ang konsensiya ko, o ang anxiety sa tiyan kong nagsisimula na namang manikip sa stress. Kinuha ko agad ang phone ko at nag-dial. Only one name flashed on my screen. Luigi. Nag-ring lang ito ng dalawang beses bago niya sinagot. "Hello?" Mababang boses. "Did you do something to Leo?" diretsong tanong ko. Saglit na katahimikan sa kabilang linya. Parang nagulat siya. “What?” malamig pero may bahid ng gulat ang tinig niya. “Maya, what are you talking about?” “Naaksidente si Leo pagkatapos mo siyang kausapin. Don't tell me that's a