Makahanap sana tayo ng taong katulad ni Atty. Luigi Salazar. Na kahit gaano kagulo ang mundo, ikaw at ikaw pa rin ang babalikan at mamahalin. Stay tuned for more updates. Guwag kalimutan mag-iwan ng mga komento at i-rate ang libro! 💓
Makalipas ang ilang minuto matapos akong muling yakapin ni Mama, narinig ko ang pamilyar na pagkatok sa pinto.Napatingin ako kay Mama. Tumingin din siya sa akin, sabay tango.“Siya na ’yon,” bulong niya.Tumayo ako, tinungo ang pinto habang ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko. Binuksan ko ito… at bumungad sa akin ang matandang babaeng may hawak na simpleng clutch bag, naka-puting blusa, pearl earrings, at nakaayos ang buhok—pormal, elegante, pero may halong lamig sa tingin.“Lola Andrea…” mahina kong sambit.Pinagmasdan niya lang ako ng ilang segundo. Hindi ko alam kung titigan ko siya pabalik o yuyuko. Pero bago ko pa maisip ang gagawin ko, siya na mismo ang yumakap sa akin.Hindi ako nakagalaw. Hanggang sa maramdaman ko ang marahang paghagod niya sa likod ko.“Lola…” napahikbi ako.Hinila niya ako papasok sa loob ng bahay. Sumunod si Mama. Sabay kaming naupo sa living area.Tahimik si Lola habang pinagmamasdan ako. Tiningnan niya ang tiyan ko na ngayon ay mas lumalaki na. Tuman
Makalipas ang ilang buwan, marami na ang nagbago. Sa katawan ko. Sa araw-araw kong routine. Sa pagtingin ko sa sarili. At sa pag-ibig na araw-araw kong nararamdaman mula kay Luigi. Habang nakaupo ako sa rocking chair sa terrace ng bahay namin dito sa Batangas, hawak ang isang basong may warm milk at nakaunan sa malaking pregnancy pillow na binili ni Luigi mula pa raw sa Italy, napapangiti na lang ako sa bawat sipa ng batang nasa loob ko. “Love,” sigaw ni Luigi mula sa kusina, “did you drink your calcium already?” “Yup!” sagot ko, medyo malakas para marinig niya. “And I’m finishing my milk. Don’t worry, Uncle. You’re doing great.” Narinig ko ang tawa niya. Ilang sandali pa ay lumabas siya, may hawak pang tray ng fruits na nakaayos pa sa crystal bowl na parang pang-hotel ang dating. He always does this. Lagi niyang pinapa-feel sa akin na deserve ko ang mundo, kahit pa wala akong ginagawa kundi humilata, matulog, kumain, at magreklamo sa pananakit ng likod. Dumiretso siya sa tabi
Ilang araw na rin ang lumipas mula nang marinig ko ang pangalan ng magiging anak namin—Rafael. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unting nabubuo sa loob ng bahay na ito ang isang tahimik na mundo na para lang sa amin. Wala akong marinig kundi ang halakhak ni Luigi habang pinipilit niyang ipagluto ako ng breakfast. Pero ngayong araw na ‘to, may kakaiba sa kilos niya. Tahimik siyang nagmamasid habang pinapanood akong nagsusuklay sa harap ng salamin. Parang hindi siya mapakali. Kanina pa siya nag-aayos ng kurtina kahit walang dapat ayusin. Sa sobrang dami ng beses niyang tiningnan ang phone niya, halos gusto ko na siyang tanungin kung may emergency. "Luigi," tawag ko habang pinupunasan ko ang mukha ko ng toner. "Is there something you're not telling me?" Napalingon siya. Tumigil siya sa paglalakad at tumango, pero halatang ninenerbiyos. “I need you to get dressed,” sabi niya. “May pupuntahan tayo.” “Where?” tanong ko, habang kinukuha ang cardigan ko. “Somewhere quiet. Somewhere safe.
Mag-aalas tres na ng hapon. Maaliwalas ang langit, pero hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ko habang hawak-hawak ang ultrasound request form. Ramdam ko ang pawis sa palad ko kahit naka-aircon ang sasakyan. Mula Batangas ay bumiyahe kami ni Luigi papuntang private clinic ni Dr. Lucian sa Tagaytay. "Hinga, love," bulong ni Luigi habang hawak niya ang kamay ko. "This is going to be the best day of our lives." Ngumiti ako ng pilit kasi sa loob-loob ko, hindi ko alam kung kaya ko ba talagang maging masaya—sa kabila ng lahat. Pero heto ako ngayon. Kahit hindi tanggap ng pamilya ko ang relasyon namin, kahit tinanggalan ako ng kontrata ng agency ko, kahit hindi ko pa kayang lumabas ng bahay na walang takot... heto ako. Hawak ang kamay ng lalaking pinakamahal ko, at sa loob ng tiyan ko ay ang bunga ng lahat ng kasalanang pinili kong mahalin. Pagdating sa clinic, sinalubong kami ni Lucian. Naka-coat pa rin kahit naka-day off daw siya. May aura pa rin ng pagiging isang big-time surgeon. "Y
Pagdating namin sa clinic sa loob ng private hospital sa Batangas, agad kaming sinalubong ng receptionist. “Miss Maya Ramirez?” bati nito, tila nagulat sa presensya ko. “You may proceed to Room 4. The OB-GYN is waiting.” Tumango ako at napatingin kay Luigi. He held my hand, squeezed it gently, and whispered, “I’m right here.” Pagpasok namin sa consultation room, isang babaeng nasa early 40s ang ngumiti sa amin. “Good morning, Miss Ramirez. I’m Dr. Bernales. You’re a bit early, but that’s good. First check-up, right?” “Yes, po,” sagot ko. “And this must be the father,” sabay ngiti niya kay Luigi. “Yes,” sagot ni Luigi, diretsong tumingin. “I’m here to support both of them.” Pinaupo kami sa couch habang chine-check ni Dra. Bernales ang forms. Ipinasa niya sa akin ang isang tablet para sagutan ang ilang personal details, habang siya naman ay nagtatanong ng mga basic questions. “Any history of miscarriage? Medical conditions? Allergies?” “None, po,” sagot ko. Nang matapos ang in
Kinabukasan, habang tinatanaw ko ang unti-unting pagliliwanag ng langit mula sa bintana ng condo, alam kong ito na ang huling umagang gigising ako sa lugar na ito. Sa lugar kung saan ako unti-unting nabasag. Sa kwadradong mundong ito ako nasaktan, minahal, kinutya, at muling bumangon. Ngayon, aalis na ako. Sa wakas. "Handa ka na ba?" tanong ni Luigi habang nilalagay ang huling maleta sa likod ng SUV. Tahimik akong tumango. Hindi ko siya tiningnan kaagad. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Iniisip ko kung may parte pa ng puso ko ang ayaw pang umalis. Pero wala na. Wala na akong dapat balikan sa siyudad na ito. Dala ko lang ang mga bagay na totoo—ang anak ko sa sinapupunan, at ang lalaking pinili kong mahalin, kahit pa mali sa mata ng iba. “We’re leaving everything behind, Maya,” bulong niya sa tabi ko. “But what we’re building next… it’s ours. Walang makikialam.” I smiled softly. “Good. I’m ready.” Mula EDSA hanggang SLEX, walang imikan. Nakapatong lang ang kamay ko sa tiyan