Partager

Ilocos Part 1

Auteur: Milestarlover
last update Date de publication: 2026-02-11 12:00:07

PATRICIA'S POV:

Napagkasunduan nga ng barkada na sa Ilocos Sur mag outing. 4am ba-byahe kasi 8-9 hours ang byahe. Nakita ko kasi online na ang ganda ng beach doon. Parang mini Boracay at mini Santorini yong hotel.

"Ang layo naman ng outing niyo love. Hindi ba talaga ako pwede sumama?" sabi ni Jeff nang malamang niya na sa Ilocos Sur kami pupunta

"Sorry love pero hindi kasi talaga pwede eh. Pati nga si Lyn hindi rin pinayagan ni Niko na sumama."

"Ok lang. Basta sakin ka parin uuwi ha."

"Oo naman love. Sa'yo lang po. Sa'yo parin."

"Jeff, San condo mo doon sa BGC? para doon ko muna I parking Yung sasakyan habang Wala kami ni Pat."

"Ihahatid ko kayo bukas."

"Love Ang hassle non for you. 4am kami babyahe. Huwag mo na kaming ihatid."

"Hindi love. Ok lang. Please. Pinayagan ko na kayo mag outing, Sana naman payagan niyo kong ihatid at sunduin kayo."

"Para naman kaming mga bata Jeff."

"Kung ayaw mo, edi huwag. Mag drive ka mag isa. Basta ako ihahatid ko si Pat."

"Ayan na naman kayo. Nakakarindi."

"Ito kasi ang arte."

"Fine. Sabagay. Makakatipid ako sa gas. Thank you parin."

"sige na. Maghahanda na ko para sa outing."

"Love, huwag masyado revealing ang swimsuit ha."

"Yes love."

Umakyat na ko at iniwan sila kasi nagsisimula na naman sila magbangayan. Nakakarindi. Mag empake nalang ako. Nag dala lang ako Ng 6 na swimsuit, 2 pantulog, at 3 pang pasyal/casual dahil hindi lang kami mag beach, pupunta rin kami sa Vigan. Dinala ko rin ang digital cam ko at go pro ko para kahit mabasa, ok lang.

"Maleta talaga love? Don ka na ba titira?"

"Love talaga. Para isang gamit lang ang bitbit. Diyan naman na lahat. From toiletries to shoes."

"Sino magiging roommate mo dun love."

"Yung girls siguro love or kung pwede at meron, isang kwarto lang kaming anim."

" I mean sino tatabi sa'yo?"

"Hindi ko pa alam love."

"Video call mo ko always ha."

"Opo."

3:30 palang ay naka ready na kami ni Niko. Grabe inaantok pa ko.

"Chat mo nga kung nasan na sila," Sabi ko kay Niko

"Hintayin nalang natin sila doon."

"Ayoko mag hintay. Inaantok ako."

"Parang ikaw lang inaatok ah. Kami nga ng boys, ang mag da-drive eh."

After 15 mins ay nakarating na kami sa meeting place. Nandoon na sila Jenny at Ben. Si Queenie at Cholo nalang ang hinihintay namin. Hindi na muna din umuwi si Jeff hanggat hindi kompleto ang barkada. 3:54am nakarating sila Cholo at Queenie na halata mong inaatok din.

"Bili muna tayo mga kape. Mejo inaantok ako," sabi ni chols. Oo nga pala. Nasa Starbucks pala kami pero bakit ngayon lang namin naisipang bumili ng kape.

"It's my treat. Ikaw Jeff, anong gusto mo?" Tanong ni Ben kaya pumili na kami lahat.

"Ikaw Pat, what do you want?" Tanong ni Jenny

"Hot chocolate nalang sakin. I don't drink coffee"

After namin bumili ng kape ay nagkanya kanyang pwesto na kami. Unang mag ddrive si Ben, sa passenger si jenny since sila daw yong 8pm palang uminom na ng melatonin para makatulog by 9pm kaya di sila inaantok. From BGC to Pangasinan si Ben Ang mag drive, from pangasinan to La Union si Chols sa passenger seat naman si Queenie. Tas from La Union to Ilocos Sur si Niko at ako daw ang nasa passenger. Pero ngayon, nasa unahang row kami ni Niko. No choice na magtabi kami Kasi by partners sila.

"Ben, pa music ka nga. Yung nakaka gising ha. Inaatok ako," sabi ko. 11 na Kasi ako nakatulog kagabi

"Edi matulog ka. Sandal ka muna sakin," Sabi ni Niko

"Ehem ehem," fake cough ni Ben

"Baka kasi magsumbong na pinabayaan ko siya. Binilin kasi sakin."

"Hindi ok lang," sabi ko at sumandal ako sa may bintana ng sasakyan

"Ok fine. Ako na nagmamalasakit aarte pa," Sabi ni Niko pero hindi ko nalang pinansin at natulog nalang

After 3 hours, nasa Pangasinan na kami naalimpungatan ako na nakasandal na ang ulo ko sa balikat niya. Nag park muna saglit si ben sa isang convenience store tulog pa Kasi si Cholo at Queenie at ayaw naman niya itong gisingin.

"pre bat di mo ko ginising?" Sabi ni Cholo Kay Ben

"Ayaw kitang gisingin. Mas ok na yong makapagpahinga tayo ng husto kahit late tayo makarating kaysa sa inaantok ang lahat na mag drive."

"Kayo naman matulog at magpahinga bro," sabi ni Cholo at nagwesto na sila ni Queenie sa harap

Maya maya pa habang nagmu-muni-muni ako, nagulat ako nang biglang sinandal ni Niko ang ulo niya sa balikat ko. Gusto ko nga sana tanggalin yong ulo niya sa balikat ko pero hinayaan ko nalang dahil siya na pala susunod na mag da-drive. Natulog nalang din ako.

NIKO'S POV:

napaka arte talaga ng babaeng to. Ako na nagma-magandang loob siya pa tong maarte at mataas ang pride. Ayaw sumadal sakin. Edi huwag. Pinilit ko nalang din matulog para may lakas akong mag drive mamaya. Nang mapansin kong tulog na tulog na siya, isinandal ko siya sa balikat ko at di ko na rin talaga napigilan ang antok ko.

Naalimpungatan ako na naka sandal ako sa balikat ni Pat. Iaangat ko sana ang ulo ko nang mapansin kong parang may mabigat na nakadagan sa ulo ko at malamang, nakasandal ang ulo niya sa ulo ko kaya hindi na muna ko gumalaw at pumikit nalang ulit.

"San na tayo?" Rinig kong tanong niya

"Aringay La Union. Sa San Fernando nalang mag drive si Niko," rinig kong sabi ni Cholo

"Oo huwag na muna natin gisingin," Sabi ni Pat sabay haplos sa pisngi ko. Akala siguro niya tulog ako.

Namiss ko to. Yong pag haplos niya ng pisngi ko. She used to do this when we were together everytime naglalambing ako. After 45 mins. Napansin kong huminto sila.

"Ayaw ko manggising pero please gumising muna kayo at kakain na muna. Hindi pa pala tayo nag breakfast pero mag 10am na," Rinig kong sabi ni Cholo

"Sorry." Sabi ko kay Pat at saka ako umayos ng upo.

"Kain muna," Sabi niya at saka siya bumaba kaya bumaba na rin ako

After namin mag order ay pumwesto agad kami ni Pat sa driver at passenger seat. Napagpasyahan kasi ng barkada na itake out nalang at kainin sa sasakyan para hindi time consuming.

"San tayo mag stay doon?" Tanong ko kay Pat

"Vitalis villas," Simpleng sagot niya

"Alam mong pumunta doon?" Tanong ko dahil hindi ko rin alam pumunta doon

"Hindi. Pero nakapag pa reserve na ko ng rooms. Suite room villa nalang kinuha ko para magkakasama tayong anim. 3 rooms na yon"

"I-pin mo sa G****e map para di tayo maligaw," sabi ko at sinunod naman niya

"Hindi ka pa kakain?" Tanong ni Ben

"Mamaya na. Pag may natapos na sainyong dalawa ni Cholo. Pa drive muna saglit at kakain ako."

"Hindi na. After ko nalang kumain. Subuan nalang kita habang nag da-drive. Pagod na rin mga yan mag drive" sabi ni Pat. Ang thoughtful niya samin ha. Infairness.

"Sure ka? Ok. Thank you," sabi ko na hindi tumitingin sakanya.

"Ano gusto mo unahin Kainin?" Tanong niya nang matapos na siya kumain

"Burger muna. Appetizer"

"Ok!" Sabi niya sabay subo sakin nung burger

"Ang tamis!" Side comment ni Jenny kaya napalingon si Pat sakanya "Ng ice cream," pagpapatuloy ni Jenny sa sinabi niya

"Namiss ko to," side comment din ni Queenie

"Yong alin?" Tanong ko

"Eto, Yong ano. Ka sweetan...ka sweetan nating anim. Yong bonding ba."

"Ang kalat mo naman kumain," sabi ni Pat sabay punas ng dressing burger sa tabi ng bibig ko

"Ako na naman may kasalanan. Ayusin mo rin kasi pagsubo mo sakin."

"Ikaw na nga tong sinusubuan, Ikaw pa tong nag reklamo," sabi naman ni Pat sabay subo ulit sakin ng burger

"Wait lang. Na green minded ako sa 'pagsubo mo sakin'" sabi ni Ben sabay hagalpak sa tawa

"Gago ka talaga Ben!"

"Sorry na bro. Nakaka green kasi."

"Ang dumi ng utak mo. Kung ako si jenny hindi na kita papakasalan," sabi ni Pat at bahagya kaming nagulat ni Ben

"Ehem!" Si Ben na kunwaring naubo para warningan si pat, ako Naman pinandilatan siya ng mata kaya nagets agad ni pat. Yong isusubo sana niya na burger steak sakin ay siya nalang yong sumubo. Madaldal kasi masyado at saka sumiksik sakin sa sobrang hiya

"Ang daldal mo," bulong ko sakanya

"Ben kasi," sabi ni Pat at umayos ng upo at sinubo sakin ang isang kutsara ng burger steak.

After more or less 2 hours ay nakarating na kami. Ang ganda pala talaga dito. Sobrang nakaka relax yong ambience. Pagdating palang namin sa hotel ay sinalubong na kami ng mga mababait na staff nila. May complimentary bread and drinks din habang hinihintay na maayos Ang room. May sarili rin kaming butler

Pagdating sa room, grabeng suite room to. Parang isang bahay na to. May 3 rooms and per room ay may king size bed, aircon, tv, at bathroom, centralizes Aircon tas may mini kitchen and Sala. Sa kitchen it's up to you kung ikaw ang magluluto or yong battler niyo ang mag luluto para sainyo. May sariling infinity pool at tanaw na tanaw mo ang dagat.

"Mag swimming na ba agad or pahinga muna?" Tanong ni Queenie

"Pahinga muna," Sabi ko dahil mejo napagod akong mag drive.

"Ok."

Nagkanya kanyang pasok sila sa room by partner kaya no choice kami ni pat, kami ang magsasama sa iisang room.

"Hindi mo ba i-a-update si Lyn?"

"Na update ko na," Sabi ko sabay bihis ng mas komportableng damit at saka ako nahiga at natulog. Naramdaman ko naman na tumabi rin siya sakin pero hindi ko nalang siya nilingon.

PATRICIA'S POV:

Ang galing ko mamili ng lugar para sa outing namin. No regrets. Ang ganda dito. Indeed a mini Boracay and mini Santorini. Tas yong hotel room may sariling pool at butler. Pinili nalang muna namin mag pahinga at matulog dahil pagod ang lahat. Nag chat agad ako kay Jeff to update him. Nakakainis kasi parang wala siyang tiwala sakin. Gets ko naman point niya pero sana maging practical siya. Hindi porket nagseselos siya, papalipatin niya ko ng hotel room. Ang selfish niya. Naiinis ako kaya di ko nalang siya nireplyan at natulog nalang din sa tabi ni Niko.

4pm na nong magising ang lahat kaya nag handa na ang lahat para mag swimming. Sa beach muna ngayon, mamayang Gabi sa pool naman. Ngayon na rin daw isasagawa ang proposal. Excited na ko!

"Sir, pwede po ba mag pwesto sa may beach?" Tanong ni Ben.

"Yes sir, pwede po. Ilan po kayo?"

Sinenyasan kami ni Ben na ilayo muna si Jenny para hindi niya malaman ang plano. Nakausap na kami kanina ni Ben tungkol dito noong nagbibihis si Jenny ng swimsuit niya. Hiwa-hiwalay ang table namin. By partners ulit para hindi magtaka si jenny kung bakit sila lang ni Ben ang magka table.

Habang hinihintay namin ang order namin, biglang tumayo si Niko at may binulong ito kila Cholo. Tapos tumayo naman si Queenie at binulungan yong mga kumakanta on stage. May mini stage Kasi dito sa may beach side. May dalawang lalakeng kumakanta habang kumakain kayo. Eto na! Eto na!

"Niks," pag tawag ni Cholo kaya agad naman pumunta si Niko sa mini stage. Eto na talaga kaya hinanda ko na ang camera.

"Hello everyone. Good evening. Sorry kung kami muna yong kakanta for you guys. This is just a very special moment for us. Don't worry. Isang song lang po," Sabi ni Niko.

Cholo begins to strum the guitar, Ben asked Jenny to dance while Queenie and Niko begin to sing 'destiny'. Nang matapos na yong kanta, biglang kumuha ng mic si Ben at nagsalita.

"Honey ko, it's been almost a decade now since I fell inlove with you and I can't wait to spend the rest of my life with you. I'm ready to settle down with you and build a family with you, hon. Sana ikaw din," Sabi niya at kita kong nagtutubig na ang Mata niya. Bigla itong lumuhod. Pinakita ang singsing, tsaka siya nagtanong "will you marry me, hon?"

Bahagyang nagulat si Jenny kaya napa atras ito. Nag hiyawan Ang mga tao at ineencourage si Jenny na mag yes. "Honey ko, I've been waiting for this. Noon pa ko ready. Hinihintay lang kita. Of course yes!" Sabi ni Jenny habang tumutulo ang luha nilang dalawa ni Ben.

Naiiyak din tuloy ako. I'm so happy for my bestfriend. Bahagya akong napalingon sa mini stage at nakita Kong umiiyak din si Queenie at naiiyak si Cholo at Niko.

"Kiss!!!" Hiyawan naming lahat kaya nag kiss din sila sa lips

"Congrats guys" si Queenie na naka mic pa talaga kaya naki congrats din Ang crowd

"Thank you guys," Chorus na Sabi ni Jenny at Ben

"Once again, thank you for allowing us to share this milestone with you and for allowing us to serenade you," sabi ni Niko

Bababa na Sana sila nang mag request pa ang crowd.

"Naku po. Baka magalit na samin sila kuya na kumakanta kanina," sabi ni Cholo

"Hindi ok lang po. Mas maigi nga po yon para makapag pahinga po kami kahit papano."

"Sure po kayo? Ok po. Mag dinner po muna kayo and rest your voice po."

May nag request Ng love songs, duets, and solo. Yong mga pang lalake na kanta ay kinanta ni Niko, while yong mga pang babae naman na kanta ay kinanta ni Queenie. Minsan duet sila. Naka sampo yata silang song. Nakakaloka. Pero halos lahat naman ay nagbigay ng tips. Nakalikom naman kami, I mean sila, ng siguro nasa 15000 pesos.

After that magical moment ay bumalik na kami sa room at nag order nalang doon ng drinks. Whiskey for boys and cocktails for girls. Chill lang while swimming sa pool namin.

"Congrats guys!" Sabi ko at hinalikan sila pareho sa pisngi.

"Thank you bebe," si Ben na hinalikan din ako sa pisngi. Sanay na kami nila Jenny na ganito kami ka clingy ni Ben simula pa no'ng college kami

"Thank you," sabi ni Jenny at nag hug naman sakin

"Congrats Jen, Ben," Si Queenie na kanina pa emosyonal

"Thanks Q," Sabi ni Jenny sabay hug din kay Queenie

"Para naman ikaw yong papakasalan ni Jenny, Queenie. Kanina ka pa emosyonal," sabi ni Ben na medyo natatawa pa

"Hindi. Ano kasi, na witness kasi namin ni Pat kung gaano siya ilang beses sinaktan, niloko at iniwan."

"Totoo kaya naging emosyonal din ako kanina," pag sang-ayon ko

Habang nag swi-swimming kami sa pool, biglang tumawag si Jeff kaya umahon muna ko.

*VIDEO CALL*

"Love," panimula nya

"Yes love?"

"Sorry kanina. Tama ka naman. I was selfish. Pero natatakot lang Kasi ako."

"I know. I understand. Valid naman yan nararamdaman mo."

"Pero love hindi pa pwedeng makipag palit ka sa kahit kaninong boys? Tabi nalang kayo ng mga babaeng kaibigan mo."

"Hindi pwede. Gusto ko makatabi sa pagtulog ang fiancé ko. Wag kang mag alala. Safe si Pat kay Niko," si Ben na bigla nalang sumingit sa usapan

"Love, akala ko ba panatag ka?"

"Akala ko din love eh. Pero magkasama kasi kayo sa iisang kwarto kaya napa-paranoid ako."

"Alam mo bro, kung may dapat kang pag selosan at Ibahala, ako yon. Mas clingy ako Pat kaysa kay Niko," Sabi ni Ben sabay halik sakin sa pisngi. gago. Nang asar pa talaga

"Si RZ love, kamusta?"

"Ok lang. Sa kwarto daw ng parents mo siya matutulog."

"ok."

"I miss you. How I wish nandito ka or ako nalang Ang nandiyan para masolo kita."

"It's ok love. Masosolo mo rin naman ako pag uwi ko diyan eh."

"Promise love?"

"Yes. Promise."

"Ok. Can't wait to see you."

"I have to go. Ingat kayo diyan," Sabi ko. Naka ilang tawag na sila sakin

"Goodnight. I love youm"

"Goodnight. I love you too."

*END OF PHONE CONVO*

We end the night wasted. Yes. Lasing kaming lahat sobrang saya Kasi. After kasi namin mag swimming ay nag karaoke kami. Bukas ay mag Vigan naman kami. Sana ma enjoy namin dahil panigurado, may hangover kami lahat nito.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • My Unplanned Baby   Ending

    NIKO'S POV: Ang bilis ng panahon at malapit na naman ang anniversary namin. After ko sunduin si RZ sa school, dumeretso kami sa mall. Nae-excite ako. "Anak may gusto ka bang bilhin dito sa mall?" "Wala naman po daddy bakit? Ikaw ba daddy, ano bibilhin mo?""I'm going to buy a...hulaan mo nga anak. Any guess?" "Daddy naman ginawa pa kong manghuhula. Bakit daddy, ano po ba meron?" "Anniversary namin ng mommy mo." "Ahhh." "Wish me luck anak." "Ha? Hmmm wait! Are you... Are you...wait! Wait! Are you going to propose? Bibili tayo dito ng singsing?" Si RZ na halata mong masaya at excited "Ang cute mo naman nak. Oo. I can't wait to marry her anak. Hope she will say yes." "Oo yan daddy. Ikaw pa ba?""Wow. Sobrang confident nak a. Alam ko naman yon nak na she will say yes pero ayoko lang maging complacent." "Dad, alam mo size ng ring ni mommy?" "Kumuha ako isang ring niya nak. Sana di niya mapansin." Mahilig kasi si Pat sa mga singsing kaya marami siya nito. "Anak, ano mas magand

  • My Unplanned Baby   new born

    PATRICIA'S POV: Before kami manganak ni mommy ay bumalik na kami sa States para do'n manganak. Mas maganda kasi ang health system nila doon kaysa rito. Libre lahat do'n at talagang aalagaan ka at ng baby mo hanggat hindi mo pa kaya. Manimum 2 weeks stay sa hospital to make sure everything is ok sainyong mag ina. Ang bilis ng panahon parang kailan lang naglilihi palang ako, ngayon anytime pwede ko na sila ilabas, oo sila. Kambal. Babae at lalake and we named them Night and Light. Nasa kalagitnaan ako ng tulog ng bigla akong naalimpungatan. Nag cocontract ako. Ang sakit! No'ng una pinakiramdaman ko muna, pero no'ng every 15 mins. Nalang ang contraction ginising ko si Niko. "Mahal." "Hmmm." "Sorry but can you please wake up?" "Why po?" Si Niko na pilit gumising. Kinukusot kusot pa ang mata "Nag cocontract ako. Masakit." "Omg! Manganganak ka na?" "I think so." "Sige wait lang, wait lang. Tawagan ko si doc," sabi niya sabay dial ng number ni doc at ininform ito about sa nararamd

  • My Unplanned Baby   rainbow baby

    Hinayaan nalang muna namin si Pat at nag swimming nalang si RZ hanggang sa bumaba rin siya para bigyan kami ng meryenda "Meryenda time. Tama na muna ang swimming," sabi ni Pat sabay lapag ng meryenda "Thank you mahal. Ano yan?" Tanong ko habang umaahon sa pool"Spaghetti po." "Mukhang masarap ang spabok mo nahal ah." "Anong ppabok daddy?""Spaghetti na palabok." Yong meryenda kasi na hinain niya spaghetti na may itlog at chicharon na durog sa ibabaw. Kaya spabok. Spaghetti na palabok. "Nag crave kasi ako mahal ng spaghetti at palabok kaya pinagsama ko nalang. Kain na," sabi niya sabay subo ng pagkain "It's kinda weird mahal pero it looks delicious naman." "Nga pala, sorry kanina ha no'ng pinalabas ko kayo." "Ok lang mommy we understand.""Thank you anak. Sila mommy at daddy pala, nasan?" "Nag mall, gusto raw manuod ni mommy sa sinehan." Infairness naman sa combination ng spaghetti at palabok, hindi siya weird. Bagay din naman. "Masarap?" Tanong ni Pat "Yeah." "Ok lang na

  • My Unplanned Baby   symptoms

    Today is our last day in Boracay. for a week grabe araw-araw yata kaming lasing. Pero today we decided not to drink para makapag pahinga ng maayos. Namili nalang kami ng souvenirs at sinulit ang mga water activities. "Mahal, tulog na tayo?" Tanong ko "Maaga talaga tayo bukas." "Hindi natin susulitin ang stay natin dito?" "Niko, alam ko yang binabalak mo ha. Tumigil ka talaga. Ikalma mo.""Nagtanong lang naman ako," sabi ko sabay talikod sakanya "Luh. To naman matampuhin agad." "Hindi. sige na matulog na tayo." "Harap ka dito." "Oh siya sige na. Tulog na tayo. Goodnight," sabi ko sabay hug sakanya at pumikitHindi ko na pipilitin. May trauma pa to eh. I'll wait until she's ready. "Feel ko nagtatampo ka talaga." "Hindi mahal ok lang. Tulog na tayo." "Love you," sabi niya sabay kiss sakin sa lips nung una hindi ako nag response sa kiss niya kasi baka kako smack lang pero dahil siya yong unang gumalaw, don na ko nag response and the kiss went so passionate. Banayad pero alam m

  • My Unplanned Baby   trauma

    NIKO'S POV: Sana ganito lagi. Yong masaya lang. Yong kumpleto, Yong walang problema. Ang gaan kasi sa pakiramdam. Masaya rin ako na kami na ulit ng babaeng Mahal ko. I'm sure magiging masaya rin si RZ pag nalaman niya to. "Mahal," sabi ko habang nakayakap sakanya "Hmmm matulog na Niko!" "Grabe naman sa Niko. Galit ka?" "Matulog na kasi Mahal." "Sabihin ba natin to sa barkada mahal?" Tanong ko "Hayaan mo sila mag conclude. What they see is what they get.""Ok po.. goodnight. I love you.""Goodnight." "Luh wala man lang I love you too." "Napaka arte mo. I love you too." "Parang labas naman sa ilong mahal." "Kung ikaw kaya palabasin ko dito?" "Ay hindi. Sige na. Matutulog na rin ako." Pag gising ko kinabukasan, agad ko nakasalubong si mommy sa sala pero parang may kakaiba sakanya. Hindi ko lang alam kung ano. "Good morning mommy" bati ko sakanya "Kanina good ang morning ko. Ngayon hindi na kasi nakita kita." "Hala." "Asan daddy niyo? Dhie!" sigaw ni mommy"Mhie, I'm here

  • My Unplanned Baby   Lowkey

    NIKO'S POV: Simula no'ng umuwi kami dito ay nakita ko rin talaga kung paano mag effort at bumawi si daddy sakin. He's really trying his best para mapatawad ko siya. 2:30am na pero hindi parin ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit kaya tumambay muna ko sa pool area habang umiinom. Baka sakaling makatulog ako pag uminom ako "Ang daya. Di nag aaya," sabi ni daddy sabay tabi sakin at may hawak din itong alak "Akala ko kasi ako nalang ang gising." "Bat gising ka pa?" Tanong nya"Hindi ako makatulog kaya umiinom ako kunti." "Kunti ba yan? Pangalawang bote mo na ng soju.""Ikaw bat gising ka pa?" Tanong ko "Hindi rin ako makatulog eh." "Bakit?" "Ewan. Parang may humihila sakin papunta dito." "Ahhh." "Niko, nak." "Hmmm." "I know mahirap mapatawad yong ginawa ko pero sorry talaga ha. I was too selfish," Sabi nya natahimik ako at nag shot ulit. Tinitimbang ko ang mga bagay-bagay at nararamdaman ko. Nagulat ako nang bigla s'yang nagsalita ulit "Ok lang nak kung hindi mo pa kaya.

  • My Unplanned Baby   weird behavior

    PATRICIA'S POV:Mabilis dumaan ang oras at naka uwi na kami ng bahay. Nakakapagod pero masaya at worth it naman. Back to reality na naman bukas. Back to work. Kinabukasan, pag gising ko, sobrang sama ng pakiramdam ko. Sobrang sakit ng ulo ko na para bang nasusuka ako. "Nilalagnat ka ba?" Tanong n

  • My Unplanned Baby   Christmas Eve

    PATRICIA'S POV: Isang tulog nalang Christmas eve na. At ngayon, pupunta kaming grocery para sa lulutuin namin bukas. Spaghetti, shanghai, chicken cordon Bleu, fried chicken, coffee jelly, graham cake. I miss Christmas in pinas. I missed Celebrating Christmas with my family. Wala kasing ganito sa

  • My Unplanned Baby   Lukso Ng Dugo

    NIKO'S POV: It's been almost 5 years since I graduated college. Hindi na ko nag masteral para makatulong agad ako sa kumpanya after ikasal sila mommy at yong bagong asawa niya. So far so good naman. Nakakatulong naman ako kahit papano. It's been almost 5 years na rin since she left me without any

  • My Unplanned Baby   after almost 5 years

    PATRICIA'S POV: 2 years na simula nang ipagpatuloy ko ang masteral ko dito sa Harvard university. Hindi naging madali ang journey ko dito pero nakaya ko lahat lagpasan yon dahil sa isang taong never ako tinalikuran, pinabayaan at iniwan dito. "Congratulations my love," Jeff greeted as I go dow

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status