LOGINPATRICIA'S POV:
Isang tulog nalang Christmas eve na. At ngayon, pupunta kaming grocery para sa lulutuin namin bukas. Spaghetti, shanghai, chicken cordon Bleu, fried chicken, coffee jelly, graham cake. I miss Christmas in pinas. I missed Celebrating Christmas with my family. Wala kasing ganito sa US. Di ko ramdam Ang pasko doon. After namin sa grocery store ay nag lunch lang kami malapit sa condo. At sa kamalas malasang pagkakataon nga naman, bigla namin nakita si Niko na papasok sa resto. "Tito Niko!" Sigaw ni RZ nang makita niya si Niko "Hi RZ, hi guys," "Join us here. May isa pa pong chair sa tabi ni mommy." "Are you sure? Is that ok?" "It's ok. Right, mom, dad?" Sabi ni RZ "Yeah it's ok bro. Join us. Ang lungkot mag isa." "Yeah," Simpleng sagot ko "Malungkot mag isa? Malungkot siya pero nasanay nalang din ako," sabi niya sabay upo sa tabi ko "Wala ka bang mga kaibigan Tito Niko? Lagi kang mag isa eh." "I have friends. Just that, they are busy with their family, especially now, Christmas break." "Ok." After namin mag order Ng pagkain, nag hintay lang kami ng 15 mins, sinerve na samin. Pagka kita ko Ng order mukhang mas masarap sakanila at sakin, hindi. Inamoy ko muna yong akin. Amoy palang ayoko na eh. Pero tinikman ko parin. Hindi talaga. Ayoko talaga. Hindi siya masarap for me. "Ayaw mo? Gusto mo love order nalang tayo ng iba?" Tanong ni Jeff "Hindi na. Ok lang. Pipilitin ko nalang ubusin." "Ikaw lang din naman mahihirapan kung pipilitin mo. Gusto mo, palit tayo? Masarap tong akin," thoughtful na sabi ni Niko "Kahit masarap para sa'yo kung hindi masarap para sakin, wala rin." "Tikman mo muna kasi. I-try mo muna. Hindi yong kung ayaw mo, ayaw mo nalang," medyo hugot na sabi ni Niko "Kanina ka pa humuhugot. Pansin ko," sabi ni Jeff. Pansin ko rin Inamoy ko nga yong Kay Niko at ok naman, nang tikman ko yong pagkain niya, masarap din kaya napatingin ako sakanya. "Ano? Masarap no? Palit tayo," sabi niya sabay lapag Ng pagkain niya sa harap ko at kinuha niya yong akin. "Sure ka, ok lang sa'yo?" "Mag suggest ba ko kung hindi ko gusto? Sige na kumain ka na." "Thank you," sincere na Sabi ko. Hindi parin talaga siya nag babago. He's as thoughtful as before. Ganun kami noon. Pag ayaw ko sa pagkain, makikipag palitan siya sakin. stop! Walang mag rerelapse today! "Ang swerte siguro Ng asawa at anak mo Tito Niko." "Rz, nak." "Pano mo naman nasabi RZ?" Tanong ni Niko "Because you're very thoughtful. Lagi mo inuuna ang iba bago ang sarili mo." "Ahh wala akong asawa at anak." "Bakit po? Bakla ka po ba?" AHAHAHAHAHAHA I didn't expect RZ would say that. Nabilaukan tuloy ako "RZ, anak," sabi ni Jeff sabay tawa "oh Pat! Tubig," Sabi ulit niya nang mapansin niyang nabilaukan ako "no RZ, I'm not," sabi ni Niko habang tumatawa at hinihimas Ang likod ko. "Rz anak, just because he has no wife and child, doesn't mean he's gay. That's offensive anak kasi you judge tito niko, lalo na at hindi mo pa lubusang kilala yong tao. Huwag mo na uulitin, ok?" Sabi ko Kay RZ "Yes mom. It won't happen again. Sorry tito Niko." "It's ok." Niko is being extra sweet today a. Mukhang naka move on na rin siya sakin. "Anong ginagawa mo dito pala bro?" Tanong ni Jeff "May sasamahan lang ako bumili ng regalo. Last minute shopping." "Sino? Girlfriend mo?" Tanong ko "Oo. Bakit?" "Wala. Pake ko kung girlfriend mo siya." "Bat mo tinanong kung wala kang pake?" "Curious lang. Delulu ka naman na nagseselos ako. May anak na nga kami ni Jeff eh," sabi ko at natahimik siya. Delulu naman kasi agad. Feeling siya ha. I am not jealous. I can't be jealous. "Excuse me. Had to take this call." "Go lang." "Hello love. San ka na? I'm here at **** restaurant. Kita nalang tayo dito. Bye. Ingat ingat." Ilang sandali pa dumating na rin yong ka meet up niya. At pinakilala niya kami rito. "Hi guys. Nice to meet you all." "Nice to meet you," sabi ni Jeff "Nice to meet you." "Bye guys. We have to go. See you around." "Sure have fun and take care." Nang umalis sila ay umalis na rin kami. Nakakairita silang tignan. Sakit sa mata. "Jeff." "Yes love." "Can I have a little favor?" "Sure." "Can we pretend tomorrow?" "Pretend that we are together?" "Yes." "Why do we have to pretend kung pwede naman nating seryosohin." "Jeff, alam mo naman diba." "Yeah. Alam ko naman na mahal mo pa siya." "No." "So anong purpose Ng pagpapanggap? Para pagselosin siya?" "Para ipa mukha sakanya na naka move on na ko. Iniisip niya kasing nagseselos ako don sa babaeng yon." "Hindi ba?" "Hindi. Bat naman ako magseselos?" "Kasi mahal mo pa." "Hindi ko yon mahal." "Talaga ba? Hindi kasi halata," sabi ni Jeff at lumabas ng kwarto Kinabukasan, maaga 11:30 palang ay lumawas na kami papunta kila daddy. Matutulog din kami doon ng ilang araw. Excited na ko makita sila mommy at daddy. Namiss ko sila, sobra. NIKO'S POV: Desperas ng pasko at busy lahat ng mga tao. Somehow, excited ako sa pagkikita nila daddy at Pat. I know they missed her. Habang kumakain kami ng lunch, dahan dahan pumasok sila Pat, Jeff at RZ. Sinenyasan nila akong tumahimik muna "Niko, nak, mamaya mag tawag ka na for deliveries ha. Baka hindi ka makahabol. I'm sure pahirapan mag order ngayon dahil maraming orders," Sabi ni mommy "Dapat makapagpa reserve ka na ASAP. Wala pa man din magluluto," Sabi naman ni daddy "Hindi niyo naman po kailangan magpa deliver nandito naman po kami ni Jeff para magluto," sabi ni Pat napalingon agad sila mommy at daddy sa likod. Agad nila itong niyakap at nagka iyakan pa nga. After that heartfelt moment, winelcome naman nila si Jeff. Nag bless Naman si RZ sakanila "Oh anak, aren't you going to hug Pat and welcome Jeff?" Tanong ni mommy "Welcome to the family bro." Sabi ko at nakipag shake hands ako. After that ay I awkwardly beso Pat "Kumain na ba Kayo? Kain muna kayo bago kayo mag pahinga," sabi ni daddy. "Jeff, Dito ka sa tabi ko anak," sabi ni mommy at agad naman itong umupo sa tabi ni mommy tsaka niya pinaupo si RZ sa tabi niya. Kaya no choice, tumabi sakin si Pat. "Magkakilala pala kayo, mommy, tito Niko," sabi ni RZ "Yes anak. Magkapatid kami ng tito Niko mo." Ok. Kapatid. Totoo naman yon pero bakit parang ang sakit? Diba dapat galit ako sakanya? Bat ako nasaktan? Tangina naman sa magkapatid na yan. "Niko, nak, pupunta ba ulit si Lyn dito mamaya?" Tanong ni daddy "Chat ko po. Baka pumayag ulit. Wala rin naman kasi siyang kasama dito sa maynila." "Oo nak. Invite mo. Ang lungkot mag celebrate ng Christmas na mag isa lang." "Ayan po sakto. Tumatawag siya," sabi ko tsaka ko sinagot ang tawag "love, napatawag ka? Yeah! Actually I was going to ask you if you're gonna celebrate Christmas here. Hinahanap ka rin kasi nila daddy at mommy. Sige see you love." "Pat, nak, kailangan niyo ng tulong sa pag luto mamaya?" Tanong ni mommy "I'll help them ma. Baka tumulong din si Lyn so magpahinga nalang kayo ni daddy," Sabi ko "Or kayo nalang po magbantay Kay RZ," sabi naman ni Pat "I would love that. Sige sige. Kami nalang bahala kay RZ," sabi ni mommy. Pansin kong biglang natahimik si daddy no'ng sabihin ni mommy na sila ang magbabantay kay RZ. Ayaw ba niya kay RZ? Kawawa naman yong bata kong ganon. "Kailan pala kayo dumating nak?" Tanong ni daddy "2 weeks ago dad. Nag stay kami sa condo ni Jeff." "Oh, babalik pa kayo don?" Tanong ni mommy "Pinag iisipan pa po namin Tita." "Huwag na kayong bumalik. Dito nalang kayo." "Pano yong kumpanya don dad?" "It's ok. Kaya na yon ng mga employees ko. Magtulungan nalang kayo dito ni Niko." Sana bumalik muna sila don. Hindi pa ko ready makipag interact sakanila ng matagal. Ayoko muna. "Let see dad. Maaga pa naman to decide." "Sabagay. Pero nak, dito ba kayo mag stay ngayon or uuwi pa kayo after Christmas eve?" "Dito po kami until after new year." "Oh nice anak. Thank you!" After namin kumain, ay nagkanya kanyang nap muna kami. Nag rerecharge para mamayang Gabi. Nagising ako ng bandang 5:30 dahil sa tawag ni love. Nag inform lang siya na in a bit ay nandito na daw siya kaya bumangon na ko. "Oh baby RZ, where you going?" Tanong ko dahil nakasalubong ko siya. Sakto kasing paglabas, lumabas din siya ng kwarto ni Pat. "Sa sala po maglalaro. Tulog pa po kasi sila mommy at daddy eh. Ikaw po san ka pupunta?" "Sa sala rin. Hihintayin ko si tita Lyn mo" "Jowa mo po yon tito?" "Ha? Uhmmmm." "RZ anak, you're not suppose to ask that. Bata ka pa para malaman ang mga ganyan," pag sita ni Pat sa anak niya. Kalalabas lang din nila ni Jeff sa kwarto "Ok mommy. I'm sorry tito." "It's ok." Sabay sabay kaming bumaba. Nag stay muna ko sa sala para samahan maglaro at bantayan si RZ. Sila naman, sabay pumunta Ng kusina para mag handa na ng lulutuin para sa Noche Buena. Maya maya pa, dumating na rin si love at bumaba na rin sila mom and dad na halatang kagigising lang din. "Kami na bahala kay baby RZ, tumulong ka na don," sabi ni daddy kaya nag tungo rin kami ni love sa kusina para tumulong. "Hi guys, you need help?" Tanong ni love "Oh. Hi it's you again. Lyn, right?" Sabi ni Pat at tumango lang si love "I never know you guys live in one roof. Last year kasi wala kayo dito" "Nasa US sila that time love. Umuwi sila to celebrate Christmas here. Pat is actually my sister." "Ohhh and how about Jeff?" "He's my boyfriend. And we have a child, it's RZ." "Oh nice." "So, do you guys need help?" Tanong ko "Ah yeah. Kami nalang nalang ni Lyn ang magbalot ng Shanghai. Tas niks, ikaw nalang gagawa ng cordon Bleu. Tas si Jeff sa spaghetti." "Ok noted Pat." Sinimulan na nga namin. Habang nagbabalot si pat at Lyn at nagpapakulo Ng tubig si Jeff para sa pasta, sinimulan na ni Jeff mag luto ng sauce at ako, sinimulan ko na rin gawin yong cordon Bleu. Since college kasi ay ito na rin ang favorite Kong lutuin. "Love" pagtawag ni Jeff "Ha!?" Sabay sabi ni love at Pat "Ay sorry. Mahal pala. Mahal tikman mo nga tong sauce kung ok na," Sabi ni Jeff habang hinihipan Ang kaunting sauce na nasa kutsara "Ikaw nalang tikman ko Mahal," sabi ni Pat sabay hagikgik at yakap kay Jeff "Mamaya na mahal. Yong spaghetti muna," Sabi naman ni Jeff na halata mong kinilig sa sinabi ni Pat dahil bigla siyang namula. Ang haharot! Nakaka init ng ulo! "Niko, maawa ka naman sa chicken breast, durog na kakapukpok mo ng meat tenderizer," Sabi ni Lyn. "Sorry. Pero mas maganda para mas malambot. Mas madaling ibalot Ang mga ingredients." "Ahhh." "Ok na para sakin Mahal. Ipatikim mo nalang sa anak mo para sure na magustuhan niya." Anak mo!? As if! Wala nga siyang nakuha Kay Jeff eh. Tinawag nga namin si RZ para tikman ang spaghetti sauce at nagustuhan naman niya. Sunod namin niluto ni Jeff yong fried chicken at chicken cordon Bleu. Maya maya habang nag priprito kami, biglang lumapit si Pat at niyakap niya si Jeff mula sa likod. Para naman in heat tong dalawang to. Kanina pa naghaharutan. At dahil nairita ako sa kinikilos nila, umalis nalang ako at nag hugas ng mga nagamit kanina. "Pat imbes na para kang tuko diyan, paki tignan nalang yong niluluto ko please. May ginagawa pa ko dito." "Tsk. Fine!" Inis na sabi niya "Lyn, Dalian mo rin diyan sa pagbabalot. Maluluto na lahat ng chicken. Isusunod ko na yan," sabi ni Jeff "Sure. Konti nalang naman to eh." After ng ilang oras na pagluluto ay natapos na rin kami. Grabe nakakapagod! Sana hindi nalang din ako tumulong para hindi na sumakit yong mata ko at uminit yong ulo ko Ilang sandali pa, nag countdown na para sa Christmas! Exactly 12 midnight ay nagbatian ang lahat kahit awkward kaming tatlo. Be civil muna, Niko. Isantabi mo muna yang galit mo sa dalawa. Sabay sabay kumain at nag abutan ng mga regalo.NIKO'S POV: Ang bilis ng panahon at malapit na naman ang anniversary namin. After ko sunduin si RZ sa school, dumeretso kami sa mall. Nae-excite ako. "Anak may gusto ka bang bilhin dito sa mall?" "Wala naman po daddy bakit? Ikaw ba daddy, ano bibilhin mo?""I'm going to buy a...hulaan mo nga anak. Any guess?" "Daddy naman ginawa pa kong manghuhula. Bakit daddy, ano po ba meron?" "Anniversary namin ng mommy mo." "Ahhh." "Wish me luck anak." "Ha? Hmmm wait! Are you... Are you...wait! Wait! Are you going to propose? Bibili tayo dito ng singsing?" Si RZ na halata mong masaya at excited "Ang cute mo naman nak. Oo. I can't wait to marry her anak. Hope she will say yes." "Oo yan daddy. Ikaw pa ba?""Wow. Sobrang confident nak a. Alam ko naman yon nak na she will say yes pero ayoko lang maging complacent." "Dad, alam mo size ng ring ni mommy?" "Kumuha ako isang ring niya nak. Sana di niya mapansin." Mahilig kasi si Pat sa mga singsing kaya marami siya nito. "Anak, ano mas magand
PATRICIA'S POV: Before kami manganak ni mommy ay bumalik na kami sa States para do'n manganak. Mas maganda kasi ang health system nila doon kaysa rito. Libre lahat do'n at talagang aalagaan ka at ng baby mo hanggat hindi mo pa kaya. Manimum 2 weeks stay sa hospital to make sure everything is ok sainyong mag ina. Ang bilis ng panahon parang kailan lang naglilihi palang ako, ngayon anytime pwede ko na sila ilabas, oo sila. Kambal. Babae at lalake and we named them Night and Light. Nasa kalagitnaan ako ng tulog ng bigla akong naalimpungatan. Nag cocontract ako. Ang sakit! No'ng una pinakiramdaman ko muna, pero no'ng every 15 mins. Nalang ang contraction ginising ko si Niko. "Mahal." "Hmmm." "Sorry but can you please wake up?" "Why po?" Si Niko na pilit gumising. Kinukusot kusot pa ang mata "Nag cocontract ako. Masakit." "Omg! Manganganak ka na?" "I think so." "Sige wait lang, wait lang. Tawagan ko si doc," sabi niya sabay dial ng number ni doc at ininform ito about sa nararamd
Hinayaan nalang muna namin si Pat at nag swimming nalang si RZ hanggang sa bumaba rin siya para bigyan kami ng meryenda "Meryenda time. Tama na muna ang swimming," sabi ni Pat sabay lapag ng meryenda "Thank you mahal. Ano yan?" Tanong ko habang umaahon sa pool"Spaghetti po." "Mukhang masarap ang spabok mo nahal ah." "Anong ppabok daddy?""Spaghetti na palabok." Yong meryenda kasi na hinain niya spaghetti na may itlog at chicharon na durog sa ibabaw. Kaya spabok. Spaghetti na palabok. "Nag crave kasi ako mahal ng spaghetti at palabok kaya pinagsama ko nalang. Kain na," sabi niya sabay subo ng pagkain "It's kinda weird mahal pero it looks delicious naman." "Nga pala, sorry kanina ha no'ng pinalabas ko kayo." "Ok lang mommy we understand.""Thank you anak. Sila mommy at daddy pala, nasan?" "Nag mall, gusto raw manuod ni mommy sa sinehan." Infairness naman sa combination ng spaghetti at palabok, hindi siya weird. Bagay din naman. "Masarap?" Tanong ni Pat "Yeah." "Ok lang na
Today is our last day in Boracay. for a week grabe araw-araw yata kaming lasing. Pero today we decided not to drink para makapag pahinga ng maayos. Namili nalang kami ng souvenirs at sinulit ang mga water activities. "Mahal, tulog na tayo?" Tanong ko "Maaga talaga tayo bukas." "Hindi natin susulitin ang stay natin dito?" "Niko, alam ko yang binabalak mo ha. Tumigil ka talaga. Ikalma mo.""Nagtanong lang naman ako," sabi ko sabay talikod sakanya "Luh. To naman matampuhin agad." "Hindi. sige na matulog na tayo." "Harap ka dito." "Oh siya sige na. Tulog na tayo. Goodnight," sabi ko sabay hug sakanya at pumikitHindi ko na pipilitin. May trauma pa to eh. I'll wait until she's ready. "Feel ko nagtatampo ka talaga." "Hindi mahal ok lang. Tulog na tayo." "Love you," sabi niya sabay kiss sakin sa lips nung una hindi ako nag response sa kiss niya kasi baka kako smack lang pero dahil siya yong unang gumalaw, don na ko nag response and the kiss went so passionate. Banayad pero alam m
NIKO'S POV: Sana ganito lagi. Yong masaya lang. Yong kumpleto, Yong walang problema. Ang gaan kasi sa pakiramdam. Masaya rin ako na kami na ulit ng babaeng Mahal ko. I'm sure magiging masaya rin si RZ pag nalaman niya to. "Mahal," sabi ko habang nakayakap sakanya "Hmmm matulog na Niko!" "Grabe naman sa Niko. Galit ka?" "Matulog na kasi Mahal." "Sabihin ba natin to sa barkada mahal?" Tanong ko "Hayaan mo sila mag conclude. What they see is what they get.""Ok po.. goodnight. I love you.""Goodnight." "Luh wala man lang I love you too." "Napaka arte mo. I love you too." "Parang labas naman sa ilong mahal." "Kung ikaw kaya palabasin ko dito?" "Ay hindi. Sige na. Matutulog na rin ako." Pag gising ko kinabukasan, agad ko nakasalubong si mommy sa sala pero parang may kakaiba sakanya. Hindi ko lang alam kung ano. "Good morning mommy" bati ko sakanya "Kanina good ang morning ko. Ngayon hindi na kasi nakita kita." "Hala." "Asan daddy niyo? Dhie!" sigaw ni mommy"Mhie, I'm here
NIKO'S POV: Simula no'ng umuwi kami dito ay nakita ko rin talaga kung paano mag effort at bumawi si daddy sakin. He's really trying his best para mapatawad ko siya. 2:30am na pero hindi parin ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit kaya tumambay muna ko sa pool area habang umiinom. Baka sakaling makatulog ako pag uminom ako "Ang daya. Di nag aaya," sabi ni daddy sabay tabi sakin at may hawak din itong alak "Akala ko kasi ako nalang ang gising." "Bat gising ka pa?" Tanong nya"Hindi ako makatulog kaya umiinom ako kunti." "Kunti ba yan? Pangalawang bote mo na ng soju.""Ikaw bat gising ka pa?" Tanong ko "Hindi rin ako makatulog eh." "Bakit?" "Ewan. Parang may humihila sakin papunta dito." "Ahhh." "Niko, nak." "Hmmm." "I know mahirap mapatawad yong ginawa ko pero sorry talaga ha. I was too selfish," Sabi nya natahimik ako at nag shot ulit. Tinitimbang ko ang mga bagay-bagay at nararamdaman ko. Nagulat ako nang bigla s'yang nagsalita ulit "Ok lang nak kung hindi mo pa kaya.
PATRICIA'S POV:Mabilis dumaan ang oras at naka uwi na kami ng bahay. Nakakapagod pero masaya at worth it naman. Back to reality na naman bukas. Back to work. Kinabukasan, pag gising ko, sobrang sama ng pakiramdam ko. Sobrang sakit ng ulo ko na para bang nasusuka ako. "Nilalagnat ka ba?" Tanong n
PATRICIA'S POV: Ang aga niya ko ginising. Nainis pa ko sakanya nakalimutan kong may lakad pala kami. Maski sa airport ay antok na antok pa ko. Nong una ayoko pa sumandal eh pero mapilit siya at dahil antok talaga ako hinayaan ko nalang. Nilalaro at hinahaplos haplos niya ang buhok ko habang naka s
NIKO'S POV: Nalaman kong may project pala si Jeff sa Dubai for 3 months. Balik ako sa condo ko kasi panatag naman na ko dahil mawawala nga siya for 3 months. Pero babalik naman ako dito from time to time para sa anak ko. Meetings after meetings after meetings and it was all successful dahil may b
PATRICIA'S POV: Nagising ako sa ingay ng doorbell. Inutusan ko si RZ na buksan ang pinto dahil sobrang inaantok pa ko. "Omg" sigaw ng anak ko kaya napa bangon ako sa kama. Nawala antok ko nong nakita ko kung sino yong nag doorbell. "Daddy lo, Mamita!" Si RZ habang yakap siya nila daddy at mommy







