Share

Chapter 5

Bumalik na ako sa room pagkatapos ng breaktime, pagpasok ko pa lang nakita ko agad ang nakasimangot na mukha ni Verxia.

"Saan ka galing? Alam mo bang hindi ako nakakain kahit cookies man lang dahil sa kakahanap sayo." Inis nitong sabi.

"Sorry, I was in a library looking for a book." Dahilan ko.

"Looking for a book? Are you serious? May assignment ba tayo? May project? May output? At kailangan mo na agad magresearch ng info? Hindi mo sinabing bookworm ka pala kasi wala naman sa hitsura mo ang pagiging nerd." Mabilis nitong sabi kaya wala akong maintindihan.

"At isa pa tinanong ko yung kaklase natin at sabi nila bigla ka na lang raw tumakbo paalis ng cafeteria. Anong nangyari sayo?" Tanong nito.

Umiling ako at umupo. "Wala, tumakbo ako kasi naiihi na ako." Dahilan ko na lang.

"Ganun? Ang ganda ganda mo girl pero tumakbo ka ng mabilis kasi naiihi ka." Nawe-weirduhan nitong sabi.

"May problema ba doon?" Tanong ko.

"Wala naman pero wala pa kasi akong kilala na ganun, ako kasi kahit na lalabas na posture pa rin ako sa paglalakad." Sabi nito

"Tapusin mo na lang drawing mo." Sabi ko na lang at napatingin sa harapan.

If ever na nakilala niya ako, siguradong sinabi na niya iyon sa tauhan niya at posibleng nagpa-plano na sila kung paano ako patayin ulit, pero base sa narinig ko kina Connor at Sanji. Hindi nila alam na student ako ng boss nila. Natatandaan nila ang mukha ko at di ko alam kung natatandaan niya rin ako.

Napasinghap ako ng bigla itong tumingin sa akin kaya napayuko ako.

"Girl secret lang natin dali, mag-ex ba talaga kayo? May something talaga eh." Sabi ni Verxia kaya tinignan ko ito ng masama. Napangiwi ito at napatakip ng mata.

"Gosh ang scary naman ng face mo kapag ganun." Oa nitong sabi.

Nang makatapos kami sa activity ay pili lang pala kung sino ang mag-eexplain sa gitna. Nakahinga kami ng maluwag ng matapos na hindi kami tinatawag.

Napatingin ako kay Kiana at mukhang napansin nito ang tingin ko kaya inirapan ako nito. Napataas ako ng kilay dahil palagi itong ngumingiti sa akin pero ngayon umirap na, dahil ba sa hindi siya marunong magexplain kanina? Okay naman explanation niya eh...

Mabilis lang natapos ang araw at di ko namalayan na hapon na pala. "Bukas magpapalit na ng teacher no? Sayang gusto ko pa naman makita si Sir araw araw." Bulungan ng mga kaklase ko habang nasa loob kami ng elevator.

"Ikalma nyu mga kiffy nyu guys, nandito tayo para mag-aral." Sabi ni Verxia.

"Aysus kunwari pa si Pres, siguradong may crush kay rin kay Sir." Napangiti si Verxia at nag x-sign.

"No no no... hmm siguro noon pero ngayon? Alam ko yung girl code." Sabi nito at tumingin sa akin kaya nagtaka ako.

"Ha?" Naguguluhan ring tanong ng iba. Napakunot noo ako at napalingon kay Kirito na nakatingin sa akin. Umiwas ito ng tingin at agad na lumabas sa elevator ng bumukas ito.

"Tang*na bro wait lang! Nagmamadali ka naman agad diyan."

"What do you mean by Girl Code?" Tanong ko habang naglalakad na kami palabas ng campus.

"Alam ko namang ex mo si Sir at wag ka ng magdeny, obvious masyado eh! Sa tinginan nyu pa lang, naku..!"

"Verxia stop it!" Galit kong sabi. Nawala ang ngiti at nagtakang tinignan ako.

"Hindi ko siya ex, okay? Kilala ko siya, oo! Dahil muntik na akong mamatay dahil sa kanya!" Galit kong sabi at agad na umalis. Plano ko sanang maglakad na pauwi pero sumakay ako para hindi na ako mahabol ni Verxia dahil alam kong marami siyang tanong sa akin.

Nang makasakay sa trycicle ay bigla akong nakaramdam ng hilo.

"Oh okay ka lang?" Agad na tanong ni Leny ng makapasok ako sa bahay.

Nanghihinang napaupo ako at humingi ng tubig.

"Sabihin mo sa akin kung ginawa ba sila sayo at pupuntahan ko agad ang mga putang*nang yan!" Napailing ako at napasandal sa upuan pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Walang may nangyari, bigla lang ako nahilo ng pauwi na ako at hindi ko alam ang dahilan." Sagot ko.

"Nagpainit ka ba doon sa campus, naku naman Kira! Ang init init pa naman ng panahon nyu at saka nagpagutom ka rin ba?" Naiinis nitong tanong.

"Nung breaktime di ako kumain pero pagdating ng lunch kumain naman ako at saka Leny sa loob lang ako ng room tumatambay di ako gumagala kung saan saan." Paliwanag ko. Matagal itong napatitig sa akin at napabuntong hininga.

"Nakapagluto na ako para sa hapunan kaya kumain kana para makapagpahinga ka kaagad buti na lang wala akong pasok ngayon at ako na ang bahala kay inday kulit."

"Salamat Leny." Mahinang sabi ko at kumuha na ng kanin pero nung binuksan ko ang ulam ay biglang nakakasukang amoy kaya napatakbo ako sa banyo."

"Hoy! Tang*na nakita ko yun! Kakaluto ko lang niyan, nakakainsulto ka ha." Nanghihinang lumabas ako ng banyo at nagmumog sa lababo.

"Sorry Leny pero ang baho kasi talaga, masyadong mabaho yung bawang na nilagay mo." Napakunot ang noo nito.

"Girl adik ka ba? Kaya ko dinadamihan ng bawang yung nga luto ko minsan kasi nga nababanguhan ka." Sabi nito at tinignan ako na parang nababaliw na ako.

"Sorry pero ang tapang kasi talaga ng amoy, ayoko ng ganun magluluto na lang ako ng itlog." Sabi ko.

"Nakakatampo ka ha! Papalagpasin ko to ngayon, diyan kana maupo ka at ako na ang magluluto." Napangiti ako dahil napakabait talaga nito.

"Ano bang nangyayari sayo at nagkakaganyan ka? Girl ikaw yung kilala ko na dadapuan lang ng sakit sa isang taon." Sabi nito habang nagpri-prito.

"May ketchup ba diyan?" Tanong ko na lang, napatigil ito at agad na nilapitan ako.

"Matagal na tayong magkakilala Kira at alam kong ayaw na ayaw mo sa ketchup, ang dahilan lang na bumibili ka pa rin ng ketchup ay dahil bet ni baby girl iyon." Di ako nakasagot dahil kahit ako nawe-weirduhan na sa sarili ko.

"Hindi ko alam pero naiimagine ko pa lang yung scramble egg na may ketchup ay natatakam na ako." Excited kong sabi.

"Ewan ko sayo basta pagkatapos mong kumain magpahinga kana agad ha baka kasi sa pagod mo yan." Tumango na lang ako.

Hindi ko alam pero napasearch ako kay g****e about sa mga bampira. Hindi kaya epekto lang iyon ng droga na nilagay nila sa inumin ko kaya, naghahallucinate na ako ng mga bagay bagay.

Kung totoong bampira siya, eh bakit nakakapaglakad siya sa daan na may sikat ng araw?

"Eto na madam, eat well po." Sarcastic na sabi ni Leny. Hindi ko na lang pinansin ito at agad na akong kumain, halos sabawan ko ng ketchup ang itlog dahil sa dami ng nilagay ko.

"Sigurado ka bang kakainin mo yan? Bakit parang takam na takam sa ketchup eh di mo naman yan gusto." Nawe-weirduhang sabi ni Leny.

"Hindi ko alam pero ang sarap kainin kasi kulay pula."

"What!?" Nginitian ko lang ito at nagsimula ng kumain, nakita kong napailing na lang ito at umalis sa harapan ko.

Pagkatapos kong kumain at maghugas ng kinainan ko ay nakaramdam agad ako ng pagod sa di ko alam na dahilan.

"Girl ikaw yung kilala ko na malakas ang stamina at hindi agad napapagod, naghugas ka lang ng pinggan nanghihina kana agad ang oa mo naman." Gusto ko mang magsalita pero wala na akong lakas at hinihila na ako ng antok kaya nakatulog agad ako.

Late na akong nagising kinabukasan kaya taranta akong naligo at nagbihis, hindi na ako nakapag-almusal at ang malala pa ay umiyak si Akiea ng paalis na ako. Gising na pala eto kaya nahirapan akong makaalis kaya mas lalo tuloy akong nalate.

30 minutes na akong late kaya kinakabahan akong pumasok sa room. Huminga ako ng malalim before kumatok sa pinto.

"Come in." Nanindig mga balahibo ko ng marinig ang baritono nitong boses.

"I-im...."

"Take your seat." Sabi lang nito ng hindi ako tinitignan, nakita ko ang senyas ni Verxia kaya agad akong lumapit dito at umupo.

"Wrong timing late mo, bad mood si Sir buti di ka pinagalitan." Bulong nito ng makaupo ako.

"Totoo?" Kinakabahan kong sabi at napakagat ng labi.

"Oo girl biglang nagkaroon ng on the spot question, mga natutunan daw noong grade 11 ang swerte mo wala ka dito."

Buti nga kasi ano naman ang masasagot ko? Paano ko naman mare-recall ang mga lesson namin noon eh matagal akong nagstop.

Halata ngang kakatapos lang nila sa on the spot na recitation dahil halata pa sa mukha ng iba ang kaba.

"By the way mag iiba na tayo ng teacher ngayon, sana naman wala tayong strict na subject teacher para smooth lang the whole semester natin." Sabi nito.

Laking pasasalamat ko ng kaunting oras na lang ang pagtuturo nito dahil time na para sa next subject.

Wala rin kaming masyadong ginawa sa next subject at nagpakilala lang ulit at saka sumagot rin ng pre-test.

"Girl may meeting daw lahat ng president at vice sa engineering dept. pwede bang ikaw na magbigay kay Sir nito tapos ko ng i-check lahat yan." Nanlaki ang mata ko at agad na napailing.

"Bakit ako? Sa ibang officer mo iutos." Napasimangot ito at pilit na pinahawakan sa akin ang papers.

"Ikaw na yung nandito eh, sige na pleaseee...." Pagmamakaawa nito kaya agad akong kinabahan.

"Hindi ko pwedeng iutos sa iba dahil baka palitan nila ang score."

"Then let them, pre-test lang naman yan." Agad kong sabi na ikinanganga ni Verxia.

"Are you for real?" Di makapaniwalang sambit nito.

"What if palitan ko rin yung akin?" Sabi ko

"I know you wont at isa pa kahit anong tanggi sa iyo ko lang ipagkakatiwala tong test paper natin." Napakagat ako ng labi at nagdadalawang isip na kunin ang mga papel, pero pinahawak na ni Verxia kaya wala na akong nagawa.

"Thank you Kira." Ngiting tagumpay nitong sabi.

Mag isa na lang akong pumunta sa next subject since may meeting si Verxia. Plano kong wag na munang ibigay ang papers at hihintayin ko na lang siya hanggang lunch para siya na magpasa pero natapos na yung klase at dumating na ang lunch ng hindi nagpapakita si Verxia.

"Ah.... Darina."Napatigil ang mga ito at napatingin sa akin.

"Bakit?" Tanong nito, nagdadalawang isip ako kung iuutos ko ba sa kanila pero baka anong isipin nila kaya ngumiti na lang ako at umiling.

"Wala, sorry sa istorbo." Sabi ko at agad na umalis.

Napahigpit ang hawak ko sa papel at halos mayakumos ko ito habang papalapit ako sa office nito.

"Bro kung gusto magsumbong nun sana noon pa diba? And don't f*cking tell me na may maniniwala sa kanya? Come on let the girl live." Napatigil ako at napatingin sa siwang ng pinto dahil hindi ata nila sinarado ng mabuti.

"Shut up Connor you're just planning to fuck her and make her one of your girls."

"Dude kapag ganun, papakasalan ko na lang agad pwede?" Sabi nito at tumawa na sinabayan ng iba.

"Who's that girl ba? This is the first na may nakasurvive ha, did you let her escape master?"

"Shut up Xiona we're the one who disposed her body in an island. She's alreadly cold and lifeless when we dump her body."

"Yes, Wallace is right. She lost all her blood that time so it's really impossible for her to survive. Maybe the one you saw is her sister or someone that exactly look like her."

"Is it also coincidence na parehong pareho sila nang full name? May mga ganung tao ba? Same face and same full name? Ano yun twins?"

"Exactly! Baka nga twins."

"Bro we investigate about her, she's only have a little brother and sister. She's living together with her friend and she also doesn't have a parents. She's the one who's taking care—"

"Hey."

"Ay taking care!" Gulat kong sigaw ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Do you need something? Why don't you knock?" Tanong nito.

"What's that shout?" Agad akong kinabahan ng bumukas ang pinto at bumungad sa amin babae.

"Oh hey Ashura you're already here." Napalingon ako sa lalaki dahil mukhang kasama rin nila.

"Nandiyan ba si Zeke? May student siya dito sa labas. Come inside" Nanlaki ang mata ko ng hinila ako nito papasok.

"Oh man..." Narinig kong sabi ni Connor habang nakatingin sa akin.

"She's—"

"Shut up Sanji, come here Ms. Mendez give me the papers." Kinakabahang lumapit ako at nanginginig na pinasa ang mga papel, ramdam na ramdam ko ang titig nilang lahat sa akin.

"Thank you for this Ms. Mendez you can go now." Hindi ako nakapagsalita at agad na lumabas sa office, agad na tumakbo ako palayo ng makalabas. Halos di ako makahinga kanina at muntik ng mabuwal.

Ako ang pinag uusapan nila, may pina-plano silang patayin ako.

Nawalan na ako ng ganang kumain kaya naman inabot na ako ng time ng hindi nakakapag lunch

Tuliro ako buong maghapon at di makapagconcentrate, buti na lang at walang masyadong ginawa since first meet pa lang namin sa mga subject teachers.

Nakatanggap ako ng text mula kay Leny nung pauwi na ako. Nagpapabili ito ng pulang tela dahil kailangang kailangan daw nito mamaya. 10 pa ng gabi ang duty niya pero marami daw siyang aasikasuhin kaya sa akin siya nagpasuyo.

Dumaan ako ng downtown para maghanap dahil alam kong marami doon, naghanap ako ng mas mura pero kahit saan ako pumunta pare-pareho yung presyo.

Kapag di ako makahanap ng mas mura di magkakasiya ang pamasahe ko pauwi. Hindi pa ako mapakali dahil feeling ko may nakasunod sa akin.

Pagkatapos kong bumili ay umuwi agad ako pero dahil sa traffic ginabi na ako.

Pagkababa ko ng jeep ay di na ako sumakay ng trycicle dahil wala na akong pamasahe.

Napatigil ako dahil naramdaman ko ang yabag ng taong sumusunod sa akin.

Pinagpapawisan na ako sa kaba at takot. Sa tabi lang ng kalsada ang bahay namin pero bakit walang dumadaan na mga trycicle ngayon.

Nakapagplano na ba agad sila na papatayin ako? Sino ang sumusunod sa akin? Sina Sanji at Wallace pa rin ba? O iba ang pinadala nila.

Biglang humangin ng malakas kaya nanindig ang mga balahibo ko.

"Meow"

"Ay!" Gulat kong sigaw nang bigla na lang may dumaan na pusa sa harapan ko kaya napatigil ako. Napalingon ako sa likuran ko pero wala akong makita pero biglang may mabilis na dumaan sa likuran ko na ikinasigaw ko ulit.

"S-sino ka?" Natatakot kong tanong. Gusto kong tumakbo pero parang nakapako ang mga paa ko at di ko maigalaw. Malapit na rin akong matumba dahil nanghihina na ako.

Napatingin ako sa poste dahil biglang namatay ang ilaw. Mas lalo akong kinabahan.

"You're a real goddess just exactly what they say."

"Aaahh....!" Napasigaw ako sa takot ng biglang may nagsalita, napalingon ako at halos mawalan ako ng hininga sa nakita ko.

B-bampira.... pero hindi siya normal. Nakakatakot ang mukha nito, may mga itim na ugat ang nga mukha nito at parang nag aapoy ang mga mata nito.

"Sabi nila ikaw ang huling biktima ng mga Williams na hanggang ngayon ay wala pang nabibiktima na babae. Ibig sabihin isa sa mga kailangan namin ang dugo mo para sa gamot."

Bumuka ang bibig ko pero walang salita na lumalabas. Gamot?

Unti unti akong napaatras at tatakbo na sana ng bigla nitong hinablot ang buhok ko. Napasigaw ako ng malakas pero bakit parang di ako naririnig ng mga nasa loob ng bahay.

"Bitiwan mo ako! Tulong!" Buong lakas kong sigaw habang pumipiglas.

Napatawa ito at naglabas ng pangil, natatarantang binuksan ko ang bag ko at naghanap ng pwedeng makatulong sa akon pero wala akong mahagip kundi ballpen lamang. Kinuha ko ito at agad na sinaksak sa mga mata niya. Napasigaw ito at napahawak sa mukha niya.

Agad akong tumakbo pero dahil sa nanlalambot na ang mga paa ko ay natumba ako.

Galit na sumigaw ito at kitang kita ko kung pano humaba ang mga kuko nito. Tatalon na sana ito ng biglang may dumaan na motor at binangga siya. Natumba ito at mas lalong nagalit.

Gumapang ako paatras ng sumugod ito sa nakamotor pero nagulat ako ng tumalsik ito palayo pagkatapos siyang suntukin ng nakamotor.

Napaatras ako ng lumapit sa akin yung dumating na lalaki at kinuha ang helmet niya.

"S-sir.." Huling sambit ko bago ako nawalan ng malay.

Nang magising ako ay nasa hospital na ako. Nakita ko agad ang nurse na may sinusulat habang nakatingin sa mga gamot.

"Good morning po Mam gising na po pala kayo, sandali lang at tatawagin ko si Doc." Hindi pa ako nakakapagsalita ay umalis na agad ito.

Ang huling natatandaan ko ay  may sumugod sa akin na bampira o panaginip ko lang ba yun? Nakita ko siya kagabi, niligtas niya ako.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang doctor at siya....

Kinabahan ako ng makita ko siya pero at the same time nakaramdam ako ng ligtas sa di ko alam na dahilan.

"Kamusta pakiramdam mo, Ms. Mendez?" Sinagot ko ang doctor, marami itong tanong sa akin na sinagot ko naman kahit na naguguluhan ako sa nangyari sa akin.

"Please take care of her Mr. Williams, bawal sa kanya ang stress at puyat and please painumin palagi ng vitamins para iwas problema sa pagdadala ng bata and for you Ms. Mendez kumain ng masustansiya para healthy si baby." Parang nawindang buong pagkatao ko at nagloading ang utak ko.

"B-baby?"

"Yes Ms. Mendez you're pregnant, congratulations." Napanganga ako at parang di kayang iproseso ng utak ang sinabi ng doctor.

P-pregnant?

Next pa ba?

Comments (9)
goodnovel comment avatar
Donna Bawit
asan na po next ...
goodnovel comment avatar
Mary cris Balognapo
waiting for update
goodnovel comment avatar
Bai Jui Houchi
Update pls.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status