Share

Chapter 2: The Event

Kaagad na binuksan ni Veron Stacey ang koneksyon mula sa kaniyang pribadong telepono sa hearing device na suot-suot niya nang tumunog iyon.

“Babe, where are you?” anang tinig-lalaki mula sa kabilang linya.

“Sa bahay, Babe. I’m about to leave,” sagot niya habang sinusuot ang kulay itim at kumikinang na high heeled stilettoes. Kakaiba ang sandalyas na iyon na naglalabas ng kutsilyo sa oras na kailangan.

Sinipat niya ng maigi ang sarili sa salamin.

“You know what, Babe. I’m very very excited to see that demon,” bulong ni Veron habang nakapaskil sa labi ang isang malawak at matamis na ngiti. Ramdam niyang magtatagumpay na siya sa pagkakataong ito.

Narinig niya ang isang malalim at mahabang buntong-hininga mula sa kabilang linya.

“What’s wrong, Babe?” nagtatakang tanong niya.

“What if, h’wag mo na kayang ituloy ‘yan? Look, masyadong delikado iyang gagawin mo. Hindi mo basta-basta makakaharap ang taong punong-puno ng armas at bantay. Nag-iisa ka lang at sobrang hirap ng gagawin mo,” pagpapaliwanag ng nasa kabilang linya.

Napataas ng kilay si Veron Stacey. Akala ba niya’y ayos na sila ng kaniyang kasintahan? Nakapag-usap na sila hinggil sa kaniyang mga plano ngunit bakit ngayon ay tumututol na ito?

“At pagkatapos, ano? Hahayaan ko na namang makatakas at makalayo sa landas ko ang demonyo nang wala man lang nakukuhang hustisya sa pagkamatay ng mga magulang ko? Iyon ang hinding-hindi ko mapapayagan, Skyler Dave!” naiinis niyang sabi.

Waring natigilan ang kausap sa kabilang linya. Kapag ganitong tinatawag na siya sa sariling pangalan ng kasintahan ay paniguradong galit na ito at hindi na mapipigilan pa sa nais na gawin. Natatakot na itong kontrahin ang nobya dahil baka humantong pa sa hiwalayan ang kanilang pagtatalo. Pero alam din niyang malabong mangyari iyon dahil ramdam niya kung gaano siya kamahal ng babae. At dahil mahal din niya ito ay wala siyang magagawa kundi ang suportahan na lang ang nobya.

“Okay, okay. Just—just take care of yourself. I’m just worried ’cause I love you.”

“I love you too and please understand that I need to do this. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi natutupad ang nais ko. Kaya please, h’wag mo na ’kong pagbawalan pa sa pinakaunang bagay na makapagpapasaya sa ’kin,” munting hiling ng dalaga.

“Okay, then. Pero pakiusap ko rin sa ’yo, don’t wear revealing dress. Ayokong pinagpipiyestahan ka ng tingin ng ibang lalaki. You know, marami pa namang guwapo doon,” napapahalakhak na biro pa nito.

Hindi naman masyadong revealing ang suot niya. Mataas naman ang nasa bahaging dibdib ng suot niya at hindi kakikitaan ng cleavage maliban nga lang sa hita niyang may mahabang slit. Revealing na kung revealing pero mas kumportable siya sa ganoong kasuotan kaysa balot na balot.

Idinaan na lang niya sa bahagyang pagtawa ang pahayag ng nobyo.

“Don’t worry, Babe. Kahit ilang guwapong lalaki pa ang makita ko sa party na ‘yon, sa iyo lang ako mahuhumaling ng ganito,” seryosong bigkas niya.

Natigilan ang kausap sa kabilang linya. “Thank you so much, Babe. I’ll do the same. You’re always be my love forever. Nothing gonna change my love for you,” seryoso ring bigkas ni Skyler na ikinabilis ng tahip ng kaniyang dibdib. 

Her feelings for him never fade. Kung paanong tumibok ang puso niya noong una silang magkita ng kasintahan ay gano’n pa rin ang paraan ng pagtibok ng kaniyang puso hanggang ngayon. Mahal na mahal nila ang isa’t isa kaya sila umabot ng limang taon sa kanilang relasyon kahit pa sabihing long distance relationship sila minsan. They respect, understand and love each other that’s why God gave them a long lasting relationship. Hope they lasts forever.

Si Skyler kasi ang tipo ng kasintahan na mabilis magselos ngunit kaagad mo ring nalalambing. Sobrang maunawain ito dahil kahit gaano siya kaabala sa sariling misyon ay pilit pa rin siya nitong iniintindi. Madalas pa siyang walang oras para rito ngunit nariyan pa rin ang nobyo upang suportahan at tulungan siya. Para kay Veron ay si Skyler na ang pinaka-the-best na makakasama niya habang buhay. Sa oras na matapos niya ang sariling misyon at makamit ang hustisya ay balak na niyang ibigay ang sarili sa kasintahan. Balak na niyang lumugar sa tahimik na buhay kasama ito habang buhay. He deserve to be love forever.

“I have to go, Babe. It’s about time, baka ma-late ako sa party,” pamamaalam niya sa kabilang linya.

“Take care always. I love you,” bigkas ni Skyler at tila h*****k pa sa hangin dahil rinig niya ang tunog ng halik nito sa kabilang linya.

“I will. I love you, too, babe,” tugon niya at h*****k na rin sa hangin.

Napangiti siya nang ibaba na nito ang tawag. Siguro nga’y kinikilig siya. Kaagad na naglaho ang ngiti niya sa labi nang maalala ang pagdiriwang na dadaluhan.

“Kumusta na kaya ang demonyong iyon?” tanong niya sa sarili. 

Natigilan siya nang muling tumunog ang hearing device na suot-suot niya. Kaagad niyang kinonekta ang suot na device.

“Agent Stans,” bigkas sa code name niya ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki sa kabilang linya.

“Agent Blue? I thought you can't help me tonight,” ngiti niya.

Hindi talaga siya matitiis ng taong ito, na kahit kailan ay hindi pa sila nagkikita. Agent Blue to her is a mysterious guy and vice versa. Ayaw nilang magpakilala sa isa’t isa, ngunit kahit na ganoon ay may namumuo na sa kanilang friendship. Yes, katrabaho niya ito pero iniisip na lang ni Veron na isa si Agent Blue sa mga taong may pinakamataas na posisyon sa agency na sa monitor lang nakikita. 

“Shut up, Gal! I know you’re smiling right now and it feels me goosebumps for knowing that. Be ready, the car is on the way,” bigkas ni Agent Blue mula sa kabilang linya. Ayaw nitong aminin na totoong hindi niya matitiis ang kaibigang agent.

“Roger, Agent Blue,” tugon niya at mabilis na lumabas upang salubungin ang inihanda nitong sasakyan. “Wait for me there demon.”

SA ISANG HIGH class five star hotel ay abala ang mga taong dadalo sa pagdiriwang ng pagbubukas ng bagong negosyo ni Mr. Chua. Lahat ng mga negosyante at mararangyang pamilya sa alta-sosyedad ay imbitado. Punong-puno ng magagarbong dekorasyon ang buong paligid ng hotel at halos mapuno iyon ng mga ilaw at mga bulaklak. Sumisigaw sa karangyaan at kasikatan ang pagdiriwang na iyon. Kahit sino ay hihilinging makadalo man lang sa pagtitipong iyon. 

Sa mataas na gate pa lang ay abala na ang mga bantay sa pagsusuri ng mga imbitasyon at mga taong dadalo. Walang basta-basta lang na makapapasok sa pagtitipong iyon. Napupuno rin ng bantay ang bawat sulok ng lugar na alertong nagmamanman sa buong paligid.

Sa loob ng naturang hotel ay paroo’t parito ang mga unipormadong serbidor at serbidora upang magbigay serbisyo at pagsilbihan ang mga importanteng mga bisitang dumalo sa naturang pagtitipon. Nagsisilbi sila ng alak at pagkain sa mga panauhin.

Kani-kaniya naman ng kuwentuhan at pangkat ang mga taong dumalo. Ang iba’y paikot-ikot lang at naghahanap ng mga taong babatiin na magiging interes nila sa mas malawak na paglago ng kanilang mga negosyo. Sa ganitong mga lugar madalas makahuli ng malalaking isda kung kaya’t walang sinuman ang makatatangging dumalo sa isang imbitasyon lalo na kung kilalang tao ito sa larangan ng industriya.

Pumapailanlang sa ere ang classical music na pinatutugtog ng mga propesyunal na musikero. Bihasa at mahuhusay sa paggamit ng piano, violin at flute. Nakabibighani ang timpla at tugtugin ng tatlong instrumentong iyon kahit na sabay-sabay pang pinatutugtog.

Mula sa entrance ng hotel ay pumasok ang pamilya Tolledo. Naagaw nila ang atensyon ng lahat lalo na ang atensyon ng mga kababaihang naroon at nakasunod ang tingin kay Ynzo Abraham.

“He’s so handsome, Dad. I want to marry him,” anang isang anak-mayaman sa kaniyang ama.

“I’ll think about it, Sweetie. That depends on our wealth and in their wealth, My Princess,” tugon ng ama na ikinanguso at padyak ng anak.

“But I really like him, Dad,” ungot pa nito.

“Stop acting like a brat, Sweetheart. Kani-kanina lang ay iba ang gusto mo tapos ngayon ay iba na naman. Then, who’s next?” tila napipikon nang bigkas ng ama na ikinatigil ng anak nito.

Samantala ay inilibot naman ni Ynzo ang paningin sa buong paligid. Ang sabi ng kaniyang ina ay maraming magaganda sa ganitong klase ng pagtitipon ngunit bakit puro clown ang nakikita niya? Marahil nga ay hindi siya madaling maakit sa mga babaeng nag-aayos ng may makakapal na make-up. Mas madali kasi siyang mabighani ng mga babaeng simple lang at walang kolorete ang mukha. Minsan nga ay naging tampulan siya ng tukso ng mga kaibigan at kabarkada. Baka makapag-asawa raw siya ng pulubi dahil sa panahon ngayon ay pulubi na lang ang hindi marunong mag-ayos. Pero bakit nga ba kailangan pang mag-ayos? For him, every girls deserve to be love and respect even without wearing nice clothes and make-up. You don't need make-up to be pretty because simplicity is the true beauty.

Natigil ang kaniyang pag-iisip nang maagaw ang kaniyang atensyon ng babaeng papasok sa naturang hotel. She’s wearing a simple black long gown with high slit on the side. Kung tutuusin ay mas maraming kababaihan doon ang halos iluwa na ang dibdib sa liit ng telang suot ngunit kakaiba ang awra ng babaeng ito. Matangkad siya’t tila seryoso sa buhay. Kita iyon sa kaniyang tindig dahil sa pagpasok pa lang doon ay mahirap nang hulihin ang ngiti nito. Hindi niya masisisi ang sarili kung dumako man ang kaniyang mga tingin sa bandang dibdib at mahahaba’t mapuputi nitong mga hita. Litaw na litaw sa suot nito ang tinatagong hubog ng katawan. Marahil nga ay totoo ang sinasabi nilang mata ang tanging kahinaan ng mga kalalakihan dahil kung sinumang babae ang dumaan ay matutukso talaga ang mata at hindi mapigilang galugarin ng titig ang kung sino man ang napag-interesan.  Ngayon lang din nangyari sa kaniya iyon. Bihirang maagaw ng ibang babae ang kaniyang atensyon. 

Hanggang sa tila nagliwanag na bumbilya ang kaniyang hitsura nang may maisip na paraan. Bakit nga ba hindi ito ang kuhanin niya bilang mapapangasawa? Sa hitsura ng babaeng iyon ay malabo iyong mahulog sa kaniyang kaguwapuhan. Kaysa ibang babae pa ang kaniyang hanapin na mahuhulog lang din naman sa kaniya sa bandang huli. Ayaw niyang makapanakit ng damdamin ng isang babae. Iyon ang pinakahuli niyang gagawin sa tanang buhay niya—ang makapanakit ng damdamin ng isang babae.

NAGSIMULA NA ang programa at pagpapakilala. Habang abala ang lahat sa pakikipag-usap at pakikipagkumustahan ay abala rin si Veron Stacey sa paghahanap sa taong dahilan ng kaniyang pagdalo sa pagtitipong iyon.

“Be alert, Agent Stans. He’s there,” pagbibigay babala ni Agent Blue.

Tila lumukso sa pagkasabik ang puso ni Veron nang marinig iyon.

Mula sa entrance ng naturang hotel ay pumasok ang mga kalalakihang nakasuot ng purong itim. Marami ang mga iyon at tila pinoprotektahan ang taong nasa gitna ng mga bantay na iyon.

Pumunta ang mga ito sa malaking entablado kung saan naroroon na ang mga pangunahing panauhin at si Mr. Chua. Sinalubong nila ng pakikipagkamay ang lalaking nakasuot ng purong itim at tinanggap ang pakikipagkamay ng mga naroroon. 

Nagsimulang magsalita ang mga nagsisilbing ‘masters of the ceremony’ at ipinakilala ang bagong dating.

Nang humarap ang lalaking iyon na kaliwa’t kanan ang guwardiya ay halos manginig ang buong kalamnan ni Veron.

“Siya nga,” halos bulong niya. Hindi niya makakalimutan ang mukha nito. Oo nga’t tumanda ito ng kaunti ngunit iyon pa rin ang mukha nito noong gabing pinaslang ang kaniyang mga magulang.

“Be careful, Agent Stans. Please stick with the plan,” kaagad na paalala ni Agent Blue. “Tandaan mo, iha-hack ko ang system nila upang mamatay ang mga ilaw. Kailangan mo munang mabaril ang target bago ko papatayin ang ilaw. That's your turn para kunin ang katawan niya’t madala sa secret hide-out upang mapaamin. Syempre, huwag mo munang pupuruhan para hindi agad mamatay. Naiintindihan mo ba, Agents Stans?”

Halos hindi na makasagot pa si Veron dahil sa nararamdamang galit. Akala niya ay okay na siya. Akala niya ay kakalma siya sa oras na makitang muli ang taong iyon ngunit nagkamali pala siya. Ngayon pa lang ay gustong-gusto na niyang paulanan ng bala ang katawan nito lalo na’t nakikita niya kung gaano kalawak ang mga ngiti nito habang binabati ng mga matataas na taong naroroon. 

Nangangati na ang kaniyang mga kamay na pagbabarilin ang demonyong iyon hanggang sa malagutan ng hininga. Nanginginig siya sa galit lalo na ngayong muling bumabalik sa kaniyang isipan kung paano nito walang awang pinagbabaril ang mga mahal niya sa buhay.

Palihim na dinukot niya sa kaniyang hita ang strap na sinabitan niya ng baril. Narito siya sa medyo madilim na bahagi ng hotel kung saan abot-tanaw niya lang ang taong nais niyang patayin. Kapag namatay ang ilaw ay magiging madali na sa kaniya ang lahat lalo na kung ang lahat ay walang makikita sa buong paligid.

“Hello, gorgeous!” bati ng lalaking bigla na lang sumulpot sa kaniyang tabi.

Natigilan si Veron sa pagdukot ng naturang baril dahil sa paglapit ng lalaking ito sa kaniyang harapan.

“What happened, Agent Stans?” narinig niyang tanong mula sa kabilang linya ng suot niyang hearing device.

Hindi niya masasagot ang tanong nito dahil baka mahalata ng istorbong lalaki sa harap niya.

“Will you marry me?” kaagad nitong tanong na ikinabigla niya.

“Insane,” bulong ni Veron ngunit nang tingnan niyang muli ang kinaroroonan ng taong target ay wala na iyon doon. Kaagad siyang nabahala nang makitang nasa labas na ang mga ito’t nakasakay na sa mga sasakyan.

‘Anong ibig sabihin nito?’ ayon sa isip niya.

Hindi niya yata napaghandaan ang mabilis na pag-alis ng demonyong iyon. Ibig sabihin lamang noon ay saglit lamang ito para magpa-expose at aalis din pagkatapos? Buong akala niya ay mananatili ito ng mga ilang oras ayon sa kaniyang tantiya.

Gusto niyang tumakbo papalabas ngunit baka mahalata siya ng daan-daang mga bantay. Wala siyang ibang nagawa kundi ang sundan na lamang ang mga ito ng tingin at balingan ang lalaking naging surot sa kaniyang mga plano upang bigyan ng nag-aalab na tingin.

“By the way, Miss. I’m Ynzo Abraham Tolledo and you can call me ‘mine’.”

Nilapitan niya ang binata habang iginagawad ang napakatamis na ngiti, na ikinangiti rin ng lalaki. Nananabik siyang tirisin ang surot kaya nang makalapit ay hindi niya napigilan ang sarili’t itinuhod sa maselang parte ng katawan ang lalaki, na ikinaigik nito’t ikinapilipit sa sahig.

‘Serves you, right!’ sa isip-isip niya at humakbang na papalabas ng hotel. 

Lahat ng pinaghirapan niya’y naglahong parang bula nang dahil lang sa lalaking iyon na biglang umepal.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status