Sana lang ay lubayan na si Veron Stacey ng kamalasan ngayon dahil ilang beses na rin silang nagkatagpo ng baliw na lalaking iyon at lahat ng plano nila’y pumalpak lahat.
Ngayon nga ay naririto siya sa loob ng isang Chinese Restaurant at matamang sinusubaybayan ang taong sakay ng itim na sasakyan sa labas.
Walang ibang laman ang mesang inookupahan niya kundi ang isang kopita ng wine na nilagyan niya ng pampatulog.
Ayon kay Agent Blue ay paborito itong restaurant ng hayop na ’yon at isinisilbi rin dito ang pinakapaborito nitong wine na madalas nitong isadya sa naturang restaurant. Kung kaya’t tuwing lunes ay sa restaurant na ito ang lagi nitong destinasyon para lang matikman ang alak na bukod tanging sila lamang ang nagsisilbi.
“Are you ready?” narinig ni Veron na tanong ni Agent Blue mula sa kabilang linya.
“Aha!” tanging tugon niya na naintindihan naman ng kausap.
Handang-handa na siya para sa planong ito. Natanaw na niyang kumuha ng order ang demonyo. Mula sa listening device na pasimple niyang inilagay sa suot ng waiter ay narinig niya ang pangalan ng alak na mismong inihanda niya. Napangisi siya nang iyon lang din ang inorder nito. Totoo nga ang source ni Agent Blue at mukhang matutupad na ang pangarap at pinlano nila ngayong araw.
Sinundan niya ng tingin ang naturang waiter. Balak niyang pasimpleng pagpalitin ang alak na dala nito sa alak na inihanda niya. Para sa kaniya ay napakasimpleng bagay lang na gawin iyon. Mabilis siyang kumilos at sigurado siyang walang magiging problema sa bagay na iyon.
Ngunit napalis ang ngiti sa kaniyang labi nang biglang umupo sa harapan ni Veron si Ynzo. Gaya ng lagi nitong hitsura ay mukha pa ring baliw ang binata. Heto na naman ang abot langit nitong ngiti sa tuwing kaharap siya.
“Hi, pretty,” bati nito na ikinailing niya. “Are you ready to marry me? I know you’re too excited but please, let me enjoy my time being a single man,” mahanging bungad nito.
Wala pa mang babala ang PAGASA ay tila wala nang pag-asang gumaling ang taong ito mula sa sakit nito. Hindi niya alam kung maaawa o maiinis sa baliw na ito. Wala pa man ay tila babagyuhin yata ang pinagplanuhan nila.
“Mayaman naman ako at maraming koneksyon. Hindi kita gugutumin bagkus ay bubusugin kita ng siyam na buwan sa piling ng gwapong si ako,” dagdag pa niya na ikinailing ni Veron. “Grabe ba’t ang init naman? Wala bang aircon dito?”
Halos manlaki ang mga mata ni Veron nang hablutin ni Ynzo ang hawak niyang kopita na may lamang alak at dire-diretso iyong tinungga. Ininom nito ang lahat ng laman ng kopita. Hindi na siya nakapagsalita pa ng maayos dahil sa labis na pagkagulat.
“Magpakasal na tayo para naman makuha ko na—" Naputol ang dapat sana’y sasabihin ni Ynzo nang bigla siyang mahilo at mawalan ng malay.
Napailing-iling si Veron.
“Tsk! Ayan kasi ang bunga ng katakawan,” bulong niya. Mabuti’t hindi lason ang nailagay niya sa alak kung hindi’y baka ito na ang pinaglalamayan ngayon. Natigilan na lang siya nang mapansing wala na sa paligid ang demonyo at ang mga alipores nito.
Dali-dali siyang tumakbo papalabas ngunit wala na kahit katiting na anino nito.
Ilang beses pa ba siyang mamalasin sa buhay? Habang nabubuhay ang baliw na lalaking iyon ay mukhang lalamunin na rin siya ng kamalasan sa buhay.
TIRIK NA TIRIK na ang araw ngunit narito at nakabilad pa rin ang isang Veron Stacey sa malawak na golf course habang pinapanood ang bilyonaryong matanda na naglalaro ng golf mula sa malayo, kasama ang mga kaibigan nito. Suot-suot niya ang kaniyang special sunglasses na may kakayahang ilapit ang kung ano mang mga bagay na nasa malayo mula sa kung saan siya naroroon. Halos kumikintab na ang tila kayumanggi niyang balat dulot ng liwanag ng araw na tumatama rito, lalo na sa mahabang biyas ng dalaga. Suot rin ang baseball cap, puting damit at puting sport short na pinaresan ng puting sneaker shoes ay nangibabaw ang taglay niyang alindog dahilan upang pagbalingan siya ng tingin at lingunin ng mga kalalakihang nadadaanan niya.
Habang ngumunguya ng bubble gum at iniikot-ikot ang golf bath sa ere ay binabagtas niya ang distansya patungo sa mga matatandang tinitingnan niya kanina. Ngayon ay gagamitin niya na ang angking alindog para makuha ang atensyon nito. Kapag makuha niya na’y magiging madali na ang mga susunod niyang hakbang. Ayon sa nakuhang impormasyon ni Agent Blue ay babaero raw ang demonyong iyon at kahit sinong babae, basta nagpapakita sa kaniya ng motibo ay papatulan niya. Kaya ito tumandang-binata ay dahil hindi rin makuntento sa isa at gusto makarami.
Naririnig na niya ang tawanan ng mga ito nang biglang may humarang sa kaniyang harapan na nagpahinto sa kaniyang paglalakad. Nangunot ang kaniyang noo nang makita muli ang binata.
“Hi, Miss Lady in White.” Tumaas-baba pa ang mga kilay ng binata nang batiin siya nito at ginawaran pa siya ng napakalawak na ngiti na ikinabuga niya na lang ng hangin dahil sa pagkainis.
“Ikaw na naman?” Pinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay sabay taas ng isang kilay.
“Why? You miss me? Oh no, Dear. Once na maikasal ako sa ’yo. Hinding-hindi na ako mawawala pa sa harapan mo.” Kinagat pa ni Ynzo ang kaniyang ibabang labi para maging-kaakit-akit ito kay Veron.
“In your dreams,” untag ni Veron at maglalakad na sanang muli nang harangan ulit ni Ynzo ang daan na kaniya sanang tatahakin.
“Honey, naman. Huwag mo ng pahirapan pa ang isang ’tulad ko. Hindi mo ba alam na maraming naghahabol sa mukhang ito tapos ikaw ngayon tinatanggihan mo? Hindi yata iyon patas,” pagnguso ni Ynzo.
“Sino ba kasing nagsabi sa ’yo na ako ang lapitan mo? Naghahabol ba kamo? Baka aso?” asik niya’t muling nagtangkang maglakad nang bigla siyang magulat sa sumunod na ginawa nito.
“Oy, sunglasses! Type ko yata ang sunglasses na ’to, akin na lang.” Pag-agaw ni Ynzo sa suot na salamin ni Veron.
“Ano ba? Akin na iyan!” Pag-abot ng dalaga sa salamin niya na inagaw ng binata. Ngunit kung matangkad siya, ’di hamak na mas matangkad ito kaysa sa kaniya kaya hindi niya iyon magawang bawiin.
“Teka lang, Love. Try ko munang sukatin kung bagay,” wika nito na ikinabilis ng pagtahip ng kaniyang dibdib.
‘Hindi maaari iyon.’ Sa isip-isip niya.
Baka mabuking siya ng binata sa mga plano niyang gawin kung malaman nito ang kakayahan ng sunglasses na iyon.
“No! Akin na sabi! Ano ba? Isa!” Halos mapaos siya sa kasisigaw lalo na nang magpahabol pa si Ynzo hanggang sa natigilan na nga siya nang tuluyang masuot ng binata ang sunglasses na ikinahinto rin nito.
“Woah!” manghang sigaw ng binata.
Ngayon ay wala na siyang nagawa kundi ang panlisikan ng mga mata ang binata na ngayon ay binibigyan siya ng ngising aso habang naglalakad papalapit sa kaniya.
“Sinasabi ko na nga ba,” untag nito’t umiling-iling. “Ikaw iyong tipo ng babae na hindi dapat pagkatiwalaan,” dugtong pa nito. “Noong unang gabi na nakita kita ay ramdam ko nang may iba kang binabalak.” Nagawa pang hawakan ni Ynzo ang sariling dibdib at nagpakita ng ekspresyon na waring nasasaktan.
Ngayon ay napagtagpi-tagpi na nito ang lahat ng napapansin.
Matiim lamang na nakatitig sa kaniya si Veron na ngayon ay wala ng kibo. Ang kinalabasan tuloy ay tila ba siya iyong pasaway na bata na nahuli ng kaniyang ama na may ginagawang kakaiba.
“Mr. Thurn,” banggit nito sa pangalan ng matandang iyon at tumingin kung saan ito naroroon. “May binabalak kang masama sa kaniya, ’no? Tama ba?” Pagharap niya sa dalaga. “Ops! Teka lang kasi…” Nang iiwas niya ang sarili sa pagtangkang pagbawi ni Veron sa naturang sunglasses.
Ngumisi siya nang mapansing halos hindi na makapagsalita pa si Veron sa harapan niya.
“Bakit ano ang kasalanan niya sa ’yo’t halos buntutan mo siya? Alam kong marami itong hidden agenda na hindi makalkal ng kung sino dahil sa malakas na koneksyon nito, kung kaya’t maraming galit sa kaniya. Pero nananatili pa ring nakadikit ang mga ito at takot siyang kalabanin dahil sa koneksyong iyon. Paano ko nalaman? Simple lang. Ninong ko siya, higit sa lahat ay kumpare at kasosyo rin siya ni daddy sa kumpanya.”
Halos magulantang si Veron sa mga ipinahayag ni Ynzo.
“Alam ko kung ano ang mga patakaran sa loob at labas ng pamamahala ni Mr. Thurn,” pagtukoy nito sa loob o legal business nito at labas o illegal business ng matanda. “Pero nananatili lang kaming tahimik. Mahirap na, ayaw na naming makisawsaw. Ang sarap kaya mabuhay ng malaya.”
“At malaman-laman ko na lang isang babae ang maglalakas loob para pabagsakin siya.” Pag-iling-iling ni Ynzo. “Sigurado ka na ba d’yan?” Pagyuko niya kay Veron.
Ngunit imbes na sagutin siya ng babae ay mabilis na kinuha ni Veron ang sunglasses na suot-suot ni Ynzo at dire-diretsong tumalikod. Bago tuluyang makalayo ay napahinto na lang ang dalaga sa idinagdag ni Ynzo.
“Pero kung gusto mo ng koneksyon, pera at kung ano pa na susuporta sa ’yo, lumapit ka lang sa akin. Maibibigay ko lahat ng iyon… at alam mo na kung ano ang kondisyon.”
SERYOSONG NAKAHARAP sa sariling laptop si Veron habang hinihintay ang files na pinapa-send niya kay Agent Blue. Napangiti siya nang ma-recieve ang naturang files at nagpasalamat dito.
Nakita niya ang pictures at mga impormasyon hinggil sa Ynzo Abraham Tolledo na iyon nang buksan niya ang naturang files. Seryoso niyang binasa ang nilalaman at bigla ay binundol ng kakaibang kaba ang puso niya.
Mayaman nga at may malawak na koneksyon ang binata na ang tanging problemang pinapasan ay ang makahanap ng babaeng ihaharap sa altar. Maaari niyang gamitin ang binata upang makakuha ng koneksiyon at proteksyon na alam niyang kaya naman nitong gawin.
Bakit hindi na lang kaya patulan na lang niya ang inaalok nitong kasal sa kaniya? Handa naman ibigay sa kaniya ng lalaki ang mga kailangan niya.
SERYOSONG TINITIGAN ni Ynzo si Veron sa mga mata habang mahigpit na hawak ang mga kamay nito. Kung pupuwede lang matunaw sa mga titig ni Ynzo ay baka kanina pa natunaw na parang ice cream ang babae sa paraan ng pagkakatitig nito.“Today, in front of those we love, I give you my heart...” panimula ni Ynzo.Sa harap ng lahat ng mga mahal nila sa buhay, sa harap ng kaniyang mga magulang, kaibigan at mga kakilala ay buong katapatan niyang iniaalay ang puso kay Veron mula sa araw na ito.“I give it without hesitation, sure that it will be bruised at times by the chaos of life but sure also that it will know joy...” Madamdaming pagpapatuloy ni Ynzo.Hindi siya sigurado sa magiging takbo ng panahon at siguradong uulanin sila ng tukso at mga pagsubok sa buhay ngunit sisiguruhin niyang liligaya ang babae sa piling niya.“I give it without expectation or cost, for that is the only way it can truly belong to another. I give it only with hope, only with love, and only with joy that from this day
HALOS PAGTALUNAN PA nina Ynzo at Veron kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Oo nga at ikinasal na sila noon ngunit iba pa rin ang sitwasyon nila ngayon. Tila balewala sa kanilang dalawa ang preparasyon para sa pag-iisang dibdib nila noon kumpara ngayong may damdamin na silang dalawa para sa isa’t isa. “I want a church wedding, Wifey. Iba pa rin ang may basbas tayo at pagpapala mula sa Poong Maykapal,” pagdesisyon ni Ynzo habang kausap ang asawa. Bahagyang umiling si Veron bilang tugon. “No. I won’t let that happened, Hubby. Church wedding na ang naganap nating kasal noon. Napaka-boring naman yata kung ganoon ulit ngayon. Iba talaga ang pakiramdam kung bago ang venue at dekorasyon ng buong paligid. I insists for a garden wedding,” pagtatapos na tugon ni Veron habang nakikipagtitigan kay Ynzo. Napabuntong-hininga naman ang lalaki habang kumakamot sa sariling ulo. “Wifey, let’s have a church wedding again. Mas maganda kung sa bahay ng Diyos tayo ikakasal para mas basbasan pa ang a
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ang sunod-subod na patak ng luha sa mga mata ni Veron nang makita si Ynzo sa sulok ng silid na biglang nagliwanag dahil sa kislap ng mga Christmas lights at iba’t ibang klase ng pampailaw. Kasunod ng pagpailanlang ng mabining tugtugin ay siya ring pagsaliw ng tinig ni Ynzo na ilang linggo niya ring kinapanabikang marinig. Naghalo-halo na sa puso ni Veron ngayon ang tuwa, saya, galit, inis at pagkagigil sa lalaking halos pasabugin ang puso niya sa labis na kaba. Hawak ang kulay puting rosas ay unti-unting lumapit si Ynzo sa kaniya. “Can you let me take away your tears? Can I see your smile always? Please let’s get together... Let our hearts stay forever...” Pag-awit ni Ynzo sa kaniyang harapan habang sinasabayan ang malamyos na tugtuging nagmumula sa isang violin. Halos manlaki ang mga mata ni Ynzo nang pagsusuntukin siya ni Veron nang tuluyan itong makalapit sa babae. Natatawang sinalo ni Ynzo ang mga kamao niyang sumusuntok dito habang patuloy pa rin ang pagl
HALOS LUNURIN NG kaba ang puso ni Veron habang minamaneho ang sariling motorsiklo. Hindi siya makapaniwalang malalagay sa alanganin ang sitwasyon ni Ynzo sa mga oras na ito ngunit base sa narinig mula sa ina ng lalaki ay mukhang kailangan na niyang maniwalang nasa bingit na nga kamatayan ang asawa. Nais mag-unahang tumulo ng mga luha niya gawa ng takot at kabang nararamdaman ngunit hindi dapat lalo na’t nagmamaneho pa siya ng motorsiklo. Kailangan niyang kumalma dahil baka imbes na makarating siya sa ospital ng matiwasay ay baka mauna pa siya kay Ynzo na magtungo sa kabilang buhay. “Ano ba kasing nangyayari, Ynzo? Akala ko ba ay ayos ka na? Si Skyler nga nagawang maka-recover kaagad, ikaw pa kaya?” himutok ni Veron habang nagmamaneho. Halos patayin na siya ng kabang lumulukob sa puso niya. Daig pa niya ang sinasakal dahil sa nadaramang takot. Takot na mawala ang taong pinakamamahal niya. Basta na lang iniwan ni Veron ang motorsiklo nang makarating siya sa tapat ng ospital. Mabuti
Ipinagpatuloy ni Veron ang pagbabasa sa iba pang pahina ng kwaderno ni Ynzo. May iilang doodle at drawings doon na ginuguhit nito. May ibang pahina na ginuhitan nito ng babaeng nag-eensayo sa parang at kagubatan. Lahat ng iyon ay guhit ng isang babaeng nakatalikod o hindi kaya ay nakatagilid. ‘Ilang buwan o taon na ba akong hindi nakapagsusulat dito? I thought everything will end up on a piece of paper. But mind you, notebook! I saw her right now! Iba man ang tindig niya sa suot niyang black suit, when I saw her eyes, alam kong siya ’yon! Nakasalubong ko lang siya habang papalabas ng Secret Agency at kahit na salubong ang kaniyang mga kilay at tila ba galit na galit, ramdam ng puso ko ang kakaibang kaba nang magtagpo ang paningin namin. But she doesn’t even recognized me. Ang sakit! Iyong tingin niya na para bang isa lang akong estranghero para sa kaniya...’ Napailing-iling si Veron nang mabasa iyon. Marahil ay ang tagpong iyon ay nang magsimula siyang magrebelde sa kanilang organis
“I know that a little doubt playing on your head right now, Anak... But let me give you this,” bigkas naman ni Ginang Tolledo. “And I hope time will come that you will forgive our son.” Dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak ni Ginang Tolledo at marahang iniabot sa kaniya iyon. Nang tingnan niya ang mag-asawa ay kababakasan ng luha ang mga mata ng mga ito. “Hindi ko dapat pinakailaman iyan sa mga gamit ni Ynzo pero alam kong makatutulong ang bagay na iyan upang mas malinawan ka. Hope that you will soon understand why our son did that things to you...” sunod-sunod na bigkas ng butihing Ginang. “Alam kong maiintindihan mo rin ang lahat, Veron anak,” nakangiting bigkas ni Ginoong Tolledo. Muling dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak. Kumg titingnan ay may kalumaan na ang aklat na iyon ngunit halatang iningatan at inalagaan sa loob ng ilang taon. Kulay ginto at pilak ang pangunahing kulay ng pabalat ng kwadernong iyon. At nang buksan ni Veron ay k