Share

Chapter 02

Author: Rhenkakoi
last update Last Updated: 2025-12-11 18:08:00

"Suki!! Isda kayo diyan! Bagong huli at sariwa pa, dito na kayo sa akin bumili!"

"Mukhang maganda ang gising mo Corrine ah, baka makaubos ka na naman ng mga paninda mo." ngiting kumento ng katabing tindera ni Corrine na malapad na ikinangiti niya.

"Para maubos ang mga tinda ko, kailangan bigay todo ako. Pinaghirapan ni Kael na manghuli ng mga isda kaya dapat umuwi akong sold out ang paninda ko." saad ni Corrine kung saan natutuwa sa kaniya ang mga kasama niyang tindera sa talipapa.

Nag-e-enjoy si Corrine sa ginagawa niya, at kaya nagsisipag siyang makabenta ay dahil gusto niyang makabili ng regalo para kay Kael, ang kaniyang nobyo.

Apat na buwan nang magising si Corrine na walang maalala sa kaniyang sarili, ang pamilya ni Kael ang nakakita sa kaniya at kumupkop. Tanging ang kuwintas na suot niya na may pangalan niya ang nag-iisang palatandaan kung sino siya, yet wala silang nakikita na naghahanap sa kaniya kaya hindi na rin umasa si Corrine.

Masaya naman siya sa pamilyang kasama niya ngayon, at hindi niya naiwasang mahulog kay Kael dahil sobrang mabait ito at mahal din siya. Mag-iisang buwan palang sila, pero may pangarap na si Kael para sa kanila. At kahit hindi na bumalik ang ala-ala ni Corrine ay ayos lang sa kaniya, may pakiramdam kasi siya na ayaw niyang maalala kung sino siya, kaya sinunod nalang niya ang instinct niya.

At kahit mahirap lang ang pamilya ni Kael, ay nakita ni Corrine na hindi iyon naging hadlang para maging masaya sila.

"Oh Corrine, papunta na rito ang iyong iniirog." ngiting ani ng kasamahan ni Corrine sa talipapa, kung saan agad lumingon si Corrine kay Kael na may buhat-buhat na balde.

Agad kinuha ni Corrine ang bimpo na dala niya at nilapitan si Kael na ibinaba ang dalang balde. Pinagmamalaki ni Corrine ang kaniyang nobyo, dahil hindi kang ito responsable at masipag, ito pa ang pinaka guwapo sa lugar nila kaya ilan sa mga kababaihan sa kanila ay inggit sa kaniya.

"Ang sipag talaga ng nobyo ko." ngiting ani ni Corrine habang pinupunasan niya ng pawis ang noo ni Kael na napangiti dahil sa kaniya.

"Masipag din kasi ang nobya ko, huwag mong pagurin ang sarili mo." saad ni Kael na ikinaakbay niya kay Corrine bago sila umupo sa mahabang bangkuan sa puwesto nila.

"Sa ating dalawa ikaw ang may trabahong mas nakakapagod, teka? Gutom ka na ba? Masarap na adobong sitaw ang ipinabaon ni nanay sa atin." saad ni Corrine na ngiting ikinahalik ni Kael sa noo niya.

"Kung ganun ay sabay na tayong kumain." ani ni Kael na ngiting ikinatango ni Corrine.

"Bakit hindi pa kayo magpakasal? Nakikita naman namin na mahal na mahal niyo ang isa't-isa." ani ng mga tinderang kasama ni Corrine.

"Isang buwan palang naman po kami ni Kael.."

"Oh ano man? Wala sa tagal 'yan, Corrine, kung mahal niyo ang isa't-isa hindi niyo na dapat pinapatagal 'yan. Isa pa, apat na buwan narin naman kayong magkakilala at magkasama."

"Nasa plano ko po 'yan, gusto kong paghandaan ang oras na aalukin ko si Corrine ng kasal. Sa ngayon, masaya kaming dalawa sa relasyon namin ngayon." pahayag ni Kael na ikinahawak niya sa kamay ni Corrine na lumawak ang ngiti.

"Kayo ang bahala pero ikaw din, maganda si Corrine, hindi malabong may magkagusto diyan. Baka mawala pa siya sayo."

"Hindi ko po hahayaan na mangyari 'yan." ani ni Kael na ikinayakap ni Corrine sa kaniya.

"Tsaka aling Puring si Kael lang po ang mamahalin ko kahit may dumating." saad ni Corrine na ikinangiti nilang parehas sa isa't-isa.

Wala mang maalala si Corrine kung sino siya, hindi na niya iyon iniisip dahil masaya siya sa pamilya ni Kael. At pakiramdam niya, ang pagmamahal na binibigay ni Kael ang hanap ng puso niya.

SAMANTALA, ibinaba ni Azrael ang report na natanggap niya sa investigator na kinuha niya para hanapin si Corrine. Ngunit, apat na buwan na ang lumipas pero kahit isang clue ay wala siyang makita.

Dahil sa parang bulang pagkawala ni Corrine ay naputol ang business partnership ng pamilya ni Corrine sa kanila. Though malaki ang naging epekto nun sa kumpanya nila, ay nakabawi rin naman sila. Yet, hanggang ngayon ang galit sa kaniya ang kaniyang ama.

Akala ni Azrael ay nagawa lang si Corrine ng ikakapansin niya dito tulad ng ginagawa nito noon. Pero ang apat na buwan na pagkawala ay hindi na basta biro. Technically, kasal parin sila ni Corrine at hinahanap niya ito upang maibalik sa pamilya nito.

"Where the hell are you, Corrine." saad ni Azrael kung saan napasandal nalang siya sa kinauupuan niya.

May pagtataka kahit papaano si Azrael, dahil alam niya kung gaano siya kamahal ni Corrine at hindi ito basta aalis at mawawala ng matagal. Pumasok sa isipan ni Azrael ang nakaraang pagsugod ng kaibigan ni Corrine sa kaniya nang sugurin siya mismo sa opisina niya.

Kung saan ibinato nito sa kaniya ang mga litrato kung saan magkasama sila ni Eunice, at kung paano nito kinuwento kung paano nasaktan si Corrine.

Para kay Azrael ay misunderstanding ang pagkakakita ni Corrine sa mga litrato, yet pakiramdam ni Azrael ay sumobra na siya sa pakikitungo niya noon kay Corrine.

"Sir Azrael." pag-agaw atensyon ng secretary ni Azrael sa kaniya na deretso ng pumasok at lumapit sa mesa niya at inilapag ang isang folder.

"What's that?"

"Si Mr. Cortez po ang nagpadala niyan sir." ani nito na ikinakunot ng noo ni Azrael.

Kinuha ni Azrael ang folder at binuksan iyon, tumambad sa mga mata niya ang isang divorce paper na mas lalong ikinakunot ng noo niya.

"Ang bilin po ni Mr. Cortez ay pirmahan niyo na daw po 'yan at ibalik sa kaniy--" nagulat ang secretary niya ng pilasin ni Azrael ang divorce paper at ginasungit iyon bago tinapon sa basurahan niya.

"Tell him i won't sign that freaking paper until i face his daughter, and it was she who ask me for a divorce not him." saad ni Azrael na ikinalakad na palabas ng secretary niya sa kaniyang opisina.

Dahil sa pagkawala ni Corrine ay maraming naapektuhan, kaya gusto ni Azrael na makita muna ito at siya na mismo ang magbibigay ng divorce paper kay Corrine.

"The moment you show up in front of me, even if you beg and plead, there's nothing you can do but sign the divorce papers."angil ni Azrael na tumayo sa pinagkakaupuan niya at humarap sa transparent wall ng opisina niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Wife, She's Mine   Chapter 03

    'Azi gising ka na, pinaghanda na kita ng breakfast....'DAHAN-DAHAN na gumising si Azrael nang pakiramdam niya any narinig niya ang boses ni Corrine.Bumangon siya sa pagkakahiga niya sa kaniyang kama at mahinang napamura sa sarili. Sa condo siya umuuwi the past weeks dahil hindi niya alam kung bakit sa tuwing nauwi siya sa bahay nila ni Corrine ay lagi niyang naalala ang mga ginagawa nito para sa kaniya.Bumangon na si Azrael sa kama niya at nagtungo sa banyo, kung saan pinagmasdan niya ang sariling repleksyon sa salamin."What the fuck is happening to me? Why the hell she's always bugging my fucking mind and now my freaking dreams." ani ni Azrael na hindi na maiwasang mainis sa nangyayari sa kaniya."Is it because she's still nowhere to be found? What the hell she's thinking to hide herself for a freaking months." angil ni Azrael na nagsimula ng maghilamos.Wala paring mahanap na clue si Azrael kung saan nagtatago si Corrine, nagpagawa na siya ng headlines sa diyaryo at television p

  • My Wife, She's Mine   Chapter 02

    "Suki!! Isda kayo diyan! Bagong huli at sariwa pa, dito na kayo sa akin bumili!""Mukhang maganda ang gising mo Corrine ah, baka makaubos ka na naman ng mga paninda mo." ngiting kumento ng katabing tindera ni Corrine na malapad na ikinangiti niya."Para maubos ang mga tinda ko, kailangan bigay todo ako. Pinaghirapan ni Kael na manghuli ng mga isda kaya dapat umuwi akong sold out ang paninda ko." saad ni Corrine kung saan natutuwa sa kaniya ang mga kasama niyang tindera sa talipapa.Nag-e-enjoy si Corrine sa ginagawa niya, at kaya nagsisipag siyang makabenta ay dahil gusto niyang makabili ng regalo para kay Kael, ang kaniyang nobyo.Apat na buwan nang magising si Corrine na walang maalala sa kaniyang sarili, ang pamilya ni Kael ang nakakita sa kaniya at kumupkop. Tanging ang kuwintas na suot niya na may pangalan niya ang nag-iisang palatandaan kung sino siya, yet wala silang nakikita na naghahanap sa kaniya kaya hindi na rin umasa si Corrine.Masaya naman siya sa pamilyang kasama niya

  • My Wife, She's Mine   Chapter 01

    "Ano ba Corrine! It's not the end of the world para pabayaan mo ang sarili mo ng ganito? Look at you? Sinisira mo ang sarili mo just because of that man na wala namang pakialam sayo. It's been two weeks simula ang lalaking 'yun, hindi ka parin ba magigising?" ani na sermon ni Lucy nang dalawin niya si Corrine sa bahay nito.Malaki ang galit ni Lucy kay Azrael dahil sa ginagawa nito kay Corrine, at dahil nabubulag ang kaibigan niya sa pagmamahal kay Azrael ay wala itong sinasabi sa mga magulang nito. Walang kaalam-alam ang pamilya ni Corrine sa nangyayari dahil si Azrael parin ang iniisip ni Corrine."Pa-Paano kung may nangyari kay Azi kaya hindi ko siya makontak? Nag-aalala ako, Lucy...""Oh come on, Corrine. Baka nga iniwan ka na ng lalaking 'yun kaya hindi mo siya makontak. Hanggang kailan ka ba magiging bulag sa pagmamahal mo sa malaking lalaki ha? Tigilan mo na 'to, Corrine, i will tell to your father about this." pahayag ni Lucy na mabilis na ikinalapit ni Corrine sa kaniya at h

  • My Wife, She's Mine   Prologue

    PUMUNO SA bawat sulok ng kusina ang malakas na pagkabasag ng isang pinggan, kung saan nagkalat sa sahig ang laman nitong pagkain. May bahagyang takot naman si Corrine na nakatayo lang sa may harapan ni Azrael na bakas ang pagka-irita sa mukha nito."Hi-Hindi mo ba gusto 'yung niluto ko, Azi?"may kabang tanong ni Corrine na plain na tingin ang ibinigay nito sa kaniya."Who the fuck told you to cook food for me? Is this your another way of seducing me? Ah! You think the saying 'The way to a man's heart is through his stomach' will work on me?" pahayag ni Azrael na tumayo sa pagkaka-upo nito at nilapitan si Corrine."Let me remind you woman, i married you because of the sake of business. You want to live with hell with me, then bear with it." malamig na ani ni Azrael na akmang aalis siya ng gawakan ni Corrine ang laylayan ng kaniyang damit, kaya napabalik ang tingin niya dito."Azi, we're married for almost one year, hi-hindi mo parin ba ako kayang mahalin?" naluluhang ani ni Corrine kun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status