FAZER LOGINKinahaponan, matapos nilang maayos ang groceries at ma-set ang household routines, dumating ang may edad na babae—isang mabait na nasa 50’s—na ipinadala ng agency. May dalang maleta ng gamit at sa kanyang mahinahong ngiti, agad niyang naipakita ang karanasan sa pagiging kasambahay.“Good afternoon po, Mr. and Mrs Reyes,” bati ng matanda, bahagyang yumuko.“Ako si Teresa Factor. Please po, tawagin niyo na lang ako Manang Teresa,” sagot niya habang tinitingnan ang paligid ng bahay, nag-oobserba sa nakaayos na gamit.“Salamat po, Manang Teresa. Tawagin mo na lang ako Amara, huwag na po Mrs. Reyes, at Ethan na lang din po itawag niyo sa asawa ko” nakangiting sagot ni Amara.“Sige po, Amara. Sanay na sanay na po ako maging kasambahay. Simula 18 ang edad ko, nagtatrabaho na ako,” sagot ni Manang Teresa, may natural na pagpapakumbaba sa boses.Ethan tumayo malapit sa dining table at tumingin kay Manang Teresa. “I think it’s good that we have some assistance. Para hindi ma-overwhelm si Amara
Pagkatapos ng mahabang grocery, bumalik sina Amara at Ethan sa kanilang bagong bahay. Ang mga grocery bags ay puno ng mga pagkain, prutas, gulay, at mga pangunahing pangangailangan. Tahimik na naglalakad si Amara sa kitchen, binubuksan ang mga cabinet at inilalagay ang mga items sa kanilang lugar. Ang bawat kilos niya ay maingat, parang may sinasadyang ayusin, hindi lang para sa kanya kundi para rin sa impression na gusto niyang ipakita kay Ethan.Si Ethan ay nakatayo malapit sa kitchen island, sinusuri ang bawat galaw ni Amara habang nag-aayos siya ng groceries. Hindi niya maalis sa isip na kahit simple lang ang mga galaw niya, may kakaibang focus at pagiging maingat na hindi niya nakikita sa karamihan.“You know… we need a better system here,” sabi ni Ethan, tinuturo ang mga cabinet.“System?” tanong ni Amara, nagtaka.“Yes. Shelving, labeling… para mabilis mahanap ang mga gamit. Hindi ka mahirapan kapag nagluluto,” paliwanag ni Ethan, tumingin sa kanya habang iniinspeksyon ang kitc
Dahan-dahang sumilip ang liwanag ng umaga sa loob ng kwarto, tumatama sa puting kurtina at unti-unting gumagapang papunta sa kama kung saan magkatabi—ngunit may pagitan—na natutulog sina Amara at Ethan. Tahimik ang paligid, ngunit hindi iyon nagtagal.Unang nagising si Amara. Dahan-dahan niyang binuksan ang mata, ilang segundo bago niya naalala kung nasaan siya. Napatingin siya sa kisame, at doon pa lang, bumalik na ang lahat—ang kasal, ang pagpapanggap, at ang katotohanan na pilit niyang itinatago.At si Ethan. Agad siyang napalingon sa tabi niya. Nandoon si Ethan. Malapit. Mas malapit kaysa sa inaasahan niya. Sa hindi niya namamalayan, habang natutulog sila, nabawasan ang pagitan nila. Ang isang braso ni Ethan ay bahagyang nakapatong malapit sa kanya, halos dumadampi sa tagiliran niya. Ang mukha nito ay kalmado, payapa, parang walang iniisip.Ngunit para kay Amara—parang tumigil ang mundo. Napahinto ang paghinga niya. Napakalapit nito. Kung gagalaw siya… baka magising. Kung hindi si
Tahimik ang buong bahay, ngunit sa loob ni Amara, parang may bagyong hindi mapigilan. Pagkasara ng pinto matapos umalis ang mga magulang ni Ethan, tila mas lalong lumalim ang katahimikan sa paligid. Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi nagbibigay ng kapayapaan—sa halip, lalo lamang nitong pinapalakas ang bawat tibok ng puso niya. Kasabay ng paglakad ni Ethan papunta sa kanilang kwarto, wala siyang nagawa kundi sumunod, kahit ang bawat hakbang niya ay punong-puno ng kaba.Pagpasok nila sa loob ng kwarto, agad niyang napansin ang ayos nito—malinis, elegante, at perpektong akma sa isang bagong kasal na mag-asawa. Ang malambot na ilaw mula sa bedside lamps ay nagbibigay ng tahimik at intimate na atmosphere. Ang kama sa gitna ay tila masyadong malaki para sa kanya, at sa isip niya, parang iyon ang sentro ng lahat ng takot niya sa gabing iyon.“You can relax now,” sabi ni Ethan habang tinatanggal ang coat niya at maingat itong isinabit sa upuan.Napatingin si Amara sa kanya, pilit pinipigi
Patuloy ang ingay at saya sa reception hall, ngunit para kay Amara, unti-unti nang lumalabo ang lahat. Ang tawanan, ang musika, ang mga pagbati—lahat iyon ay parang nasa malayo, habang ang isip niya ay nananatiling nakatali sa isang bagay. Sa dance floor, kakatapos lang nila ng kanilang first dance ni Ethan. Mahinahon siyang humiwalay sa kanya, ngunit nanatili ang kamay nito sa baywang niya, tila ayaw siyang pakawalan agad. “You did well,” mahina niyang sabi. Napatingin si Amara sa kanya. “I just followed you.” Bahagyang ngumiti si Ethan. “Then keep doing that.” Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang dating ang simpleng linyang iyon. Parang may ipinapahiwatig, isang pangako na hindi niya lubos na naiintindihan. Bago pa siya makasagot, muling nagsalita ang host. “Ladies and gentlemen, let’s give another round of applause for our newlyweds!” Nagpalakpakan ang lahat. Ngumiti siya, nagkamaliit sa gitna ng mga camera flashes, ngunit sa likod ng mga iyon—isang lihim a
Dahan-dahang humakbang si Amara sa gitna ng aisle, ramdam ang bawat tibok ng puso niya na parang kasabay ng bawat hakbang. Kanina pa tumutugtog ang entrance song, at habang naririnig niya ang bawat salita, lalo niyang nararamdaman ang bigat ng sandaling iyon.Hindi na siya makakabalik.Hindi na siya pwedeng umatras.Habang papalapit siya sa altar, mas lumilinaw sa paningin niya ang lalaking naghihintay sa kanya—si Ethan Reyes. Nakatayo ito, diretso ang tindig, suot ang itim na tuxedo na lalong nagpapatingkad sa presensya nito. Ngunit hindi ang itsura nito ang nagpahina sa tuhod ni Amara.Kundi ang paraan ng pagtitig nito sa kanya.Parang siya lang ang nakikita nito sa buong simbahan.Napakagat siya sa labi at pilit inayos ang paghinga. Hindi ako si Amara… si Althea ako ngayon, paalala niya sa sarili.Isang hakbang pa.Isa pa.Hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa altar.“Take her,” sabi ng officiant habang inaabot siya ng ama niya kay Ethan.Marahang hinawakan ni Ethan ang kamay







