Share

Chapter ten

Author: AnneVillamin
last update publish date: 2026-04-02 18:17:47
Patuloy ang ingay at saya sa reception hall, ngunit para kay Amara, unti-unti nang lumalabo ang lahat. Ang tawanan, ang musika, ang mga pagbati—lahat iyon ay parang nasa malayo, habang ang isip niya ay nananatiling nakatali sa isang bagay.

Sa dance floor, kakatapos lang nila ng kanilang first dance ni Ethan. Mahinahon siyang humiwalay sa kanya, ngunit nanatili ang kamay nito sa baywang niya, tila ayaw siyang pakawalan agad.

“You did well,” mahina niyang sabi.

Napatingin si Amara sa kanya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Wife's Secret Son   Chapter sixteen

    Kinahapunan, matapos ang lunch na magkasama sila, bumalik si Amara sa café na may kakaibang gaan sa pakiramdam. Hindi niya maipaliwanag kung bakit—pero ang simpleng pagpunta niya kay Ethan, ang pagkain nila nang magkasama, at ang mga maliliit na usapan nila ay tila may naiwan na init sa dibdib niya.Habang inaayos niya ang mga tasa sa counter, napapangiti siya paminsan-minsan. Parang paulit-ulit nagre-replay sa isip niya ang eksena kanina—yung tingin ni Ethan, yung paraan ng pagsasalita nito, at kung paano nito pinuri ang simpleng pagkain na ginawa niya.Napailing siya nang bahagya.Bakit parang… gusto ko ulitin?Hindi niya napansin na may pumasok na pala sa café.“Amara.”Napatingin siya—at agad napangiti.“James.”Si James ay matangkad, nasa early 30s—mga 31 years old—may morenong balat at malinis na itsura. Hindi siya yung tipo na agad mapapansin ng lahat, pero kapag tinitigan mo, may dating. May tahimik na confidence na hindi kailangan ipakita nang pilit.Simple lang ang suot niya

  • My Wife's Secret Son   Chapter fifteen

    Kinaumagahan, dahan-dahang nagising si Amara sa liwanag ng araw na sumisilip sa kurtina ng kanilang kwarto. Ilang segundo siyang nanatiling nakahiga, nakatitig sa kisame habang inaayos sa isip niya ang panibagong araw. Hindi pa rin siya sanay sa bagong buhay, pero hindi na rin siya ganoon ka-ilang kagaya ng mga unang gabi.Napalingon siya sa tabi niya at nakita si Ethan na gising na. Nakaupo ito sa gilid ng kama, inaayos ang cuff ng kanyang puting long sleeves. Maayos, kalmado, at parang kontrolado ang bawat galaw—parang walang kahit anong bumabagabag dito.“Good morning,” mahina niyang bati.“Morning,” sagot ni Ethan.Bumangon si Amara at inayos ang buhok niya, bahagyang inaantok pa.“Ang aga mo naman.”“May meeting ako mamaya. Kailangan mauna,” sagot ni Ethan habang inaabot ang relo niya.Napatingin si Amara sa kanya sandali bago nagsalita.“Pupunta ako sa café. May aayusin lang.” pagpapaalam ni Amara. Isang Cafe shop ang malapit sa Ayala Mall ang negosyo itayo niya mula sa sariling

  • My Wife's Secret Son   Chapter fourteen

    Kinahaponan, matapos nilang maayos ang groceries at ma-set ang household routines, dumating ang may edad na babae—isang mabait na nasa 50’s—na ipinadala ng agency. May dalang maleta ng gamit at sa kanyang mahinahong ngiti, agad niyang naipakita ang karanasan sa pagiging kasambahay.“Good afternoon po, Mr. and Mrs Reyes,” bati ng matanda, bahagyang yumuko.“Ako si Teresa Factor. Please po, tawagin niyo na lang ako Manang Teresa,” sagot niya habang tinitingnan ang paligid ng bahay, nag-oobserba sa nakaayos na gamit.“Salamat po, Manang Teresa. Tawagin mo na lang ako Amara, huwag na po Mrs. Reyes, at Ethan na lang din po itawag niyo sa asawa ko” nakangiting sagot ni Amara.“Sige po, Amara. Sanay na sanay na po ako maging kasambahay. Simula 18 ang edad ko, nagtatrabaho na ako,” sagot ni Manang Teresa, may natural na pagpapakumbaba sa boses.Ethan tumayo malapit sa dining table at tumingin kay Manang Teresa. “I think it’s good that we have some assistance. Para hindi ma-overwhelm si Amara

  • My Wife's Secret Son   Chapter thirteen

    Pagkatapos ng mahabang grocery, bumalik sina Amara at Ethan sa kanilang bagong bahay. Ang mga grocery bags ay puno ng mga pagkain, prutas, gulay, at mga pangunahing pangangailangan. Tahimik na naglalakad si Amara sa kitchen, binubuksan ang mga cabinet at inilalagay ang mga items sa kanilang lugar. Ang bawat kilos niya ay maingat, parang may sinasadyang ayusin, hindi lang para sa kanya kundi para rin sa impression na gusto niyang ipakita kay Ethan.Si Ethan ay nakatayo malapit sa kitchen island, sinusuri ang bawat galaw ni Amara habang nag-aayos siya ng groceries. Hindi niya maalis sa isip na kahit simple lang ang mga galaw niya, may kakaibang focus at pagiging maingat na hindi niya nakikita sa karamihan.“You know… we need a better system here,” sabi ni Ethan, tinuturo ang mga cabinet.“System?” tanong ni Amara, nagtaka.“Yes. Shelving, labeling… para mabilis mahanap ang mga gamit. Hindi ka mahirapan kapag nagluluto,” paliwanag ni Ethan, tumingin sa kanya habang iniinspeksyon ang kitc

  • My Wife's Secret Son   Chapter twelve

    Dahan-dahang sumilip ang liwanag ng umaga sa loob ng kwarto, tumatama sa puting kurtina at unti-unting gumagapang papunta sa kama kung saan magkatabi—ngunit may pagitan—na natutulog sina Amara at Ethan. Tahimik ang paligid, ngunit hindi iyon nagtagal.Unang nagising si Amara. Dahan-dahan niyang binuksan ang mata, ilang segundo bago niya naalala kung nasaan siya. Napatingin siya sa kisame, at doon pa lang, bumalik na ang lahat—ang kasal, ang pagpapanggap, at ang katotohanan na pilit niyang itinatago.At si Ethan. Agad siyang napalingon sa tabi niya. Nandoon si Ethan. Malapit. Mas malapit kaysa sa inaasahan niya. Sa hindi niya namamalayan, habang natutulog sila, nabawasan ang pagitan nila. Ang isang braso ni Ethan ay bahagyang nakapatong malapit sa kanya, halos dumadampi sa tagiliran niya. Ang mukha nito ay kalmado, payapa, parang walang iniisip.Ngunit para kay Amara—parang tumigil ang mundo. Napahinto ang paghinga niya. Napakalapit nito. Kung gagalaw siya… baka magising. Kung hindi si

  • My Wife's Secret Son   Chapter eleven

    Tahimik ang buong bahay, ngunit sa loob ni Amara, parang may bagyong hindi mapigilan. Pagkasara ng pinto matapos umalis ang mga magulang ni Ethan, tila mas lalong lumalim ang katahimikan sa paligid. Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi nagbibigay ng kapayapaan—sa halip, lalo lamang nitong pinapalakas ang bawat tibok ng puso niya. Kasabay ng paglakad ni Ethan papunta sa kanilang kwarto, wala siyang nagawa kundi sumunod, kahit ang bawat hakbang niya ay punong-puno ng kaba.Pagpasok nila sa loob ng kwarto, agad niyang napansin ang ayos nito—malinis, elegante, at perpektong akma sa isang bagong kasal na mag-asawa. Ang malambot na ilaw mula sa bedside lamps ay nagbibigay ng tahimik at intimate na atmosphere. Ang kama sa gitna ay tila masyadong malaki para sa kanya, at sa isip niya, parang iyon ang sentro ng lahat ng takot niya sa gabing iyon.“You can relax now,” sabi ni Ethan habang tinatanggal ang coat niya at maingat itong isinabit sa upuan.Napatingin si Amara sa kanya, pilit pinipigi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status