INICIAR SESIÓNLimang taon na ang nakalipas. Si Ethaniel ay limang taong gulang na, habang si Jayden ay labing-isang taong gulang. Sa Paris, lungsod ng ilaw at sining, nagpatuloy si Amara sa kanyang bagong buhay.Mula noong ipinanganak si Ethaniel dalawang taon na ang nakararaan, nagsimula siya ng maliit na café. Unti-unti itong lumago, at may ilang branches na rin sa lungsod. Ang pinakaunang branch sa Pilipinas ay pinangangasiwaan ni James, kasabay ng pagiging architect at business nito.Ngunit sa kabila ng tagumpay, malinaw ang hangganan sa puso ni Amara. Natutunan niyang ang mundo ay maaaring magdala ng kasiyahan, pero ang sugat ng nakaraan ay hindi basta-basta maghihilom.Sa loob ng Paris café, tahimik ang paligid sa madaling araw, ngunit abala ang mga Pilipinong staff niya. Nag-aayos ng kagamitan si Liza, dating kaibigan niya sa college, naghahanda ng pastry si Carlo, at maingat na tinatanggap ng iba ang mga delivery order.“Ma’am, ready na yung croissants sa display!” tawag ni Liza habang nagb
Tahimik ang law office ni Attorney Santos. Ang aircon ay mahina ang ugong, sapat lang para punuin ang katahimikan ng silid. Sa labas, dumadaan ang mga sasakyan sa kalsada, pero dito sa loob—parang huminto ang oras. Sa ibabaw ng mesa, maayos na nakapatong ang isang folder. At sa ibabaw noon— isang dokumentong may pulang selyo at official court stamp. DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE — GRANTED Nanatiling nakatayo si Ethan sa harap ng mesa. Hindi siya naupo. Hindi rin siya gumalaw. Ang mga mata niya ay nakatuon lang sa papel, pero ang isip niya—malayo. Parang ilang buwan nang walang pahinga, walang katahimikan, walang sagot. “Approved na,” maingat na sabi ni Attorney Santos, inaayos ang salamin niya. Tahimik pa rin si Ethan. Dahan-dahan niyang kinuha ang dokumento. Pinagmasdan niya ang bawat linya. Ang bawat legal na salita ay parang dapat magdala ng bigat ng “katapusan.” Pero wala siyang naramdaman na ginhawa. Wala ring saya. “Void na?” malamig niyang tanong. Tumango
Gabi sa Pilipinas.Maingay ang bar sa Makati—halo-halong tawanan, nagbabanggaang baso, at malakas na tugtog na parang gustong lunurin ang lahat ng problema ng mga taong naroon. May mga nagbibiruan sa gilid, may mga lasing na halos hindi na makatayo, at may ilang nag-aaway sa gitna ng usok, ilaw, at ingay.Pero sa dulo ng counter—parang ibang mundo ang kinaroroonan ni Ethan.Tahimik.Mabigat.Nakaupo siya habang nakatitig sa basong whiskey na hawak niya. Ilang oras na siyang umiinom, pero parang hindi man lang niya ramdam ang epekto nito. Parang kahit ilang bote pa ang ubusin niya, hindi na siya malalasing. O baka… matagal na siyang lasing sa sakit.Sa loob ng dibdib niya, mas mabigat pa rin ang pangalan ni Amara kaysa sa kahit anong alak.Walong buwan.Walong buwan na walang balita.Walong buwan na puro tanong, wala ni isang sagot.Sa tabi niya si Marco, kaibigan niyang matagal nang sanay sa ganitong eksena—pero kahit siya, ramdam na hindi ito simpleng pagkalasing lang.Iba si Ethan
Madaling-araw sa Paris.Tahimik ang buong ospital. Ang ilaw sa hallway ay malamlam—hindi masyadong maliwanag, hindi rin madilim—sakto lang para gabayan ang bawat nurse na naglalakad. Sa labas ng silid, maririnig ang mahihinang yabag ng sapatos, ang dahan-dahang pag-ikot ng mga medical carts, at ang banayad na tunog ng machines na tila sabay sa paghinga ng paligid.Sa loob ng kwarto—nandoon si Amara.Nakahiga siya sa hospital bed, pagod ang katawan, mabigat ang talukap ng mata, pero may kakaibang kapayapaan sa kanyang mukha—isang kapayapaang matagal na niyang hindi naramdaman.Sa dibdib niya, mahigpit na nakapulupot ang maliit na katawan ni Ethaniel.Mahimbing ang tulog ng sanggol. Ang kanyang munting dibdib ay dahan-dahang umaangat at bumababa, bawat hinga ay parang mahinang himig ng buhay. Ang maliit niyang kamay ay nakakapit sa hospital gown ni Amara—parang takot bumitaw, parang doon lang siya ligtas.Napangiti si Amara.Mahina.Pagod.Pero puno ng pagmamahal.“Hi…” bulong niya, ha
Gabi na sa Paris, at ang malamig na hangin ay humahaplos sa mukha ni James habang nagmamaneho papuntang ospital. Kasama niya si Jayden, dahil wala kasama ito sa apartment, at hindi nila alam kung kailan sila makakabalik. Tahimik lang ito sa tabi, hawak ang maliit na bag ng gamit ni Amara.“Traffic is horrible tonight,” sabi ni James, halatang nag-aalala.Si Amara naman, nasa likod, nakahiga sa seat. Ramdam niya ang bawat saglit ng contractions, bawat kirot na sumasagi sa tiyan niya. Pinipilit niyang huminga nang malalim habang mahigpit na hinahawakan ang tiyan.“James… I… I feel the baby… it’s coming…” bulong niya, nanginginig sa kaba.James agad tumingin sa kanya, halos manlumo sa kaba. “Okay… okay… we’re almost there, Amara. Just hold on. Baby is coming, and we’ll be there soon.”Sumulyap si Jayden kay Amara, nakangiti ng mahina. “Ma… Baby’s coming. You’re strong po.”Amara, kahit mahina ang ngiti, ramdam niya ang liwanag sa gitna ng takot. Si James, nakatingin sa kalsada, ramdam an
Maaga pa lang nang makarating si Amara at James sa maliit na clinic sa Paris. Ang hangin sa labas ay malamig at may kaunting halimuyak ng kape at tinapay mula sa kalapit na boulangerie. Habang naglalakad sila papasok, ramdam ni Amara ang kaba sa dibdib niya—iba ang pakiramdam ngayon kumpara sa ibang check-up niya noon.“Amara… don’t worry, okay? Everything will be fine,” mahina sabi ni James, hawak ang kamay niya sa loob ng gloves niya.Si Amara, nakatingin sa sahig, nagbuntong-hininga. “I know… pero… I’m nervous. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ng doctor dito sa Paris.”James humakbang ng mas malapit at pinisil ang balikat niya. “They are professionals. It’s normal, okay? Prenatal check-up lang ito, nothing scary. Baby is safe.”Pumasok sila sa reception, at isang babaeng receptionist ang nakangiti sa kanila.“Bonjour, vous avez un rendez-vous pour un examen prénatal?” tanong ng babae sa French.(Hello, do you have an appointment for a prenatal exam?)James agad sumagot, medyo n
Sa Paris, unti-unti nang nagiging normal ang bagong buhay ni Amara kasama si Jayden.Maaga pa lang, tahimik ang maliit nilang apartment sa ikatlong palapag ng isang lumang building sa gitna ng lungsod. Ang malamig na simoy ng hangin ay dahan-dahang pumapasok sa bintana, kasabay ng halimuyak ng kape
Hindi agad umandar ang sasakyan ni Ethan.Nakatitig lang siya sa harap, hawak ang manibela, habang ang mga salitang narinig niya sa café ay paulit-ulit na umiikot sa isip niya—“Umalis na po si Ma’am Amara…”“Kasama po si Jayden…”“…at si Sir James…”“Matatagalan daw po sila makakabalik…”Mariin ni
Hindi mapakali si Ethan habang nagmamaneho.Mahigpit ang hawak niya sa manibela, halos pumuti na ang mga daliri niya sa diin. Ang makina ng sasakyan ay tuloy-tuloy ang ugong, pero sa loob niya—wala. Walang katahimikan. Walang pahinga. Ang isip niya, parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik s
Hindi naging madali ang pagpunta ni Ethan sa bahay ng mga Villanueva.Halos isang oras siyang nakaupo lang sa loob ng kotse, nakaparada sa gilid ng kalsada—ilang metro lang ang layo mula sa malaking gate ng pamilya ni Amara. Nakatitig lang siya sa harap, hawak ang manibela nang mahigpit, parang doo







