Home / Romance / My Wife's Secret Son / Chapter forty nine

Share

Chapter forty nine

Author: AnneVillamin
last update publish date: 2026-04-09 18:52:57

Hindi agad umandar ang sasakyan ni Ethan.

Nakatitig lang siya sa harap, hawak ang manibela, habang ang mga salitang narinig niya sa café ay paulit-ulit na umiikot sa isip niya—

“Umalis na po si Ma’am Amara…”

“Kasama po si Jayden…”

“…at si Sir James…”

“Matatagalan daw po sila makakabalik…”

Mariin niyang ipinikit ang mata.

“Hindi pwede…” mahina niyang bulong.

Hindi niya matatanggap ‘yon. Hindi niya kayang tanggapin na basta na lang mawawala si Amara sa buhay niya—lalo na ngayong alam na niya ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Wife's Secret Son   Chapter fifty two

    Gabi na sa Paris, at ang malamig na hangin ay humahaplos sa mukha ni James habang nagmamaneho papuntang ospital. Kasama niya si Jayden, dahil wala kasama ito sa apartment, at hindi nila alam kung kailan sila makakabalik. Tahimik lang ito sa tabi, hawak ang maliit na bag ng gamit ni Amara.“Traffic is horrible tonight,” sabi ni James, halatang nag-aalala.Si Amara naman, nasa likod, nakahiga sa seat. Ramdam niya ang bawat saglit ng contractions, bawat kirot na sumasagi sa tiyan niya. Pinipilit niyang huminga nang malalim habang mahigpit na hinahawakan ang tiyan.“James… I… I feel the baby… it’s coming…” bulong niya, nanginginig sa kaba.James agad tumingin sa kanya, halos manlumo sa kaba. “Okay… okay… we’re almost there, Amara. Just hold on. Baby is coming, and we’ll be there soon.”Sumulyap si Jayden kay Amara, nakangiti ng mahina. “Ma… Baby’s coming. You’re strong po.”Amara, kahit mahina ang ngiti, ramdam niya ang liwanag sa gitna ng takot. Si James, nakatingin sa kalsada, ramdam an

  • My Wife's Secret Son   Chapter fifty one

    Maaga pa lang nang makarating si Amara at James sa maliit na clinic sa Paris. Ang hangin sa labas ay malamig at may kaunting halimuyak ng kape at tinapay mula sa kalapit na boulangerie. Habang naglalakad sila papasok, ramdam ni Amara ang kaba sa dibdib niya—iba ang pakiramdam ngayon kumpara sa ibang check-up niya noon.“Amara… don’t worry, okay? Everything will be fine,” mahina sabi ni James, hawak ang kamay niya sa loob ng gloves niya.Si Amara, nakatingin sa sahig, nagbuntong-hininga. “I know… pero… I’m nervous. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ng doctor dito sa Paris.”James humakbang ng mas malapit at pinisil ang balikat niya. “They are professionals. It’s normal, okay? Prenatal check-up lang ito, nothing scary. Baby is safe.”Pumasok sila sa reception, at isang babaeng receptionist ang nakangiti sa kanila.“Bonjour, vous avez un rendez-vous pour un examen prénatal?” tanong ng babae sa French.(Hello, do you have an appointment for a prenatal exam?)James agad sumagot, medyo n

  • My Wife's Secret Son   Chapter fifty

    Sa Paris, unti-unti nang nagiging normal ang bagong buhay ni Amara kasama si Jayden.Maaga pa lang, tahimik ang maliit nilang apartment sa ikatlong palapag ng isang lumang building sa gitna ng lungsod. Ang malamig na simoy ng hangin ay dahan-dahang pumapasok sa bintana, kasabay ng halimuyak ng kape mula sa kanto at ng bagong lutong croissant mula sa café sa baba. Nakapambalot si Amara ng malambot na cardigan habang hawak ang tasa ng mainit na tsaa, nakatayo sa bintana at pinagmamasdan ang tahimik na kalye.“Mama…” mahina ang boses ni Jayden mula sa likod niya.Napalingon siya at ngumiti, pilit na pinipigil ang lungkot sa mata.“Good morning, baby…” mahina niyang sagot.Lumapit si Jayden at niyakap siya sa baywang. “Are we going out today?”Hinaplos niya ang buhok nito at ngumiti. “Yes… we’ll go to the park later.”Napangiti ang bata, tila walang iniintinding problema sa mundo.Ngunit sa puso ni Amara, hindi ganoon. Sa simpleng tanawin at halakhak ni Jayden, naramdaman niya ang kulang—

  • My Wife's Secret Son   Chapter forty nine

    Hindi agad umandar ang sasakyan ni Ethan.Nakatitig lang siya sa harap, hawak ang manibela, habang ang mga salitang narinig niya sa café ay paulit-ulit na umiikot sa isip niya—“Umalis na po si Ma’am Amara…”“Kasama po si Jayden…”“…at si Sir James…”“Matatagalan daw po sila makakabalik…”Mariin niyang ipinikit ang mata.“Hindi pwede…” mahina niyang bulong.Hindi niya matatanggap ‘yon. Hindi niya kayang tanggapin na basta na lang mawawala si Amara sa buhay niya—lalo na ngayong alam na niya ang lahat. Ngayong alam na niyang buntis ito. Ngayong alam na niyang may anak siya.“Hindi ka pwedeng magtago sa’kin, Amara…” bulong niya, mas mababa ang boses, mas puno ng emosyon. “Hindi sa ganitong paraan…”Napahigpit ang hawak niya sa manibela.Sa unang pagkakataon, hindi galit ang nangingibabaw sa kanya.Kundi takot.Takot na tuluyan na siyang iwanan ni Amara.Takot na baka hindi na niya ito makita pa.Takot na baka—mapunta ito sa iba.Bigla siyang napamulat.“James…”Madiin niyang binanggit a

  • My Wife's Secret Son   Chapter forty eight

    Hindi mapakali si Ethan habang nagmamaneho.Mahigpit ang hawak niya sa manibela, halos pumuti na ang mga daliri niya sa diin. Ang makina ng sasakyan ay tuloy-tuloy ang ugong, pero sa loob niya—wala. Walang katahimikan. Walang pahinga. Ang isip niya, parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa iisang eksena.“I-I… Ethan… I’m pre—”“STOP!”Mariin niyang ipinikit ang mata sandali, saka napailing.“Damn it…”Ngayon lang niya lubos na nararamdaman ang bigat ng ginawa niya. Hindi lang niya itinaboy si Amara—itinaboy niya ang isang babaeng ilang beses nagmakaawa sa kanya, isang babaeng pinilit lang sa sitwasyon, isang babaeng… minahal niya.At higit sa lahat—itinaboy niya ang sarili niyang anak.Napahigpit ang panga niya.“Ang tanga mo, Ethan…” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig.Huminga siya nang malalim, pero kahit anong pilit niya, hindi mawala ang sakit sa dibdib niya. Parang may mabigat na nakadagan, parang may kamay na pumipiga sa puso niya nang paulit-ulit.“Hindi pa h

  • My Wife's Secret Son   Chapter forty seven

    Hindi naging madali ang pagpunta ni Ethan sa bahay ng mga Villanueva.Halos isang oras siyang nakaupo lang sa loob ng kotse, nakaparada sa gilid ng kalsada—ilang metro lang ang layo mula sa malaking gate ng pamilya ni Amara. Nakatitig lang siya sa harap, hawak ang manibela nang mahigpit, parang doon niya ibinubuhos ang lahat ng galit, sama ng loob, at bigat sa dibdib niya.Hindi siya bumababa.Hindi pa.Hindi pa siya handa.Sa tuwing maiisip niya ang pamilya na iyon, bumabalik ang lahat—ang mga kasinungalingan, ang pagpapanggap, ang panlilinlang. Lahat ng pinaniwalaan niya… isang malaking kasinungalingan pala.Pero kasabay noon—ang mukha ni Amara.Ang luha nito.Ang boses nitong nanginginig habang nagmamakaawa.“I-I… Ethan…”Mariin niyang ipinikit ang mata.“Damn it…”Napahigpit ang hawak niya sa manibela.Kung dati, sigurado siya—galit lang ang nararamdaman niya. Pero ngayon, hindi na niya maintindihan ang sarili niya.Dahil may pumasok na ibang emosyon.Pag-aalala.Takot.At isang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status