Home / Romance / My Wife's Secret Son / Chapter ninety eight

Share

Chapter ninety eight

Author: AnneVillamin
last update publish date: 2026-04-17 16:24:45

Pagdating ni Ethan sa hotel na tinutuluyan niya, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Diretso siyang pumasok sa suite, halos hindi na hinubad ang coat niya. Mabigat ang bawat hakbang niya, pero mas mabigat ang laman ng isip niya—parang bawat segundo ay may kasamang tanong na hindi niya masagot.

Isinara niya ang pinto nang malakas.

Isang tunog lang, pero sapat para basagin ang katahimikan ng kwarto.

Tahimik ang paligid.

Pero sa loob niya—ingay.

Gulo.

Mga tanong na paulit-ulit bumabalik, parang s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety eight

    Pagdating ni Ethan sa hotel na tinutuluyan niya, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Diretso siyang pumasok sa suite, halos hindi na hinubad ang coat niya. Mabigat ang bawat hakbang niya, pero mas mabigat ang laman ng isip niya—parang bawat segundo ay may kasamang tanong na hindi niya masagot.Isinara niya ang pinto nang malakas.Isang tunog lang, pero sapat para basagin ang katahimikan ng kwarto.Tahimik ang paligid.Pero sa loob niya—ingay.Gulo.Mga tanong na paulit-ulit bumabalik, parang sirang plaka na ayaw tumigil.Hindi na niya kinaya pa.Kinuha niya agad ang cellphone niya at walang pag-aalinlangang tinawagan ang private investigator niya.Isang ring pa lang, sinagot agad.“Ethan?”“Check mo ang background ni Mike Virelli,” diretso niyang sabi, walang paligoy-ligoy. “Lahat. Business, personal, connections… pati kung sino si Isabel at Amanda sa buhay niya.”Saglit na katahimikan sa kabilang linya, parang pinoproseso ng kausap niya ang bigat ng utos.“Okay… noted. Pero Ethan—”

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety seven

    Hindi mapakali si Ethan mula pa noong makita niya si Isabel—ang babaeng kamukhang-kamukha ni Amara. Simula kanina, hindi na siya pinatahimik ng isip niya. Parang may humahabol na tanong sa loob ng ulo niya na hindi niya maipaliwanag, paulit-ulit, walang tigil, parang sirang plaka na ayaw tumigil. Kaya kahit pagod, kahit kakatapos lang ng mahabang meeting niya kanina, pinili niyang manatili sa labas ng building kung saan niya muling nakita si Isabel.Gusto niya lang makita ulit. Gusto niyang siguraduhin kung totoong kamukha lang ito ng babaeng pilit niyang kinakalimutan… o may mas malalim pang koneksyon sa lahat ng nangyari sa buhay niya.Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon kabigat ang dibdib niya sa simpleng mukha lang ng isang babae.Parang may hinuhukay sa loob niya.Isang bagay na matagal niyang tinakpan.Bandang alas-singko ng hapon, nakita niya itong lumabas. Kasama ang dalawang bodyguard na nakasuot ng itim. Maayos ang tindig ni Isabel, elegante ang lakad, pero may malamig

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety six

    Tahimik ang hallway sa labas ng opisina ni Mike. Walang maririnig kundi ang mahihinang tunog mula sa loob at ang maingat na paghinga ng dalawang bodyguard na nakapwesto malapit sa pinto.Nagkatinginan sina Carlo at Rico—parehong halatang hindi mapakali.“Pare…” mahinang bulong ni Carlo habang pasulyap-sulyap sa paligid. “Sigurado ka bang hindi natin sasabihin kay boss Mike?”Napabuntong-hininga si Rico at napakagat sa labi. “Wag na, bro. Alam mo naman si boss Mike. Konting mali lang… lagot tayo.”Napalunok si Carlo. “Pero hindi ‘to maliit na bagay. Nagkita sina Ma’am Amara at si Ethan. Hindi ba dapat alam ‘yon ni boss?”Napakamot si Rico sa batok. “Oo… pero isipin mo muna. Nakilala ba ni Ma’am si Ethan?”Saglit na natahimik si Carlo bago sumagot. “…Hindi. Para lang siyang may nakitang stranger.”“At si Ethan?” tanong ni Rico. “Hinabol ba niya si Ma’am?”Umiling si Carlo. “Hindi rin…”Napatingin sila sa isa’t isa.“Edi wala,” sabi ni Rico, pilit pinapakalma ang sarili. “Hindi nakilala

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety five

    “Sir, naayos ko na po ang flight ninyo papuntang Davao. May kailangan pa po ba kayo?” maayos na tanong ng secretary ni Ethan habang hawak ang tablet.Hindi agad sumagot si Ethan.Nakatayo siya sa harap ng floor-to-ceiling window ng opisina niya, nakatanaw sa lungsod. Sa labas, buhay na buhay ang mundo—mga sasakyan na nag-uunahan, mga taong naglalakad, ilaw na kumikislap sa bawat gusali.Pero sa kanya—walang tunog.Walang galaw.Parang hindi siya kabilang sa lahat.“Sir?” ulit ng secretary, medyo nag-aalangan na.Napakurap si Ethan, tila saka lang bumalik sa realidad.“Okay na,” sagot niya, malamig ang tono. “Anong oras ang flight?”“1 PM po, sir.”Tumango siya. “Good. You may go.”Pagkaalis ng secretary, bumalik ang katahimikan sa opisina.Pero hindi sa loob niya.Tatlong taon mula na pinagsisihan niya hindi siya nakinig sa paliwanag nito.Tatlong taon mula nang sirain niya ang sarili niyang mundo.Tatlong taon mula nang mamatay ang babaeng… mahal na mahal na niya.“Damn it…” mahina

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety four

    Mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang dumating sina Amara,Amanda at Mike sa Davao.Sa unang linggo, puro takot ang bumalot kay Amara. Bawat tunog, bawat galaw sa paligid, pinagdududahan niya. Hindi siya mapakali. Hindi siya mapalagay. Unti-unting naging pamilyar ang bahay. Ang amoy ng hangin sa umaga. Ang tunog ng aircon sa gabi. Ang kaluskos ng mga dahon sa labas tuwing madaling-araw.At higit sa lahat—ang presensya ni Mike.Tahimik, maingat, at laging nariyan.Hindi siya palasalita, pero ramdam ang pag-aalaga. Laging may pagkain sa mesa. Laging may taong nagbabantay sa labas. Laging may siguradong seguridad.At sa kabila ng lahat—naging komportable si Amara.Hindi dahil gusto niya.Kundi dahil wala siyang ibang pagpipilian.Tuwing umaga, gigising siya na katabi si Amanda.Mahimbing ang tulog ng bata, parang walang bahid ng kahit anong problema sa mundo. Parang hindi nito alam ang lahat ng pinagdaanan nila. Parang hindi nito ramdam ang takot na pilit niyang itinatago.“Momm

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety three

    Sa loob ng kulungan—mabigat, mainit, at puno ng amoy ng kalawang at pawis. Ang tunog ng mga bakal na pinto na nagsasara at bumubukas ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa pasilyo, parang paalala sa bawat bilanggo na wala silang takas.Tahimik na naglakad si Mike sa mahabang corridor, kasunod ang bantay. Hindi siya nagsasalita. Hindi rin siya tumitingin sa paligid. Diretso lang ang tingin niya sa unahan—sa selda kung saan matagal na niyang hindi nadadalaw ang kapatid niya.Tatlong taon.Tatlong taon na mula nang huli niyang makita si Lucas.At ngayon—bago siya tuluyang umalis papuntang Davao kasama sina Amara at Amanda—kailangan niyang makita ang kapatid niya.Hindi dahil sa awa lanf.Kundi dahil gusto niya ipaalam sa kuya na na nakaganti na ito kay Ethan.“Bilis,” utos ng guard habang binubuksan ang gate.Tumango si Mike, saka tuluyang pumasok.Sa loob ng selda, nakaupo si Lucas sa isang sulok. Payat na ito kumpara dati. Magulo ang buhok, may bahid ng pagod ang mukha, pero nananatili an

  • My Wife's Secret Son   Chapter thirty one

    Gabi na nang tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay.Tahimik ang paligid. Tanging ilaw mula sa poste sa labas ang nagbibigay ng mahinang liwanag sa madilim na kalsada. Walang masyadong tao. Walang ingay. Parang ang buong mundo—nakahinto.Perpekto.Dahan-dahang bumukas ang pinto ng sasakyan.At buma

  • My Wife's Secret Son   Chapter thirty

    Madilim.Iyon ang unang bagay na naramdaman ni Amara nang unti-unti siyang magkamalay.Hindi agad siya gumalaw. Hindi agad siya nagsalita. Para bang may mabigat na kumot na nakabalot sa buong katawan niya—hindi pisikal, kundi sa mismong diwa niya. Mabigat ang ulo niya, parang may humahampas na saki

  • My Wife's Secret Son   Chapter twenty two

    Nagising si Amara sa marahang sinag ng araw na sumisilip mula sa kurtina. Tahimik ang paligid—parang huminto sandali ang mundo para bigyan siya ng pagkakataong magpahinga.Saglit siyang nanatiling nakapikit, parang ayaw pang bumangon… parang ayaw pang harapin ang realidad.Pero nang maramdaman niya

  • My Wife's Secret Son   Chapter fifty two

    Gabi na sa Paris, at ang malamig na hangin ay humahaplos sa mukha ni James habang nagmamaneho papuntang ospital. Kasama niya si Jayden, dahil wala kasama ito sa apartment, at hindi nila alam kung kailan sila makakabalik. Tahimik lang ito sa tabi, hawak ang maliit na bag ng gamit ni Amara.“Traffic

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status