PARANG bata na napatango na lang siya.
Pikit ang mga matang napahilot sa sintido si Crixzus, animo’y dismayado sa nangyari. “May public toilet sa 24/7 store na ’yon. Makigamit ka muna.” Itinuro nito ang store malapit sa ospital na kanilang hinintuan. Nasa lupa ang mga matang binaybay niya ang daan patungo sa store na ’yon. Pagbalik niya ay nag-i-spray ang lalaki ng air freshener sa loob ng kotse. “Pasok na. Uuwi na tayo,” malamig nitong utos nang mapuna na nakabalik na siya. Nanatili siyang tahimik hanggang makauwi. Ni hindi niya magawang salubungin ang tingin ng kaniyang daddy. Dederetso na sana siya ng kwarto para doon na lang magmukmok ngunit mabilis nitong hinuli ang kaniyang pulso. Tila may boltahe ng kuryente na nanulay mula sa nagkadikit nilang mga balat patungo sa kaniyang dibdib. Sobrang tensyonado siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Maang na napatingin siya sa malamig nitong mga mata. “Forget what happened earlier. Lahat naman ng tao ay umuutot. Sobrang baho nga lang ng utot mo kumpara sa utot ng iba but it's normal. Hindi mo kailangang ikahiya ’yon lalo pa at ako lang naman ang nakaamoy. It's okay.” Sa halip na gumaan ang pakiramdam ay lalo lamang siyang nilamon ng kahihiyan. Sana nga ay ibang tao na lang ang nakaamoy. Of all people kasi, bakit ang crush niya pa? Yes, inaamin niya sa sarili na unang beses pa lang niyang nakita ang kaniyang daddy ay batid na niya ang nararamdaman na paghanga para sa lalaki. Ngunit sa batas ng tao, bawal ang nararamdaman niyang iyon kaya dapat niyang supilin nang maaga ang sarili. Binaklas niya ang kamay nito sa kaniyang pulso saka mabilis nanakbo papasok sa kaniyang silid. “Aaah! Nakakainis!” Pinagsusuntok niya ang unan na walang kinalaman sa nangyari. Nang mapagod ay pabagsak siyang nahiga sa kama. “Nakakahiya ka, Mikaela!” Natampal niya ang sariling noo nang maalala ang reaksyon ng kaniyang daddy nang masinghot nito ang pamatay niyang pasabog. KINABUKASAN, nakahinga siya nang maluwag nang si Skye ang maghatid sa kaniya sa school. Hindi niya alam kung paano haharapin ang daddy niya matapos ang mga nangyari. “S-si Daddy?” tanong niya kay Skye na seryosong nagmamaneho. Nagising siya na nakaalis na ito, iyon ang sabi ng isa sa mga katulong. “May client meeting siya mamayang 8:00 AM kaya maaga siyang umalis.” “A-ah.” Kapag si Skye ang kasama niya ay halos mapanis ang kaniyang laway dahil sa sobrang nitong tahimik. Kung hindi tatanungin ay hindi rin ito sasagot. Pagpasok pa lang sa gate ng paaralan na kaniyang pinapasukan ay kaagad niyang napansin ang mga mata na nakatutok sa kaniya. Malamang ay dahil iyon sa mga eksena kahapon nang sunduin siya ni Crixzus. “OMG, Mika! I miss you my very beautiful friend!” OA na pagbati sa kaniya ni Lea. May pagyakap at pagbeso pa itong nalalaman samantalang kahapon lang ay bugbog ang kaniyang ulo sa pambabatok nito. “May kailangan ka na naman, ’no?” Pinaningkitan niya ng mga mata ang kaibigan. Napatawa naman ito nang hilaw sabay hampas sa kaniyang braso. “Wala, ah! Masiyado ka naman judgementhol!” “Judgemental!” pagkokorek niya sa sinabi nito. “Oo na! Feeling dictionary yarn?” sarkastikong sagot naman nito. Ikinawit nito ang braso sa kaniya saka hinila na siya patungo sa kanilang room. Kapansin-pansin ang kabaitan nito. “Mika, okay pa ba ang dalawang kidney mo?” Lumalim ang gatla sa kaniyang noo. "Oo naman. Bakit?" “Baka kasi kako hindi na okay, ibibigay ko na ’yong isa kong kidney sa ’yo.” Tamad niyang tiningnan ang kaibigan. Wala na naman kasing sense ang mga sinasabi nito. “Sabihin mo na ang kailangan mo,” aniya. Mabilis itong umupo sa tabi niya. “It's your dad! Iyo na kidney ko, sa kaniya naman ang heart ko!” Kasunod nito ay isang tili. “Sinasabi ko na nga ba kaya hindi ka tumitigil sa pangungulit sa akin. Maski kidney mo ay gusto mo nang ipamigay! Nakalimutan mo yata na may UTI ka!” Tumawa ito habang kakamot-kamot sa ulo. “Oo nga pala. Ganito kasi . . . Gusto ko lang malaman kung iyong mga sinabi mo ba sa akin kahapon ay totoo. Siya ba talaga ’yong ikinukuwento mo sa aking daddy?” “Sinabi ko na ’yan sa ’yo pero ayaw mo maniwala. Sinabi ko na sa ’yo na bata pa ang mysterious daddy ko na kumupkop sa akin pero binatukan mo lang ako.” “Sorry na! Akala ko kasi ay naimpluwensiyahan ka na ng mga pocket books na binabasa mo! Anyway, totoong sobrang pogi ng daddy mo, inday! Parang biglang gusto kong mag-apply bilang mommy mo!” Ngumiwi siya. “Huwag ka ngang magpatawa riyan, Lea. Paano ka magiging mommy, wala ka naman matris!” pang-aasar niya sa kaibigan. Mangungulit pa sana ito ngunit dumating na ang kanilang prof sa first subject. Tumahimik ang lahat at umupo sa kani-kanilang mga upuan. Lumipas ang mga araw, naging bukang-bibig ni Lea ang kaniyang Daddy. Panay ang sabi nito na crush na crush nito ito. Minsan pa ay gusto na niyang busalan ang bunganga nito ng bagong hubad na medyas kaya lang ay naaawa siya sa medyas. DUMATING ang kaniyang pinakahihintay na araw, ang kaniyang kaarawan. Para siyang nasa isang fairytale story. Nakasuot siya ng isang kulay carnation pink na gown na abot hanggang sa sahig ang laylayan. Plunging neckline ang style nito at sa gayad ay may maliliit na diyamante na nakaburda na kumikinang kapag natatamaan ng ilaw. Pink na stiletto rin ang kaniyang suot sa paa na mayroon ding diamond design, halatang mamahalin. Para siyang isang prinsesa sa kaniyang ayos nang araw na ’yon. “Miss Mikaela, handa ka na po bang bumaba?” tanong sa kaniya ng kanilang maid. “O-opo.” Kinakabahan siya. Nasanay siya na tuwing nag-b-birthday ay kumakain lang sa labas. Si Skye lang ang parati niyang kasama. Ang lalaki rin ang nagbibigay ng cake sa kaniya taon-taon. Mabuti na lang dahil may isang Skye na parati siyang sinasamahan maski na daig pa nito ang walang bibig sa sobrang tahimik. Pinatayo siya sandali ng isa sa mga organizer ng party sa isang gilid upang pagbigyan ang emcee na ipakilala siya sa lahat. “We are gathered here tonight to witness the transformation of a young girl to a beautiful woman. We are very lucky for we are chosen to be here and be part of this momentous occasion in the debutant's life. “You see her grow up, you see her everything. And now we are about to see her as a grown up lady. “Let me introduce to all of you, our gorgeous birthday celebrant, Miss Mikaela De La Croix!” Marahan siyang lumakad pababa mula sa matayog na hagdanan ng kanilang mansyon. Pumailanlang ang palakpak ng mga estrangherong tao na naroon. Halos karamihan sa mga invited ay hindi niya kilala. Tanging ang kaniyang classmates lang ang pamilyar na mukha sa kaniya. Katulad ng isang normal na debut: May eighteen candles, balloons, chocolates, at iba pa. Ngunit ang pinakaespesyal sa kaniya ay ang eighteen roses. Siguradong makakasayaw niya ang lalaking nagpapasaya sa kaniya ngayon. Pumailanlang ang isang malamyos na tugtugin. Unang lumapit sa kaniya ay si Skye bitbit ang isang kulay pulang rosas. Nagtataka na tinanggap niya ’yon. Sa pagkakatanda niya kasi ay ang ama ang dapat na una niyang makakasaya . . . so, hindi ba dapat ay si Crixzus na daddy niya? ‘Miss Mikaela . . .” Nagulat siya nang biglang magsalita si Skye. Ang malamlam nitong mga mata ay titig na titig sa kaniyang mukha. Naisip niya tuloy na baka kumalat na ang makeup niya. “Bakit?” Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit nito sa kaniyang baywang na ikinagulat niya. Inilapit din ni Skye ang bibig nito sa kaniyang tainga. “Gusto ko lang sabihin na sobrang ganda mo ngayong gabi.” Nalaglag ang kaniyang panga sa ibinulong nito. Iyon kasi ang unang pagkakataon na pinuri siya ni Skye. Hindi na siya nakatugon dahil sinundan na ito ng iba pa na may hawak din na red roses. Second to the last dance ay ang suitor niya na si Carlo. Mabait, matalino, at pogi rin ito. May isang bagay lang siyang hindi nagustuhan sa lalaki, mabaho ang hininga. Kaya naman todo iwas siya ng mukha nang ito na ang kaniyang makasayaw. “Happy Birthday, Mika. Lalo kang gumanda sa suot mo. Lalo tuloy akong na-i-in love sa ’yo.” Parang babaliktad ang kaniyang sikmura nang tumama sa kaniyang ilong ang deadly weapon nito. Nagkunwari na lang siya na inaamoy ang bulaklak para maibsan ang pagkaduwal na nararamdaman. “Maraming salamat,” kimi niyang tugon. “Kailan mo ba ako balak sagutin? Ang tagal ko nang nanliligaw sa ’yo . . .” “Kapag nagawa mo nang lumaklak ng isang drum na mouthwash,” mabilis naman niyang sagot. Kaagad naman umasim ang mukha nito, marahil ay napikon sa kaniyang tugon. “Joke lang. Ang tipo ko kasi sa lalaki ay ’yong silent type. Kaya kung gusto mo na sagutin kita, panatilihin mong tikom ’yang bibig mo para wala ka nang maperwisyo . . . este para maging girlfriend mo na ako!” pang-uuto niya kay Carlo. Napangiti naman nang malawak si loko saka mabilis na tumango. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Nakaramdam siya ng bahagya na pagkalungkot sapagkat hindi pa rin niya nakikita ang taong nais niyang makasayaw. Ang taong dahilan kung bakit siya buhay at nagbigay sa kaniya ng magandang kinabukasan. Ang lalaking kaniyang lihim na ginugusto . . . ang kaniyang Daddy. “Happy Birthday ulit, Mikaela. Don't worry, susubukan kong maging silent type para sa ’yo. Totoong mahal na mahal kita, Mikaela,” saad ni Carlo bago siya binitawan. Laking pasasalamat niya nang magkalayo silang dalawa. Makahihinga na siya nang maluwag. Isang rosas na lang, makapagpapahinga na rin siya. Biglang namatay ang lahat ng ilaw. Ang tanging natira ay ang ilaw na nakatutok sa kaniya. Ramdam na ramdam niya tuloy na sa kaniya nakatutok ang lahat ng mga mata. Isang musika na nakaaantig ng puso ang pumailanlang, kasunod ang paglabas mula sa kung saan ng isang lalaki na nakasuot ng kulay light pink na tuxedo. Pigil ang paghingang hinagod niya ito ng tingin. Bagama’t pink ang suot ay hindi nakabawas ang kulay ng damit nito sa taglay na kaguwapuhan, bagkus lalo lang itong naging guwapo sa kaniyang paningin. Humakbang ang lalaki papalapit sa kaniya sabay abot ng pinakahuling rosas na sa tingin niya ay nangingibabaw ang tingkad sa lahat. Nanginginig ang mga kamay na tinanggap niya iyon mula sa lalaki. “D-Daddy . . . Akala ko ay hindi ka na magpapakita,” naiiyak niyang sabi. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niya ang pag-angat ng sulok ng labi nito na lalong nagpahibang sa kaniyang baliw na puso. “Puwede ba ’yon? It's my baby girl's special day. Dapat narito ako.” Mas malamig pa sa musikang pumapailanlang ang malalim na boses nito. Hindi na niya napigilan ang kaniyang damdamin. Siya na ang kusang yumakap nang mahigpit sa lalaki. Wala na siyang pakialam sa kung anong iisipin ng mga taong nakamasid. Natigilan naman si Crixzus, gayunpaman, yumakap ito pabalik kay Mikaela. Isinayaw siya nito sa saliw ng matamis na musika. Ito na ang pagkakataon na hinihintay nito para ipagtapat sa babae ang tunay na motibo. “Mikaela . . . magpakasal tayong dalawa.” Tila may bikig sa lalamunan na napatingala si Mikaela sa lalaki. Hindi makapaniwala na inalok siya nito ng kasal. “P-pero—” Gusto niya ngunit hindi maaari dahil sa mata ng lahat ay magkadugo sila. “Hindi mo kailangan na sumagot ngayon. I'll give you time hanggang makapagdesisyon ka.” Natapos ang kasiyahan na ’yon na magulo ang kaniyang isipan. Pagsapit ng madaling araw ay naroon na siya sa kaniyang silid. Tulala pa rin sa katanungan na iniwan ni Crixzus. Maya-maya pa ay napukaw siya ng mahihina na katok mula sa pintuan. “Gising ka pa ba?” Muli na naman tumahip ang kaba sa kaniyang dibdib. Boses pa lang nito ay grabe na ang epektong hatid sa kaniya. “B-bukas ’yan,” nauutal niyang sagot. Pumihit ang seradura kasunod ang pagbukas ng kulay pink niyang pintuan. “D-Daddy . . . ” Ang totoo ay nais niya rin itong makausap. Ang daming bakit sa kaniyang isipan. “Pinuntahan kita rito dahil alam kong nagulat ka. Hindi ito ang inaasahan mo sa taong kumupkop sa ’yo. Nais kong bigyan linaw ang mga bagay na gumugulo sa ’yo.” Humugot siya ng lakas ng loob mula sa kaibuturan ng kaniyang puso. “B-bakit gusto mo akong pakasalan? N-ngayon pa lang tayo nagkakilala at hindi pa natin kabisadong lubusan ang isa't isa kaya nais kong itanong kung bakit.” “Maniwala ka man o hindi, mahal na kita noon pa. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing pinapadalahan mo ako ng iyong mga larawan. Habang sabay tayong lumalaki sa magkalayong mundo ay umuusbong din ang pagmamahal ko sa ’yo.” Maang siyang napatitig sa guwapong mukha ni Crixzus. “Nagustuhan mo ako kahit sa pictures mo lang ako nakikita?” “Alam kong imposible ngunit ganoon ang nangyari. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na ngumingiti sa tuwing binabasa ang mga sulat mo. Araw-araw ko sa ’yong patutunayan na tapat ang hangarin ko, Mikaela.” “N-ngunit magkadugo tayo sa mga mata ng ibang tao . . . ” aniya. Inabot nito ang kaniyang kamay at saka marahan na pinisil. “Natagpuan ko na ang tunay mong mga magulang. Kung papayag ka na maikasal sa akin ay maaari nating ipalipat ang apelyido mo sa kanila.” Awtomatikong nagsalubong ang kaniyang kilay. “Kilala mo ang tunay kong mga magulang? Bakit hindi mo kaagad sa akin sinabi?” Isang napakaimportante na bagay iyon para sa kaniya. “Paumanhin. Kahapon ko lang din nalaman ang tungkol sa bagay na ’yan. Nawalan na ako ng pagkakataon na sabihin sa ’yo dahil busy ka sa preparation ng birthday mo.” Gusto niyang makilala ang kaniyang tunay na mga magulang. Nais niyang itanong kung bakit siya iniwan ng mga ito noong sanggol pa lamang siya. Ang kuwento ni Skye ay napulot raw siya ng isa sa mga tauhan ni Crixzus De La Croix sa isang kagubatan. Para siyang isang kuting na iniligaw ng mga panahon na ’yon kaya naman labis ang kaniyang nadarama na hinanakit para sa mga ito. “Nais ko silang makita.” Hindi sila nag-aksaya ng panahon. Tinungo nila kaagad ang bahay ng mga ito nang magliwanag ang kalangitan. “Sigurado ka ba na handa mo na silang harapin?” Hindi siya sigurado. Nanginginig ang kaniyang mga kamay sa kaba. Natigilan siya nang maramdaman ang kamay ni Crixzus sa kaniyang palad. “Just tell me kung hindi ka pa handa. Pababalikin na natin si Skye,” mababa ang boses na bulong nito. “H-hindi. Narito na tayo kaya ituloy na natin,” paninindigan niya. Pumasok sila sa isang malaking gate. Tumambad sa kanila ang napakalawak na hacienda na hindi kayang sukatin ng mga mata. Ilang metro pa ang kanilang binaybay bago nakarating sa isang napakalaking bahay na mistulang isang palasyo. Huminto ang kanilang sasakyan at kaagad silang pinalibutan ng mga armadong lalaki. Kumatok ang isa sa mga ito sa bintana ng kotse. Bahagya siyang kinabahan. “Relax. Everything will be alright,” saad ni Crixzus na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang kaniyang kamay. Ibinaba nila ang mga bintana ng kotse. “De La Croix? Sawa ka na ba sa buhay mo? Ano ang ginagawa mo rito?” nakangisi na tanong ng isang malaking lalaki. Mahigpit siyang napahawak sa kamay ni Crixzus. Nakatatakot ang itsura nito, mukhang nangangain ng buhay. “Hindi ako pumasok sa balwarte niyo upang maging pangahas. Nais kong makausap si Don Ybarro,” matabang na tugon ni Crixzus. Hindi batid ni Mikaela kung bakit may baril na hawak ang mga ito. “Mga sundalo ba sila?” bulong niya kay Crixzus. Tiningnan lang siya ni Crixzus ngunit hindi tumugon. Napasiksik siya nang husto sa gilid nito nang mapagtanto na nakatingin sa kaniya ang armadong lalaki. May ngisi sa labi na hindi maipaliwanag. Kaagad naman siyang ikinubli ni Crixzus sa likuran nito. “Ang ganda ng kasama mo, De La Croix. Ibigay mo siya sa amin, kapalit niya ay makakausap mo ang aming Don.”“Saan tayo pupunta?” maang na tanong ni Mikaela kay Crixzus na kasalukuyang katabi niya sa backseat ng kotse. Kasama rin nila si Skye na siyang driver nila.Maaga siyang ginising ng lalaki at pinagbihis. Wala naman itong sinasabi kung saan ang destino nila kaya siya na mismo ang nagtanong.“Sa Fortaleza Montereal,” matipid na tugon nito.“Fortaleza Montereal?” Ngayon niya lang narinig ang pangalan na iyon, ngunit ang Montereal sa salitang iyon ay isa lang ang ibig sabihin . . . may kinalaman iyon sa tunay niyang pamilya.“Oo. Napuntahan mo na ang lugar na iyon. Ang malawak na hacienda kung saan unang beses mong nakita at nakilala ang iyong mga magulang. Gusto ka nilang makita.”Hindi niya batid kung ano ang iniisip nito. Nakatanaw lang ito sa bintana buong biyahe, parang wala sa mood na kausapin siya. Nilibang na lamang niya ang sarili sa panonood ng mga videos sa kaniyang cell phone.Katulad nang dati, maraming armadong tauhan sa labas at loob ng malaking gate na bakal. Kailangan nil
Walang hirap na natanggal nito ang suot niyang swim shorts mula sa likuran. Malayang naglakbay ang malikot at pangahas nitong mga kamay sa kaniyang buong katawan habang magkalapat ang kanilang mga labi, mapusok na nagpapalitan sila ng mga halik.“U-ugh . . . D-Daddy . . . ” ungol niya nang maramdaman ang kamay nito sa kaniyang gitnang bahagi. Nakagat niya ang pang-ibaba na labi nang maramdaman ang dalawang daliri nito na inilabas-pasok mula roon. “F-faster . . . please,” pikit matang pakiusap niya, paliyad-liyad ang katawan. Sinasabayan ang kamay nitong nagpapaligaya sa kaniya. “Y-yeah . . . Touch me there, D-Daddy . . . I-I like it,” pikit-mata niyang halinghing.Nagtatagis ang mga ngiping nilakumos ni Crixzus ang isa niyang dibdib. “I like the way you moan, sweetheart. Moan louder . . . I’m gonna make you feel so good!”Binilisan nito ang paglabas-pasok ng daliri sa kaniya hanggang sa tumirik ang kaniyang mga mata dahil sa sarap na natatamasa. Nang malapit na siya sa rurok ay humi
Malakas siyang napasinghap nang magkaroon siya ng pagkakataon na makalutang mula sa pagkakalubog. “T-tama na!” nahihirapan niyang usal ngunit tila bingi sa kaniyang pakiusap si Carmilla. “Ilang ulit ko bang sasabihin sa ’yo na layuan mo si Crixzus! Akin lang siya! Akin!” Nanggagalaiti ito sa galit. Muli, inilubog nito ang kaniyang ulo sa tubig. Hindi niya batid kung ilang segundo siya sa ilalim, ang alam niya lang ay naninikip na ang kaniyang dibdib. Marami na rin siyang tubig na nainom. Sa kagustuhan na makatakas mula sa mga kamay nito, buong pwersa niya itong sinuntok sa sikmura. Napaigik ito sa sakit at kaagad siyang nabitawan. Galit na hinawakan niya ito nang mahigpit sa magkabila na balikat. “S-sinabi ko sa ’yo na tama na! A-ano ba ang problema mo?!” hinihingal niyang sigaw. Hindi ito sumagot, bagkus ay ngumisi na tila nagtagumpay sa plano. Mahigpit na hinawakan ni Carmilla ang magkabila niyang kamay na nakahawak sa mga balikat nito. “A-ano’ng ginagawa mo?” Hindi ito tumu
“Mikaela, halika na! Maupo ka na rito at samahan mo na kaming kumain,” bait-baitang paanyaya sa kaniya ni Carmilla. Isang hindi makabasag-pinggan at mapagpanggap na anghel-anghelan ang ganap nito. At ang nakatatawa pa ay para bang limot nito kaagad ang ginawa sa kaniya. Well, ano nga ba ang maaasahan niya sa isang taong may mental problem? Gustuhin niya mang patulan ito ay hindi maaari. Mas kailangan niya ngayon ay malawak na pang-unawa. Pang-unawa na hindi niya batid kung hanggang kailan niya matitikis. Pinilit niyang ngumiti pabalik dito kahit na asiwa siya. Sa kabila ng kumikirot na puso ay ayaw niyang ipahalata sa mga kaharap na nasasaktan siya personally. Iyon ang ayaw na ayaw niya, ang makita ng iba ang kaniyang kahinaan. Out of respect ay pumayag siya. “Sige, salamat.” Lumakad siya patungo sa mahabang lamesa. Hinila ni Crixzus ang bakanteng upuan sa bandang kaliwa nito para doon siya paupuin, ngunit naging mas mabilis si Skye sa kilos. Nauna nitong nahila ang upuan sa tabi,
Mahigpit siyang napakapit sa kumot na nakatakip sa kaniyang nanlalamig na katawan. Palihim niyang pinagmasdan ang mga kilos nito.Napansin niya ang maliit na kulay puting papel na hawak nito, ilang saglit pa ay inilagay nito iyon sa kaniyang side table. Mabilis siyang napapikit nang biglang ibaling nito ang tingin sa kaniyang dako. Pigil na pigil ang paghinga lalo na nang maramdaman niya ang mga yabag nitong papalapit sa kama.Inihanda niya ang sarili sa kung ano ang puwedeng sumunod na mangyari. Kung sakali man na ulitin nito ang ginawa sa kaniyang pananakal ay wala siyang ibang magagawa kundi ang labanan ito. Wala siyang balak na mamatay sa mga kamay nito.Ngunit, lumipas na ang ilang minuto ay walang nangyayari; nanatiling tahimik ang silid. Hanggang sa narinig niya ang mahinang langitngit ng nagbukas-sara na pinto ng kaniyang kuwarto. Muli, kabadong binuksan niya ang mga mata. Napahawak siya sa dibdib at malayang nakahinga nang mapagtantong wala na ito. Duda siyang may binabalak
“B-bakit kailangan ko silang patayin? M-mag-utos ka kahit na ano, gagawin ko! Huwag lang ang pumatay ng tao! H-hindi ko magagawa ’yan, lalong higit kung sa mga magulang ko! H-hindi man sila ang nagpalaki sa akin, mga magulang ko pa rin sila! Dugo at laman ko pa rin sila!” Mahina itong tumawa, hanggang ang tawa na iyon ay naging isang nakatatakot na halakhak na pumailanglang sa silid. Hawak nito ang sikmura, tila sayang-saya sa kaniyang naging reaksyon.“Just kidding, sweetheart. All I need is their help and approval, so that I can marry you. Not their death,” bawi nito sa sinabi. Ngunit kahit na ganoon, hindi mawala-wala ang kaba niya sa dibdib. Maluha-luha pa ito sa katatawa habang pinagmamasdan niya, na para bang magandang biro iyon.“Crixzus, that’s not a joke! That’s disturbing and cruel!” aniya sa seryosong tinig. Nilakasan niya ang loob na komprontahin ito.Tumigil naman ito sa pagtawa, kinamot nito ang makapal na kilay gamit ang hintuturong daliri, pagkuwa’y sinabi, “Baby, I’