Share

Kabanata 70

Auteur: Gia Maezy
last update Dernière mise à jour: 2026-03-09 18:57:23

Kinabukasan, maaga pa lang ngunit may kumatok na sa pinto ng unit ni Kasumi. Saktong kalalabas lang ni Akiro mula sa banyo dahil umihit ito kaya ito na ang nagbukas ng pinto.

Nang makita kung sino ang nasa labas, napakunot ang noo ng bata. "Bakit ka po nandito?"

Nakatayo si Aslan sa may pinto, may bitbit na mga paper bags mula sa isang sikat na restaurant saka ngumisi sa anak.

Bahagya rin niyang pinitik ang noo ng anak niya.

"Ayaw mo talaga akong makita ‘no? Na-realize ko kasi, baka sobrang b
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 70

    Kinabukasan, maaga pa lang ngunit may kumatok na sa pinto ng unit ni Kasumi. Saktong kalalabas lang ni Akiro mula sa banyo dahil umihit ito kaya ito na ang nagbukas ng pinto. Nang makita kung sino ang nasa labas, napakunot ang noo ng bata. "Bakit ka po nandito?"Nakatayo si Aslan sa may pinto, may bitbit na mga paper bags mula sa isang sikat na restaurant saka ngumisi sa anak. Bahagya rin niyang pinitik ang noo ng anak niya."Ayaw mo talaga akong makita ‘no? Na-realize ko kasi, baka sobrang busy na ng Mama mo sa pag-aasikaso sa inyo ni Kira kaya wala na siyang time na magluto ng almusal. Kaya bumili ako ng paborito niyong breakfast ni Kira, lugaw ito at mainit-init pa!" Pero imbes na matuwa, inirapan lang siya ni Akiro. "Ayoko po niyan. Ang gusto kong kainin, iyong sopas na luto ni Mama!” Walang pakialam na tinalikuran ng bata ang tatay nito at naglakad papunta sa dining area.Naiwang nakatayo si Aslan sa labas. Isang araw pa lang itong magkasama, ganyan na agad siya itaboy ng ana

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 69

    Nang makasakay sila sa kotse, hindi naiwasan ni Aslan na tumingala sa third-floor balcony ng unit ni Kasumi.At doon nga nakita niya si Kira. Nakadikit ang mukha ng bata sa salamin ng bintana habang masayang kumakaway sa kanya. Gumawa pa ito ng heart sign gamit ang maliliit na daliri nito bago nag-flying kiss.Sa isang iglap, nawala lahat ng inis at pagod sa katawan ni Aslan.Ngumiti siya at lumingon sa assistant na para bang nagyayabang. "Nakita mo iyon? Iba talaga kapag anak na babae ‘di ba? Sabi nga nila, comfort talaga ng mga anak nilang babae. ‘Wag kang mainggit, Luke ah! Wala kang chance ma-experience iyan dahil tatlong lalaki ba naman ang anak mo. Panigurado, pag nag-asawa 'yung mga 'yon, makakalimutan na nilang may tatay sila."Napangiwi si Luke dahil sa pang-aasar ng amo. “Boss, totoo namang sakit sa ulo ang tatlong lalaki pero at least, hinding-hindi nila ako itatapon palabas ng bahay na parang isang basura."Nawala ang ngiti ni Aslan. Tiningnan niya nang masama ang assista

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 68

    Papa? Sinong Papa?" Isang malamig na ngisi ang sumilay sa labi ni Kasumi nang marinig niya ang anak niya. Agad siyang lumapit at hinila si Kira palapit sa kanya. "Baby, Uncle lang siya. Hindi siya ang Papa mo. Umalis si Papa para bisitahin ang Lolo mo, baka bukas pa makauwi iyon," mariin niyang paalala sa anak, bago binalingan ng nakakamatay na tingin si Aslan.Nakita ni Aslan kung gaano ka-defensive si Kasumi. "K-Kung anak ko nga lang talaga siya, ang saya-saya ko sana ngayon," paos at nanghihina nitong sabi kay Kasumi, umaasang makakakuha man lang ng konting awa mula sa babae.Pero imbes na awa, puro pandidiri lang ang nakita niya sa mga mata ng babae."’Wag ka ngang mag-drama rito," malamig na utos ni Kasumi. "Tatawagan ko 'yung assistant mo para sunduin ka.""Kasumi..."Sinubukan ni Aslan na tumayo mula sa pagkakapasandal sa pader pero mabilis siyang napangiwi. "Kaka-donate ko lang ng sobrang daming dugo ngayon tapos wala pa along pahinga. Hindi pa ako nagdi-dinner hanggang ngay

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 67

    Nang maalala ni Aslan kung paano niya hinayaang sirain at lasonin ng nanay niya ang isip ng tatlong-taong-gulang na si Akiro noon, nakaramdam siya ng matinding pandidiri sa sarili. Dahil sa kanya, nagdusa ng pareho ang mga anak niya. At ang mga batang ito, sila ang mga batang muntik nang ikamatay ni Kasumi para lang mailuwal sa mundo.Humugot ng malalim na hininga si Aslan bago tinawag ang pansin ng driver niya. "Balik tayo sa villa. Susunduin natin si Akiro."Pagdating niya sa villa, naabutan niya si Akiro na seryosong nagsasagot pa rin ng Math equations nito.Kumunot ang noo ng bata nang makita siyang pumasok. "Bakit nandito ka na naman po? Hindi ba dapat nandoon ka po sa ospital, nagbabantay kay Lola?"Nilapitan ni Aslan ang anak at marahang ginulo ang buhok nito. "Okay na ang Lola mo pero kailangan niya pang mag-stay sa ospital ng ilang araw. Wala akong time para bantayan ka rito. Pwede bang doon ka muna sa Mama mo tumira?"Kumislap ang mga mata ni Akiro nang marinig ang salitang

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 66

    Nang makaalis na ang lalaki, tumingin si Margareth sa ina ni Aslan habang tumutulo ang luha. "Tita, bakit ayaw maniwala sa akin ni Aslan?"Hinawakan ng matanda ang kamay niya saka nginitian siya ng mapait. "’Wag kang mag-alala, Margareth. Sisiguraduhin kong ikaw ang papakasalan niya. Perfect match kayo sabi ng manghuhula sa akin noon. Swerte ka sa negosyo niya at magdadala ka pa ng magandang kinabukasan sa apo kong si Akiro."Hindi nagsisinungaling ang matanda. Noong napulot ng ina ni Aslan ang pendant na iyon, ipinasuri ng matanda iyon sa isang sikat na manghuhula at nalamang perfect ang compatibility nito kay Aslan. Idagdag pa ang katotohanang AB-negative din si Margareth. Isang walking blood bank para sa anak nito. Kaya naman ganito na lang ang pagpapahalaga ng matanda kay Margareth. Kung ikukumpara sa malas na si Kasumi, hinding-hindi nito hahayaang makabalik ang babaeng 'yon kay Aslan.Sa kabilang banda, nakatambay lang sa loob ng sasakyan si Aslan. Tahimik na humihitit siya

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 65

    Para bang nakorner si Aslan sa mga oras na yun. Handa na siyang harapin ang lahat ng tantrums at pagbabanta ni Margareth sa kanya. Pero hindi niya inasahan na ang magiging pinaka malaking hadlang na naman niya ngayon ay ang sarili niyang ina.Simula nang mamatay ang Papa niya, silang dalawa na lang ng Mama niya ang magkasangga. Sabay nilang tiniis ang lahat ng pang-aapi ng pamilya Anderson at ang pangmamaliit ng ibang pamilya sa kanila. Sabay nilang ginapang iyon para marating ang posisyon niya ngayon.Kahit anong mangyari, hinding-hindi niya kayang hayaan na malagay sa kapahamakan ang kanyang ina. Nakatayo lang siya roon at tila ba pinagbagsakan ng mundo ang mukha. Nang makita ng ina ni Aslan ang pag-aalinlangan ng anak, mas lalo itong naging desperada. Malakas itong napahagulhol at hinampas ang kama. "Mas pipiliin mo ba ang Kasumi na 'yon kaysa sa sarili mong ina?! Pwes, kung ganyan lang din, tatapusin ko na ang buhay ko para hindi na 'ko maging pabigat sa'yo!"Walang pag-aalinl

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status