Share

005

Author: Miss A.
last update Last Updated: 2025-05-10 15:48:45

"O-ouch"

Napaungol ako ng tangkain kong hawakan ang dibdib ko, ramdam ko ang sakit nito kaya napabuntong hininga nalang ako. Isang araw na ang nakalipas pero parang kagabi lang ako binunggo ng pagkakalaking halimaw ni Raven 

Hindi ako lumabas ng bahay dahil hindi ako makalakas, mabuti nalang at may stock pa ako dito sa bahay na mga grocery kaya may nakain ako

Binalik ko ang tingin sa cellphone at nagtipa ng makita ang message ni Val

Valot:

Bakit sabi ng mga bouncer, paika ika ka raw umalis sa club noon?

Na bembang ka na ba?

Pogi ba? Malaki? Masarap?

                                                            Me:

Subukan mo akong tawagan habang nakikipag s3x ka, I b-block talaga kita!

Valot:

Gaga may chika kasi ako sayo dapat noon, kaso biglang pinasok nitong baby boy yung deck niya kaya ayon 

Nagtuloy, bumayo, nasarapan, nag-ungolan, nilabasan

Me: 

Ano namang chika mo?

Valot: 

Nasagap ko sa baby boy ko na ang ex baby boy mo raw ang may ari ng club!

Nagulat ako baks, akala ko nag jo-joke pero tanda ko sabi niya ang name ng may ari ay Raven daw 

Billionaire naba ang ex baby boy mo? bat hindi ko alam yan

Nangunot ang nuo ko sa sinabi niya, si Raven ang may-ari ng club? Pero nakita ko siyang nakikipaglaban sa underground, hindi ba siya nakikipaglaban para kumita ng pera? Kaya nga nag offer pa ako sa kaniya ng isang milyon dahil alam kong makakatulong din iyon

Isa rin sa ayaw ni daddy nuon kay Raven ay ang pagiging mahirap nito, sinubukan akong ilayo noon ni daddy kay Raven pero mahal na mahal ko ang lalaki kaya tinatakasan ko ang mga magulang ko para makapunta sa kaniya

Wala akong pakialam sa status ng buhay niya dahil mas nanaig ang pagmamahal ko sa kaniya, isa pa ang guwapo niya kaya at baby boy na baby boy kapag kasama ako, palaging nakalingkis saakin 

Pero ngayon hindi na, Haayyy

Nabaling ang aking pag-iisip sa ibang bagay ng marinig ang doorbell sa labas ng bahay, nagmamadali akong tumayo upang puntahan iyon

Bahay nila daddy ang tinitirhan ko ngayon, hindi kalakihan at saktong second floor lang ang itinaas. Kakaunti na rin lang ang gamit na nasa loob dahil ang iba ay isinangla ko para magkaroon ng panggastos sa buhay

Naghihirap na ako ngayon! Sana magkaroon ng magic at tumae ako ng pera noh! Magpapa inom ako ng wala sa oras sa buong baranggay namin kapag nangyari man iyon 

Pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako ng makita roon sina Tita Lai, kasama niya ang dalawang anak nitong si Stephanie at Alex. Mga kasing edad ko ang dalawa, nasa likuran naman nila ang ama ng tahanan nilang si Tito Aaron 

Agad na kumunot ang nuo ko ng pasadahan ng tingin ni Tito Aaron ang katawan ko, napa atras ako at lumunok 

"A-ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko 

"Hindi mo ba kami papapasukin muna?" Inis namang tanong ni Tita Lai at tumaas din ang isang kilay ng babaeng anak nitong si Stephanie 

Bumuntong hininga ako at hinayaang silang pumasok, tuloy tuloy sila sa sala at agad na namang may napuna ang tita ko ng makita ang ibang nawawalang gamit 

"Aba, pinaghirapan yan ng kuya kong maipundar tapos isasangla mo lang? Nasaan ang respeto mo sa kuya ko jazeah, porket wala ka ng magulang ay malaya ka ng gawin ang lahat ng gusto mo"

Masama kong tinignan ang tiyahin ko sa sinabi niya 

"Wala na po akong pera kaya sinangla ko na ang tv kung gusto niyo bigyan niyo ako ng allowance para hindi ako mag sangla tita" inis kong sabat at umasim kaagad ang mukha nila 

"Wala ka talagang galang" sigaw ng tiyahin ko pero pinigilan siya ng asawa nito 

"Honey tigil na, tama naman si Jazeah. Wala na siyang makain kaya nai sangla niya ang tv" ngumiti pa ng akala mo ay pagkakalambot ang lalaki pero ang dugyot naman nung sumulyap saakin 

"You are so cheap Jazeah, bakit hindi ka nalang mag p****k tutal bagay naman sayo yun" biglang sabat ni Stephanie na ngayon ay pinapakialaman ang mga skincare ko sa lamesa na kabibili ko lang

Agad na nag-init ang ulo ko dahil sa gulong binibigay saakin ng mga kamag-anak ko, gusto ko na silang paalisin 

"Ano ba kasing sadya niyo rito?" inis kong tanong at sinamaan ako ng tingin ni Alex dahil sa pagsigaw ko sa pamilya niya pero hindi ko ito pinansin 

"Hindi na ako papaligoy pa, Ang mana ng lola mo... Ibigay mo na iyon kay Stephanie, tutal ay may fiancee naman na ang anak ko at ikaw hanggang ngayon wala paring asawa, kaya ibigay mo na kay Stephanie ng matapos ang kontrata...... Huwag kang mag-alala at hahatian ka naman namin kapag nakuha na ang mana" deretsang saad ng tita ko

"Oo nga Jazeah, para hindi ka na mahirapan" dagdag pa ng hilaw kong tito 

Pagak akong natawa at tinaasan sila ng kilay bago ngumisi

"Hindi ako tanga, akin binigay ang mana kaya saakin lang iyon mapupunta" inis kong ani bago ituro ang pintuan palabas "Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis at sabihing trespassing kayo"

"Aba ang kapal talaga ng mukha mo, akala mo hindi kami nakatulong sayo nuong namatay ang mga walang kwenta mong magulang ka----" hindi ko pinatapos si tita 

"Ako ang nagbayad sa gastos ng lahat sa lamay nila mommy at daddy tita, kayo anong ginawa niyo? Kinupit niyo lahat ng abuloy" sigaw ko at napa atras si tita pero kita ang inis sa mukha 

"Jazeah watch your mouth" sigaw ni Axel pero nginisihan ko siya 

"Watch your mother" sagot ko 

"Mom let's go, this place is so annoying" si Stephanie 

"Honey tara na, baka galit lang si Jazeah ngayon" bulong pa ng tiyuhin ko 

Naiinis naman na tumayo ang tiyahin ko at nagsalita "Makikita mo jazeah, kakarmahin ka at hihingi ka rin ng tulong saamin" ani nito bago naglakad paalis 

Sinundan siya ng pamilya niya at ng tuluyan silang maka alis ay pasalampak ako naupo sa sofa at bumuntong hininga 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
lumaban ka girl,gsto ko sa bidang babae di Mg paapi
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My husband is a Billion-Dollar   089

    Pagbukas pa lang ng elevator sa pinaka-top floor ng building, ramdam ko na agad ang init ng hangin mula sa mga halu-halong boses sa paligid. Mga empleyado na abala, cellphone na walang tigil ang pag-ring, at ilaw mula sa glass walls na tumatama sa mukha ko—lahat parang nagsasabing handa ka na ba sa araw na ‘to, Jazeah?Pagkapasok ko sa opisina, sinalubong ako ni Katy, ang secretary ko, hawak ang clipboard na punô ng kulay pulang sticky notes. Nakataas na ang kilay niya, parang kaninang pa siya naghihintay."Ma’am, ito po ‘yung schedule niyo for today," mabilis niyang sabi, sabay abot sa akin ng papel. "Tatlong meetings bago mag-lunch. Una po, project briefing with the design team, then lunch meeting with Ms. Dela Torre for the partnership proposal, and after that—board meeting with the investors. May tatlong pending contracts din po for signature. Also, Lola Zoraida called. She’s reminding you about the preparation for the gala next week."Huminga ako nang malalim, sabay turo sa coffe

  • My husband is a Billion-Dollar   088

    Tahimik lang ang buong kwarto, maliban sa mahinang tunog ng aircon at ang mabigat na paghinga ni Raven sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit ayaw kong aminin… mas kumalma ‘yung dibdib ko sa presensya niya.Nakatalikod ako sa kanya kanina, pero nang mapansin kong hindi ako makatulog, dahan-dahan akong umikot paharap. Nakasubsob ang mukha niya sa unan, pero bahagyang nakausli ang buhok sa noo. Napansin ko rin ‘yung kamay niyang nakaabot sa gilid ko—parang kahit tulog, sigurado siyang nandito pa rin ako.Napakagat ako sa labi. Bakit parang… sobrang higpit ng kapit niya? Para bang kapag gumalaw ako ng malayo, magigising siya agad.Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa mukha niya. Tahimik. Mapayapa. Pero sa bawat galaw ko, parang mas humihigpit ‘yung braso niya sa baywang ko. At doon ko lang napansin—kahit tulog siya, hawak pa rin niya ‘yung phone ko sa kabilang kamay niya.Bumuntong-hininga ako nang mahina. Obvious na ayaw niya akong makalayo, pero hindi niya sinasabi nang

  • My husband is a Billion-Dollar   087

    Pagkapasok ng elevator, bahagyang nakayuko si Raven habang nakatukod ang kamay niya sa dingding sa likod ko, para bang sinasara niya ang mundo sa pagitan naming dalawa. Nasa gilid pa rin ng labi niya ‘yung bahagyang ngiti na kanina pa niya tinatago, pero ‘yung mga mata… diretso lang sa akin, walang balak umiwas.Pagdating sa floor namin, hinayaan niya akong mauna pero hindi niya tinanggal ang kamay niya sa likod ko, parang inaangkin ang bawat hakbang. Pagkapasok sa unit, marahan niyang isinara ang pinto gamit ang paa—hindi pa rin inaalis ‘yung tingin sa akin.“I missed you the whole time,” mababa at seryosong sabi niya habang tinatanggal ang coat niya. Bago ko pa maisip ang isasagot, hinatak na niya ‘yung bag ko mula sa balikat at inilapag sa sofa. Lumapit siya nang dahan-dahan, para bang sinusukat ang bawat pulgada ng pagitan namin.Tinungo ko sana ang kusina pero mabilis niya akong hinila pabalik. “No, don’t run away from me,” bulong niya, sabay lagay ng palad sa bewang ko. Ramdam k

  • My husband is a Billion-Dollar   086

    Mainit ang hangin sa labas, pero magaan sa dibdib ko ang araw na ’to. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko o dahil sa mga mata ni Raven na ilang beses nang sumulyap sakin habang naglalakad kami papasok sa bahay ni Lola Rachel.“Careful,” bulong niya sa tenga ko habang hawak ang lower back ko, para bang kaunting lakad ko lang at matutumba kaagad ako Napairap ako ng bahagya. “Rav, Nakasuot ako ng flats at hindi takong”“I don’t care,” he murmured “Your ankles still look fragile.”Pinandilatan ko siya pero natatawa na lang sa huli. Classic Raven. Overprotective na parang ako lang ang tao sa mundo niya, akala mo sobrang lampa koMainit pa rin sa labas kahit nakapasok na kami sa loob ng bahay ni Lola Rachel. Pero hindi ko alam kung bakit parang mas mainit ang palad ni Raven na nakapatong pa rin sa likod ko. Mahigpit. Protektado. Paulit-ulit ’yong pagkalabit niya sa baywang ko habang tahimik kaming naglalakad sa loob ng sala.Parang gusto kong magsalita, pe

  • My husband is a Billion-Dollar   085

    Dahil sa lamig ng aircon at bigat ng kumot na nakabalot sa amin, akala ko mananatili kaming ganito buong araw—magkayakap, magkadikit, walang iniintinding oras. Pero si Raven? Hindi talaga marunong makontento.Naramdaman ko ang dampi ng labi niya sa balikat ko, kasunod ng malamig niyang hiningang tumama sa balat ko. Napasinghap ako nang maramdaman ang dila niyang dumausdos sa leeg ko."Hmmm," bulong niya. Raspy ang boses niya, may ngiting nararamdaman ko kahit hindi ko pa siya nililingon. "You’re warm. And you smell good. That’s illegal this early."Napasinghot ako, pilit na pumipigil ng ngiti. Hindi pa rin ako dumilat. "Tumigil ka diyan. May lunch tayo kay Lola Rachel, remember?""I remember," sagot niya agad. "I just don’t care right now."Pumikit pa ako ng mahigpit. Narinig ko ang pagkalas niya sa kumot at pagkilos niya para dumikit lalo sa akin, braso niyang mahigpit na pumulupot sa baywang ko habang hinahalikan ako sa batok. "Ten more minutes. I'm still processing the trauma of be

  • My husband is a Billion-Dollar   084

    Gumalaw ang pilikmata ko nang makaramdam ako ng kakaibang sensasyon sa aking katawan. Mabigat pa ang pakiramdam ng katawan ko, antok na antok pa ako. Hindi ko alam kung anong oras na, pero hindi ako makabalik sa tulog dahil sa nararamdamang galaw—mabagal, mainit... at kakaiba."Hmmm..." mahina akong napaungol at napakibit, sinubukan kong igalaw ang balakang ko para tanggalin ang istorbo... pero imbes na mawala, mas lalo lang lumalim ang kiliting nararamdaman ko.Kumunot ang noo ko.May mainit. May basa. May humihigop sa—Napadilat ako bigla.Madilim pa sa paligid. Patay ang ilaw. Nakasarado ang kurtina kaya ang tanging ilaw ay ang kaunting liwanag na nanggagaling sa ilalim ng pinto. Pero sapat na iyon para makita ko ang eksenang kaharap ko.Si Raven... nakapatong sa akin. Baluktot ang katawan niya sa posisyong iyon habang abalang-abala ang bibig niya sa pagsupsop ng isa kong u***g. Ramdam ko ang init ng dila niyang paikot-ikot sa sensitibo kong balat habang ang isang kamay niya'y walan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status