Inicio / Romance / Mysterious Marriage / Kabanata 6-Lihim na Pagkikita

Compartir

Kabanata 6-Lihim na Pagkikita

last update Fecha de publicación: 2026-01-24 00:53:44

Naramdaman ni Sophia na wala talagang interes sa kanya si Ethan. Nainis siya sa binatang iyon sapagkat hanggang kailan kaya siya matutunan mahalin nito. Malapit na silang ikasal ni Ethan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang buksan nito ang puso para sa kanya.

"Hindi ako susuko!" bulong ni Sophia habang nakasimangot.

Isang linggo na rin ang lumipas nang makauwi sila ng kaniyang pamilya dito sa Pilipinas galing sa Canada, at sa araw-araw na gigising siya ay ang laging inaatupag niya ay kung paano siya magugustuhan ni Ethan. Nagpapaganda siya at dinadalhan niya si Ethan ng breakfast, lunch, at snacks. At kung may mga female staffs na pupunta kay Ethan upang magdala ng kape at sandwich, ay siya ang kukuha nito upang dalhin kay Ethan.

Wala nang iniisip pa si Sophia na ibang gagawin, kundi ang ginagawa niyang priority ay si Ethan. Kahit hindi pa sila kasal nito, ay parang pinagsisilbihan ni Sophia si Ethan na katulad ng tunay na asawa. Naiinis na sa kanya si Ethan, nahahalata niya ito, pero hindi niya iyon pinapansin. Determinado talaga ang dalaga na mahulog ang loob ni Ethan sa kanya. Na kahit mahirapan pa siya ay balewala lang sa kanya.

"Mahal na mahal ko si Ethan. Ang puso ko ay sa kanya lang. Wala na akong hahanapin pang iba. Ayoko rin na may kahati ako sa pag-ibig ko sa kanya. Magkakaroon talaga ng gera!" sambit ni Sophia na puno ng pambabanta.

Habang naglalakad ito patungong office ni Ethan, ay bumulong-bulong siya. Akala mo meron kausap, wala naman. Nakikita siya ng mga staffs na naglalakad at walang ginawa kundi magsalita. Napagkamalan tuloy siyang baliw.

Agad naman niyang pinuntahan ang mga babaeng staffs upang magsalita ng masakit. Kung kaya't inaway niya iyon. Hindi siya nagpatalo. Alam naman niya na pipitsugin lang ito, kayang-kaya niya itong labanan. Lalo na ay pwede niya lahat ipatanggal iyon sa trabaho, kung sakaling siya na ang mapangasawa ni Ethan.

Sinambunutan niya 'yong isang babaeng mahaba-haba ang buhok. Madali kasing nahila niya ang buhok nito dahil sa nakalugay iyon. Nalaman ni Ethan ang kaguluhan na naganap sa loob ng office. Kung kaya't nagmadali ang binata na puntahan si Sophia upang pigilan. Nagawa naman niyang pigilan ang maldita.

"Bitawan mo ako, Ethan! Nasasaktan ako!" habang hila-hila ni Ethan ang braso ni Sophia. Naramdam niya na mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Nagreklamo siya sa binata, ngunit hindi siya nito pinakinggan. Sa halip ay nagpatuloy lang ito na kaladkarin siya papuntang private office nito

"How dare you, Ethan!" sabay sampal sa pisngi nito. Nanlaki ang mga mata ni Ethan sa gulat. Sa inis ng binata ay muntikan niya rin sampalin si Sophia.

"Oh ano? Gagawin mo?! Isusumbong kita kay Tita Victoria na gusto mo akong saktan!" pananakot ni Sophia upang hindi ni Ethan magawang saktan siya. Hindi na kumibo si Ethan. Nagpasya na itong ibaba ang kanan kamay kasabay ng pagtalikod kay Sophia.

Halatang-halata sa mukha ni Ethan ang galit. Sinong hindi magagalit sa pagiging immature ng maldita kanina. Mabilis talaga siyang mapuno. Muntikan niya talagang masaktan si Sophia. Mabuti na lang ay napigilan pa niya ang kanyang sarili na kung hindi ay nakatikim sana si Sophia ng malakas na sampal. Hindi rin si Ethan makapaniwala na sinampal siya ng maldita. Hanggang sa nagpasya na lang siyang lumayo sa dalaga.

"Hoy Ethan! I hate you talaga!" sigaw ni Sophia. Iniwan kasi siya ni Ethan sa office ng mag-isa. Halos padabog-dabog ang kanyang mga paa sa mga oras na ito. Ang kape at sandwich na dala-dala niya kanina ay hindi nakarating pa kay Ethan, sapagkat natapon iyon sa floor nang sumugod siya sa mga staffs. Mabuti rin ay hindi siya pinagtulungan ng tatlong babae kanina. Kung hindi ay natalo siya.

Hanggang sa naisipan ni Sophia na sundan si Ethan kung saan iyon papunta. Magmamasid na naman ang maldita. Wala talagang ginawa si Sophia kundi palaging sundan si Ethan. Nankanguso siya na sumunod-sunod kay Ethan. Hindi naman napapansin ni Ethan ang pagsunod sa kanya ni Sophia. Kahit na sa pagpasok sa loob ng elevator ay hindi ito napansin ni Ethan. Magaling talagang magtago si Sophia. Pinatitinginan na si Sophia ng mga office staffs dito, pero ayos lang sa kanya.

"Ano naman sa kanila," bulong niya habang patago-tago.

Sumakay si Ethan sa kotse nito. Nagmadali rin si Sophia na sumakay sa kanyang kotse. Dahan-dahan niya itong minaneho. Nang bumilis na ang pagmaneho ni Ethan ay ganoon rin siya. Hanggang sa nakita niya na huminto iyon sa harapan ng paaralan. Nagtaka tuloy si Sophia. Kung bakit naroroon si Ethan sa oras ng ganitong hapon. Bigla na lang siyang nanghinala na baka may babae dito si Ethan.

Naka-parking lang ang kotse ni Sophia sa puno na hindi makikita ni Ethan. Alam pa naman nito ang numero ng plaka ng kotse niya. Sa malayo niya lang tinatanaw si Ethan. Naroon lang si Sophia at naghihintay lang sa binata kung ano ang susunod nitong gagawin.

Nakita ni Sophia na pumasok si Ethan sa gate. Ngumiti pa ito sa guard. Nagpasya siyang bumaba sa kotse upang sundan si Ethan sa loob ng paaralan. Ang daming mga batang nadadaanan sa hallway ni Sophia, pero hindi niya inalis sa kanyang mata si Ethan. Habang patuloy siya sa pagtago at pagmamasid, ay napansin ni Sophia na pumasok ito sa classroom. Nainis siya ngayon, pero hindi niya iyon pwedeng puntahan. Alam niyang magagalit na naman sa kanya si Ethan kung mag-skandalo ulit siya.

Hanggang ilan minuto rin ang lumipas ay nakita ni Sophia na may lumabas na guro sa classroom. Kinausap ito ni Ethan habang naglalakad palayo sa room. Napansin ni Sophia na close ito kay Ethan. Hindi pa rin siya nagpakita, sa halip ay sinundan niya iyon.

"Maganda rin siya, pero ano ang relasyon niya sa future Husband ko?!" bulong niya habang nakataas ang mga kilay. Mas lalo pa siyang nag-init sapagkat si Ethan at ang guro ay nakita niya kung gaano kalapit sa isa't isa. Ang mga ngiti at tingin ni Ethan sa babaeng guro ay nakapukaw sa kanyang atensyon. Nanginginig siya sa galit na kaunti na lang ay gustong-gusto niya nang sugurin ang dalawa.

Nabatid niya sa dalawa na may lihim iyon na pagkikita, na nagpasiklab sa kanyang galit sa dibdib. Nakita ni Sophia na sumakay pa 'yon sa kotse ni Ethan. Ang sweet nilang dalawa kung tingnan. Lalo nang nangitgit ang mga ngipin ni Sophia sa sobrang galit.

"Kailangan kong sundan silang dalawa! Bwiset! Mang-aagaw pa ang babaeng 'yon ah!" halos magwala siya sa loob ng kanyang kotse.

Nang umandar na ang kotse ni Ethan ay pinaandar niya rin ang kotse niya. Habang nasa kasagsagan si Sophia ng pagmamaneho ay may tumunog sa cellphone niya.

"Hello? My daughter, where are you now? Nag-aalala na ako sa 'yo, ija!" pag-aalala ng Mommy ni Sophia.

"Mom, I'm here on my car. Pauwi na ako," tugon ni Sophia. Nagsinungaling siya. Ang totoo naman ay sinusubaybayan niya ang kotse ni Ethan kung saan ito papunta. Hanggang sa nawala na lang sa paningin niya. Hindi niya alam kung saan iyon lumiko.

Naiinis talaga siya sa ngayon. Dahil sa hindi niya ito nasundan.

"Bwiset! Kung sabagay, namukhaan ko naman iyong babae!" Nagpasya na lang siyang umuwi. "Humanda ka sa akin, babae ka!" usal pa niyang halos magtiim bagang ang kanyang panga. Ano kaya ang mangyayari sa pagitan nila Ethan, Ava, at Sophia? Ngayon alam na nito na nagkikita pala ang dalawa?

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Mysterious Marriage    Kabanata 13- Lihim na Kalaban

    Si Lucas Montenegro ay bumalik sa Pilipinas matapos ang ilang taong pananatili sa Estados Unidos, hindi para magbakasyon, kundi para patunayan sa sarili na kaya niyang higitan si Ethan, ang kanyang pinsan na CEO ng isang malaking kumpanya.Habang si Ethan ay patuloy na pinupuri bilang mahusay na CEO, si Lucas naman ay nanatiling anino—ang anak na kailanman ay hindi naging sapat. Lagi siyang ikinukumpara ng kanyang mga magulang kay Ethan.“Bakit hindi mo magaya ang pinsan mo?” “Si Ethan, tingnan mo kung gaano ka responsable.” “Mas maaga pa sayo, CEO na.” Paulit-ulit, walang katapusan.Sa bawat reunion ng pamilya, iisa lamang ang pangalan na bukambibig ng lahat—Ethan. Para bang wala nang ibang taong karapat-dapat banggitin, para bang wala siyang ginawang tama. At sa bawat pagkakataong iyon, may unti-unting namamatay sa loob niya.Kahit siya ang tunay na anak, tila ba wala siyang halaga. Hanggang sa isang gabi, habang mag-isa sa kanyang silid sa Amerika, tuluyan nang nagliyab ang matagal

  • Mysterious Marriage    Kabanata 12 -Pagkikilala

    Ava MoralesPumasok ako ng maaga kahit ang sama ng pakiramdam ko talaga. Sa tingin ko ay nang maabutan ako nito ng ulan kahapon. Wala kasi akong dala-dalang payong dahil sa nakalimutan ko 'yun sa bahay. Hindi ko alam na nagiging masama ang panahon. Umuulan kahit may sikat ng araw.Mayroon akong ubo at sipon sa ngayon, kaya ang bigat ng ulo ko. Habang busy ako ay lumulutang ang isipan ko. Napansin ko na hindi na ako sinusundo ni Ethan ng ilang beses. Kung sabagay, ito naman ang gusto ko na mangyari. Wala kaming kontakan dalawa. Alam ko na CEO na siya ngayon dahil laman siya ng balita araw-araw.Nagkaroon kami ng program sa labas ng eskwelahang ito. Abalang-abala kaming mga guro sa pag-aasikaso ng mga decorations upang mas gumanda pa itong area. Nang matapos namin ay saka dumating ang bisita. Nagkumpulan kami ng mga co-teachers ko upang sa pagdating ng bisita ay sabay-sabay kaming babati.Hanggang sa malapit na sa aming harapan ang bisita. Namangha ako at ang iba pang teacher sa babaeng

  • Mysterious Marriage    kabanata 11- Pagbabalik

    Ethan Blackwood: "Sa oras na ito, kasama ko si Sophia. Ilan linggo rin kaming nag karoon ng time para sa isa't-isa. Makulit talaga itong babae na 'to. Tingin ko ay inaabuso niya na ako, dahil sa akala niya ay matutunan ko siyang mahalin. May dahilan ako kung bakit gusto kong makipag-date sa kanya. Ayoko na pagdudahan kaming dalawa ni Ava. Kung hindi ako papayag, ay siguradong mapahamak si Ava.Nawalan ako ng ganang makipag-usap sa kanya. Sa tuwing naglalakad rin kami sa may park at panay selfie nito kahit saan. Hindi si Sophia nahihiya. Napipilitan rin akong kumuha ng picture kasama siya. Ang sweet natin, pero hindi naman. Akala niya siguro ay magkakagusto ako sa kanya.Nasa coffee shop kaming dalawa upang magkape. 'Akala ko pa naman ay doon tayo sa mamahaling restaurant, like sa Japanese Restaurant?' Mukhang sa tinig niya ay nagrereklamo ito sa akin. 'I love coming here, Sophia. If you don't want to be here, you're free to leave,' pagsusungit ko sa kanya.Ngumuso ito sa harapan ko a

  • Mysterious Marriage    Kabanata 10- Muling Pagkikita

    Ava MoralesPanibagong Umaga. Mabilis akong nagtungo sa kusina upang magluto ng breakfast namin tatlo. "Nakatulog si Mommy ng mahimbing ahh," bulong ko. Tumingin muna ako sa cellphone ko upang tingnan kung anong oras pa lang. Ganap ng ala-singko. Kung kaya ‘y maaga pa naman. Hindi pa naman ako late nito. Naghanda ako ng mga rekado sa lamesa upang gayatin sa maliit. Ang menu na aking lulutuin sa ngayon ay ginataang alimasag. Paborito ni Mommy ang ganitong ulam. Ako naman ang maagang nagising kaya nag-isip akong magluto. Minsan ko lang gawin ang maghanda ng pagkain. Kadalasan si Mommy ang nagluluto.Sabi ko sa kanya. "Mommy, ako naman ang magluto. Minsan lang akong makasama nyo ni Leo at makasabay kumain." isip ko. "H'wag na anak, ako na lang. Pagod ka na nga galing sa pagtuturo. Ikaw pa ang magluluto? Pakainin na nga kami ng kapatid mo," seryosong wika nito sa 'kin. "Mommy... natural lang na bumawi ako sa inyo. Hindi ako makakarating bilang guro, kung hindi nyo ako pinagsikapan makatap

  • Mysterious Marriage    Kabanata 9- Sa Likod ng Kapangyarihan

    Victoria Blackwood Gusto kong maikasal ang anak kong si Ethan sa babae na pwedeng makatulong sa kumpanya, upang mas maging malakas at matatag pa 'to. Ang aking asawang si Rodolfo Blackwood ay maedad na kumpara sa 'kin. Nasa pitumpu taong gulang na siya, at ako naman ay nasa singkwenta taong gulang. Pero hindi sa akin halata na gurang na ako. Dahil hindi ako pabaya sa aking sarili. May pagka-Donya talaga ang datingan. Sinasabi nga ng mga kaibigan ko sa 'kin na hindi raw halata sa akin na may edad na ako. Napakasaya ko kapag pinupuri nila ako. "Mas maganda nga talaga ako sa inyo. Mas masalapi at mas makapangyarihan sa inyo, mga Sissy!" tugon ko sa kanilang sinabi. Maprangka akong matanda. Hindi basta-basta naniniwala at matapang. Lahat kaya kong sirain, pati relasyon na pinagbuklod na. Bata pa lang ang anak kong si Ethan ay pinagkasundo na namin siya sa nag-iisang anak ng Santos na babae. Walang kaideya-ideya ang anak ko sa ganitong sistema... Gusto kong mapangasawa niya ay may kapan

  • Mysterious Marriage    Kabanata 8- Komplikasyon na Sitwasyon

    Ethan Blackwood Tahimik akong nakaupo sa swivel chair sa aking office at nag-iisip sa ngayon tungkol sa aming relasyon ni Ava. Napansin ko siya kahapon na parang hindi siya komportableng kasama ako. Nainis rin ako sa kan'ya sapagkat hindi niya ako pinapapunta sa mismong malapit sa kanila. Nagtataka lang ako kung bakit ganoong na lang ang takot niya kung sakaling magparada ako ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. Lunch time na at ganap ng 12pm ng hapon. Nag-utos ako sa isa kong katiwalang staff sa office, na dalhan ako ng pagkain. Nakaramdam na kasi ako ng gutom. Mabilis naman akong hinatiran ng kanin at ulam. Paborito ko itong adobong manok na halos mag mantika sa toyo. Sumubo ako ng tatlong kutsara na may kanin. Napatigil ako sandali nang marinig ko na naman ang boses ni Sophia na galit na galit. Nawalan tuloy na naman ako ng ganang kumain. "Ethan. Sino siya?" tanong nito sa akin na kinalaki ng mga mata ko. Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot. "Alin?" "I can't you under

  • Mysterious Marriage    Kabanata 4- Bagong Panauhin

    Ang ina ni Ethan, si Victoria Blackwood, ay abalang-abala sa pagpapaganda sa kanilang malapalasyong mansyon bilang paghahanda sa mga bisitang darating. Ang mga bisitang iyon ay ang mga ka-negosyante ng pamilyang Blackwood, ang Santos family. Si Sophia Santos ay nakatakdang ikasal kay Ethan.Nakita

  • Mysterious Marriage    Kabanata 3- Pagpapanggap

    Ava Morales Nasa bahay pa lang ako ng mga oras na ito at inaalala ko ang mga bagay na napag-usapan namin dalawa kagabi. Alam ko na kung malalaman niya ang tunay kong intensyon, na bakit pumayag ako kaagad sa gusto niya, ay siguradong iisipin niya na niloko ko siya. Samantalang siya ay nagtapat sa

  • Mysterious Marriage    Kabanata 2- Ang Sekreto

    Ethan Blackwood POVKasama ko ang babaeng ito upang pag-usapan ang aming magiging kasunduan. Alam ko na labis ang pagtataka niya kung bakit nagpakasal ako sa katulad niyang babae na may mababang posisyon, bilang isang guro. Bago ko naman ito pinakasalan ay inalam ko 'yung identidad niya. Kung sino

  • Mysterious Marriage    Kabanata 1- Ang Kasal

    Kabanata 1Ava Morales POV"Daddy... Dad!" hinihingal kong sabi habang natutulog ako sa isang malambot na kama at malaking kwarto. Bigla nalang akong nagising... Malungkot na malungkot ang silid na ito dahil sa kahit isang tao ay wala kang makikita.Naririto ako sa nirentahan na kwarto. Nakatulog p

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status