Beranda / Romance / Mysterious Marriage / Kabanata 5- Ang pag-ikot ng Mundo

Share

Kabanata 5- Ang pag-ikot ng Mundo

Penulis: Ivyshinichi GN
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-21 13:29:43

Ava Morales

Habang tumatagal ako sa pagtuturo sa mga bata, mas napapamahal ako sa kanila. May isang buwan na rin ako sa serbisyo bilang isang guro sa elementarya. Hindi ako napanghihinaan ng loob dahil sa mababang sahod sa pagtuturo. Ang pinakaimportante sa akin ay nakapagbahagi ako sa mga batang kailangan mabigyan ng sapat na kaalaman, para balang araw ay matamasa nila ang magandang kinabukasan at hindi sila mananatiling mahirap lang, kundi makaangat rin sila balang araw, at maging maayos ang kanilang buhay pamilya.

Ito lang naman ang simple kong hangarin, na kung bakit mahal na mahal ko ang pagtuturo. Hindi ko habol ang malaking sahod para sa sarili kong kapakanan. Pero kung may opportunity na ma-promote ako, ay kailangan ko itong tanggapin. Sa tingin ko, ang Diyos lang ang nakakabigay sa akin ng kapalaran. Kung maganda ba, o hindi. Kung sa akin lang, ay kuntento na ako sa kung ano meron ako ngayon. Ang regular lang sa trabaho ay sapat na para sa aking pamilya. May mapagkukunan lang ako sa pang-araw-araw na aming gastusin. Wala na akong nanaisin pa na maging mataas sa iba pang guro.

Walang palya ang pagsundo sa akin ni Ethan sa paaralan. Palagi niya akong pinupuntahan upang ihatid sa amin. Buti na lang ay hindi pa nalalaman ng mommy ko at ng mga parents niya ang tungkol sa aming palihim na relasyon. Natatakot ako sa aking nararamdaman na baka magkagusto na lang ako isang araw sa bilyonaryong iyon. Hindi naman siya naging bastos sa akin sa paglipas ng panahon na nagkakasama kami. Nirerespeto niya ako. Kung kaya't para bang unti-unti akong nakakadama sa kanya ng paghanga. Huwag na sanang dumating pa sa point na mahulog ang loob ko sa kan'ya.

Bumuntong hininga ako sapagkat nakadama ako ng bigat sa aking dibdib. Isa pa siya ang lalaking nakahalik sa akin. Minsan kapag may nakikita akong couples na sweet, ay naalala ko 'yong paghalik ni Ethan sa labi ko. Bigla na lang ito napasok sa isip ko. Naguguluhan ako sa aking sarili.

"Nakakainis talaga!" "Ava, tumigil ka sa pagiging assuming mo. Paano siya magkagusto sayo? May kailangan ka lang malaman. Huwag kang iibig sa anak ng mga pumatay sa 'yong ama. Makinig ka?" kausap ko 'yong sarili ko ngayon. Habang mag-isa lang ako sa faculty, ay nagmumuni-muni ako. Hanggang sa lumipas pa ang isang oras, ay nagsimula na ulit akong magturo sa mga bata. Nawawala ang mga alalahanin ko kapag nandito na ako sa trabaho. At kapag tapos na, ay bumabalik na naman ang iniisip ko. Ewan ko ba? Puso ko na ata ang nangingibabaw, hindi na ang galit. Nalilito ako sa ngayon. Magpapatuloy kaya ang paghihiganti ni Ava kay Ethan? O magkakaroon na siya ng damdamin para sa binata?

Ethan Blackwood

Naging busy ako sa kumpanya. Ako na ang pumalit bilang CEO kay Daddy. May katunayan documents na akong pinirmahan. Sinasalin sa akin pangalan ang pagiging CEO at si Daddy ay magpapahinga na sa kumpanya. Ibaba niya na ang pwesto niya at ako ang inilaban niya as CEO. Marami sa aking bumoto. At ang iba naman ay hindi sumang-ayon. Nanalo pa rin ako sa nasabing botohan. Siguradong may mga taong ayaw akong maging CEO sa bansa na ito. May gustong umangkin nito. Hindi ko alam kung sino ang mga taong ito, pero hindi ako natatakot sa kanila. Lalaban ako, sa abot ng akin makakaya. Lalo na ay CEO na talaga ako. Mas manganganib na ang buhay ko at maging pamilya ko.

Naririto ako sa swivel chair at nakataas ang mga paa ko habang nakasandig ang ulo ko. Hindi ako makapaniwala na may isang buwan na kami ni Ava na nagtatago ng aming relasyon. Walang label ang relasyon ko sa kan'ya. Pero bakit sa tuwing nag-iisa ako sa ngayon, ay pumapasok na lang siya bigla sa isipan ko. "Bakit kaya?" bulong ko.

Nawala na lang ako sa sariling kaisipan ng may dumating sa office ko. Nag-iba ang awra ko nang makita ko yung maldita na papalapit sa akin. Si Sophia, na ubod kulit. Palagi itong nakabuntot sa akin. Kahit saan ako magpunta, ay nakasunod ito. Kahit si Alex na kaibigan ko ay pinagseselosan nito. Isip bata pa rin. Kailan siya maging matured? Napakaselosa at maldita. Lahat ng mga galaw ko ay sinusubaybayan niya. Wala siyang ginawa kundi puntahan ako sa office. Daig pa ang imbestigador kung magmasid. Naisip ko tuloy si Ava na kung malaman ni Sophia na kasal kaming dalawa. Siguradong malaking skandalo ang mangyayari.

"Hi Ethan, kamusta ka na? Na-miss kita sobra?... Pwede bang minsan lumabas tayo as your future Fiancee?" tanong nito sa akin. Siya na ang nagyaya sa akin, na lumabas kaming dalawa. Iba talaga itong babae na ito. Walang hiya talaga. Ngumiti lang ako sa kanya. Pinaramdam ko sa kanya kung gaano kalamig ang pakikitungo ko. "No!" tugon ko. Nakita ko siyang sumimangot nang marinig niyang ayaw ko. "Bwiset!" umalis itong mahaba ang nguso. Maganda sana siya, kaso ubod ng sama ng ugali, na hinding-hindi ko magugustuhan.

Lumipas pa ang ilang oras. Nasanay na akong sinusundo sa paaralan si Ava. Ganap ng alas-kwatro ng hapon. Daily routine ko na siyang puntahan. Naiinis na nga siya sa akin kapag pinarada ko yung sasakyan sa tapat ng bahay nila. Natutuwa kasi ako sa kanya kapag inaasar siya. Kapag naramdaman ko ng galit siya, ay tsaka lang ako tumitigil sa panggagalit. Ang totoo ay sumasaya ang araw ko sa tuwing nakikita ko siya at nakakasama. Minsan na nga naitanong sa akin ni Alex na inlove na raw ba ako? At si Ava ba daw ang taong iyon? Hindi ako nakakibo sa tanong niya sa akin. Sinabi ko sa kanya na wala akong damdamin para sa kanya. Hindi siya naniniwala sa akin. Imposibleng ang katulad ni Ava ay hindi ko raw tipong babae. Na kay Ava na nga raw lahat ng qualities na hinahanap ko. Maganda, may paninindigan, matalino, mabait at masipag. Natawa ako kay Alex. Wala siyang alam na matapang si Ava.

"In-love ka na ata Ethan? Kaso may hadlang sa relasyon nyo? Si madam Victoria at si Sophia? Paano pala kung sakaling malaman nila yung tungkol sa sikretong kasal ni Ava?" tanong niya sa akin na nagpatigil sa masayang ngiti ko sa labi. "Oo nga. Kapag dumating sa point na malaman nila, ay paninindigan ko na si Ava," tugon ko. "What do you mean Ethan?" tanong niya ulit. "Ilalabas ko na siya sa public bilang Asawa ko. Alam kong magkakaroon ng skandalo lalo sa pagitan namin nila Sophia at ng mga parents ko. Ipaglalaban ko 'yung relasyon namin." mahabang paliwanag ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "Kinilig naman ako," Nakita ko 'yong ngiti ng kaibigan ko na lagpas sa kanyang tainga at nagpasya kaming dalawa na uminom sa labas. Wala naman akong ginagawa na. Natapos ko na ang lahat ng documents na naglalaman ng evaluation about sa business. Inihatid ko na rin kanina pa si Ava.

Paano kaya kung malaman ni Sophia na si Ava ang karibal niya sa pag-ibig nito para kay Ethan? Ano kayang susunod na kabanata? Abangan…

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mysterious Marriage    kabanata 11- Pagbabalik

    Ethan Blackwood: "Sa oras na ito, kasama ko si Sophia. Ilan linggo rin kaming nag karoon ng time para sa isa't-isa. Makulit talaga itong babae na 'to. Tingin ko ay inaabuso niya na ako, dahil sa akala niya ay matutunan ko siyang mahalin. May dahilan ako kung bakit gusto kong makipag-date sa kanya. Ayoko na pagdudahan kaming dalawa ni Ava. Kung hindi ako papayag, ay siguradong mapahamak si Ava.Nawalan ako ng ganang makipag-usap sa kanya. Sa tuwing naglalakad rin kami sa may park at panay selfie nito kahit saan. Hindi si Sophia nahihiya. Napipilitan rin akong kumuha ng picture kasama siya. Ang sweet natin, pero hindi naman. Akala niya siguro ay magkakagusto ako sa kanya.Nasa coffee shop kaming dalawa upang magkape. 'Akala ko pa naman ay doon tayo sa mamahaling restaurant, like sa Japanese Restaurant?' Mukhang sa tinig niya ay nagrereklamo ito sa akin. 'I love coming here, Sophia. If you don't want to be here, you're free to leave,' pagsusungit ko sa kanya.Ngumuso ito sa harapan ko a

  • Mysterious Marriage    Kabanata 10- Muling Pagkikita

    Ava MoralesPanibagong Umaga. Mabilis akong nagtungo sa kusina upang magluto ng breakfast namin tatlo. "Nakatulog si Mommy ng mahimbing ahh," bulong ko. Tumingin muna ako sa cellphone ko upang tingnan kung anong oras pa lang. Ganap ng ala-singko. Kung kaya ‘y maaga pa naman. Hindi pa naman ako late nito. Naghanda ako ng mga rekado sa lamesa upang gayatin sa maliit. Ang menu na aking lulutuin sa ngayon ay ginataang alimasag. Paborito ni Mommy ang ganitong ulam. Ako naman ang maagang nagising kaya nag-isip akong magluto. Minsan ko lang gawin ang maghanda ng pagkain. Kadalasan si Mommy ang nagluluto.Sabi ko sa kanya. "Mommy, ako naman ang magluto. Minsan lang akong makasama nyo ni Leo at makasabay kumain." isip ko. "H'wag na anak, ako na lang. Pagod ka na nga galing sa pagtuturo. Ikaw pa ang magluluto? Pakainin na nga kami ng kapatid mo," seryosong wika nito sa 'kin. "Mommy... natural lang na bumawi ako sa inyo. Hindi ako makakarating bilang guro, kung hindi nyo ako pinagsikapan makatap

  • Mysterious Marriage    Kabanata 9- Sa Likod ng Kapangyarihan

    Victoria Blackwood Gusto kong maikasal ang anak kong si Ethan sa babae na pwedeng makatulong sa kumpanya, upang mas maging malakas at matatag pa 'to. Ang aking asawang si Rodolfo Blackwood ay maedad na kumpara sa 'kin. Nasa pitumpu taong gulang na siya, at ako naman ay nasa singkwenta taong gulang. Pero hindi sa akin halata na gurang na ako. Dahil hindi ako pabaya sa aking sarili. May pagka-Donya talaga ang datingan. Sinasabi nga ng mga kaibigan ko sa 'kin na hindi raw halata sa akin na may edad na ako. Napakasaya ko kapag pinupuri nila ako. "Mas maganda nga talaga ako sa inyo. Mas masalapi at mas makapangyarihan sa inyo, mga Sissy!" tugon ko sa kanilang sinabi. Maprangka akong matanda. Hindi basta-basta naniniwala at matapang. Lahat kaya kong sirain, pati relasyon na pinagbuklod na. Bata pa lang ang anak kong si Ethan ay pinagkasundo na namin siya sa nag-iisang anak ng Santos na babae. Walang kaideya-ideya ang anak ko sa ganitong sistema... Gusto kong mapangasawa niya ay may kapan

  • Mysterious Marriage    Kabanata 8- Komplikasyon na Sitwasyon

    Ethan Blackwood Tahimik akong nakaupo sa swivel chair sa aking office at nag-iisip sa ngayon tungkol sa aming relasyon ni Ava. Napansin ko siya kahapon na parang hindi siya komportableng kasama ako. Nainis rin ako sa kan'ya sapagkat hindi niya ako pinapapunta sa mismong malapit sa kanila. Nagtataka lang ako kung bakit ganoong na lang ang takot niya kung sakaling magparada ako ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. Lunch time na at ganap ng 12pm ng hapon. Nag-utos ako sa isa kong katiwalang staff sa office, na dalhan ako ng pagkain. Nakaramdam na kasi ako ng gutom. Mabilis naman akong hinatiran ng kanin at ulam. Paborito ko itong adobong manok na halos mag mantika sa toyo. Sumubo ako ng tatlong kutsara na may kanin. Napatigil ako sandali nang marinig ko na naman ang boses ni Sophia na galit na galit. Nawalan tuloy na naman ako ng ganang kumain. "Ethan. Sino siya?" tanong nito sa akin na kinalaki ng mga mata ko. Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot. "Alin?" "I can't you under

  • Mysterious Marriage    Kabanata 7- Alalahanin

    Ava Morales Nagulat na lang ako nang makita kong pumasok si Ethan sa classroom. Hindi ko alam kung bakit niya alam kung saan ako nagtuturo, baka sinabi ng kaibigan kong si Lea, isang guro. Wala rin sa kanya maitatago. Lahat ay alam nito tungkol sa akin, sa sikretong kasal namin ni Ethan. Matagal na rin kaming magkaibigan. Nagpasya kaming dalawa na dito kami mag-apply ng trabaho sa St. Justina Elementary School. Noon college pa lang kaming dalawa ay pangarap na namin makapagturo dito sa mga bata. Alam namin na nagkukulang dito sa mga guro, kung kaya'y mabilis rin kaming dalawa natanggap sa eskwelahang 'to. Wala kaming nasayang na opportunity sa oras na iyon. Sa malayong pwesto ay nakita ko nga si Lea na halos kiligin sa amin ni Ethan at kumindat-kindat pa ang mga mata nito na may halong pang-iinis. Tumingin ako sa kanya na may kahulugan. Gusto kong sabihin sa kanya ngayon na dapat hindi niya na itinuro pa kay Ethan kung saan ako ngayon. Wala na akong magawa pa. Nandito na ito, nasa

  • Mysterious Marriage    Kabanata 6-Lihim na Pagkikita

    Naramdaman ni Sophia na wala talagang interes sa kanya si Ethan. Nainis siya sa binatang iyon sapagkat hanggang kailan kaya siya matutunan mahalin nito. Malapit na silang ikasal ni Ethan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang buksan nito ang puso para sa kanya."Hindi ako susuko!" bulong ni Sophia habang nakasimangot.Isang linggo na rin ang lumipas nang makauwi sila ng kaniyang pamilya dito sa Pilipinas galing sa Canada, at sa araw-araw na gigising siya ay ang laging inaatupag niya ay kung paano siya magugustuhan ni Ethan. Nagpapaganda siya at dinadalhan niya si Ethan ng breakfast, lunch, at snacks. At kung may mga female staffs na pupunta kay Ethan upang magdala ng kape at sandwich, ay siya ang kukuha nito upang dalhin kay Ethan.Wala nang iniisip pa si Sophia na ibang gagawin, kundi ang ginagawa niyang priority ay si Ethan. Kahit hindi pa sila kasal nito, ay parang pinagsisilbihan ni Sophia si Ethan na katulad ng tunay na asawa. Naiinis na sa kanya si Ethan, nahahalata ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status