Beranda / Romance / Mysterious Marriage / Kabanata 4- Bagong Panauhin

Share

Kabanata 4- Bagong Panauhin

Penulis: Ivyshinichi GN
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-21 13:25:08

Ang ina ni Ethan, si Victoria Blackwood, ay abalang-abala sa pagpapaganda sa kanilang malapalasyong mansyon bilang paghahanda sa mga bisitang darating. Ang mga bisitang iyon ay ang mga ka-negosyante ng pamilyang Blackwood, ang Santos family. Si Sophia Santos ay nakatakdang ikasal kay Ethan.

Nakita ni Victoria si Ethan na paakyat sa hagdanan, tsaka mabilis itong lumapit sa anak upang pigilan iyon sa pagtuloy sa kwarto nito.

"Oh, Son. Darating pala si Sophia, my future manugang," ngiti nito habang hawak ang braso ng anak. Mukhang nilalambing nito si Ethan. Sa itsura pa lang ng ngiti ni Victoria ay mababakas talaga dito na gustong-gusto nito para sa anak si Sophia.

"Hmmmh. Pagod ako, Mommy. Kagagaling ko lang sa meeting. Nasaan pala si Daddy? pakisabi, Mommy, natapos ko na 'yung mga documents na ma-i-submit sa mga mag-shares ng kanilang pera," malalim na boses ni Ethan habang nakatayo silang mag-ina.

Pinipilit ni Victoria na hikayatin maupo ang binata, ngunit ayaw talaga nito. Hindi tumugon si Victoria sa anak kung nasaan ang ama nito.

"Alam mo naman na darating si Sophia! Wala ka man lang, Son, na kagana-ganang kausap! Bakit ganyan ka sa magiging asawa mo?" Nagtaas ito ng boses at magkasalubong ang mga kilay nito na nakapamaywang pa.

Walang anumang reaksyon sa mukha ni Ethan. Kahit nabingi ang tainga nito kanina sa pagsigaw ng kanyang ina, ay nagpatuloy na lang ito sa pag-akyat. Naiwan naman si Victoria na nakasimangot.

"Madam... Nandyan na po ang mga bisita," saad ng katulong.

"Okay. Tapos niyo na bang ihanda ang mga pagkain?" tanong nito na medyo masungit ang tono ng boses. Naiinis kasi pa rin ito sa anak.

"Opo, madam," tugon ng katulong.

Agad nang nagtungo si Victoria sa lobby upang puntahan roon ang mga dumating na panauhin. Kagagaling rin kasi ng family Santos sa Canada. Malapit na rin kasing itakda ang kasal ng dalawa, kung kaya't nagpasya na rin iyon na umuwi dito sa Pilipinas.

Naging seryoso ang kwentuhan ng Blackwood at Santos family sa nasabing kasal. Nagdahilan na lang si Victoria na may sakit ang binata, upang hindi sila mapahiya sa kanilang bisita. Masayang nagkukwentuhan ang mga ito. Mukhang sa kanilang pag-uusap ay mababakas sa kanilang mga ngiti ang excitement.

Ethan Blackwood

Matapos ng date namin ni Ava, nakaramdam ako ng awa sa kanya. Siguro nga ay naguguluhan ito sa aming relasyon. Nais ko na talaga siyang ipakita kina Mommy at Daddy, para naman hindi na nila ako pakialam pa. Ipapaalam ko na may asawa na ako. Pero alam kong hindi yun magiging madali. Kailangan ko pa rin siyang igalang kung ano ang naging desisyon niya.

Hinatid ko si Ava malayo sa bahay nila. Mukhang sa tingin ko, sa kanyang itsura ay ayaw nitong magpunta ako sa kanila. Para bang may gusto siyang itago sa 'kin. Nag-isip tuloy ako sa kanya ng kung ano-ano.

"Salamat," saad ni Ava at sabay lakad palayo mula sa kanyang kotse.

"Hmmm. Welcome," tipid kong tugon.

Matapos ko siyang ihatid ay dumiretso ako sa meeting. May mga pagbabago kasi sa aming produkto. Naging matumal kasi ito ngayon. Baka hindi naging successful ang pag-endorsed nila sa mga produkto na inilalabas sa ibang bansa.

Si Daddy ay matanda na para mag-asikaso pa ng kumpanya. Baka sa susunod na araw ay ako na ang magpatakbo ng aming business. Sa financial, ay trillions ang kailangan upang mabawi ang pagkalugi ng kumpanya. Kung kaya't inasikaso ko 'yong mga taong nais tumulong na ipagpatuloy ko ulit ang business.

Nakipag-usap ako sa mga entrepreneur, upang mahikayat ko silang mag-shares sa business. Mahirap maging CEO sa hinaharap, at nakita ko iyon kay Daddy. Naging mabuti naman siyang lider sa bansang ito.

Magtatayo rin ako ng bagong pangalan sa aming produkto. Nagkaroon kami ng agreement na palitan ang pangalan ng business ni Daddy na "Ethan's Innovation". Sumang-ayon ang lahat at nagkomento na maganda raw ang bagong name logo na aking naisip.

Kulang pa rin ang pera upang itayo ulit ang kumpanya. Malaki talagang pera ang nawala at kailangan bumalik ito ngayong 2026.

Nakaramdam ako ng pagod, kung kaya't nagmadali akong umuwi sa mansyon at hindi sa sarili kong villa. Kailangan ko kasing umuwi doon upang makausap si Daddy, kaso wala siya ng ako ay dumating. Ang tumambad sa akin ay si Mommy na tuwang-tuwa nang makita ako. Sinabi pa nito sa akin na darating si Sophia, ang pinagkasundo sa akin ng mga magulang ko.

Sa aking palagay, malapit na kaming ikasal, kung kaya't naririto na ang kanyang pamilya. Siguradong mangungulit na naman sa akin ang babaeng maldita. May ugaling taglay si Sophia dati pa man. Kababata ko siya, kaya kilalang-kilala ko siya. At kahit anong pilit nitong sumunod-sunod sa akin, ay hindi ko siya magawang mahalin.

Nagpasya ang mga magulang ni Sophia na doon ito pag-aralin sa Canada, at sa tamang oras ay babalik sila kung malapit na ang aming kasal. Para masunod na ang kagustuhan nila Mommy at Daddy na ako na ang humawak sa kumpanya kasama ang mapapangasawa ko.

Nawalan ako ng gana sa ngayon na makipag-usap kay Mommy, sa dahilan ng pagsasabi nito na dumating na si Sophia. Walang bakas sa aking mukha ng anumang excitement. Hanggang sa ngayon, hindi ko lubos na maunawaan kung bakit sila pa rin ang nagpasya sa aking buhay. Ayoko ng ganito. Magpakatotoo ako sa aking sarili na hindi ko kailangan na magpasakop pa sa kanilang kagustuhan.

Ako mismo ang kakausap kay Sophia na hindi ko siya kayang pakasalan. Hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kaya gagawa talaga ako ng paraan upang masabi sa kanila na kasal na ako sa isang babaeng guro. Sa tamang pagkakataon ko 'yon sasabihin.

Flashbacks on crime scenes

Ang pamilyang Blackwood, si Victoria at Rodolfo, ang mga magulang ni Ethan na nagawang patahimikin ang ama ni Ava na si Joaquin Morales. Manggagawa ito sa kumpanyang pinapatakbo ni Ethan ngayon. Dahil noon ay may malaking pagkakautang si Joaquin sa pamilyang Blackwood dahil sa illegal na sugalan na pinapatakbo ni Don Rodolfo Blackwood.

Sapilitan kasing pinasusugal ang manggagawa nito kahit labag sa kanyang loob. Kung hindi, ay mawawalan sila ng trabaho. Kailangan pa naman ni Joaquin ng trabaho. Kaya tumataya rin ito ng pera sa sugal hanggang sa nagkabaon-baon sa utang ito.

Nang hindi magawang bayaran ni Joaquin ang utang, ay pinatanggal siya ni Don Rodolfo sa trabaho. At hindi pa rin makuntento si Don Rodolfo, ay kapag hindi makabayad si Joaquin, ay papatayin nito ang pamilya niya.

Sa takot ni Joaquin, ay binalak nitong magsumbong sa pulis ng mga oras na iyon, upang sabihin ang lahat ng illegal na trabaho ni Don Rodolfo at Donya Victoria. Bata pa lang si Ethan nang mangyari ang krimen na ito.

Iniutos ng mga magulang ni Ethan na patahimikin ang ama ni Ava. Nagtagumpay ang mag-asawang Blackwood na mamatay ito. Pinalabas nila na nagpakamatay ito dahil sa mabigat na problema.

Si Reporter Rachel ang nakakaalam ng baho nila Don Rodolfo at Donya Victoria, na itinago ng mahabang taon... Hanggang sa hinaharap ay wala pa ring hustisya ang pagkamatay ni Joaquin.

Hanggang kailan maitatago ang lihim na ito? Alam ng pamilyang Morales na may kinalaman ang pamilyang Blackwood sa pagkamatay ni Joaquin? ngunit wala silang ebidensya.

Kaya 't si Ava ay pumasok sa buhay ni Ethan upang malaman ang katotohanan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mysterious Marriage    kabanata 11- Pagbabalik

    Ethan Blackwood: "Sa oras na ito, kasama ko si Sophia. Ilan linggo rin kaming nag karoon ng time para sa isa't-isa. Makulit talaga itong babae na 'to. Tingin ko ay inaabuso niya na ako, dahil sa akala niya ay matutunan ko siyang mahalin. May dahilan ako kung bakit gusto kong makipag-date sa kanya. Ayoko na pagdudahan kaming dalawa ni Ava. Kung hindi ako papayag, ay siguradong mapahamak si Ava.Nawalan ako ng ganang makipag-usap sa kanya. Sa tuwing naglalakad rin kami sa may park at panay selfie nito kahit saan. Hindi si Sophia nahihiya. Napipilitan rin akong kumuha ng picture kasama siya. Ang sweet natin, pero hindi naman. Akala niya siguro ay magkakagusto ako sa kanya.Nasa coffee shop kaming dalawa upang magkape. 'Akala ko pa naman ay doon tayo sa mamahaling restaurant, like sa Japanese Restaurant?' Mukhang sa tinig niya ay nagrereklamo ito sa akin. 'I love coming here, Sophia. If you don't want to be here, you're free to leave,' pagsusungit ko sa kanya.Ngumuso ito sa harapan ko a

  • Mysterious Marriage    Kabanata 10- Muling Pagkikita

    Ava MoralesPanibagong Umaga. Mabilis akong nagtungo sa kusina upang magluto ng breakfast namin tatlo. "Nakatulog si Mommy ng mahimbing ahh," bulong ko. Tumingin muna ako sa cellphone ko upang tingnan kung anong oras pa lang. Ganap ng ala-singko. Kung kaya ‘y maaga pa naman. Hindi pa naman ako late nito. Naghanda ako ng mga rekado sa lamesa upang gayatin sa maliit. Ang menu na aking lulutuin sa ngayon ay ginataang alimasag. Paborito ni Mommy ang ganitong ulam. Ako naman ang maagang nagising kaya nag-isip akong magluto. Minsan ko lang gawin ang maghanda ng pagkain. Kadalasan si Mommy ang nagluluto.Sabi ko sa kanya. "Mommy, ako naman ang magluto. Minsan lang akong makasama nyo ni Leo at makasabay kumain." isip ko. "H'wag na anak, ako na lang. Pagod ka na nga galing sa pagtuturo. Ikaw pa ang magluluto? Pakainin na nga kami ng kapatid mo," seryosong wika nito sa 'kin. "Mommy... natural lang na bumawi ako sa inyo. Hindi ako makakarating bilang guro, kung hindi nyo ako pinagsikapan makatap

  • Mysterious Marriage    Kabanata 9- Sa Likod ng Kapangyarihan

    Victoria Blackwood Gusto kong maikasal ang anak kong si Ethan sa babae na pwedeng makatulong sa kumpanya, upang mas maging malakas at matatag pa 'to. Ang aking asawang si Rodolfo Blackwood ay maedad na kumpara sa 'kin. Nasa pitumpu taong gulang na siya, at ako naman ay nasa singkwenta taong gulang. Pero hindi sa akin halata na gurang na ako. Dahil hindi ako pabaya sa aking sarili. May pagka-Donya talaga ang datingan. Sinasabi nga ng mga kaibigan ko sa 'kin na hindi raw halata sa akin na may edad na ako. Napakasaya ko kapag pinupuri nila ako. "Mas maganda nga talaga ako sa inyo. Mas masalapi at mas makapangyarihan sa inyo, mga Sissy!" tugon ko sa kanilang sinabi. Maprangka akong matanda. Hindi basta-basta naniniwala at matapang. Lahat kaya kong sirain, pati relasyon na pinagbuklod na. Bata pa lang ang anak kong si Ethan ay pinagkasundo na namin siya sa nag-iisang anak ng Santos na babae. Walang kaideya-ideya ang anak ko sa ganitong sistema... Gusto kong mapangasawa niya ay may kapan

  • Mysterious Marriage    Kabanata 8- Komplikasyon na Sitwasyon

    Ethan Blackwood Tahimik akong nakaupo sa swivel chair sa aking office at nag-iisip sa ngayon tungkol sa aming relasyon ni Ava. Napansin ko siya kahapon na parang hindi siya komportableng kasama ako. Nainis rin ako sa kan'ya sapagkat hindi niya ako pinapapunta sa mismong malapit sa kanila. Nagtataka lang ako kung bakit ganoong na lang ang takot niya kung sakaling magparada ako ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. Lunch time na at ganap ng 12pm ng hapon. Nag-utos ako sa isa kong katiwalang staff sa office, na dalhan ako ng pagkain. Nakaramdam na kasi ako ng gutom. Mabilis naman akong hinatiran ng kanin at ulam. Paborito ko itong adobong manok na halos mag mantika sa toyo. Sumubo ako ng tatlong kutsara na may kanin. Napatigil ako sandali nang marinig ko na naman ang boses ni Sophia na galit na galit. Nawalan tuloy na naman ako ng ganang kumain. "Ethan. Sino siya?" tanong nito sa akin na kinalaki ng mga mata ko. Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot. "Alin?" "I can't you under

  • Mysterious Marriage    Kabanata 7- Alalahanin

    Ava Morales Nagulat na lang ako nang makita kong pumasok si Ethan sa classroom. Hindi ko alam kung bakit niya alam kung saan ako nagtuturo, baka sinabi ng kaibigan kong si Lea, isang guro. Wala rin sa kanya maitatago. Lahat ay alam nito tungkol sa akin, sa sikretong kasal namin ni Ethan. Matagal na rin kaming magkaibigan. Nagpasya kaming dalawa na dito kami mag-apply ng trabaho sa St. Justina Elementary School. Noon college pa lang kaming dalawa ay pangarap na namin makapagturo dito sa mga bata. Alam namin na nagkukulang dito sa mga guro, kung kaya'y mabilis rin kaming dalawa natanggap sa eskwelahang 'to. Wala kaming nasayang na opportunity sa oras na iyon. Sa malayong pwesto ay nakita ko nga si Lea na halos kiligin sa amin ni Ethan at kumindat-kindat pa ang mga mata nito na may halong pang-iinis. Tumingin ako sa kanya na may kahulugan. Gusto kong sabihin sa kanya ngayon na dapat hindi niya na itinuro pa kay Ethan kung saan ako ngayon. Wala na akong magawa pa. Nandito na ito, nasa

  • Mysterious Marriage    Kabanata 6-Lihim na Pagkikita

    Naramdaman ni Sophia na wala talagang interes sa kanya si Ethan. Nainis siya sa binatang iyon sapagkat hanggang kailan kaya siya matutunan mahalin nito. Malapit na silang ikasal ni Ethan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang buksan nito ang puso para sa kanya."Hindi ako susuko!" bulong ni Sophia habang nakasimangot.Isang linggo na rin ang lumipas nang makauwi sila ng kaniyang pamilya dito sa Pilipinas galing sa Canada, at sa araw-araw na gigising siya ay ang laging inaatupag niya ay kung paano siya magugustuhan ni Ethan. Nagpapaganda siya at dinadalhan niya si Ethan ng breakfast, lunch, at snacks. At kung may mga female staffs na pupunta kay Ethan upang magdala ng kape at sandwich, ay siya ang kukuha nito upang dalhin kay Ethan.Wala nang iniisip pa si Sophia na ibang gagawin, kundi ang ginagawa niyang priority ay si Ethan. Kahit hindi pa sila kasal nito, ay parang pinagsisilbihan ni Sophia si Ethan na katulad ng tunay na asawa. Naiinis na sa kanya si Ethan, nahahalata ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status