Ang ina ni Ethan, si Victoria Blackwood, ay abalang-abala sa pagpapaganda sa kanilang malapalasyong mansyon bilang paghahanda sa mga bisitang darating. Ang mga bisitang iyon ay ang mga ka-negosyante ng pamilyang Blackwood, ang Santos family. Si Sophia Santos ay nakatakdang ikasal kay Ethan.Nakita ni Victoria si Ethan na paakyat sa hagdanan, tsaka mabilis itong lumapit sa anak upang pigilan iyon sa pagtuloy sa kwarto nito."Oh, Son. Darating pala si Sophia, my future manugang," ngiti nito habang hawak ang braso ng anak. Mukhang nilalambing nito si Ethan. Sa itsura pa lang ng ngiti ni Victoria ay mababakas talaga dito na gustong-gusto nito para sa anak si Sophia."Hmmmh. Pagod ako, Mommy. Kagagaling ko lang sa meeting. Nasaan pala si Daddy? pakisabi, Mommy, natapos ko na 'yung mga documents na ma-i-submit sa mga mag-shares ng kanilang pera," malalim na boses ni Ethan habang nakatayo silang mag-ina.Pinipilit ni Victoria na hikayatin maupo ang binata, ngunit ayaw talaga nito. Hindi tumu
Terakhir Diperbarui : 2026-01-21 Baca selengkapnya